Chapter Eight


 HUMAKBANG agad siya papasok sa elevator. May meeting sila kasama ang mga managers nila sa may Palazzo. Kakatapos lang niya mag-lunch at mala-late siya. Hindi niya kayang makita sina Kris. Nakokonsensya siya kasi feeling niya may kasalanan siya sa mga ito.

Papasarado na ang elevator ng pumasok si Brian. Naalarma siya ng makita ang lalaki. Kaswal na kaswal ang suot nito. Yuyuko pa sana siya para di siya nito makita. Pero sinong niloloko niya? Silang dalawa lang dun. Sumiksik siya sa sulok lalo na nang maramdaman na nasa kanya na ang atensyon nito.

"Walang dahilan para katakutan mo ako, Shamcey. I'm not going to bite you." sabi nito sa kanya. Tumingin lang siya dito. Di niya alam kung paano na niya ito sasagutin o babarahin. He's the boss! Ang gaga na niya kung babarahin niya ito. Manganganib siya sa trabaho niya. Pero di ba kasasabi lang niya na handa siyang magresign?

"Sorry," sambit niya.

"For what?"

"For everything that I've done."

Napatitig ito sa kanya. Parang di makapaniwala.

"Echos lang, Sir." Nag-peace sign siya dito. He frowned at her. Gaga talaga siya. Mukhang di pa man siya nagre-resign, mapapatalsik na talaga siya.

"Pero sorry talaga kung may kasalanan man ako sa 'yo, Sir. Aaminin ko na may kasalanan talaga ako sa 'yo. Lalo na kagabi.. That was rude of me. Sana wag nyo tanggalin ang mga kasamahan ko po?"

"Unang-una, hindi pa ako senior citizen."

"Sige po.. I mean, sige, Sir."

"Pangalawa, walang dahilan para tanggalin ko sila. Hindi pa naman nila ako kilala. Nakahingi na sila ng apology sa nangyari kahapon. But it was no big deal for me."

Nakahinga siya ng maluwag. Atleast, mapagpatawad ito.

"Salamat naman kung ganon. That it was no big deal for you.. So, kasali ba ako doon?"

"No."

Natikom niya ang bibig. Mayabang na umangat ang kilay nito sa kanya. "Marami tayong dapat pag-usapan, Shamcey. Mga dapat natin i-settle kaya big deal 'yong sa 'yo."

"Sir, maganda naman 'yong performance na ipinapakita ko." Kinabahan na tumawa siya at di na tumingin dito. Lumapit sa kanya ang lalaki. Tinitigan siya nito ng matagal.

"Umpisahin natin ang usapan sa pagtawag mo sa pangalan ko lang pag tayo ang magkausap."

"Sir Brian."

"Mali." Inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga. Nagtaasan ang mga balahibo niya sa leeg. "It should be Kiefer to you."

Alam niya. It's Brian Kiefer Montejo. Ngayon lang niya nalaman. Kung hindi pa dahil sa nangyari, hindi nila aalamin kung sino ang anak ni Mrs. Montejo.

Nahihirapan siyang huminga. Seriously? Nilalandi talaga siya nito sa mismong elevator? Napatingin siya sa CCTV. Nababahalang lumayo siya.

"May CCTV, sir."

"Isang Sir mo pa, hahalikan kita." nagbibirong sabi nito. Biro man iyon, sa itsura nito, sigurado siyang tototohanin nito 'yon.

Napasinghap si Shamcey. Hindi lang dahil sa sinabi nito, kundi sa biglang naramdaman ang pagtigil ng elevator. "Shit."

Wala pa siya sa floor na lalabasan.

"Looks like we're stuck here." may tagumpay sa boses ng lalaki.

"Seryoso ka ba? Di ka natatakot mamatay?"

"Kung mamamatay ako, kasama kita.. Di man kita natikman, atleast may till death do us part agad?"

"Hindi ba ako lugi non?"

Kumislap ang mata nito. "Bakit, gusto mo muna matikman?"

"Hindi 'yon!" namumula na ang mukha niya. "Ang ibig ko sabihin, hindi pa ako nagiging successful sa buhay. Parang nawala lang sa wala 'yong paghihirap ko, di ba?"

"What do you want in life, Shamcey?"

"Seryoso, nasa bingit tayo ng kamatayan, tatanungin mo ako anong gusto ko sa buhay ko? Mabuhay po!"

His sexy chuckle filled the elevator. May kiliting hatid ang tawa nito. Nagagwapuhan siya sa lalaki. Bulag-bulagan na siya kung di pa niya aaminin iyon sa sarili.

"Wag kang mag-alala. Sandali lang 'to. Sigurado ako na maayos ang mga facilities sa Palazzo at minsan lang ito nangyayari."

Feeling nga niya parang sinadya ito. Parang sa mga teleserye.. Oo na, lagi na niyang ikinukumpara sa teleserye ang mga simpleng pangyayari sa buhay niya. Napaghahalataan tuloy siya na masyadong nanonood ng maraming telenovela.

Nahuli niyang nakatitig sa kanya si Kiefer. Nag-init ang pisngi niya. Gusto niya ito sawayin kung hindi lang siya pinapangunahan ng hiya. Ito ang boss nila. Nag-sink in na sa kanya iyon. Ngayon mahihirapan siya kumilos kung ganito ito sa kanya. Ayaw niya magkaroon ito ng special treatment sa kanya. Hindi siya pabor sa ganong mga sitwasyon. Awkward. Hindi nakakatuwa.

At mas lalong hindi nakakatuwa na stuck siya sa elevator na ito pa ang kasama niya. Parang nahulog siya sa isang trap.

"Hindi ako komportable na tinititigan ng ganyan." pasimpleng pananaway niya.

"I doubt that." sabi nito at tumukod pa sa dingding. He was shamelessly staring at her. "Maganda ka. Sigurado akong di lang ako ang unang lalaki na nagbigay sa 'yo ng atensyon."

"Iba ka."

Gumuhit ang matagumpay na ngiti sa labi ng lalaki. Parang nakuha na nito ang grand prize. "Inaamin mo na bang iba talaga ako sa mga lalaking dumaan sa buhay mo?"

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"

Ang confident talaga ng isang 'to. Palibhasa gwapo at mayaman. Sure na hinahabol ng babae. Sure na hindi pa nararanasan ang rejection.

"Paano ako naging iba kung ganon?"

"Dahil 'yong mga lalaki na lumapit sa akin, nanliligaw. Hindi agad agad nagpapakita na gusto lang ako ikama."

"Paano mo nasabi na hindi rin 'yon ang intensyon nila? You will never know what's a man's true intention."

"Kaya hindi ako nagtitiwala basta." Dahil sa ginawa ng kanyang ama, nagkaroon na siya ng trust issues. Hindi na siya magtitiwala sa isang lalaki kung mag-e-end up lang din siya sa isang hindi marunong maging faithful.

"Iyon ba ang dahilan mo kaya iniwanan mo ako? Nagdududa ka sa akin? I won't hurt you."

Tumingin siya sa binata. Naghahanap ng mga salitang dapat niya isagot. Pero bago pa man siya makasagot, dinugtungan na agad nito 'yon.

"O dahil may boyfriend ka na? You lied to me. Sabi mo wala ka pang boyfriend. Duda na ako nun na wala kang--"

"Wala naman talaga."

Kumunot-noo ito. "Wala?"

"Yong kahapon sinabi ko lang 'yon para tigilan mo ako.. Di ko naman kasi alam bakit ka sumulpot na lang basta. Di ko alam na ikaw pala 'yong may-ari ng Helios."

"At ngayong alam mong ako 'yun? Ano na balak mo?" nanghahamon ang tinig nito. Oo, alam niya. Na-e-enjoy nito na helpless ang sitwasyon niya. Nakikita niya iyon sa mata nitong kumikinang sa kapilyuhan.

Parang 'yong time lang na kailangan niya ang tulong nito. Wala siyang choice kundi ang kumagat sa patalim. Pero magkaibang sitwasyon na 'yon ngayon at noon. Pwede siyang mamili. Siguro, mahirap dahil may maisasakripisyo siya. But that is life. It's all about sacrificing and taking risk.

"Marami tayong dapat pag-usapan Shamcey. And I don't think matatakasan mo pa ako sa pagkakataon na ito.. Maliban lang kung.."

"Ituloy ko ang pagresign ko." sabi niya na nakapagpabura sa ngisi nito. "So, siguro magresign na lang ako. Iyon na rin ang plano ko eh."

Napatitig ito sa kanya. Ngumiti siya at tila naputol ang isang sumpa. Biglang umandar na ulit ang elevator. Just like in all teleseryes.


 PINANOOD ni Kiefer ang likod ng dalaga habang unti-unting sumasara ang pinto ng elevator. He couldn't believe what she just said. Magre-resign ito para lang maiwasan siya? Talaga ba? Isasakripisyo nito ang trabaho para lang hindi siya makita?

The rejection hurts. Pakiramdam niya tahasan talaga na sinasabi nito na wala itong katiting na interes sa kanya. That's something new. Sanay siya sa mga babaeng lulundag agad sa kama niya sa isang kindat pa lang niya.

She's really different from the others.

Hindi nga lang siya naniniwala na wala itong interes sa kanya. Maliwanag pa rin sa alaala niya ang halik na pinagsaluhan nila. Kung may isang bagay na hindi nito maitatanggi sa kanya ay ang init ng naging pagtugon nito sa halik niya. Makakapagsinungaling ang bibig nito, pero hindi ang katawan nito.

 He want her. He will not stop from desiring her. Kung inaakala nito na madidiscourage na siya na tahasan siya nitong tinatanggihan. She's definitely wrong.

Ngumiti siya sa sarili habang naglalaro ang iba't ibang scenario sa isip niya. Nagpaplano na ito magresign. Isang bagay na alam niyang mapipigilan niya at magagawan niya ng paraan para di mangyari.

Did she really think she can get away from him? No, baby.

Dark, hot desire pumped in his blood. Hindi na ito makakawala sa kanya sa pagkakataon na 'yon. Tú serás mía, cariño.

Sólo mío. He grinned.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top