Chapter 2: Their Encounter
Shayne's POV
Reccess parin hanggang ngayon, nandito kami sa cafeteria ng Pandleton Academy.
Huminga ako ng malalim. "Sorry ah, napahamak ka tuloy nang dahil sakin." nagi-guilty ako. Nang dahil sakin, maaaring ma-bully na rin siya nina Rogue. Ayoko naman na mangyari yun.
May katahimikan na bumalot samin saglit. Nahihiya at nagu-guilty ako at the same time. "Bakit hindi ka lumaban?" napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun.
Lumaban?
Napangisi ako. "Para san pa? Para makagawa ng gulo?" huminto ako saglit. "Mas mabuti nang manahimik, kesa puro gulo ang buhay mo." sinamaan ko siya ng tingin. "Dapat kasi hindi mo nalang pinatulan eh, baka mapahamak ka pa tuloy nang dahil sakin. Pinagi-guilty mo naman ako."
"It's okay, hindi ako nag-regret sa ginawa ko. It's better to do something than to not do anything at all. And besides, sa tingin mo kaya kong panuoring ma-bully ang only friend ko dito sa eskwelahang ito?" medyo natigilan ako saglit sa sinabi niya.
Friend? Parang ang sarap naman pakinggan.
"Salamat ah."
"No problem." nginitian niya ako. "Oo nga pala, sino yung mga yun? Bakit parang hindi mo sila kayang labanan?" oo nga pala, transferee siya. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Mas makabubuti ba kung sabihin ko sa kanya ang lahat?
Sa tingin ko mas mabuting may alam siya, para maging maingat na siya sa mga gagawin niya sa susunod. "Sila si Avena Ayres at Xoella Rivet. Sikat sila sa pagiging alipores nila kay Rogue. Naging alipores sila ni Rogue dahil ang magulang nilang dalawa ay kasama sa top 10 richest family sa bansa natin."
"Tsk. Yun lang naman pala eh." Medyo napalaki ng konti ang mata ko sa sinabi niya. Parang wala lang sa kanya na isa sila sa pinaka-mayaman dito ah. Alam niya ba sinasabi niya?
"Anywa...msi Rogue naman ang queen bee ng eskwelahang ito at ang anak din ng principal dito. At bukod dun syempre, kasama rin ang pamilya niya sa top 10 richest." bumuntong hininga ako bago magsalita. "Mas mahihirapan ka sa buhay-eskwelahan mo kapag inaway mo pa sila. Bukod sa aawayin ka nila palagi, aawayin ka rin ng halos lahat ng estudyante dito sa eskwelahang ito." sabi ko.
"Kahit na, hindi yun sapat na dahilan para hindi mo sila labanan sa pang-aapi nila sayo. Kung matapan ka tala-"
"Yun na nga ang problema eh, duwag ako." natigilan siya saglit, para bang nag-iisip. "Hindi ka ba nagsasawang maging duwag?" bigla niyang sabi na medyo ikinagulat ko.
Natawa ako sa sinabi niya. Ang straightforward niya magsalita ah.
"Kung alam mo lang, sawang-sawa na ako. Buong buhay ko ba naman na ganto ako." sabi ko. Nabigla ako nang lumapit siya sakin at tinitigan ako nang malapitan. "How about we make a deal?"
"Ha?" Anong pinagsasabi neto? Deal?
"Tutulungan kitang alisin ang pagkaduwag mo at tuturuan din kitang lumaban sa kanila. Pero..." huminto siya saglit. "Whenever I need something from you, You'll help me. Ok?"
Kumunot noo ko. "Ano?"
"Pupunta ka ba sa birthday party ni Rogue bukas?" umiling-iling ako. "You don't have a choice, pupunta ka whether you like it or not." napataas ang kilay ko.
"At bakit? Wag na noh, wala namang lesson na ituturo bukas kaya wala akong dahilan para pumasok."
narinig ko siyang nag-buntong hininga. "As a friend, gusto kitang tulungan. I can't stand watching you being bullied like this. Matuto kang lumaban."
Napairap ako. "So? Anong kinalaman nun sa pagpunta ko sa party?"
"I know that the reason why you don't wanna go to the party ay para iwasan sina Rogue at ang mga alipores niya." natigilan ako. Pano niya nalaman?
"Kailangan mong masanay na makita sila madalas. At wag mo silang iiwasan, avoiding someone is an act of a coward. Kaya pag hindi ka sumulpot sa party bukas, lagot ka talaga sakin." tumawa siya ng mahina. Huh, as if naman matatakot ako sa kanya.
"Pero, bakit mo ginagawa to?" tumigil siya sa pagtawa. Para kasing ang weird. Kanina ko lang kasi siya nakilala eh, paano ko malalaman na tutulungan talaga niya ako?
Nginitian niya ako. "It's because I'm your friend."
***
"Sir?" lumapit ako sa boss ko na nagbibilang ng pera. Nandito ako ngayon sa Frankie's Pizza kung saan ako nagpapart-time tuwing gabi. Dito ang diretso ko pagka-galing ng eskwelahan. Nagbibihis lang ako at didiretso na agad ako sa pag-dedeliver ng mga pizza. Pizza delivery girl ang trabaho ko dito, nakakapagod man pero ang sarap sa pakiramdam kapag nakuha mo na yung sweldo mo. Yung perang pinaghirapan mo.
"Hmm?" sagot niya, nagbibilang parin ng pera hanggang ngayon. Pinagmamayabang niya ba sakin yung pera niya? Kanina pa nagbibilang hindi matapos-tapos eh.
"Pwede po bang..." huminto ako sandali, nakakahiya man pero... "Pwede po bang i-advance po yung sweldo ko?" bigla siyang tumigil sa pagbibilang, hindi ko alam kung ano ang reaction niya kasi nakatalikod siya sakin.
"Kasi po Birthday po sa friday ng pins-" napatigil ako sa pagsasalita nang unti-unti siya lumingon sakin at binigyan ako ng masamang tingin.
"Anong sabi mo?" grabe kinilabutan ako sa boses niya, hindi naman ganyan ang normal niyang boses ah.
Kinakabahan akong ngumiti. "Ah hehe, sa-sabi ko nga po ba-babalik na po ako s-sa trabaho ko eh." sagot ko. Mas natakot ako nang agad naman siyang ngumiti. "Yun naman pala eh." bumalik sa dati ang boses niya at tinuloy ulit ang pagbibilang ng pera.
Hmmp! Ang kuripot, ipalamon ko sayo yang perang binibilang mo eh. Inirapan ko nalang siya nang palihim at umalis na para kunin ang pizza na susunod kong ide-deliver.
***
May hawak-hawak akong limang pizza habang hinihintay na bumukas ang elevator. Nandito ako ngayon sa isang building kung saan ko ide-deliver ang pizza.
Pagbukas ng elevator, nagulat ako sa mga nakita ko.
Penthouse na pala ang dulo netong building na to, at may party pang nagaganap ah. Napahilamos naman ako sa mukha ko, pano ko makikita yung nag-order neto?
"Pizza Delivery!" sigaw ko kahit sinasabayan ako ng music na halos mabingi ka sa sobrang lakas. "Pizza! Pizza Delivery!"
Ano ba naman tong lugar na ito, masyadong malakas ang tugtog at ang iingay ng mga tao, nakakabingi. Ang dami pang naglalandian. Nakakairita tingnan.
Nagulat ako nang may biglang kumuha ng pizza ko. Napalingon ako para malaman kung sino...
Isang gwapong singkit ang bumungad sakin. Matangkad siya pero konti lang ang pagkakaiba ng tangkad niya sakin. Iba rin ang kulay ng buhok niya. Kulay... blonde? At ang napansin ko agad sa mukha niya ay may full lips siya, kumbaga pouty. Sa totoo lang mukha siyang sikat na artista o singer. Pero kung sikat man siya, hindi ko siya kilala.
May bigla namang sumulpot na dalawang babae sa magkabilang gilid niya at kumapit sila sa kanyang braso na parang unggoy. Ang iikli ng mga suot nila at ang kakapal ng make-up. At isa pa, masyadong halata na naka-pad ang boob part at butt part nila. Nang makita nila ako, tinaasan nila ako ng isang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Muntik na akong matawa, makatingin sila akala mo kung sinong maganda.
Baka siya na ang may ari ng mga pizza kaya binigay ko sa kanya yung pipirmahan niya at pinirmahan niya ito nang walang sinasabi. Siya nga ang may ari. "Bale, one thous-" hindi pa ako tapos magsalita, binigyan niya na agad ako ng 5k. "Uhmm sir, one thousand seven hundred fifty lang po ang kailang-"
"Keep the change." kinindatan niya ako bago umalis. Grabe, napakayaman naman niya para bigyan ako ng 5k. Hindi ba siya nag-aalala na baka maubusan siya ng pera? Hindi naman sa nangingielam, pero kahit na mayaman ka dapat marunong kang magtipid ng pera. Hindi yung ubos biyaya. Tsk tsk, palibhasa hindi nila pinaghihirapan yang pera na yan. Yan ang mga problema sa kabataan ngayon eh.
"Aray!" napahawak ako sa pwetan ko sa sakit. Napaupo ako sa sobrang lakas ng impact ng bumunggo sakin, ano ba yung nabunggo ko? Bato? Ang tigas eh.
"Shit." napatingin ako sa lalaki sa harapan ko. Nakared beanie siya at may malaking headphones na nakapalibot sa leeg niya, naka-denim jacket din siya at sa loob nun ay white t-shirt. Mukhang natapunan siya ng juice na hawak niya dahil may malaking mantsa siya sa white t-shirt niya. Naku, baka siya yung nabangga ko.
Iritang pinunasan niya yung t-shirt niya at galit na tiningnan ako. "Bitch! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Nanlaki ang mata ko ng hindi oras. Ako? Ako ba tinutukoy niya sa bitch?
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at hinarap ko siya. Aba gago to ah, ang kapal ng mukha murahin ako. "Bakit ka nagagalit sakin? Hindi naman siguro tayo magkakabanggaan kung hindi ka rin tumitingin sa dinadaanan mo!" sigaw ko na ikinagulat niya at ng ibang mga tao sa paligid namin. Unti-unti naman kaming nakakakuha ng atensyon hanggang sa nag-form ng bilog ang mga tao sa paligid namin.
Natawa siya sa sinabi ko, pero yung sarkastikong tawa. "Hindi mo ba ako kilala?" napairap ako sa sinabi niya. "Sa tingin mo kilala kita? Bakit, sino ka ba?"
Yung mukha niya pagkasabi ko nun, parang hindi siya makapaniwala. Bakit? Sino ba siya para makilala ko? Hindi naman lahat dapat kilala siya. "Ang yabang mo, natapunan ka lang sa t-shirt mo galit ka na agad! Akin na lalabhan ko."
"Alam mo ba kung san pa galing itong t-shirt na to? Sa US ko binili tong shirt na to!" dahil sa sinabi niyang yun, hindi ko mapigilang tumawa. Bibili nalang ng t-shirt, New York pa. Tapos pag natapunan magagalit ng sobra. Manong bumili nalang siya dito, eh pareho lang naman ang itsura. Psh.
"Pinagtatawanan mo ako ngayon?" tumigil ako sa pagtawa. "Obvious ba? Mukha ka kasing tanga, bibili ka na nga lang ng t-shirt, sa US pa. Eh mukhang local lang naman yang shirt mo."
Tumawa nanaman siya ng sarkastiko. "Alam mo..." tinuro-turo ako. "Kung hindi ka lang babae, nasaktan na sana kita ngayon. Pasalamat ka."
Napangisi ako. Talaga lang ha?
Inapakan ko ang paa niya ng sobrang lakas sa abot ng aking makakaya. "Ah sh*t ! F*ck that hurts!" sigaw niya. Pinanood ko lang siyang nagtatalon-talon habang hinahawakan yung paa niya na inapakan ko. "Sasaktan mo na ba ako ngayon?" hamon ko.
May limang lalaki naman na biglang dumating, kasama na rin dun lalaking um-order ng pizza kanina. Kailangan ba pag gwapo yung lalaki dapat gwapo din ang mga kaibigan? Ang daming gwapong nagkalat dito ah.
Ngayon ko lang napansin na halos lahat na pala ng mga tao dito ay pinapanuod na kami, nawala na rin ang napakasalakas na music kanina.
May isang lalaki na lumapit dun sa nakaaway ko. Sobrang tangkad siya at gwapo din. Singkit siya at tan yung skin niya. Hinawakan niya ang balikat netong nakaaway ko na ang sama ng tingin sakin. "Yow Kookie, what's wrong?"
Pinigilan kong matawa, Kookie? As in, chocolate chipped cookies? Cookies and cream?
Pero imbes na sagutin yung matangkad na lalaki, inalis lang ni 'Kookie' yung kamay nung lalaki sa balikat niya at hindi niya inaalis ang masamang tingin niya sakin. Napansin naman ata yun ng limang kaibigan niya kaya napatingin sila sakin. "Jungkook, do you know her?" tanong nung lalaking um-order ng pizza kanina.
"Sorry po sa abala, paalis na po dapat talaga ako." sabi ko sa kanila bago umalis dun sa lugar na yun.
***
"Nandito na po ako." sabi ko kina tita at sa pinsan na hindi man lang napansin ang pagdating ko. Nanonood sila ng isang show.
Di-diretso na sana ako sa kwarto namin ng pinsan ko nang biglang nagsalita si tita. "Hugasan mo yung pinggan bago ka matulog." sabi niya habang nakatutok sa tv.
Habang naghuhugas ng pinggan, pasimple akong sumilip sa kanila.
Nanonood parin sila ng tv habang kumakain ng popcorn. "OMG! Mom, ang gwapo ng Bangtan Sonyeondan noh?" rinig kong sabi ni Nikaella, ang pinsan kong maldita. "Lalo na si Jungkook!" Jungkook? Weird name, tsaka parang pamilyar. Hindi ko lang alam kung san ko narinig yun.
"Yan, yan dapat ang mga lalaking dapat pakasalan mo. Mayaman, sikat at gwapo." sabi naman ni tita. Napatingin ako sa tv para malaman kung sinong lalaki yung tinutukoy niya.
Nabitawan ko yung pinggan na hawak ko.
*craaaaash!*
Natauhan ako nang mapatingin sina tita at Nikaella sa akin. "Anu ba yan!" lumapit naman agad sakin si tita. Akmang pupulutin ko yung mga malalaking bubog nang itulak ako ng malakas ni tita kaya napaupo ako sa sahig. "Umalis ka na nga! Ako na diyan, maghuhugas na nga lang ng pinggan hindi pa magawa. Pumunta ka na nga sa kwarto mo!" sigaw niya.
Kaya agad akong tumayo at papasok na sana ako ng kwarto nang biglang magsalita si Nikaella. "Wala na ngang naitutulong, gumagawa pa ng tatrabahuhin. Ang malas niya sa buhay, bwisit." pagpaparinig niya sakin. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na ako sa kwarto.
Pagpasok ko sa kwarto, sinara ko ang pinto at sumandal ako dito.
Napatingin ako sa dalawa kong kamay, ngayon ko lang napansin na nagdudugo ito. Baka nakahawak ako ng bubog nang itinulak ako ni tita kanina. Kumuha nalang ako ng tissue sa cabinet ko at pinunasan ito.
Hanggang ngayon hindi ako makaget over sa nakita ko sa tv kanina. Siya yun, siya yung lalaking nakaaway ko kanina. Yung Kookie yung pangalan, siya yun at yung lima niyang kaibigan. Lahat sila nasa tv.
Kaya pala nagulat siya nang hindi ko alam kung sino siya,sikat pala siya. Pati na rin yung lima niyang kaibigan kanina nandun sa tv. Sobrang sikat sila.
Pero nung nasa penthouse sila, anim lang sila. Bakit kanina sa tv pito sila? Bat hindi ko nakita sa penthouse yung isang lalaki na nasa tv?
Napasampal ako sa sarili ko. Shayne gumising ka! Ano bang pakielam mo sa kanila? Ano ngayon kung nakipag-away ka sa isang sikat na tao?
Inalis ko nalang sila sa isip ko at dumiretso ako sa study table ko para gumawa ng homework. Medyo masakit ang kamay ko dahil sa bubog pero pinilit ko parin magsulat. Maya-maya dumating si Nika, hati kasi kami ng kwarto.
"Hey." Napalingon ako sa kanya at nagulat ako nang bigla siyang naghagis ng mga damit. "Labhan mo yan, gagamitin ko bukas. Kapag hindi ko nakitang malinis yan bukas, ipapalamon ko sayo lahat ng makikita kong maruming damit dito sa bahay." inirapan niya ako bago dumiretso sa vanity niya. Para magpa-ganda.
Sa dami ng homework namin, madaling araw na ako natapos. Matutulog na sana ako nang bigla akong makaramdam ng gutom. Oo nga pala, hindi pa ako nakakapag-hapunan.
Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref para maghanap ng makakain. Puro snacks lang at walang ulam, hindi talaga nila ako tiniran. Kaya wala akong choice kundi kumuha ng isang snack.
Pero saktong pagkuha ko, may biglang humawak ng kamay ko. Nang makita ko kung sino...
"Ahh!" sigaw ko at agad akong napatakbo sa kwarto at pagpasok na pagpasok ko, ay ni-lock ko ang pinto. Isang taong puti yung mukha ang nakita ko, naka-all white din siya.
Hindi kaya may multo dito sa bahay ni tita?
*tok tok*
Napaatras ako sa pinto. Kumakatok siya, kumakatok yung mumu! "La-layuan moko!" sigaw ko.
"B*tch! Open the door!" napahinto ako sa pag-atras. Teka, parang pamilyar yung boses na yun...
"Nika?" napatingin ako sa kama niya, at nagulat ako nang makitang wala na siya sa kama."Yes! So open the door na!" agad ko naman binuksan ang pinto at bumungad sakin si Chantelle na nakaface mask at naka-full white na damit na pantulog. "So-sorry Nika, akala ko kasi multo eh."
"Ako multo? Sa ganda kong to napagkamalan mo akong multo?" narinig ko siyang bumuntong hininga. "At wag mo nga akong tinatawag-tawag na Nika! Hindi tayo close!" pairap niyang sabi.
"Oo nga pala, yung mga marurumi kong damit. Bakit nandito parin hanggang ngayon?" napatingin ako sa kanya at napansin kong nakatingin siya sa marumi niyang damit na nasa gilid lang ng kama ko. "Diba sabi ko sayo ipapalamon ko yan sayo pag hindi mo nilabhan? Ipapalamon ko talaga sayo yan." banta niya.
"Hi-hindi, lalabhan ko naman talaga yan kas-"
"Edi labhan mo! Dali na umalis ka na! Shoo!" taboy niya sakin habang tinulak ako palabas ng kwarto at isinara ang pinto. Paalis na sana ako nang may na-realize ako. Kung maglalaba ako, nasan na yung lalabhan ko?
Maya-maya bumukas ulit yung pinto at itinapon sakin ni Nikaella lahat ng maduming damit niya. "AT WAG NA WAG KANG BABALIK DITO HANGGANG HINDI MO NATATAPOS LAHAT YAN!" tsaka binagsak ang pinto sa mukha ko.
***
Iminulat ko ang mata ko. Napatingin ako sa orasan at...
Hala! Late na ako sa trabaho!
Dumiretso agad ako sa banyo at naligo ng napaka-bilis na akala mo si flash. Hindi ko nga alam kung anong klase ng ligo ang nagawa ko sa limang minuto na yun eh. Nagbihis agad ako at hindi na nag-abala pang magsuklay, iipit ko naman yung buhok ko kaya hindi na kailangan pang suklayin ito. Gusto ko sanang kumain ng almusal dahil kagabi pa ako gutom na gutom pero nagpasya akong sa trabaho nalang. Kaya lumabas agad ako ng bahay.
Pagdating ko sa trabaho, kinabahan ako nang makita ko ang boss ko na kinakausap ang bestfriend kong si Chichay. Nang mapansin ni Chichay na nandito na ako tinawag niya ako kaya napalingon rin ang boss ko sakin. Agad naman akong lumapit papunta sa boss ko. "Sir, sorry late po ako." sabi ko.
"Shayne, first time mo atang ma-late. Ano bang nangyayari sayo?" sabi niya habang nakapameywang.
"Sorry po talaga sir, hindi na po mauulit. Na late lang po talaga ako ng gising." narinig ko naman siyang nagbuntong hininga bago umalis.
Nabigla ako nang hampasin ako ni Chichay sa likod. "Ang tagal mo!" dumiretso ako sa counter kung nasan siya. "Nalate ako ng gising." excuse ko.
"Bakit?" tanong niya. "Gumawa pa ako ng assignments at pinaglabha ako ni Nikaella ng mga damit niya."
Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya nang marinig ang pangalang Nikaella. "Sasakalin ko na talaga yang Nikaella na yan eh, tingnan mo kung pano ka api-apihin? Tapos pinapabayaan mo naman. Kailan ka ba matututong lumaban?"
Nginitian ko lang siya. "Ok lang yun, pinsan ko naman yun eh. At isa pa, kapag lumaban ako at nakita ni tita, baka palayasin pa ako ng bahay." natatawa kong sabi. Umiling-iling nalang siya at iniba ang usapan. "Ano na nga palang nangyari sayo? Grabe matagal-tagal din kitang hindi nakakausap ah, mga 1 week na din." I just shrugged my shoulders.
"Well, may nakilala akong isang kaibigan..." huminto ako saglit bago ituloy ang sasabihin ko. "Siya na yata ang pinaka-magandang babae na nakita ko sa buong buhay ko, pero nakakairita siya at may pagka-konting weird. Rich kid siya, pero hindi halata. At hindi kagaya ko, siya naman palaban. Nilabanan niya nga yung mga umapi sakin kahit hindi siya yung inaapi." napapangiti ako kapag naiisip ko yung mga sinasabi niya.
"Talaga? Anong pangalan?" tanong niya.
"Charmille Hudson."
Nabigla na naman ako nang hampasin niya ako. "Pakilala mo naman ako sa kanya!" reklamo niya. Tumawa nalang ako. "Pero uy, balita ko pupunta ang BTS sa inyo mamaya, Aish I'm so inggit! Bakit daw?!"
Awtomatikong kumunot at noo ko sa sinabi niya. "Kilala mo din sila? Tss.."
Nagulat ako nang bigla niya akong hampasin. "Oo naman anu ba! ARMY kaya ako!"
"ARMY? Nagmi-military ka?" gulat kong sabi. Hinampas niya ulit ako. "Aray! Chichay nakakailang hampas ka na babatukan na kita."
"Heh sorna." inirapan ko lang siya. "Ang ARMY kasi na sinasabi ko ay hindi literal na army gaga, fandom name yun!"
"Fan ka nila?" tumango naman siya. "Bakit ikaw hindi? Sino ba bias mo dun?"
"Anong bias?" napairap naman siya sa sinabi ko. "Favorite member, duh!" sabi niya ng may pataas na tono pa. Grabe sakit sa tenga nun ah, tining pa naman ng boses nito.
"Eh sayo, sinong bias mo?" awtomatikong napangiti naman siya sa tinanong ko sa kanya. "Si Taehyung at Kookie!"
Nanlaki ang mata ko. Hanudaw?!
Si Taehyung at Kookie? Si Taehyung hindi ko kilala, pero si Kookie?! At bias niya pa talaga yung asungot na yun ah. Kung sino pa yung nakaaway ko yun pa yung favorite niya.
"By the way, bakit nga pala sila pupunta sa school niya?" tanong niya.
"Birthday ni Rogue, anak ng principal don. Doon gaganapin yung party niya kaya nandun ang BTS." malamya kong sabi.
"Tsk. Ayoko ngang pumunta kaso sabi ni Charmille pumunta daw ako. Pero nagdadalawang isip parin ako kasi..." napahinto ako. Sasabihin ko ba sa kanya na nakaaway ko ang isa sa mga members nun kaya ayaw kong pumunta? "Kasi ano?" tanong niya.
"Kasi... Nakaaway ko ang isa sa mga member dun." natigilan siya sandali. Maya-maya tumawa siya. "Ikaw talaga Shayne, ang hilig mo talagang magbiro." at nagsimula ulit siyang tumawa, habang ako nakatingin lang ako sa kanya.
Nang huminto na siya sa pagtawa, napansin niyang seryoso ang mukha ko. "Seryoso ka?" tumango-tango ako. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha niya.
"Wag kang mag-alala, sigurado nakalimutan ka na nun. At tsaka ano ka ba! Minsan ka na nga lang pumunta sa isang party tatanggihan mo pa?" tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Pumunta ka na."
"Oo na..."
"Pero sinong member ang nakaaway mo?" lumapit siya sakin ng konti, halatang interesado siya sa sasabihin ko.
Sasabihin ko ba sa kanya na yung bias niya yung nakaaway ko?
"Wait.." napalingon ako sa kanya. "Don't tell me isa sa mga bias ko? Sino dun?" napalunok ako. "Si Taehyung?" hindi ako sumagot, instead ay tumingin lang ako sa sahig. "Si Jungkook noh?" nang sabihin niya yun ay awtomatiko akong napalingon sa kanya. Nginitian ko nalang siya, isang kabadong ngiti. "My gash Shayne! Si Jungkook?! Seryoso ka?!"
Tumango-tango ako. "Sorry ah, bias mo pa talaga ang nakaaway ko."
Hinampas niya nanaman ulit ako. "Anu ba! Nakaka-inggit ka kaya! Biruin mo, nakilala mo siya sa masamang paraan kaya pag nagkita ulit kayo, maalala ka niya. Diba nakakainggit?" ngiting-ngiti niyang sabi
"Teka, diba sabi mo makakalimutan niya din ako?" may topak pala to eh, wala pang limang minuto nang pinagaan niya ang loob ko dahil sabi niya makakalimutan niya rin ako.
"Sinabi ko ba yun? Ah... hehe..." napakamot siya sa batok niya. "Aish basta! Ituring mo nalang yan na blessing okay?"
Anong ka blessing blessing dun?!
***
"Rogue!" napalingon ako sa tumawag. Kumaway-kaway sakin si Charmille bago lumapit. "Ang tagal mo, kanina pa nagsisimula yung party. Halika nandun sila sa field." hindi pa ako nakakapag-react hinila niya na agad ako papunta sa field.
Pagdating namin sa field, halos lahat ng estudyante nandito. Ang lakas ng music at may buffet, kahit sa school lang ang venue nakapa-engrande ng birthday party ni Rogue.
Oo, ngayon ang kaarawan ng babaeng haliparot na yun. Dapat talaga hindi nalang ako pumunta eh.
Hinila naman ako ni Charmille papunta sa buffet table. Naramdaman kong kumulo ang tyan ko nang makita ko ang mga pagkain. Oo nga pala, hindi pa ako nakakakain ng agahan at tanghalian.
Natawa si Charmille. "Mukhang gutom ka, iwan muna kita diyan ah." sabi niya tsaka umalis. Nang makaalis siya, agad ko namang nilantakan yung pagkain. Wala na akong pakielam kung pinagtitinginan ako. Basta ang alam ko, nagugutom ako.
"Look who's here." Napalingon ako sa nagsalita. Naitigil ko ang pagkain ko nang makita ko sina Avena at Xoella na palapit sakin. "Hampas lupa talaga." bulong ni Avena kay Xoella na ikinatawa nilang dalawa. Tss, bumulong pa sila eh naririnig ko rin naman, dapat sinabi nalang nila sakin harap-harapan.
"Ang lakas din pala ng loob mo noh? Nagawa mo na ngang pumunta sa party na to, ganyan pa ang iaasal mo. Mahiya ka naman kay Rogue." sabi ni Xoella.
May naramdaman naman akong humawak sa balikat ko, si Charmille na ang sama ng tingin sa dalawa. Kinabahan na naman ako. "May problema ba?" maangas niyang tanong. Sa totoo lang nakakatakot pala siya pag galit.
"Ikaw na naman?" sabi ni Xoella at tiningnan si Charmille mula ulo hanggang paa. "Sino ka ba talaga at palagi kang nakikisali dito?" ngumisi si Avena. "O baka gusto mong ikaw nalang ang pag-tripan namin?" sabi ni Avena.
Sasagot pa sana si Charmille nang biglang masalita ang host sa stage. "Ladies and gentlemen, please welcome the birthday celebrant, Ms. Rogue Myers!" Nagpalakpakan ang mga estudyante nang lumabas mula sa stage si Rogue. Hindi namin namalayan na kanina pa pala nagsasalita ang host sa stage.
Nang lumabas si Rogue sa stage, naka-full make up siya at buhok niya ay isang messy bun na may mga gems na nakadikit. Naka-rosegold gown din siya na umaabot sa sahig, napaka-ganda niya.
"And her lovely mother slash principal of Pandleton Academy, Ms. Jennicka Myers!" lumabas ang principal na naka-simple pero maganda at pormal na dress at lumapit siya kay Rogue na nakaupo sa gilid ng stage. Niyakap niya si Rogue ng sobrang higpit na para bang napakasaya niya para kay Rogue.
Kung nandito pa kaya si mama at papa metutuwa kaya sila sakin sa ginagawa ko ngayon? Yung pinagsasabay ko ang hanapbuhay at pag-aaral para mabuhay? Sana nga...
"Now..." panimula ng emcee. "I know naman na kanina niyo pa sila hinihintay..." napahinto sa pagsasalita ang emcee dahil sa lakas ng tilian ng mga babae. "Please welcome... The one and only, BTS!" teka, simula agad sila?!
Nagsimula na ang music at nagsimula na din ang tilian ng mga babae nang lumabas sila. Lalayo na sana ako sa stage pero natulak ako ng ibang mga estudyante papalapit sa kanila.
"Charmille!" tawag ko kay Charmile bago ako maanod ng mga estudyante papunta sa harapan ng stage.
Sinubukan kong umalis sa unahan pero dahil nga sa nagsisiksikan sila, na-trap ako. Ngayon, ang tangin magagawa ko nalang ay ang takpan ang mukha ko sa abot ng aking makakaya.
Pero hindi ko maiwasang hindi sila mapanood habang sumasayaw. Napansin ko na namang pito sila kaya napatingin ako sa lalaking hindi ko nakita sa penthouse.
Gwapo rin siya katulad ng anim. Actually, sa tingin ko siya ang pinaka-gwapo sa kanilang lahat. Silver ang kulay ng buhok niya at bagay na bagay sa kanya ito. Parang naka-contact lens rin siyang blue, na mas ikina-gwapo niya. Ang tangos rin ng ilong niya, at mapula ang mga labi. Tapos tuwing ngumingiti siya ay meron siya napaka-cute na box smile, kumbaga hugis rectangle yung ngiti niya. At ang jawline niya...
Pero inalis ko ang tingin ko sa kanya nang mapatingin siya sakin. Shit Shayne, wag kang tumitig! Oo gwapo siya pero hindi mo kailangang tumitig. Sinubukan kong hindi tumingin sa kanya at ibinaling nalang ang tingin sa ibang members.
Aaminin ko, marurunong sila sumayaw. Lalo na yung... nakaaway ko. "Kyaaa! Jungkook oppa I love you!" sigaw ng babaeng katabi ko na nangingibabaw ang lakas ng boses akala mo megaphone. Jungkook? May gusto siya sa lalaking nakaaway ko? Naku delikado ako dito, kailangan ko nang umalis.
Unti-unti akong umatras paalis sa harapan ng stage. Akala ko hindi na ako makakaalis pero buti nalang nakaalis ako. Hanggang sa maramdaman kong may bumunggo sakin. Paglingon ko...
"Ano ba, Kahapon ka pa ah! Sinasadya mo ba talagang bungguin kami?!" galit na sabi ni Xoella. Lumapit sakin si Avena.
"Ano bang gusto mo ha? Away? Eto ba gusto mo?" nagulat ako nang bigla niya akong tinulak ng napaka-lakas kaya na-out of balance ako. Inaasahan kong mahuhulog ako sa sahig nang may sumalo sakin.
"Ok ka lang?" tanong ng sumalo sakin, lalaki ang boses. Tinulungan niya akong tumayo. "Oo, salam-" napahinto ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko kung sino.
Teka.. Bat ang bilis naman nila matapos sa kanta nila? At nasa baba na sila ng stage ngayon...
"Jungkook..." wala sa sariling sabi nina Avena at Xoella.
"Ikaw?!" sabay naming sabi ni Jungkook. Siya ang sumalo sakin?
Napatingin ako sa bandang likod niya. Nasa likod niya yung mga kaibigan niyang nakita ko sa penthouse kagabi, pati yung lalaking nahuli akong nakatitig sa kanya. Napansin ko ring katulad nang sitwasyon namin sa penthouse kagabi, nasa amin nanaman ang atensyon ng lahat. Pati si Rogue at ang principal nakuha namin ang atensyon.
"Sinusundan mo ba ako?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ang kapal ha.
Kumulo bigla ang dugo ko. "Hoy! Hindi porket na sikat ka, susundan na kita. Tsaka bakit naman kita susundan? Sino ka ba?"
Narinig ko namang nagbulungan ang mga estudyanteng nakapaligid samin, nginisian niya ako. "Kung hindi moko sinusundan, bakit ka nandito? Ang pagkaka-alam ko mga mayayaman lang ang nakakapasok sa eskwelahang ito. Hindi ka naman..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Mukhang mayaman." narinig kong may mga nagsitawanan sa sinabi niya. Pinapahiya niya ako.
Hindi ba siya marunong rumespesto ng mga babae? Hanggang ngayon ba hindi parin siya makaget-over sa natapunan kong t-shirt niya na galing pang US?
At seryoso ba talaga lahat ng mga babaeng estudyante dito? Naging idolo nila itong mayabang na lalaking to? Tsk. Bulag na talaga sila, porket gwapo ginugustuhan.
Dahil sa inis ko, sinipa ko ang pagkalalaki niya na ikinagulat ng lahat. "Wala kang respeto, yan ang nararapat sa iyo." sabi ko bago umalis sa lugar na yun.
***
9:00 na ng gabi at pauwi na ako ng bahay ngayon, isinubsob ko sa pagdedeliver ng pizza ang sarili ko para hindi maalala ang kahihiyan na ginawa ko sa birthday party ni Rogue. Ngayon, kakauwi ko lang.
"Nandito na po ak-" hindi ko pa natapos ang pagsasalita ko, naramdaman ko nalang sa pisngi ko ang mainit na palad ni Nikaella. Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa kanya, galit siya. Bakit? Ano nanaman ba ang ginawa ko?
"Bakit mo sinaktan si Jungkook?" tanong niya na napakunot ng noo ko. Pano niya nalaman? "Ano?"
Kinuha niya naman ang cellphone niya at may ipinakita siya sakin na video.
Yung video na nakaaway ko yung Jungkook na yun sa penthouse na pinagdeliveran ko. May kumuha pala samin nun ng video. "At hindi lang yan ah," ginalaw niya ulit ang cellphone at may ipinakita nanamang isang video, nanlaki ang mga mata ko.
Video ng birthday party ni Rogue, huling-huli sa video na yun ang pagsalo sakin ni Jungkook at yung paninipa ko sa ano niya. Walang sounds ang video kaya hindi maririnig ang pagiging arogante ni Jungkook, kaya sa video na yun ako yung nagmukhang masama.
"Trending na ang dalawang video na yan sa social media, kapag nalaman ng mga friends ko na ang babaeng nambastos kay Jungkook ay pinsan ko, for sure magagalit sila sakin. Kaya kung ako sayo, lumayas ka na sa pamamahay namin!" sigaw niya at basta-basta nalang ako itinulak palabas ng bahay.
"Teka Nikaella, pag-usapan naman natin to!" sigaw ko habang kumakatok. Ni-lock niya kasi yung pinto. Maya-maya sumuko na ako sa pagkatok at napaupo nalang ako sa likuran ng pintuan. Hindi na talaga niya ako papapasukin. Alam ba ni tita na pinalayas niya ako? Hay...
Makalipas ang ilang oras, naisipan kong maglakad-lakad na muna. Saan naman kaya ako pupunta ngayon?
Dahil wala na talaga akong mapupuntahan, hinayaan ko nalang na dalhin ako ng mga paa ko kung saan. Hanggang sa nakadating ako sa isang park. Kahit gabi na, maraming poste ng ilaw kaya maliwanag pa. Nang may makita akong isang bench, naisipan ko nalang na dun matulog.
Nang pumwesto na ako, hindi komportable syempre. Malamig tsaka ang daming lamok, nakakatakot pa. Pero pinilit kong matulog, baka bukas magbago ang isip ni Nika. At dahil na rin sa pagpapakahirap ko sa trabaho kanina, hindi nagtagal nakatulog na ako.
***
Iminulat ko ang mata ko at ikinusot-kusot ito. Teka, na-nasan ako?
Nagising nalang ako na nasa isang umaandar na sasakyan na ako.
Napatingin ako sa dalawang katabi ko. Dalawang lalaki na maskulado ang katawan at naka-suot sila ng pormal na damit. Mukha silang mga bodyguards dahil sa mga shades at devices sa tenga nila. "Si-sino kayo?" hindi nila ako sinagot.
Punyatera ka talaga Shayne, napakatanga mo! Hindi mo man lang ba naisip na baka may kumidnap sayo sa park?!
"Hoy! Bat nandito ako? Palabasin niyo ako!" akmang bubuksan ko ang pinto pero hinawakan nila ang dalawa kong braso. Sinubukan kong pumalag-palag. "Bitawan niyo ko! Ano bang kailangan niyo sakin?" sigaw ko.
Buong byahe sinubukan ko talagang makapalag sa kapit nila pero sadyang malakas talaga sila, maya-maya huminto ang sasakyan.
Binuksan nila ang pinto at pwersahan nila akong pinalabas ng sasakyan. Nang makalabas ako ng sasakyan, nanlaki ang mga mata ko nang marealize na sumakay pala ako sa isang limousine!
Bat parang ang sosyal naman netong kidnapping situation ko? Mas mayaman pa sila sakin ako pa talaga ang kinidnap nila.
Napatingin ako sa isang malaking building na nasa harapan ko ngayon. Litong-lito na ako, ano bang ginagawa ko dito? Tsaka nasan ba ako?
"Teka teka teka..." sabi ko nang akmang papapasukin nila ako sa building na yun. Pero dahil nga dalawa sila at malalaki pa ang katawan, nabuhat nila ako papasok. "Hoy ano ba!" sigaw ko. Pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan pero wala akong pakielam at patuloy ko paring sinusubukang kumalas sa pagkakabuhat nila.
Pagpasok namin sa elevator, tsaka na nila ako dun pinakawalan pero hawak-hawak parin nila ang magkabila kong braso. "Ano ba kasing kailangan niyo?! Nananahimik ako dito eh!" sigaw ko.
Sinubukan ko ulit na kumalas-kalas sa kapit nila pero hindi ko talaga kaya. Pagbukas ng elevator, binuhat nanaman ulit nila ako na parang sako at dinala kung saan.
Hindi nagtagal, pumasok sila sa isang kwarto at doon nila ako binitawan. Parang opisina ang kwartong yun. "Miss Martin?" Isang matangkad at gwapong singkit na lalaki ang humarap mula sa pagkakatalikod niya sakin. "Please, take a seat." sabi niya habang sinesenyas ang upuang nasa harap niya. Para talagang opisina to, baka opisina niya.
Wala kong nagawa kundi umupo nalang din. Mukhang harmless naman siya kaya kumalma ako ng konti. "Excuse me po, pwede pong matanong kung bakit po ako nandito?" tanong ko.
"I'm Sejin." sabi niya at inilahad niya ang kamay niya para makipag-shake hands. "Ang isa sa mga manager ng BTS." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"P-po?" Manager ng BTS? Bakit... "Nagtataka ka siguro kung bakit ka nandito. Well, nakita ko how you treated Jungkook sa trending video ngayon at-" lumuhod ako sa harapan niya.
"Sorry po talaga sir! Hindi ko po sinasadyang masaktan yung Jungkook na yun! Hindi ko na po uulitin pakawalan niyo lang po ako!" natatakot ako. Baka pahirapan nila ako dahil sa kinawa ko sa Kooking biskwit na yun.
Mas natakot ako nang unti-unti siyang lumapit sakin hanggang sa nasa harapan ko na siya. Juskopo lord kayo na pong bahala sakin...
Pero nagulat ako nang bigla lang siyang tumawa. "Alam mo, I like you. You're very funny." at nagsimula ulit siya tumawa.
Pero kahit hindi ko naiintindihan ang nangyayare, nakitawa nalang din ako. Mahirap na, mas magandang magpakaplastik kesa kung ano mangyari sayo. "Actually Miss Martin, Pinapunta kita dito para mahingi ang tulong mo."
Kumunot ang noo ko. "Tulong... ko?" nanghihingi siya ng tulong sakin? Para san?
"Is it okay if I offer you a job?" biglang nanliwanag ang mga mata ko. Job? As in, hindi part-time job kundi job talaga? "AND a place to stay?" mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Balita ko, pinalayas ka ng pinsan mo sa bahay niyo ngayon. Well, that's perfect. Kunin mo nalang tong trabahong to." Teka, pano niya nalalaman ang tungkol sa paglayas sakin? "Teka, pano niyo po pala nalaman yung tungkol sa pagpapalayas sakin?"
"I have connections, miss Martin." maikli niyang sagot. Tumango-tango lang ako.
"Pero pano ko po malalaman na hindi kayo nanloloko tungkol sa traba-trabaho na yan?" tanong ko ulit. Mas maganda nang maraming tanong kesa sa hindi ka sigurado noh.
"Just trust me."
"Pano po ako magtitiw-"
"Shhh... You don't have to ask a lot of questions, dadating din tayo diyan. So... Are you gonna accept the job or what?" grabeh in-english ako.
"Ano po ba yung trabaho?" nginitian niya ako. For some reason, hindi ko gusto ang ngiti niyang yun.
"Lets see... Pagiging manager ng BTS?"
__________
Ghad natapos din! 😂
Feeling ko ang haba ng ginawa kong chapter, ang hirap pang i-edit.
Sorry po kung natagalan.
Anyway, sana po nagustuhan niyo etong update na eto.
Love lots! 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top