Chapter 7: 1st Mission Attempt
Shayne's POV
Nandito ako ngayon sa dorm nagluluto ng hapunan habang hinihintay na dumating ang BTS. Ang rinig ko kasi kay manager Sejin, tuwing gabi daw ay pumupunta sa club yung ibang members at umuuwi sila sa dorm bago dumiretso sa club. Ngayon ko sana sila kakausapin tungkol sa pagtira dito sa dorm.
Simula nang sinabi sakin nina manager Sejin at Bang Pd yung unang misyon ko, ang dami ko na ring nalaman na impormasyon tungkol sa trabaho ko at sa BTS.
Sa lahat pala ng mga managers ng BTS, si Sejin ang main manager. Yung mga stylist naman nila at iba pa nilang mga staff, masyado kasi silang madami kaya wala pa akong kilala sa kanila. Ang tawag ko lang ay oppa at unnie, mas matatanda naman sila kesa sakin eh hehe.
Sinabi narin sakin nila manager Sejin at Bang Pd ang dapat kong malaman na basic information sa bawat miyembro ng grupo.
From oldest to youngest ay si Jin, Yoongi, Hoseok, Namjoon, Jimin, Taehyung at Jungkook. Ang mga vocal line ay sina Jin, Jimin, Taehyung at Jungkook at ang rap line ay sina Hoseok, Namjoon at Yoongi.
Ang hometown ni Jin ay sa Gwacheon, kay Hoseok ay sa Gwangju, Namjoon ay sa Ilsan, Yoongi at Taehyung ay sa Daegu at si Jimin at Jungkook sa Busan.
Ang official debut nila ay noong June 12, 2013, madami na silang na-release na albums pero ang pinaka-recent nila ngayon ay ang 'Love Yourself: Her'
Sobrang malapit daw ang mga members dati nung hindi pa nagbabago si Jungkook, pero simula daw nung nag-away sina Jungkook at Taehyung ay dun na unti-unting nabuwag ang pagkakaibigan ni Jungkook sa mga ka-member niya at ganun nadin yung ibang members sa isa't-isa.
Gusto ko sanang malaman kung anong dahilan ng pag-aaway ng dalawa pero ayaw kasi nilang sabihin eh. May tamang panahon daw para dun. Tska baka kasi masyadong personal kaya hindi ko nalang babalak alamin. Instead, magfo-focus nalang ako sa trabaho ko.
Balak ko sanang kausapin nalang si Namjoon tungkol sa misyon ko, tutal siya naman ang leader nila. Pero naalala ko yung sabi ni manager Sejin na hindi pala nakikinig dun sina Taehyung at Jungkook, kaya kahit labag sa kalooban kong sila ang direktang kausapin ay wala akong magagawa.
Dahil kinagabihan na ngayon at hindi ko alam kung anong iluluto kong hapunan para sa kanila, nagluto nalang ako ng adobo.
Sabi kasi nila manager Sejin na kasama daw sa trabaho ko ang pag-aalaga sa kanila. Tsaka aarte pa ba sila? Ang sarap-sarap kaya ng adobo. Maganda na rin yun dahil baka hindi pa sila nakakatikim nun sa tribo nila. Puro kasi ramen, kimchi at korean barbeque nalang ang kinakain nila. Experience na rin yun para sa kanila.
"Ugh. You again." rinig kong sabi ng nasa likod ko habang inihahanda na yung adobo na hapunan niya. Hmmp, alam ko naman na si Jungkook yun kaya nilingon ko siya
"Sino siya, bro?" tanong ng isang pamilyar na lalaki kay Jungkook, alam kong miyembro din siya ng BTS at nagkita narin kami in person dati, pero ang sigurado ako ay hindi pa kami nakapag-usap kaya hindi pamilyar sakin ang boses niya.
Kulay pula ang buhok niya at medyo katangkaran din siya, mas matangkad lang siya ng konting-konti kay Jungkook. At ang napansin ko din sa kanya ay kung ikukumpara mo siya sa ibang ka-members niya, siya yung pinaka-maamo ang mukha, nakita ko narin siyang ngumiti at ang genuine pa ng smile niya. At mukha naman siyang friendly, hindi katulad ng mga ka-members niya na ang susungit tingnan.
Simula nang pinirmahan ko yung kontrata sa pagta-trabaho dito, sinimulan ko narin kabisaduhin at itsura at pangalan nila. At sa tingin ko yung may pulang buhok na yun ay ang pangalan ay Hoseok? Oo tama, Hoseok nga ata ang pangalan niya.
"Nandyan na pala kayo. Halika kain muna kayo ng hapunan." sabi ko at nginitian ko sila, nagpapakitang tao haha.
Pero imbes na umupo sila at kumain, tumitig lang sila sa pagkain na inihanda ko na para bang nandidiri pa ito.
Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-irap. Daig pa nila ang babae kung mag-inarte. Pasalamat nga sila dahil kahit hindi ko sila kilala eh pinagluluto ko pa sila.
"Ay? Nag-iinarte? Wag kayong mag-alala, adobo lang yan hindi yan nangangain. Dapat nga kayo ang kumain diyan eh." hindi ko mapigilang maging sarkastiko ang pagkakasabi nun. Sino ba namang hindi maiinis sa kaartehan nila? Pinaghirapan ko kaya yang lutuin para sakanila. Sipain ko sila eh.
Baka naman kaya natatakot silang kainin yung niluto ko ay dahil iniisip nila na nilagyan ko ng lason etong ipapakain ko sa kanila? Kung si Jungkook lang ang kakain, baka may chance pa na lagyan ko. Eh silang lahat naman ang kakain niyan eh bat ko lalagyan? At isa pa, mabait akong nilalang at hinding-hindi ko magagawa yun.
Umayos ako ng pagkakatayo. "Oo nga pala hindi niyo pa ako kilala, ako nga pala si Shayne Thyson Martin. Simula ngayon in-assign na ako ng mga managers niyo na maging second manager niyo." Tss hindi naman talaga ako magiging second manager nila, sabi kasi ni manager Sejin na yun daw ang sabihin ko pag nagtanong man sila o nagpakilala ako sa trabaho ko sa kanila.
Nanlaki ang mga mata nila. "Ha?" sabay-sabay nilang sabi. Except lang kay Jungkook at ang leader nila na si Namjoon. Hindi na ako magugulat kung alam na ni Namjoon, dapat nga siya talaga ang unang makaalam eh. Ewan ko lang kung bakit hindi nagulat si Jungkook, baka chismoso at narinig siguro ang usapan namin, hmmp!
"Manager? Bakit manager ka namin? Eh mukha ngang hindi mo pa kami kilala isa-isa eh." sabi ni Hoseok pero in a polite way. Buti pa to kabaligtaran ni Jungkook, mukhang mabait.
Ngumisi ako. "Kilala ko na kayo. Kinabisa ko kaya kayo sa picture na binigay sakin ni manager Sejin." dahil sa nasabi kong iyan, nagkatinginan silang lahat sa isa't-isa. Bale boses at personalidad nalang ang hindi ako pamilyar sa kanila.
"Bakit mo kami kailangang kabisaduhin? Eh hindi naman kami magkakamukha ah." sabi ni Jimin. Halatang nagtataka na may halos pagkairita sa boses nila. Ngayon naalala ko na, siya pala yung lalaking umorder samin ng pizza sa penthouse, yung maraming kasamang babae.
Lam na, playboy tong isang to.
Nginitian ko lang sila, mang-iinis ako. "Hindi ah. Magkakamukha kaya kayo." Tiningnan ko sila Jin at Jimin. "Lalo na kayo."
Nakita ko naman nagsi-ngisian sina Namjoon, Yoongi at Hoseok habang sina Jin at Jimin ay halos hindi makapaniwala sa sinabi ko. Si Jungkook? Ayun, walang reaksyon.
"Seryoso ka? Ikinukumpara moko kay Jin?" nandidiri niyang tanong. Actually hindi naman sila magkamukha, sinabi ko lang yun para makapang-asar haha.
Napalingon naman si Jin kay Jimin, gulat na gulat. "Yah! Bat kanyan reaksyon mo? Dapat nga ako nagsasabi niyan eh, at tsaka dapat nga matuwa ka! Buruin mo, ikinumpara ka niya sa isang worldwide handsome? Tss..." pfft. Muntik na akong matawa dun.
"Aish tama na nga ang pagkukumpara niyo, pareho naman kayong pangit." casual na sabi ni Yoongi na para bang wala siyang sinabing masama. "Shayne, pwede bang ikwento mo samin ang lahat para mag-sink in sa utak namin? Hindi sinabi ni manager Sejin to."
Napangiti naman ako at umupo ako sa isa sa mga tables at tumingin sa kanila. "Kumain muna kayo at sasabihin ko sa inyo lahat habang kumakain."
Susundin na sana nila ako nang biglang nag-walk out si Jungkook. Hindi ko nalang pinansin ang pag-walk out niya.
Pero ang nakakapag-taka ay kahit na parang gusto na nilang kumain at malaman kung bakit ako nandito, ay sinundan parin nila si Jungkook. Para bang robot sila na kontrolado nung Jungkook na yun.
Nakakairita, bat ba nila sinusunod yun?!
"Anong meron? May problema ba sila at ayaw nilang kumain sabay-sabay o talaga hindi sila sanay sa adobong niluto ko?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ba talaga sila sanay sa bagong pagkain? Hindi ko pa nga sila natatanong tungkol sa pagtira sa dorm eh umaalis na kaagad sila.
"Kung kakausapin mo kami tungkol sa pagtira dito, mas magandang aalis nalang kami dahil hinding-hindi mangyayari yun." nagulat ako nang bumalik si Jungkook.
Umupo siya sa upuan na nasa harap ko. "Bakit mo ba ginagawa to?" tanong niya sakin habang tinitingnan ako ng napaka-seryoso. Nakakatakot naman siya makatingin, parang kakainin ako ng buhay.
"Pa-paano mo n-nalaman?" hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Paano ba naman kasi kung makatitig ay halos matunaw na ako, ang sama pa ng titig niya.
Nakita kong ngumisi siya. "Panigurado naman ire-request yan ni Bang Pd-nim sayo eh. At nagpapaka-alila ka naman kaya sinusunod mo."
"Pasensya ka na ah, masunurin kasi akong tao. Hindi ako katulad mo." ang dami ko sanang gustong sabihin sa kanya pero ayoko namang maging harsh, wala pa akong isang linggo dito kaya may limits pa muna ang sasabihin ko.
"Wala kang alam kaya wag kang mag-marunong. Hindi mo alam ang nararamdaman ko." pagkasabi na pagkasabi niya nun, akmang aalis na siya nang bigla akong magsalita.
"Ano naman ang dahilan mo?" mahinang sabi ko na ikinahinto niya ng paglalakad. Kahit na likod niya nalang ang nakikita ko sa kanya ngayon, alam kong nairita siya sa sinabi ko. Bat ko ba kasi sinabi yun?Wala naman ako sa lugar para sabihin ko sa kanya yun.
"None of your business."
Pagkasabi na pagkasabi niya nun, biglang nag-ring yung phone niya. "Hello? Yes I'm coming." sabi niya kasabay ng tuluyan ng pag-alis niya.
Patay ka Shayne, patay ka na talaga ngayon. Ano nang gagawin mo?
"Aish, bahala na." sabi ko bago palihim na sinundan si Jungkook. Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa to, ah basta, I don't take no for an answer.
Pagkalabas ng dorm, may magandang sasakyan na puno ng tao ang nag-aabang, at yung mga ka-members niya nandun na rin. Base sa suot nila, mukhang magpa-party, at panigurado akong si Jungkook ang hinihintay nila.
"Yo what's up man!" sigaw ng isang lalaki nang magpakita sa kanila si Jungkook. "Ppali! Were going to be late for the party!" so tama nga ako, pupunta sila sa party.
Pero kung gagamit sila ng sasakyan papunta dun, eh anong gagamitin ko para makasunod sa kanila? Halos madaling araw na kaya wala na masyadong sasakyan ang dumadaan...
Well may naisip pa akong isang paraan pero... Hindi wag na, hindi makapal ang mukha ko para gawin iyon.
******
Aish sabi ko hindi ko gagawin to eh...
"Why are you here?" yun agad ang binungad sakin ni Taehyung matapos kong puntahan ang condo niya.
Nagtataka kayo kung pano ko nalaman yung condo niya? Sinabi nina Bang Pd.
"Alam mo ba kung saan madalas pumupunta si Jungkook tuwing gabi?" direkta kong tanong sa kanya. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.
"Pano mo nalaman kung nasan ang condo ko?" kumunot noo niya.
"Hindi na importante yun! Sabihin mo nalang kung nasan siya ngayon!" sigaw ko. Hindi ba siya nakakahalata na nagmamadali ako?
"Bakit mo tinatanong sakin kung nasan siya? I don't know and I don't care where he is."
Sinamaan ko siya ng tingin. Napansin ko namang napalunok siya. "Well, may isang club na palagi niyang pinupuntahan."
Muntik na akong matawa sa naging reaksyon niya. Gumagana pala sa kanya ang pananakot ko sa kanya, ang cute lang.
Teka, ano daw? Cute? Siya? Hindi pala. Erase erase..
"Yun naman pala eh! Dali dalhin mo ko dun."
Nanlaki ang mata niya. "Ano? Ayoko nga. Ikaw nalang, may mga masasakyan ka pa naman diyan eh."
"Wow. Napaka-gentleman niyo po." inirapan ko siya na ikinangisi niya, itinaas niya ang mga kamay niya na para bang surrender na siya sakin. Napangiti agad ako.
Pagdating namin sa sinasabi ni Taehyung na club, ang ingay at ang daming tao. Tapos mukhang pangmayaman pa yung club na yun dahil halos lahat ng tao na nasa loob ay mukhang mayayaman. Nahiya tuloy ako sa suot ko.
Paano ba naman kasi naka-sweatshirt at leggings lang ako, tapos sila mga mukha mamahalin ang suot. Sino ba naman hindi mahihiya? Dapat pala kahit papaano nagbihis muna ako.
"Taehyung." lumingon siya sakin. "May specific seat o spot ba na madalas na tinatambayan ni Jungkook dito?"
"Bakit mo ba kasi siya hinahanap? Naiistorbo mo pa ako." sabi niya tsaka umiwas ng tingin, halata sa boses niya ang pagkainis. Ayaw na ayaw niya talaga kay Jungkook.
"Eh basta. So meron nga?" tumango siya. "Saan?"
Napabuntong hininga siya at biglang hinawakan ang kamay ko at hinila kung saan. Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak. "S-saan tayo pu-pupunta?"
"Sa favorite spot ni Jungkook." sabi niya nang hindi tumitingin sakin. Buti kahit na magkaaway sila ay may alam parin siya kay Jungkook.
Pero bakit ako ganito? Ewan ko pero ang bilis ng tibok ng puso ko, yung parang kinakabahan ka. At nung hinawakan niya ako kanina ay parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
Hindi kaya... Nagugustuhan ko na siya?
Hindi napaka-imposible, kaka-kilala mo lang sa kanya Shayne. Wag kang lumandi, walang mahahantungan yan.
"SHAYNE!" napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng sigaw niya. Sumigaw pa talaga siya sa tenga ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba?! Bat ka ba sumisigaw?!" sigaw ko pabalik sa kanya.
Ngumisi lang siya. "Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot eh. Andun siya oh." hinanap ko agad si Jungkook sa pwestong itinuro niya at tama nga siya.
Nakaupo siya at may hawak na alak habang pinaliligiran siya ng mga babae
"Pwede mo na akong iwan." sabi ko kay Taehyung. Kumunot ang noo niya. "Ha?"
"Iwan mo na ako. Tutal nakita ko na naman siya kaya ok na." sabi ko.
"Ok ka lang dito?" concerned na sabi niya. Nginitian ko lang siya at tumango.
Nag-aalangan pa siyang iwan ako pero sumuko na rin naman siya. "Sige, pero tawagan mo agad ako kapag may nangyari ah. Eto oh." may inabot siya sakin parang isang papel na may cellphone number. Number niya siguro to. Natawa nalang ako.
Tatawagan ko siya? Wala nga akong cellphone eh.
"Salamat sa pagdala sakin dito." sabi ko. Hindi niya alng ako pinansin at tuluyan nang umalis.
Sinilip ko naman ulit kung nasan si Jungkook kanina at wala na siya dun. Wala na rin yung mga babaeng nakapaligid sa kanya. Nasan na naman kaya yun?
"Looking for me?"
"Ay nanay mo nahulog!" napalingon ako sa nagsalita sa likod. "Bakit ka ba nanggugulat?!" sumakit tuloy dibdib ko.
"Sinundan mo ba ako?" iritang tanong niya. "Alam mo kahit sundan moko kahit saan, my answer is still the same. AYOKO."
"Hindi ba pwedeng pag-isipan mo muna ang lahat? Ginagawa ko naman ito para sa inyo eh."
"Makulit ka ba talaga o hindi ka nakakaintindi talaga? Sabi nang ayoko eh! Tsaka anong sabi mo? Ginagawa mo to para samin? Baka sabihin mo, ginagawa mo ito para sa trabaho mo samin!" unti-unting lumalakas ang paninigaw niya kaya dumadami narin ang nakikiusyoso sa usapan.
"Pwede ba? Kung gusto mo lang ng pera bibigyan nalang kita, hindi yung umeepal ka pa sa buhay ng iba!" pagkasabi niya nun, ay agad siyang umalis palabas ng club
"Jungkook!" hinabol ko siya. Grabe lakad lang ang ginawa niya pero parang takbo na sakin yun.
Medyo matagal-tagal ko rin siyang nahabol. Hindi ko na nga alam kung nasan kami eh. Pero nung napagod na talaga ako, hinila ko na ang kamay niya para mahinto siya sa paglalakad. "Bakit ba kasi ayaw mo?!" hindi ko na mapigilang taasan ang tono ng boses ko.
Hinarap niya naman ako. Galit na galit. "Bakit ba kasi nangengeelam ka?!" kung kanina ay mataas ang boses ko, sa kanya ay mas mataas. Napalunok tuloy ako.
Gusto ko sanang magsalita pero walang kahit anong salita na lumabas sa bibig ko. Ang bulkan na kinatatakutan kong sumabog ay sumabog na.
"Wala kang karapatan na patirahin ako at ang ibang members sa dorm na iyon dahil wala kang karapatang mangielam." this time, medyo kumalma ng konti ang boses niya, pero may halo paring galit at iritasyon sa tono ng boses niya.
Hindi ko alam pero medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Isa ba akong malaking harang sa kanila? Na imbes na pinapatino ko sila, ay mas lalo pang lumalala ang sitwasyon nila. Mali ba ang naging desisyon ko sa pagtanggap nitong trabahong ito?
"Sorry, k-kasi-" hindi pa ako tapos magsalita ay agad naman na siyang umalis. Pero this time, nanatili nalang ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya sinundan.
Ako ba talaga kailangang humingi ng tawad? Gusto ko lang namang tumulong ah...
Napaupo ako sa isang malaking bato sa gilid. Kung iisipin mong mabuti ang mga sinabi ni Jungkook, parang tama rin siya. Wala akong karapatan dahil sabit lang naman ako dito. Nakiki-epal lang ako. Tapos ang kapal pa ng mukha kong kulitinnsila sa pagtira sa dorm.
Mukhang mali nga ang desisyon ko dito sa trabahong ito...
******
Jungkook's POV
1 day later...
Nandito ulit ako ngayon sa club kasama ang mga kaibigan ko. Normal na sakin ang gabi-gabing nasa club, as if anyone cares.
May naramdaman akong nag-vibrate kaya tiningnan ko yung cellphone ko. Tumatawag si manager Sejin.
Napabuntong-hininga ako. Ano nanaman ba kailangan nito?
"Oh?" pagsagot ko sa tawag.
("Hello? Kasama mo ba diyan si Shayne?")
Biglang kumulo ang dugo ko sa tinanong niya. Yun talaga ang binungad niya sakin? Yung babaeng yun?
"Hindi ko siya kasama." malamig na sabi ko. Mahirap na, baka masigawan ko pa tong matandang ito.
("Jungkook. We need your help.") nagpapanic na sabi niya.
"Kung may kinalaman lang yan sa babaeng yun, sa ibang members ka nalang magpatulong." ibababa ko na sanan nang marinig ko siyang magsalita.
("WHETHER YOU LIKE IT OR NOT, YOURE GOING TO HELP US! MANAGER'S ORDERS!") rinig ko sa boses niya ang galit at pagpipigil. Medyo kinabahan naman ako. Minsan lang kasi magalit si manager Sejin. At tuwing nagagalit siya, may nangyaring masama o importante.
Hindi kaya... May nangyaring masama dun sa babaeng yun?
__________
New UD!
Tungkol po dun sa 'recent album' nila na Love Yourself: Her, alam ko pong hindi na po iyon yung pinaka-recent nilang album ngayon time natin. Pero sa story na po ito yung love yourself: her na po yung recent. Susundin ko nalang po yung time sa story hindi dito sa totoong time natin. (Hirap i-explain ha 😂)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top