Chapter 3: Decision

Shayne's POV

"Siya ba yun?"

"Oo siya yun, grabe ang kapal ng mukha niya..."

"Ang lakas ng loob niyang awayin si Kookie!"

Hindi ko nalang pinansin ang mga nagbubulungan sa paligid at pumasok na ako ng klase. Pinagkakaguluhan ng mga estudyante ngayon sa Pandleton Academy ang nangyari sa birthday ni Rogue. Actually hindi lang sa buong eskwelahan, kundi sa lahat na ng parte ng mundo!

Kaya eto ako ngayon, kinaiinisan ng lahat. Binibigyan ako ng masasamang tingin, pinagbubulungan ako na halos naririnig ko rin naman ang binubulong nila at mga nagpaparinig. At sigurado pa ako, mas lalo pa nila akong ibu-bully ngayon.

Napabuntong-hininga ako. Bat ba naging ganto buhay ko? Ako yung biktima pero ako yung kinaiinisan? Nagmukha akong masama sa paningin ng tao pero hindi nila alam na yang punyetang idol nila ang nagsimula ng lahat ng ito! Dahil sa kanya, pinalayas ako ng bahay. Dahil sa kanya, wala na ngang nakikipag-kaibigan sakin, kinainisan pa ako. Dahil sa kanya, nagkanda-leche leche tong buhay ko!

At tungkol dun sa deal na binigay sakin ni manager Sejin? Syempre tinanggihan ko! Kahit wala na akong mapuntahan ngayon, kahit papano may pride parin ako noh! Sino ba namang tanga ang tutulungan ang taong sumira ng buhay niya? At ang tanong, bakit ako yung gusto nila para sa trabahung iyon? Dahil ba ako pa lang ang taong kayang manakit kay Jungkook at sa BTS na yun? Ah basta, wala na akong planong baguhin ang isip ko.

Pagpasok ko sa klase, naabutan kong maingay ang mga kaklase ko. Batuhan dito, landian doon, tawanan dito, cellphone doon.

Nang mapansin nilang dumating na ako, natahimik yung mga babae at tiningnan ako ng masama, yung mga lalaki naman ay nakangisi sakin. Hindi ko nalang ulit pinansin at dumiretso ako sa likod kung nasa ako nakaupo. Sanay na ako sa ganyang klase ng pakikitungo nila sakin.

Pero ang nakakapanibago lang ay nang hindi ako pinansin ni Charmille. Hindi kaya niya napansin ang pagdating ko? Imposible. Nasa akin lahat ng atensyon ng mga kaklase ko pagdating ko, imposible hindi niya ako mapansin.

"Hi Charmille!" bati ko sa kanya. Baka kasi hindi niya lang talaga ako nakita.

Pero imbes na batiin ako pabalik, hindi niya ako pinansin at nagbasa nalang ng libro. Anong problema nito?

Hindi ko nalang din siya kinausap. Baka period days niya ngayon, moody siguro.

Bigla namang dumating ang professor. "Goodmorning class." at dun na nagsimula ang klase.

***
"Miss Martin, why don't you answer this question?" agad naman ako tumayo at dumiretso sa harapan para sagutan ang problem na binigay sakin.

Hindi pa ako nakakapag-sulat, may narinig na akong mga tawanan sa likod ko. "Oh my god, Shayne. Hindi ko alam na red days mo pala ngayon." rinig kong sabi ni Rogue sakin.

Napatingin ako sa kanila. Red days as in regla?

Napatingin ako kay Charmille nang mapansin kong parang may pasimple siyang itinuturo sa likod ko. "Miss Martin, I think you need to go to the bathroom." sabi ni prof na kasabay ang pagtawa ng mga kaklase ko.

Napatingin ako sa skirt ko sa likod.

"Oh no, walang pambili ng napkin? Wawa naman this girl.." rinig kong sabi ni Rogue na umalingaw-ngaw sa buong klase kaya mas lalaong nagsitawanan ang mga kaklase ko.

Nag-excuse ako kay sir para makapunta ng restroom at pinayagan naman niya ako kaya lumabas na ako ng classroom.

Pagdating ko sa restroom, hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Buti nalang walang tao dito dahil class hours ngayon.

Sinubukan kong tanggalin ang pulang pintura na dumikit sa skirt at hita ko. Actually kung makikita niyo lang ako, mukha akong baliw. Umiiyak kasi ako habang naglilinis ng skirt.

May biglang narinig naman akong pagbukas ng pinto kaya napalingon ako kung sino yun.

Si Charmille.

Lumapit siya sakin at may iniabot na isang maliit na teddy bear. Awa ang nakikita ko sa mga mata niya. Tiningnan ko muna ito bago kunin. "Ano i-" hindi ko pa natatapos ang pagsasalita ko, umalis na agad siya.

Napatingin ako sa teddy bear na binigay niya sakin. Sa may bandang tiyan nun may nakasulat na 'Press me!' Kaya pinindot ko ito.

"Shayne, I'm sorry." teka, boses ni Charmille to ah? "I'm sorry dahil hindi kita maipagtanggol sa kanila, hindi ko kasi kaya. I'm sorry."

Napatingin ako sa teddy bear na binigay niya. Kaya niya ba ako hindi pinapansin kanina ay dahil takot siyang madamay dito?

Akala ko ba tutulungan niya akong maging matapang? Akala ko ba tuturuan niya akong labanan sina Rogue at yung mga alipores niya? Bakit siya ngayon yung naduduwag?

Pero bakit ganun? Imbes na magalit ako dahil hindi niya ako ipinagtatanggol, parang naiintindihan ko siya. Kahit hindi iyon ang gagawin ko pag siya ang nasa sitwasyon ko, parang okay lang sakin.

Napangiti ako. At least sinabi niya yung dahilan kung bakit niya ako iniiwasan. Okay na sakin yung ganon. Traka ayoko na rin naman na may nadadamay pa nang dahil sakin.

Sinubukan ko ulit tanggalin ang pintura sa skirt ko. Pero nang mawalan na ako ng pag-asa, naisipan kong tumakas nalang palabas ng eskwelahan.

Kesa naman bumalik pa ako sa klase, pagti-tripan lang ako nila Rogue.

Sinilip ko ang dalawang guard na nakabantay sa gate ng eskwelahan. Sa pagkakaalam ko, mahigpit ang security ng Pandleton Academy. Kaya mukhang mahihirapan akong makatakas.

Pano ko kaya gagawin to?

Isip...

Isip...

Isip...

Alam ko na!

Tumakbo ako papalapit sa kinaroroonan ng guard. "Kuya! May nag-aaway pong estudyante sa loob!" Papanic-panic kong sabi sa kanila.

"Saang building?" tanong nung isang guard. Yes gumana!

Tinuro ko sa kanila yung building na pinaka-malayo sa gate. "Sa rooftop po ng building na yan." Nagtinginan naman sila sa isa't-isa at tumakbo na papunta sa building na yun. Hinintay ko muna silang makalayo bago ako lumabas ng gate.

Nang makalabas ako, narakaramdam naman ako ng ginhawa. Nakakasakal yung mga tingin nila sakin eh, akala mo kakainin ako ng buhay.

Pero san naman ako pupunta ngayon?

Bigla naman akong may naramdamang pumatak na tubig sa katawan ko.

Patay, umuulan.

Napatingin ako sa cafe na nasa kabila ng daan at tumakbo ako papunta rito. Makikisilong muna ako.

Pagpasok ko, umorder ako ng isang hot chocolate at naghanap ako ng upuan sa sulok. Walang silbi rin pala yung pagsilong ko kasi nabasa din ako. Tsk.

Tumingin nalang ako sa labas. May isang black van dun na may malaki na nakasulat na 'BigHit' na naka-park lang at pinapaligiran ito ng mga tao na akala mo may artista sa loob.

Anong meron dun sa loob ng van? May artista ba talaga sa loob?

Napatingin ako sa isang taong kakapasok lang sa cafe na halos magmukha nang kriminal dahil tagong-tago ang mukha. Naka-all black and grey kasi, naka grey beanie, sunglasses, black mask, grey sweater, black pants at naka-black bag pa. Hindi ko nga alam kung lalaki ba o babae yun basta dumiretso lang siya sa counter.

Hindi ko na pinansin at inalala nalang kung saan ako pupunta ngayon. Pinalayas ako sa bahay, nag-cutting ako at umuulan ngayon. Walang-wala na talaga akong pupuntahan.

Naalala ko na naman yung in-offer sakin manager Sejin. Hindi ko ba talaga tatanggapin yun?

Kasi kung iisipin mo, sayang rin yung offer na yun. May malaking sweldo ka na, may matitirhan ka pa AT puro artista ang makakasama mong tumira sa iisang bahay.

Pero nakakasira naman ng pride yun, yun na nga lang meron ako eh.

"Miss?" napalingon ako kung saan nanggagaling yung baritonong na boses na yun. Bumungad sakin yung taong pinagmasdan ko kanina. Itinanggal niya yung mask na suot-suot niya kanina kaya medyo kita ko yung lips part niya.

So lalaki pala siya, ang lalim ng boses eh. Pero nakayuko parin siya sakin kaya hindi ko parin makita ang mukha niya.

Pero infairness ah, yung amoy niya ang unang sumalubong sakin. Ang bango. "Is it okay if I sit here?" medyo kumunot noo ko sa sinabi niya. Dito? Bakit dito eh ang dami namang vacant seats. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung papayagan ko o hindi. Baka kasi mga magnanakaw ay eto ang bagong modus, mahirap na.

Teka, may mananakaw pa ba sakin? Muntik na akong matawa.

"Bakit po?" hindi ko mapigilang tanong. "I mean, ang dami-dami naman pong vacant seats dito sa cafe ah." hindi ko naman intensyon na maging masungit pero parang ganun ang kinalabasan ng pagkakasabi ko.

Kahit hindi ko makita ang mukha niya, nakita ko ang kanyang labi na napangisi. "Ayokong maging center of attention."

Center of attention? Siya? Bakit? Sino ba siya para maging center of attention?

Well etong table ko nga naman ang pinaka-tagong table sa cafe. Parang pader na nga ako dito eh.

Tumango na lang ako para sabihin sa kanyang pumapayag na ako. Umupo naman siya sa harap ko habang dala-dala ang coffee na inorder niya sa counter kanina. "Salamat."

Nang makaharap ko siya ngayon, medyo kita ko na ng konti ang mukha niya pero hindi ko parin alam at itsura kasi naka-sun glasses nga kasi siya.

Nagsa-sun glasses sa loob ng cafe? Baka may sore eyes.

"Youre Shayne Thyson Martin... Right?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pano niya nalaman pangalan ko eh hindi ko pa naman sinasabi sa kanya? Hindi kaya stalker ko siya?

Pero nabasa niya ata ang lahat ng laman ng isip ko dahil itinuro siya yung school uniform ko na may pangalan ko. Nyeks.

"Ah.. Oo." parang ang awkward nang pagkakasabi ko. "Eh ikaw? Anong pangalan mo?" sabi ko bago inumin ang hot chocolate ko.

Bago pa siya magsalita, ay unti-unti niyang inalis ang sun glasses na nasa mata niya. Tiningnan ko siya ng mabuti. Parang pamilyar to a-

"Call me Kim Taehyung."

Muntik ko nang maibuga sa kanya ang hot chocolate na iniinom ko. Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling itinuro siya. "I-ikaw! Bat ka nandito?" sigaw ko na nakakuha ng atensyon ng iba na nasa cafe. Napaupo ako ng tahimik dahil sa kahihiyan at hinintay munang maglaho ang kanilang atensyon sakin bago ituloy ang sasabihin ko.

Napangisi siya sa sinabi ko. What's with the smile? Ang sunod ko naman na itinuro ay yung van na pinapaligiran ng mga tao. "Eh y-yon? Sa i-inyo y-yun?"

"Hindi mo talaga tatanggapin yung offer?" natahimik ako. "O-offer?" Shit Shayne! Kalma lang wag kang mauutal, nakakahiya ka.

Tumawa siya ng mahina. "Manager Sejin's offer." Bakit niya naman tinatanong?

"Bakit? Anong pakielam mo kung tanggapin ko man o hindi?" taas-kilay kong tanong. Teka bat ko nga pala minamalditahan to eh wala namang ginagawa sakin tong masama?

Ah basta, kaibigan niya yung Jungkook na yun kaya mamalditahan ko rin siya.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo nang hindi niya na naman ako sinasagot. Grabe ang sarap kausap nito ah. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. "Let's go. Kukunin naman namin yung mga gamit mo later."

"Teka ano bang sinasabi m-" hindi pa ako tapos magsalita ay hinila niya ako palabas ng cafe nang napaka-bilis. May nabunggo pa nga kaming babae nung palabas na kami ng pinto eh. "Sorry." paumanhin niya sa dun sa babae na nabunggo.

"Its oka- wait a second.." tumigil si Taehyung sa paghila sakin at lumingon dun sa babae? Halatang hinihintay ang sasabihin nung babae. Sinubukan kong gamitin ang chance na yun para kumalas sa bagkakahawak niya sa kamay ko pero ang higpit ng hawak niya kaya wala narin akong nagawa.

Pero nagulat ako nang biglang nanlaki ang mata nung babae at biglang sumigaw ng "OMG! TAEHYUNG!"

Agad namang nakakuha ng atensyon ang pagsigaw niya. Nang namukhaan na nila si Taehyung, agad silang tumakbo papunta sa kanya. Pero hindi pa man sila nakakalapit ng husto, hinila na ako ni Taehyung papunta sa loob ng van.

Pagpasok namin sa van, agad naman niyang sinara ito at bumungad sakin si manager Sejin na nagce-cellphone.

"Tae, I told you many times na wag kang magpapahu-" napatigil siya sa pagsasalita nang mapansin niyang nandito ako. "Shayne? Wh-why are you here?" tanong niya. Still shocked that I'm here. "I mean, what brings you here? Did you changed your mind about the offer?"

"Actually, hindi pari-"

"Yes." Kusang kumunot ang noo ko nang biglang sumingit si Taehyung kaya napatingin ako sa kanya. "She said she'll accept the offer." seryosong sabi niya pero halata parin sa mukha niya na may konting enjoyment siyang nararamdaman.

"Hindi k-"

"Well that's great, Shayne! You can start moving in today pero bukas na ang simula ng trabaho mo." sinamaan ko ng tingin si Taehyung pero parang wala lang sa kanya yung tingin ko.

"Uhm, Im sorry sir pero hindi parin po nagbabago ang isip ko. Sorry." Sabi ko. Natahimik saglit ang paligid.

Maya-maya lumapit sa pwesto ko si manager Sejin at tinapik ang likod ko. "Alam mo Shayne, i understand kung bakit mo tinatanggihan etong offer na ito kahit na obvious namang kailangan mo to. Not trying to be offensive, but I completely understand na ayaw mo lang mawala ang pride mo sayo, pero hindi lang naman para sakin or para sayo tong offer ko,  sa ikabubuti rin nating lahat. So please Shayne, consider my offer." Halos magmakaawang-sambit ni manager Sejin.

Napatingin ako kay Taehyung. Nakataas ang kilay niya na para bang sinasabing 'Just accept the offer.'

Napapikit ako. Tatanggapin ko ba talaga to o hindi?

________________
It's been a while na nakapag-UD ako.

I'm really sorry guys kung sobrang tagal po ng UD. Ang dami pong ginagawa sa school jaya sana maintindihan niyo.

Pero I hope you appreciate this UD kahit halos isang buwan akong hindi nakapag-UD 😂 sorry poooo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top