Chapter Fifty One

 TENSYONADO si Kiefer habang pinapanood niya si Shamcey na nakaupo malapit sa pool. Hinanap niya ito sa buong mansyon. Akala niya ay umalis na ito.

Natagpuan niya ang dalaga na malalim ang iniisip. Nakatulala sa nag-iibang kulay na tubig ng pool dahil sa ilaw na nanggagaling sa ilalim.

Inipon muna niya ang lakas ng loob bago ito lapitan. Alam niyang naramdaman na nito ang presensya niya. Nakita niya ang paninigas ng katawan nito, narinig ang mabigat na pagsinghap.

Umupo siya sa tabi nito, at parang mas lalong nanigas ang katawan nito. Parang gusto pa mapatalon. Naningkit ang mata ni Kiefer. "Di naman kita kakagatin."

Inirapan siya nito, masama pa rin ang tingin sa kanya. Nilunok niya ang tensyon.

"I'm sorry I lied." panimula ni Kiefer. "Pero totoo 'yung dinahilan ko sa 'yo noong di ako natuloy sa dinner kasama ang mama mo. May naging problema sa stocks na kinailangan ang desisyon ko. Kinailangan ko bumalik kahit gusto ko na mameet ang mama mo. Di ako nagsinungaling, babe."

"Eh, ano ang tinutukoy mo na nagsinungaling ka? 'Yong may ibang babae ka?"

He nodded. Napaawang ang labi nito, kasabay ng pagbakas ng sakit sa mukha.

"No its not what you think, baby." maagap na nagpaliwanag siya. Madaling iniiwas nito ang mukha sa kanya. "Wala akong ibang babae."

"Nanggaling na sa bibig mo."

"I'm talking about what saw last night."

Matalim na tinititigan siya nito. Parang gusto siyang hatiin sa dalawa ng tingin nito. "Ano itatanggi mo ba?"

"Hindi."

"See?"

"Pero wala kaming relasyon. Walang malisya ang nakita mo. I'm not fucking her. She's just an old friend, Shamcey."

"Tingin mo ba hindi ko pa naririnig 'yang linya na 'yan?"

Napakunot-noo si Kiefer. "Sabi mo ako ang una mo." may pang-aakusa sa boses niya.

"Oo, ikaw ang first boyfriend ko. Pero may TV kami!" Padabog itong tumayo mula sa kinauupuan. Sinundan niya ito.

"Akala mo sa aming mga babae, tanga? Kapag niloko, hindi mararamdaman?"

"Eh, hindi nga kita niloko."

She hissed. "Siya pa talaga ang nag-drive ng kotse mo para maghotel kayo. Anong ginawa nyo doon? Nag-jack en poy?"

"Nag-usap?"

"After ng sex?"

"Hindi kami nag-sex!"

Nanghuhusgang pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sa libog mong 'yan?"

Napasinghap siya, at tinalikuran siya nito. Naiiritang hinagip niya ang braso nito at ipinihit paharap sa kanya. "And now you're being judgmental here, young lady."

"Hindi ba totoo?" nanunuyang sagot nito. Napakurap siya, parang may talim sa mga salita ng dalaga. Natagpuan niya ang sariling humihigpit ang hawak sa braso nito. Tinangka nitong bawiin iyon sa kanya.

"Ano ba, Kiefer! Nasasaktan ako!"

"Iniisip mo talagang niloloko kita? Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin, Shamcey?"

"Bitawan mo ako!"

Mas lalong humigpit ang hawak niya dito. Natatakot na pag nakawala ito sa hawak niya, makakawala na ito sa buhay niya. He doesn't want to let her go.

Parang ang nakaraan niya.. Di niya magawang paalpasin.

His jaw clenched. "Iyon pa lang ang nakita mo, nawalan ka na agad ng tiwala? Hindi mo man lang ba aalamin kung sino 'yon? Kung ano talagang ginawa ko?"

She only glared at him.

"I'm trying to let go of my past, Shamcey. I'm trying to be a better man for you. Alam ko, wala kang tiwala sa mga lalaki. Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyari sa inyo, but I feel sorry for you and your mother--"

"Hindi ko kailangan ang awa mo." galit na sabi nito, nagtutubig ang mata. "Hindi ko hinihingi ang simpatya mo, Kiefer. Kaya wag mo ibahin ang usapan."

"But this is still about your father, right? Kaya nadadamay ako sa kawalan mo ng tiwala."

"Wag mo gamitin ang personal issue ko para lang pagtakpan ang issue nating dalawa." Tumulo ang luha nito sa pisngi. Nakita niya sa mga mata nito ang dilim ng nakaraan nito. And in one moment, he felt like he saw himself in her. Nasalamin niya ang sakit na naramdaman niya.

Wala pa itong alam.. At hindi pa rin siya handang buksan iyon sa dalaga. Alam niya, dapat sabihin na niya dito ang totoo.

Pero natatakot si Kiefer. Nangangamba siya na kapag binuksan niya ang sarili dito, mawala ito ng tuluyan sa kanya. Kapag sinabi na niya dito ang totoo, baka tumakbo na ito palayo. May sarili din siyang issue na kinakaharap ngayon. Hindi siya handang ipagtapat iyon. Kailangan niyang sarilinin muna iyon pansamantala.

Malungkot na ngumiti si Kiefer. "I know, baby.. But believe me, hindi kita lolokohin. Kung nahulog ako sa ibang babae, ikaw ang unang makakaalam noon. Dahil ayaw kitang masaktan. Pero hindi mangyayari iyon dahil wala akong plano na tumingin pa sa iba. Ikaw lang, Shamcey. Ikaw lang."

Humihikbi na nag-iwas ito ng mata. Nagtatalo ang emosyon sa mukha nito. Nakikita niya na gusto nitong paniwalaan ang mga sinasabi niya. Pero nananaig ang pagdududa sa mga tingin nito.

"I love you. But you can't trust me."

At hindi niya ito masisisi. Narinig niya ang kwento nito tungkol sa ama na umabandona dito. Narinig niya ang sakit sa boses nito at hanggang ngayon dala pa rin ng dalaga ang mga hinanakit nito. Naiintindihan niya ang pakiramdam kapag ang lahat ng tiwala ay naging abo na lang.

Naiintindihan niya ang pakiramdam kapag may isang tao kang minahal at pinagkatiwalaan, pagkatapos ay sisirain lang 'yon.

Pinakawalan niya ang braso nito. Matagal na katihimikan ang namayani sa kanilang dalawa.

"Isang tanong at sagot lang, Kiefer."

Tumingin siya sa dalaga.

"Sino siya?" marahang tanong nito. "Yong babaeng kasama mo. Di ako naniniwalang wala lang siya sa 'yo. Nararamdaman kong may dahilan bakit kayo magkasama."

"Do you want the truth?"

Tumango ito. Sinalubong niya ang mga mata ng dalaga.

"She's my ex."

---

"EH, kung ex lang pala, ano issue mo doon? Shokot ka no? Baka may exes baggage pa."

Inirapan niya si Marsh. Kasama niya ngayon ito na nag-iikot sa mall. Day-off niya at wala siyang balak na makipagkita kay Kiefer ngayon. Kinabukasan rin pagkatapos nila mag-usap nakipag-cool off siya.

"Saka, teh, ano ka ba? Bakit may pag-cool off?"

"Masama ba?"

"It's bad decision, girl! Parang binigyan mo ng chance si Kiefer na maging single muna. Paano nga pag bumalik sa ex?"

Nagsikip ang dibdib ni Shamcey. She ignored the feeling.

"Alam mo ang nega mo d'yan. Pwede ba wag mo na ipaalala?"

"Saksakin kaya kita sa lungs? Ikaw ang nega d'yan. Ikaw lang naman ang unang nag-isip ng mali, nanghusga tapos nakipag-cool off pa. As a girlfriend, dapat naiintindihan mo rin na may past. Bilang ikaw 'yong present."

Tumaas ang kilay niya. "So, dahil ako 'yong present. Dapat tanggapin ko si past?"

"Girl, kung walang past.. Walang present."

"Pero sa relasyon, nawawalan ng halaga si present kapag nandyan na si past."

"Ang lalim ng hugot." sabi nito sa kanya. "Ang akin lang naman, si present ang nagtatama ng mali na ginawa ni past. So, dahil ikaw ang present, maaaring ikaw 'yong mas okay na version ni past.. Siguro nga feeling mo meron pa rin na feelings si kuyeng mo kay ex.. Pero ikaw ang nakita niya, eh. Ikaw na yong bago na magpapawi ng mga alaala ni past.."

"Nahiya ka pang sabihin." Lumingon siya sa kaibigan. "Oo na, rebound. 'Yun 'yon."

"Ay, may sinabi ba akong ganon? Ang nega mo teh! Wag mo kasi dalhin masyado sa dibdib mo 'yong ideya na ganoon. Kaya mas lalong lumalaki 'yan. Kaya siguro lumalaki muscles ni Kiefer no? Di na kailangan ng gym pag kasama ka."

"Hindi dumbbells ang susu ko."

Ang lakas ng tawa nito. Nauna siyang naglakad dito. Inihakbang niya ang three-inch black shoes papasok sa isang boutique. Kumislap ang mga mata niya nang makita ang mga naggagandahang sapatos. Kailangan niya pa ng isa para sa opening ng Helios.

Nilapitan niya ang isang kulay pink glitter na seven-inch high heels.

"Wow. Gusto ko nito, o!" sabi niya kay Marsh at dinala sa kamay ang sapatos. "What do you think?"

Ngumuso ito pagkatapos ay umiling. "Wiz ko bet."

"Seryoso? Maganda naman siya."

"Seryoso ka, Shamcey? Pink? Masyadong pang-teen ang kulay. Doon tayo, oh. May mas maganda pa." Binitawan niya iyon at ibinalik sa dating pwesto. Hinila siya nito at nakita nila ang isang party queen rose gold heels.

Lumapad ang ngiti niya.

"Eto, maganda!"

Tumango siya at hinawakan iyon. "Wow, oo nga no? Mas maganda nga ito..."

Hawak na niya iyon nang maramdaman niya na hindi lang siya ang may hawak niyon. Napa-angat ang tingin niya sa isang babae.. Magandang babae. Papasang brand endorser ng isang cosmetic line sa ganda ng pagkakaarko ng kilay at ganda ng labi.

Umarko ang perpektong kilay nito sa kanya. "Excuse me?" maarteng sabi nito, nang-iintimidate ang tingin.

Napakunot-noo si Shamcey na tiningnan ang babae. May kumislap na pamilyaridad sa kanya.

Umangat pa lalo ang kilay nito at hinigit sa kanya ang high heels. Hindi niya iyon pinakawalan. Hinigit niya iyon pabalik sa kanya.

"Excuse me rin, Miss. Pero hindi mo ba nakitang hawak na ng kaibigan ko 'yan bago mo pa mahawakan?" sabat ni Marsh nang makita ang paghihigitan nila ng babae sa sapatos na pareho nilang hawak.

"Baklang ulikba, wag ka makialam." Napasinghap silang magkaibigan.

"At para sabihin ko sa inyo, mas nauna 'kong dinampot 'to kesa sa kaibigan mo.."

"Wag mo tawagin ang kaibigan ko na ganon."

"Na bakla?"

"Ulikba." mariing sabi niya at masamang tinitigan ang babae. Ganoon din ang ginawa nito sa kanya. Pagkatapos ay napangisi.

"Okay, that was so rude of me." Tumingin ito kay Marsh. "Sorry!"

Nakakunot-noo lang si Marsh dito at parang nang-uusisa ang mata. The woman looked familiar. Hindi niya alam kung saan ito nakasalubong.

"And for you, girl, mas nauna ko talaga nakita ko. Nahawakan ko na kanina, pero binalikan ko ngayon. So, nauna tong naging akin.. Kaya akin na 'to."

Marahas na hinigit nito ang sapatos mula sa kanya. Wala siyang nagawa kundi bitawan iyon nang makita niyang papalapit ang isang sales lady. Baka kapag nakipag-agawan pa siya ay mapaaway lang siya o di kaya magkaroon ng damage ang sapatos.

"E, di sa 'yo."

"Right.. Buti alam mo. Parang sa lalaki lang 'yan.. Pag natikman na ng ibang babae, wag mo na angkinin. Hayaan mong bumalik sa tunay na may-ari." makahulugang sabi nito. Maarteng nginitian siya nito bago tumalikod.

Pinanood niya itong lumapit sa counter. "Aba, ang arte ng impaktang 'yon, ah. Kung maka-baklang ulikba? Sabunutan ko kaya sya sa keps niya? Kala mo kung sinong maganda!"

"Maganda naman talaga," bulong niya. Pagkatapos ay binawi ang tingin mula sa babae.

"O e di siya na maganda!"

She sighed and forced a smile. "Hayaan mo na. Maghanap na lang tayo ng iba. May mas maganda naman siguro tayong makikita."

"Pero sa sunod huwag mong hahayaan na ganun ang gawin sa 'yo. Wag mong hayaan na maagawan ka. Ikaw naman ang unang nakahawak doon sa sapatos at siya ang nang-agaw."

"Nauna nga daw siya. Binalikan lang niya."

"Ayun na nga, eh. Dapat sa unang hawak pa lang niya, kinuha na niya. Hindi 'yong may iba nang kumuha, saka niya kukunin ulit."

Mahina siyang bumuga ng hangin. "Let's go."

"Bruha siya!" Nanggigil na sabi ni Marsh at kulang na lang ay lapitan ang babae at sabunutan.

"Wala naman 'yon sa akin. Tara na nga." Hinila na niya ang kaibigan palabas ng boutique. Pero bago siya tuluyang lumabas, lumingon siya sa babae.

"May nakakamukha 'yong bruha pero di ko maalala kung sino. Naiinis ako, eh." sabi ni Marsh.

---to be continued..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top