Chapter 5: His Surprise Visit
Nikaella's POV
"Aray!"
"Sira ulo kang bata ka! Bakit mo pinalayas si Shayne? Ha?!" sigaw sakin ni mommy habang pinaghahahampas ako ng dyaryo.
Bakit ba siya nagagalit? Eh panigurado namang gusto niya ring palayasin yung hampas-lupa na yun noh!
By the way magpapakilala muna ako, my name is Nikaella Martin Santos or Ella for short. I'm the daughter of Barbara Martin Santos at cousin ko ang hampas-lupang Shayne na yun.
You're probably wondering why I hate Shayne. Well kung hindi niyo pa alam, siya ang dahilan nang pagkamatay ni tita Jackeline at tito Greg which happens to be my mom's brother.
At kahit naman hindi maaksidente yung dalawang yun, i still hate her dahil inaagaw niya lahat ng bagay na meron ako!
Relatives, friends at kahit simple things kinukuha niya sakin. Alam niyang mabait ako sa kanya dati. Well yun ang pagkaka-alam niya, pero pina-plastik ko lang naman siya noh! As if naman makikipag-friends ako sa hampas lupang kagaya nya. Tsk.
Nang huminto sa paghahampas sakin si mommy, agad akong nagsalita. "I kicked her out kasi nakakasira siya ng reputasyon! Alam mo ba kung ano ang ginawa niya? Nakipag-away lang naman siya kay Jeon Jungkook nang walang dahilan. At hindi lang isang beses kundi dalawa! Wala na talagang kahihiyan yung hampas-lupa na yun sa pamilya natin, magpasalamat ka nga at pinalayas ko na siya. Kasi kung hindi ko siya pinalayas ay baka dinudumog na ng mga fans ng BTS ang bahay natin ngayon."
Napairap ako. Parang ako tuloy yung nagmukhang masama dito. I kicked her out to protect the reputation of our family.
"She really did that?" sabi niya at halatang naniniwala. "Kinupkop ko na nga siya tapos eto pa ang isusukli niya sakin? Kahihiyan?" nakangiwi niyang sabi na parang nandidiri. Dapat lang na mandiri siya sa hampas-lupang iyon noh! Hindi ko nga maintindihan kung bakit niya pa kinupkop yun dito samin eh.
"Mom dapat kasi hindi mo na siya kinupkop in the first place, i told you na siya lang ang magpapahirap sa buhay natin." tumango-tango naman siya na para bang sumasang-ayon. Then nginitian niya ako bago lumapit sakin.
"Im happy you kicked her out of this house. Dati ko pang gustong gawin yun kaso naaalala ko kung gaano siya kamahal ni tito Greg mo dati. Mabuti at ikaw na ang nagpalayas sa kanya, thanks baby." sweet niyang sabi habang pinipisil ang pisngi ko.
Napangiti ako. I love my mom.
Maya-maya ay naisipan naming mag-movie marathon. Movie marathon is one of the things that we really like doing together.
Habang hinahanda ko ang popcorn na kakainin namin, biglang nag-ring ang doorbell.
"Mom? May bisita ka ba?" tanong ko habang isinasalin sa bowl ang mga popcorn.
"Nope. Ako na titingin kung sino yun." sabi niya at dumiretso sa may pintuan. Ako naman ay dumiretso na sa couch namin, ihahanda ko na ang mga cd.
"Ella! ELLA!" halos mabingi ako sa sigaw ni mom. Argh. Bakit kailangan niyang sumigaw? Tss...
Pinuntahan ko nalang siya at naabutan ko siyang may kinakausap na lalaki sa pintuan. Hmm... At sino naman siya?
"Mom?" tawag ko na ikinalingon niya. Hindi ko parin makita ang mukha ng lalaki dahil hinaharangan ito ni mommy.
"Ella I think hinahanap ka niya." sabi niya habang kilig na kilig, dahilan para kumunot ang noo ko.
Tapos sinesenyasan niya pa ako ng kung anong alien language na hindi ko maintindihan.
"Sino?" tanong ko. Wala akong ineexpect na taong bibisita sa bahay ko kaya hindi ko talaga kilala kung sino to. Nakakainis ah, bigla-bigla nalang dadalaw sa bahay namin nang hindi man lang nagpapaalam sakin. Baka isa na naman sa mga suitors ko to.
"Is there anything you ne-" natigil ako sa pagsasalita nang mapatingin ako sa mukha niya.
Si...
"Uhm sorry po kung bigla-bigla nalang po ak-"
"Ahh! Oh my god V!" hindi ko mapigilang tumili. Please tell me im not dreaming. Wag niyong sabihin sakin na kamukha niya lang yan kundi magwawala ako.
Lumapit agad ako sa kanya at hinawak-hawakan siya sa braso para manigurado na siya talaga yan at hindi ako nananaginip. Actually halos magmukha na akong tanga dahil hindi ako mapakali habang nakahawak sa braso niya at tili parin ng tili hanggang ngayon.
Gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon para maniguradong hindi ako nananaginip. Si V ba talaga to?!
Napansin kong halos matunaw na si V sa kakatitig ni mommy sa kanya.
Sinong tao ba naman ang hindi mapapatitig sa napaka-gwapong niyang mukha huh? At sinong babae ang hindi kikiligin kung pumunta ang isang Kim Taehyung sa bahay niyo?
"Oh my god V! Youre so gwapo in person gosh! I really can't believe it!" halos hindi na ako makahinga nang sabihin yun.
Feeling ko ako na yata ang pinaka-swerteng ARMY ngayong araw na ito dahil dumalaw lang naman si KIM TAEHYUNG sa bahay namin! Eto na ba ang sign ni god na destined talaga kami para sa isa't-isa? Hihi.
Pero speaking of pagdalaw, bakit nga ba nandito si V sa bahay namin? Tsaka paano nalaman ni V ang bahay ko? Ang dami kong tanong na walang kasagutan.
Pero... Hindi kaya stalker ko siya? Nakakakilig isipin. Hihi.
"I'll just leave you two here for a minute, ah." sabi samin ni mom habang pini-picturan si Taehyung tsaka umalis. Napangisi ako, kaya nagkakasundo kami eh, alam niya ang laman ng utak ko.
Binaling ko ulit ang tingin ko kay V. "Anyway, bat ka napapunta dito? I mean, paano mo nalaman kung nasan ang bahay ko?" I smiled sweetly at him at hinawi ang buhok ko sa likod ng aking tenga. Ang pogi niya talaga.
Blangkong expresyon lang ang ibinigay niya sakin. Pero hindi in a bad way ah, he just looks confused. Actually ang cute niya nga dahil napaka-inosente ng mukha niya. "I'm here to-" I cut him off.
"Ah! You're here to court me, right? Actually you don't need to naman eh, you're qualified to be my boyfriend if you want." hindi ko mapigilang kiligin. Grabe ang kapal ng face ko ngayon ah. Pero di bale na, choosy ka pa ba eh si V yan?
Pero imbes na sagutin yung sinabi ko, nakatingin lang siya sakin na para bang taga-ibang planeta ako. What's with the look he's giving? Nabigla ba siya sa sobrang pagka-straight forward ko?
Oh my god. Hindi kaya na-turn off ko siya? Wag naman sana.
Maya-maya naman ay natauhan na siya at mukhang napangisi pa sa sinabi ko. "Actually, no." sagot niya.
Kumunot noo ko. NO? "Eh ano?"
Kinalma ko sarili ko. So ayaw niya akong maging gf? Eh kung ganon bakit nandito siya?
"Do you know Shayne Thyson Martin?"
"Yes." sabi ko habang unti-unting kumunot ang noo ko. Bakit niya kilala ang hampas-lupang yun? Kaya ba siya nandito dahil dun sa abandunadong ampon na yon?
Huminga ako ng malalim. Think happy thoughts, Ella. Baka masira ang beautiful face mo. Baka kaya nandito si Taehyung ay para makaganti kay Shayne sa pananakit niya kay Jungkook. Tama, yun nga!
Napangisi ako. "If you're here para gantihan siya, well she's not living here anymore. Naglayas siya and hindi naman alam kung saan siya pumunta. Pero sinusubukan namin siyang hanapin ngayon so don't worry." That's a lie of course, bat naman namin siya hahanapin? Sinubukan kong sabihin ito in a sweet way. Malay mo, ma-fall siya sa irresistable charms ko.
"Naglayas siya?" nakita ko na parang napangisi siya nang sabihin niya yun. "If you say so..."
Medyo naguluhan ako dun sa kanya nung una, pero hindi ko nalang punansin. Nakakagulat nga naman, si Shayne pa ang dahilan ng pagkikita namin. May silbi pa pala yung hampas-lupa na yun samin.
"Anyway..." panimula ko. can i get your num-" he cut me off.
"Actually, nandito ako para kunin ang mga gamit niya..." agad namang nagsalubong ang kilay ko ulit.
"Why?"
"She's staying with us now." casual na sabi niya, natigilan ako. "Anyway, pwede po bang kunin?" paalam niya sakin at wala sa sariling tumango naman ako kaya pumasok na sa loob si Taehyung.
Pagdating niya sa living room, naabutan niyang nandun si mommy at agad siyang napansin nito. "Saan po yung kwarto ni Shayne dito?" tanong niya kaya in-assist siya ni mommy. Nanatili akong nakatayo sa pintuan.
Tama ba ang narinig ko? Sinabihan niya ako ng 'po'?!
And what. the. hell?!
'She's staying with us now.'
'She's staying with us now'
'She's staying with us now'
WHAT DOES THAT MEAN?!
Agad naman akong dumiretso sa kinaroroonan ni V. Natagpuan ko siya sa kwarto namin ni Shayne habang inilalagay sa malaking supot ang mga gamit niya habang tinutulungan siya ni mom.
Agad naman akong lumapit sa kanya. "What do you mean na she's staying with you? Sabi mo 'with us'? Are you referring to BTS? I mean, she's staying with BTS? Sa bahay ng BTS? Sa bahay niyo?!" sabi ko, almost like a shout.
Tumango lang siya habang patuloy na inilalagay sa supot ang mga gamit ng hampas-lupa na yun.
I can't believe it! Bat napadpad siya dun?! Kaya kong gawin ang lahat para lang mapansin ako ng BTS tapos siya nawalan lang ng tirahan pinatira na agad siya sa dorm nila?
That's unfair! Lahat nalang inaagaw niya!
Or baka eto ang paraan niya to get even with me. Ginamit niya pa ang BTS ah, sumusobra na talaga siya.
Oh baka naman ginawa niyang hostage ang BTS para lang maasar ako, that crazy b*tch.
"H-how?!"
Patuloy parin siya sa paglalagay ng mga gamit habang nagsasalita. "Well since kayo naman ang guardian ni Shayne, I guess I have to tell you..." he paused for a minute. "Pinag-trabaho siya ng mga manager namin bilang second boss-slash- katulong namin, and tomorrow na ang start niya." nanlaki ang mga mata ko. A-ano?!
I-i mean, bakit?! That makes no sense!
Boss-slash-katulong?! What does that mean?!
Maya-maya nang matapos siya sa pagkuha ng mga gamit, humarap siya samin ni mommy at nginitian kami.
A smile that can melt every girl's heart.
"Salamat po sa tulong. Pasensya na rin po sa abala at pumunta po ako sa bahay ninyo ng walang paalam. Hindi ko naman p-" mom cut her off
"Naku okay lang. Masaya nga kami at napunta ka dito eh, jusko ang sikat mo pala eh noh?" tumawa ng mahina si mom habang nakangiti lang sa kanya si V.
Sa kalagitnaan ng pagpapaalam nila, biglang nag-ring ang phone ni V. Sinilip niya kung sino ito. "Naku, kailangan ko na pong umalis. Maraming salamat po talaga at sorry po ulit sa abala." sabi niya bago tumakbo papunta sa motor niya habang dala-dala ang damit ng hampas-lupa na yun. Kumaway muna siya samin bago pinaandar ang motor niya.
Sinamaan ko ng tingin si mom na hanggang ngayon ay kumakaway parin sa kinaroroonan ni Taehyung kahit malayo-layo na siya. "Mommy!" sigaw ko na ikinagulat ka.
"Nakakagulat ka namang bata ka. Bat ka ba sumisigaw?!"
I pouted. "Pinaalis mo agad eh hindi ko pa nakukuha yung number!"
"Basta ang tadhana na ang kikilos para sainyo." sabi niya. "Pero hindi mo ba narinig yun?" sabi niya at lumapit sakin.
"Ang ano?" irita kong tanong.
"Sabi niya sa kanila na nakatira si Shayne!" may halong excitement at saya ang mukha at tono ng boses niya na ikinakulo ng dugo ko. At take note ha, pumapalakpak pa siya.
"So natutuwa ka pa. Na nakakasama niya ang BTS instead na ako dapat ang kasama nila." hindi iyon tanong, more like a statement.
Nang tumingin siya sakin ay agad na naglaho and ngiti at saya sa mukha niya. Niyakap niya ako at hinimas-himas ang ulo ko. "Of course not honey!"
"Eh bakit ka masaya?" mangiyak-ngiyak na sabi ko. Actually hindi naman talaga ako naiiyak. Nagpapaawa lang ako.
Kumalas siya sa yakap ko at iniharap niya ako sa kanya. "Hindi mo ba gets?" umiling ako, ang alin? "Pwede nating gamitin si Shayne para lang matuloy ang love story niyo nung poging artista na yun!"
Kumunot noo ko. "Ano?" hindi ko siya maintindihan.
Napabuntong-hininga naman siya bago magsalita. "We can use her para mapalapit sa BTS mo. For example, kung gusto mo makita ulit ang pogi na yun or kung gusto mo makita ang BTS, kunwari'y dadalawin natin si Shayne sa dorm nila, tutal nakatira naman sila sa iisang bubong diba?"
With what she said, unti-unting lumilinaw sakin ang lahat ng mga sinabi ni mommy.
Use... Shayne?
Napangisi ako.
__________
New Update! 😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top