Chapter Fifty Four
"KUNG tingin mo mapapaamo mo ako dahil ipinamili mo na naman ako ng kung ano-ano.. didiretsahin na kita, Kiefer. Hindi." matigas na sabi niya. Pero di niya maiwasan na lihim na magdiwang sa effort nito. Hindi naman siya nagdemand ng kung ano ano dito.
"Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Sapat na sa akin na mapangiti kita."
Ang bilis lang ng oras kapag ito ang kasama niya. Hindi rin nila namalayan na pagabi na. Ang dami nilang pinamili. Katatapos lang nila kumain sa japanese restaurant at ngayon pauwi na sila.
"Naku, mag-book na lang pala ako ng taxi. Baka hinahanap na ako ni Mama." sabi niya kay Kiefer at kinuha ang cellphone sa bag.
"Bakit ka naman niya hahanapin? Nagsabi na ako kay Tita Sasha na hindi kasama kita ngayon hanggang bukas."
"Nagsabi ka?" nagulat siya. Pero mas nagulat siya sa huling sinabi nito. "At anong hanggang bukas? Hoy, hindi ako sasama sa 'yo sa haunted house mo noh!"
"Haunted house?"
"Oo, haunted house. Dahil pag dinadala mo ako doon, kung ano anong kababalaghan ginagawa natin. Kaya big no. Uuwi ako." at nag-umpisa na siyang mag-book ng taxi. Inagaw nito ang cellphone niya.
"Wala. Naipagpaalam na kita. Akin ka na."
"Hoy! Akin na 'yan!"
"Cellphone ba 'to?"
"Ay, laitan ba 'to ng phone? Alam kong mumurahin lang 'yan. Wag ka ngang ano dyan!"
"Grabe, nag-e-exis pat ba ang unit na 'to?"
"Oo, para sa mga poor na tulad ko. Rinig mo 'yun? Mahirap. Hampaslupa. Magandang hamog." Tumawa ito. "Bwisit ka, akin na nga 'yan!"
Pilit niyang inaabot dito ang cellphone niyang nilalait-lait nito.
"Your cellphone is a garbage." Nakakalokong ngumisi ito. "Tapon na natin."
Parang may kirot sa dibdib siyang naramdaman dahil sa sinabi nito. May karapatan ba ito para sabihin iyon? Wala. Alam niya kaya nito bumili kahit anong gustuhin nito. Pero hindi siya tulad nito na may malaking bank account. Pili lang 'yong mga bagay na afford niya. At dahil kailangan niya maging praktikal, mas pinipili niya 'yong mga pangangailangan niya kesa sa mga kagustuhan niya.
"Fine." pagsuko niya. "E di itapon mo kung gusto mo."
Natigilan si Kiefer nang mapansin ang mukha niya.
Nangilid ang luha sa mata niya. "Dyan ka magaling eh. Porke nakakabili ka ng mga gusto mo, tingin mo may lisensya ka na rin magsalita ng ganyan." Binitawan niya ang shopping bags na dala. "Salamat nga pala dito. Pero mas gugustuhin ko pa magsuot ng basura kesa sa binili ng pera mo."
Nag-walk out siya dito.
"Hey, hey!" Hinabol siya ni Kiefer. Papasok na ulit siya sa mall. Pinigilan siya nito sa braso. "I'm just kidding. Nainsulto ka? I'm sorry, that's not my intention."
"Pwes isipin mo na nakakasakit ka!" asik niya sa lalaki. "Basura ba? Kung ikaw kaya ang itapon ko?"
"Wala namang ganon." Niyakap siya nito pagkatapos ay ibinaba ang mukha sa kanya. Nakakatunaw ng inis ang titig nito. "That's just a joke, baby.. I'm sorry, okay?"
"Uulitin mo pa?"
"Hindi na." Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan. "Promise."
And with that, nadala ulit siya ng kanyang karupukan. Wala na yata siyang pag-asa. She's really into him. Magalit man siya sa binata ng ilang beses, matatagpuan pa rin niya ang sarili na kasama ito at hindi gugustuhin na mawala sa tabi nito.
--
"KIEFER, stop.."
"What?"
"Stop spoiling me like this." sabi niya dito habang nakatitig sa salamin. "Bakit ba may paganito ka pa?" Nakatingin siya sa necklace na binili nito para sa kanya. Nagulat na lang siya na may isang set ng jewelry na nakahanda ito para sa kanya.
"Why? Masama kung bigyan kita ng mga bagay na kaya ko naman bilhin para sa 'yo?" Tinitigan siya nito mula sa repleksyon nila sa salamin. Napakagwapo ni Kiefer sa suot nitong three-piece suit. Sigurado siya maraming kababaihan na naman ang mahuhumaling dito sa charity event na pupuntahan nila.
"You're treating me like some sort of kept woman." sabi niya habang marahang kinakagat ang ibabang-labi. She was wearing a black evening dress with a high slit. Hinayaan niyang nakalugay ang alon-alon na buhok niya.
"Hey, don't say that."
"Masama ba 'yon, Kiefer?"
"Ang alin?"
"Ang isipin ko na parang.. parang di tunay 'to."
Nagsalubong ang kilay ng binata. "What are you saying?"
"Iniisip ko kasi parang masyadong naging agresibo tayo sa relasyon na 'to. That this relationship is just about lust.. Kaya feeling ko parang isa lang ako sa babae na dumaan sa buhay. Parang fling-fling lang. Or worst, parang kabet lang." Nakita niya ang tensyong dumaan sa panga nito. Nakatiim-bagang ito at tila tumingkad ang kulay brown sa mga mata nito.
Nanginig ang labi niya at nagpakawala siya ng mahinang tawa para bawasan ang tensyon.
"Why would you say that?"
Nagkibit-balikat si Shamcey. Hindi rin niya talaga alam. Pero tingin niya, alam naman niya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Ayaw lang niya aminin sa sarili na insecure siya.
Yes, maybe that's the real reason. Hanggang ngayon iniisip niya na hindi rin magla-last ang relasyon nila ng lalaki. Matutuldukan din iyon dahil maaaring hindi siyang maging sapat para dito. Maraming babae na malaki ang chance na makakuha pa ng atensyon nito. At kinatatakutan niya na dumating ang panahon na 'yon.
Hindi sapat sa kanya ang mga materyal na bagay na kayang ibigay ni Kiefer. She want something more from him. 'Yong higit pa sa pakiramdam ng mainit na halik nito sa labi niya. Higit pa sa init na pinagsasaluhan nila..
Gusto niya ng mas malalim na commitment. Masama ba kung hihilingin niya dito na maging panghabambuhay na lang itong relasyon nila? She want assurance. She wants his surname on her last name.. Maibibigay kaya nito iyon sa kanya pagdating ng panahon na sakaling.. hingin niya?
Napalunok siya. Nakaramdam ng tila pananakal sa lalamunan niya. Umahon ang samu't saring pakiramdam na hindi dapat niya maramdaman. Ngunit di rin nagtagal ay parang unti unti 'yong napawi nang maramdaman ang pagyakap ni Kiefer sa kanya mula likuran.
"You're the only woman in my life now, babe.. You're not my kept woman. But you are mine." Hinalikan nito ang puno ng tenga niya. Bumaba ang labi nito sa leeg niya, ang mata ay nakapako pa rin sa repleksyon niya. Parang ice cream na unti-unting natutunaw sa init ang pakiramdam niya nang sandaling 'yon.
"Bakit ganoon ang mararamdaman mo tungkol sa atin?"
"M-Masama ba?"
"There's no reason for you to be insecure. You're the most beautiful, the most caring.. Thoughtful.. Kind woman I have ever met."
"Kind? Maniniwala na sana ako sa sa 'yo kaso puro magaganda ang sinabi mo sa akin."
"Bakit? Gusto mo marinig 'yung mga pangit?" Pinihit siya nito paharap. "Walang pangit sa 'yo, babe."
Ngumuso siya. He let out a chuckle. "At kung meron man, hindi ko nakikita 'yon dahil matatanggap ko agad 'yon.. Why? Because it's you. You're everything that I need to make me forget bad things, to make my heart happy everytime. You're all I need, Shamcey." Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya habang madamdaming tinititigan ang bawat sulok ng mukha niya.
"Need?"
"Yes, baby. I just don't want you.. I need you." Inilapat nito ang noo sa noo niya. "You're like air that I need to continue breathing.."
Nahigit niya ang hininga. Parang mauubusan siya ng hangin sa mga emosyong nakapalibot sa mukha nito. She could feel every letter in his words. Tumatagos ang bawat salitang 'yon sa kanya. Sapat na upang magbigay sa kanya ng dahilan para huwag makadama ng lungkot at insecurity.
"Nag-aalangan ka pa rin ba sa akin? Naghihinala? Tungkol pa rin ba ito sa nakita mong kasama kong babae? I told you she was just my ex.."
"Hindi na ako naghihinala. Pero gusto ko lang maramdaman na mahal mo talaga ako."
"I love you.."
Napangiti siya. Sapat na sa kanya ang unang mga sinabi nito, sapat na sa kanya na malaman na iyon ang nararamdaman nito sa kanya. Mas higit pa ang sarap sa pakiramdam ng unang sinabi nito kesa sa tatlong letra na kakalabas lang sa bibig nito.
"I love you so so much, Miss Escudero." Pagkatapos ay mabilis na inangkin nito ang labi niya. Ipinaramdam sa kanya gamit ang init ng labi nito kung gaano siya kamahal. He kissed her so passionately that she forget how to breath without him. Alam niya mula ngayon mas lalo pa niya itong mamahalin.
Hinahawakan nito ang likod ng ulo niya at pinalalim ang halik.
Napahawak siya matigas na dibdib nito, at hindi sinasadyang napadausdos 'yon pababa.. She couldn't herself from touching the hard bulge in his pants.
Tangina, honloke. Hindi talaga niya sinasadya. Pero di rin niya mapigilan na ulitin. Is this stress ball?
Napabitaw sa kanya si Kiefer, nanlalaki ang mata na tumingin sa kanya. "Shamcey naman."
Nag-init ang pisngi niya. "Bakit?"
"Pag halik, halik lang. Wala namang manyakan!"
Pinigil niya ang matawa. Pilyang hinaplos ang bagay sa pagitan ng hita nito.
"Ayaw mo?" panunukso ng dalaga. Ang gwapo gwapo nito ngayon. At ang hirap lang pigilan ang sarili na ilayo ang sarili dito.
Mainit na bumuga ng hangin si Kiefer. Namumula ang mukha at parang naiinitan. Kinalas niya ang sinturon nito at lumuhod sa harap nito.
"Shamcey, I love you, baby.. But you know, this is some sort of harassment. I should call the police.."
Ibinitin niya ang pagbaba sa zipper nito, at kinindatan ito. "Okay. Madali naman akong kausap."
Pinigilan nito ang pagtayo niya.
"Well, harassment in that area will not be reported.. However, it will be graded."
Ang lakas ng naging tawa niya at tumayo na. "Sorry to disappoint you, babe. Pero teaser lang 'yon at hindi ko isasakripisyo ang make up ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top