Chapter 8: Finding Her

Jungkook's POV

"What?" kumunot noo ko. Nandito ang lahat ng miyembro ng BTS sa dorm. Pinatawag kami ni manager Sejin dahil may emergency daw at kailangan nila kami. tss...

"Why would she be missing?" tanong ni Taehyung. Oo tama kayo, ang tinutukoy niyang nawawala ay yung babaeng yun. Dahil sa babaeng yun, ay naaabala pa kaming lahat ngayon sa kanya-kanya naming ginagawa. Kahit pala wala dito yung babaeng yun ay nakaka-istorpbo parin siya samin.

Actually hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Matutuwa dahil kahit papaano ay nakaramdam din siya na ayaw namin na nakikitira siya dito sa dorm, at ang magagalit naman ay pinatawag kami ni manager Sejin nang dahil lang dito.

Masama na ako kung masama but i really don't like her, I don't care about her. Kahit katiting

You can't blame me though, ikaw kaya mapahiya nung babaeng yun sa social media ng dalawang beses? I'm sure you'll hate her too.

"I don't know either. I haven't seen her since yesterday." saad ni manager Sejin, halatang nag-aalala. Tss, ganun na ba agad ang pakikitungo niya sa babaeng yun? Hindi niya pa nga kilala yun eh. Anong gagawin niya kapag nalaman niyang sasaeng fan yun? Hays hindi na talaga sila nadala nila Bang Pd-nim...

Simula nung naging idol kasi kami, madami na rin kaming nagpagdaanan sa mga lecheng sasaeng fans na yan. Yung iba nagpapanggap na katulong, yung iba nagpapanggap na hairstylist at yung iba nagpapanggap na back-up dancers namin.

Kaya hindi na ako magtataka kung iyong babaeng hinahanap nila ngayon ay isa rin sasaeng fans namin. Baka nagpapanggap lang yung inis sakin para lang makuha tong trabahong to. Sila Bang Pd at Sejin pa naman kasi tatanga-tanga.

"I don't know either. I haven't seen her since yesterday."

Bigla akong napaisip. Yesterday? Last time na nakita ko siya ay nung pumunta siya ng club at sinundan niya ako. Hmm...

Maaari kayang ako ang dahilan kung bakit siya nawawala?

"Do you think she's okay? Mahirap na baka kung ano nangyari dun. Umuulan pa naman ngayon." sabi ni Namjoon-hyung. Bakit ba sila nag-aalala dun sa babaeng yun? It's not like it's our fault na nawawala siya. She disappeared on her own, bakit natin siyang kailangang intindihin? Ang tanda-tanda na nun, kaya niya na sarili niya.

Aish, problema lang talaga ang naidudulot samin nang babaeng yun. At isa pa, kung magiging second manager namin siya ngayon, ano naman ang maitutulong niya samin? As if naman alam niya mag-ayos ng concert schedules namin, baka nga hindi niya alam ang current schedules namin ngayon eh. At tsaka dapat marunong siya mag-manage ng mag-manage ng time, sabi pa naman ni Sejin na pag-sasabayin niya ang pag-aaral at ang pagta-trabaho. Tch, as if naman kaya niya.

Napaisip ako. Hindi ko siya gusto sa trabaho niya samin, in fact ay hindi ko siya gusto na nagta-trabaho siya samin. At sa tingin ko ay hindi niya kaya ang trabaho ng isang manager at eventually, susuko na siya on her own. So hahayaan ko nalang muna siya ngayon, hanggang sa sumuko siya ng kusa.

"That's why were going to find her. Now." sabi ni manager Sejin habang kumukuha ng mga payong na gagamitin namin at isa-isa itong hinahagis samin.

"Seriously? Umuulan oh." reklamo ko. Susugod kami sa ulan para lang mahanap ang babaeng yun? Mas gusto ko ngang wala yun dito eh.

Pero nang sabihin ko iyon, lumingon sakin si manager Sejin at sinamaan ako ng tingin. "So? What if it's raining?" napalunok ako. "Sabi ko nga hahanapin natin siya eh." sabi ko. Bigla akong napasubo dun ah.

Ok. I may be the bad boy among the members, pero kahit papaano may takot ako sa managers namin. Bad boy ako pero kahit na ganun pa man ay masunurin parin ako.

Paglabas namin ng dorm, naabutan namin ang black van na nag-aantay. Teka lang...

Seriously?

"Seryoso kayo? Diyan tayo lahat?" sabi ko habang tinuturo ang black van. I don't want to get in the same van with Taehyung.

"Yes. Is there any problem?" cold na tanong ni manager Sejin.

I can tell na galit siya sakin ngayon, siguro dahil sa kung paano ko ihinandle ang problema kanina. Medyo kinakabahan tuloy ako.

Kasi iyang si manager Sejin, siya ang tipong manager na kahit anong masamang bagay ang gawin mo, pagsasabihan ka niya pero hindi siya magagalit sayo. Pero iba ang aura niya ngayon, nakakapanibago lang.

"I suggest that we should all split up. Para mas mapadali ang paghahanap." sabi ko. Actually hindi siya suggestion, dahilan ko lang yan para hindi makasama ang ibang members. Lalo na si Taehyung.

"Are you crazy? Baka nakakalimutan niyo na Kpop idols kayo. Paniguradong may makakakilala sayo at pagkakaguluhan kayo! Kung may mangyari sa inyo, who would take responsibility?"

Napabuntong-hininga ako. Ano tingin niya samin, Bata? "Hindi na kami bata. We can take care of ourselves. At isa pa, madaling araw na ngayon at umuulan pa, As if naman na may makakita pa samin. Don't worry." nang sabihin ko iyon, napatingin siya sa ibang members na ngayon ay nakatingin na rin samin. Halatang gusto rin ng mga members ang suggestion ko kaya pumayag na rin siya.

Nagdadalawang-isip pa nga sana siya pero sa huli, hindi niya talaga kami natiis. Napa-buntong hininga siya. "Mauna ka nang maghanap, sasabihin ko lang sa ibang members. Basta kung may mangyaring masama, don't hesistate to call me. Tatawagan ko lang si Bang Pd para ma-inform sa mga nangyayari." tumango lang ako.

******
"Shayne! Shayne!" tawag ko. Halos mamalat na nga ako kakasigaw. Aish I should'nt be doing this, pag minilat ako ay baka hindi na kami makapag-concert. Naman...

30 minutes na ang nakalipas sa paghahanap ko kay Shayne. Hindi ko na nga alam kung saan na ako napapadpad eh. 2:30 na ng madaling araw at hanggang ngayon ay umuulan parin kaya puro dilim at patak lang ng ulan ang nakikita ko.

Nang mawalan na ako ng pag-asa, sinubukan kong tawagan ang ibang members, I'll try to call Hoseok hyung.

Pero sa kasamaang palad, wala pang signal.

Leche naman talaga oh, ang napaka-malas naman netong araw nato.

"Aish. Nasan ka na ba kasi?" irita kong sabi.

Pagkasabi ko nun, kahit na tunog lang ng lakas ng ulan ang naririnig ko ay may narinig akong umubo.

"Shayne? Ikaw ba yan?" lumapit ako sa bandang beach. Panigurado ako doon ko narinig ang ubo na yun.

"Tu-tulong..." nang marinig ko iyon, agad kong kinuha ang cellphone ko at ginamit ang flashlight neto. "Shayne!" ibinaba ko ang dala kong payong at tumakbo papalapit sa kanya. "Anong nangyari sayo?"

Basang-basa siya ng ulan habang nakahiga sa buhangin ng beach na ito. Nanginginig rin siya kaya halatang kanina pa siya nauulanan.  "Tu-tulong..." nanghihina niyang sabi. Nagulat nalang ako nang bigla siyang nawalan ng malay.

Sinubukan kong kapain ang noo niya kung may lagnat ba.

"Sobrang init ah." mahina kong sabi at inilayo ko agad ang kamay ko, nakakapaso. Kulang na nga lang ay magprito ako ng itlog sa noo niya eh.

Natataranta ako. Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung saan ang pinaka-malapit na ospital. Wala ring signal kaya hindi ko matawagan si manager.

"Aish. Bahala na." sabi ko bago tuluyang buhatin si Shayne na pang-bridal style. Magtatanong-tanong nalang ako sa mga dumadaan.

Seryoso? Babae ba tong binubuhat ko o baboy? Oo malakas ako pero ang bigat netong babaeng to ah.

Maya-maya may nakasabay kaming dalawang babae nakapayong. Mukhang napadaan lang sila kaya kinuha ko na yung opportunity para makahingi ng tulong at lumapit sa kanila. "Uhm, pwede pong magtanong? Saan po ba ang pinaka-malapit na ospital dito?"

Patuloy lang silang nag-uusap pero nang mapatingin sila sakin, nanlaki ang mga mata nila. "Omo! Jungkook? As in Jungkook from BTS?! Kyaaa!" muntik na akong mabingi sa tili nilang dalawa.

Wala bang kahit isang magandang mangyayari ngayon araw na ito?

"Saang ospital p-"

"Pwede pong magpapicture?" Excited nilang sabi habang dinudukot ang kanilang mga cellphone sa bag nila. Napatingin naman sila kay Shayne na buhat-buhat ko. "Uhm... Sino siya?" nakakunot noong tanong nila.

"Pwede niyo ho ba kaming tulungan? Ang taas po kasi ng la-"

"Hindi ako makapaniwalang si Jungkook ka talaga! Pwede pong magpa-autograph?" sabi nung isang babae habang may hawak na papel at ballpen. Tatanggihan ko sana siya pero agad akong tumakbo papalayo nang makita kong inilabas na ng kasama niya yung cellphone at akmang pipicturan ako.

******
Shayne's POV

"Are you sure she's okay doc?"

"She'll be fine. Kaya lang naman siya hinimatay dahil sa taas ng lagnat niya. Siguro maya-maya magigising na rin siya."

Iminulat ko ang mga mata ko. Puro puti lang ang nakikita ko.

Maya-maya may nakita akong anino ng lalaki na papalapit sakin. Nang unti-unting luminaw ang paningin ko, nakilala ko na kung sino siya. "Hyung! gising na siya!" sigaw ni Jimin. Agad naman silang nagsilapitan sa pwesto ko.

Dahan-dahan akong tumayo habang iniinda ang sakit ng ulo ko. "Anong nangyari?" halos pabulong kong tanong. Wala akong kalakas-lakas para magsalita.

"Humiga ka nalang." sabi ni Namjoon habang ina-assist ako na humiga. Nang makahiga na ako, tsaka siya nagsalita. "Hinimatay ka sa gilid ng isang beach due to high fever. Hindi namin alam kung paano ka nakapunta dun pero buti nalang ay nahanap ka kundi baka ano pa ang mangyari sayo." sabi ni Namjoon.

"Bakit ba kasi bigla-bigla ka nalang nawala? Buti nalang at nawala kalang ng isang araw kundi for sure you'll be in biiiiiiiig trouble." frustrated na sabi ni manager Sejin.

"Sorry po." napayuko ako. Ang laki kong abala sa kanila. Imbes na natutulog sila ng mahimbing ngayon, nandito sila sa ospital at binabantayan ako. "Sorry po talaga. Sorry po at napaka-laking abala ko po sa inyo. Dapat po talaga hindi ko na tinanggap ang alok niyo. Kasalanan ko po ang lah-"

"Yah! Its not because of you, okay? And you were never a burden to us." tumango-tango ako. Bakit ba sila ganito? Kahit na halata namang ako ang may kasalanan ng lahat ng ito, pinagpupumilit parin nila na hindi.

"Pano niyo po ba ako nakita? May nakakita ba sakin at dinala ako dito sa ospital?" tanong ko.

"Oo. Si Jungkook." kaswal na sabi ni Bang Pd.

Si Jungkook ang nagdala sakin dito? Eh bakit wala siya dito? "Oo nga pala, ano bang nangyari at napadpad ka kung saan-saan?"

Sasabihin ko ba sa kanya na ang taong lumigtas sakin ay siya rin ang taon dahilan ng pagkawala ko? Sasabihin ko ba na dahil sa masasakit na salita ni Jungkook, kaya ako nagkaka-ganito?

"Ka-kasi p-"

"Hyung!" natigil ako sa pagsasalita nang tawagin ni Jin si manager Sejin. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kung anumang meron dun sa cellphone niya.

"Wae?" tanong ni manager Sejin at sinilip ang cellphone ni Jin. Maya-maya ay siya naman ang nanlaki ang mata. "What the heck is this?!"

"Hyung, what's wrong?" concerned na tanong ni Yoongi kay manager.

Pero imbes na sagutin niya si Yoongi, tumingin lang siya kay Taehyung na cool na nakasandal sa isang upuan. "Taehyung, you have to see this."

Kumunot ang noo ni Taehyung bago lumapit kina manager Sejin. "Bakit?" tanong niya tsaka sumilip sa cellphone ni Jin.

Katulad nung nangyari kay manager Sejin at Jin, nanlaki din ang mata niya. Medyo kinabahan naman ako nang sabay-sabay silang napatingin sakin na para bang nakakita ng multo. "Shayne, alam mo ba to?" tanong ni Jin.

Kumunot ang noo ko. "Ba-bakit? Ang alin?"

Bat parang kinakabahan ako sa sasabihin niya?

__________
New UD! 😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top