Chapter Fifty Five

SINALUBONG sila ng isang pamilyar na gwapong lalaki pagdating nila sa pinagdadausan ng charity event. Masigla na nilapitan si Kiefer ng lalaki at niyakap. "I'm glad you didn't turned down my invitation, bro."

"That's impossible," gumanti ng ngiti si Kiefer. Lumipat ang tingin ng kausap nito sa kanya. "Oh. She must be your girl."

"Kier, let me introduce my girlfriend.. Shamcey."

"Lovely to meet you, Shamcey." Nabigla siya ng bigla nitong hawakan at kamay niya at yumuko para halikan 'yon. Nag-init ang pisngi niya sa gwapong lalaki.

"Brad, walang ganyan." Pinalis ni Kiefer ang kamay ng lalaking pinakilala nitong Kier. Natawa ang huli. Napakunot-noo siya habang tumitingin sa mukha ng dalawa. Magkatunog ang pangalan ng mga ito. Kier and Kiefer.

"Blood-related ba kayo sa isa't isa?" di niya napigilang tanong. Hindi naman kamukha ni Kiefer ang lalaki, but he's really familiar.

"Blood-related? No, but we're like brothers." sabi ni Kiefer at tumango ang lalaki. "Anyway, babe, this is Kier Alleje. I'm pretty sure nakikita mo na siya sa mga commercials at international ads before.."

"Ah! Oo!" Biglang may umilaw sa isip ni Shamcey. Kaya pala ito pamilyar. "Binibida bida nga siya sa akin ni Marsh non. Akala ko kahawig lang niya. Bruce Venture ba screen name niya?"

"Bruce Venture?" halos magkasabay pa ang dalawa. Huli na para mapigilan niya ang sariling bibig.

"Sinong Bruce Venture?" tanong ni Kiefer.

"Miss, I'm pretty sure that's a different guy. Kier Alleje ang pangalan ko. Kahit sa TV."

Napapahiyang napatakip siya sa bibig. "Sorry. Medyo hawig mo.. But you definitely looked better. Mas gwapo ka nga."

"Sigurado 'yun. And you're stunner, too.." ngisi nito at pilyong kumindat.

"I'm still here." Tumikhim si Kiefer.

Nag-usap pa ng maikli ang dalawang lalaki. Nabanggit ni Kiefer na ang ina ni Kier Alleje ang founder ng charity event na 'yon para sa cancer. Parang gusto niyang manliit sa mga personalidad na nahahagip ng mata niya sa pagtitipon na 'yon.

Ang daming sikat na business moguls, politicians and celebrities ang nandoon. Ibang iba talaga ang mundong ginagalawan ni Kiefer sa ginagawalan niya noong hindi pa niya ito nakikilala. Hindi pa rin niya sukat akalain kung paanong nakuha pa niya ang atensyon nito kung ang dami namang mas magagandang babae at kasing level lang nito ang nakapaligid dito.

"Babe, are you okay?"

Hindi niya napansin na silang dalawa na lang ulit. Nagpaalam na si Kiefer sa kanila.

Namumutlang tumango siya. "Okay lang naman ako."

"Hey, you're looking pretty pale."

"Wala, naninibago lang ako. Grabe. Aaminin ko ngayon lang ako nakapunta sa ganito.. At nakakalula ang mga kilalang tao na nakikita ko ngayon."

He chuckled. "Don't be silly. Naapak din sa lupa ang mga 'yan, babe.."

Tiningnan niya ito. "Sa dinami-dami ng magagandang babaena nakapaligid sa 'yo, bakit ako pa?"

"Why not you? I believe we already discussed about that.. Gusto mo ba ng replay?" Pilyong ngumisi ito.

"Ayan ka na naman."

"Ayan ka rin. Don't ask me again why I chose you. Alam mo na ang isasagot ko." Pinatakan nito ng halik ang labi niya. "Wait, who's Bruce Venture again?"

Napangiti si Shamcey. "Jowa ng mga babaeng single.. Wag ka mag-alala, di ako naging kabilang noon. Good girl 'to. Si Marsh, hindi."

Napakunot-noo ito. Parang fini-figure out sa isip ang sinabi niya. Mas lalong lumawak ang ngisi niya. Sigurado siya wala itong kaide-ideya kung sino ang lalaking 'yon.

May ilan pang kakilala si Kiefer na lumapit sa kanila. Hindi niya maipaliwanag ang saya sa pakiramdam tuwing ipinapakilala siya ng binata sa mga kaibigan nito. Para bang proud na proud ito sa kanya.

"That's Peircer and Dathan. The two owner of Hunk Society." sabi nito sa kanya habang sinusundan nila ng tingin ang dalawang lalaki na kakatapos lang nito kausapin.

"Ah, ang gagwapo nila."

"You know, you're not allowed to say that, babe. You're not allowed to have a crush with other guys.."

Napahagikhik siya. "Ikaw naman. Syempre, ikaw pinakagwapo sa kanila."

"I know, right?" He smirked at her. Natawa siya. Nanggigigil na pinisil niya ang pisngi nito. Niyakap siya nito at pinatakan ng halik. Hindi na talaga siya makakaget-over pa kay Kiefer. Kumbaga kapag tumalon ito sa bangin, susundan niya ito. O baka nga mauna pa siya. Kasi ganoon na rin naman eh. Hulog na hulog na siya dito.

"WHERE'S Shamcey?" tanong ni Kier sa kanya nang makasalubong niya ito.

"Nagpaalam lang na pupunta ng rest room. Ikaw?" Napansin niya ang pulang marka sa gilid ng labi nito. Napangisi siya. "Okay, I think already know."

He inhaled sharply. "I saw her again."

Tumango siya. Nakita rin niya kanina kung sino ang tinutukoy nito. Maliit lang talaga ang mundo para sa kanila. Pagtatagpuin at pagtatagpuin rin talaga ang mga taong pinipilit iwasan ang isa't isa.

"And what can you say about seeing her again?" mahinang tanong niya.

Di agad ito nakasagot. Marahas ang paghinga nito. Pamilyar sa pakiramdam niya ang muhi na nakikita sa mga mata nito. He's still affected by her presence. Nakikita niya 'yon sa mukha nito.

"I don't know, bro." Umiling ang kaibigan.

"I don't know what to feel.." Naguguluhang sabi nito.

Pagkatapos ay pilit na ngumiti. Tumalikod sa kanya. May parte niya ang nakakarelate sa nararamdaman nito. Napalunok siya. Umahon sa dibdib niya ang emosyong nakakatiyak si Kiefer na nararamdaman ng kaibigan.

Tama ba ang ginagawa niya? Tama pa ba ang nararamdaman niya?

Lumitaw sa isip niya ang mukha ni Shamcey. May ngiting gumuhit sa labi niya. With her, he could feel things getting better. Napapalitan ng sigla ang lungkot. Nawawala ang dilim dahil sa liwanag na dala nito. And for now, that's enough.

Ang lugar sa tabi nito ang pinakamasayang lugar na napuntahan niya. Hindi na siyang dapat lumingon.. Hindi na siya dapat makaramdam pa ng iba.

Naiinip na napatingin siya sa nilikuan ni Shamcey kanina. Bakit ang tagal naman yata nito?

"Waiting for someone?"

Napatuwid ang likod ng binata nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon sa likod niya. Pumalibot sa ilong niya ang amoy ng pabango nito. That seductive scent of her.

Napatiim-bagang siya nang umikot ito papunta sa harap niya.

"Looking so hot tonight, bad boy." Mapang-akit na ngumisi ito at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Malagkit ang bawat titig.

"What are you doing here?"

"Bakit ayaw mo ba ulit akong makita?"

Napatingin siya sa paligid. Nangangamba na dumating ang dalaga at makita itong kausap niya.

"You shouldn't be here."

"Oh, bakit hindi? I was invited here."

"Umalis ka na kung nandito ka lang para manggulo." mariing sabi ng binata.

Umaktong parang nasaktan ang babae. Ngunit biglang gumuhit ang labi nito sa isang malawak na ngisi at pagkatapos ay tumawa.

"C'mon, Kiefer. I'm not a troublemaker. Sa ating dalawa, sino ba ang nadala sa kulungan sa pagiging takaw gulo?"

Inipon niya ang pasensya. Hindi pwedeng mapigtas 'yon. She was testing him again. Tinalikuran niya si Kristina bago pa siya maubusan ng pasensya.

"So.. Where is she?"

"She's none of your business, Kristina.." Humigpit ang hawak niya sa baso. Ipinatong niya iyon sa isang table. Nakasunod pa rin sa kanya ang babae.

"Too bad I want to meet her.. She looked really pretty, huh? I didn't know you still have a thing for someone like me.. Sa lahat pa naman ng ipapalit mo ay 'yong kahawig ko pa at parehong empleyado sa hotel nyo. Don't tell me.. Hindi ka pa naka-move on sa akin?"

He inhaled sharply. Matalim na tinitigan niya ang maamo nitong mukha. She looked so innocent.. Napansin niya na may nabago sa mukha nito. Mas gumanda pa ito at bumata kesa sa aktwal na edad nito.

"Don't look at me like that, bad boy. Gusto ko tuloy isipin na rebound mo lang siya at di pa rin nagbabago ang nararamdaman mo para sa akin."

He gritted his teeth. "Do you really want to do this?"

"Do what?"

 Marahas na hinagip niya ang braso nito. Pumalag ang babae ngunit masyado siyang malakas. Nadala niya ito sa labas, sa tagong bahagi ng garden. Doon walang makakakita sa kanila..

Hinagip niya ang batok nito. Her eyes widened.

--

Itutuloy..


IG: race.darwin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top