Chapter 12: Shayne's Past
Shayne's POV
Kahit na siksikan ang pwesto naming dalawa ay pinilit kong tumayo at dumistansya sa kanya. Shet! Bakit pa kasi sa dinami-daming tao ay siya pa ang nakasalo sakin?!
Nagpanggap nalang ako na para bang walang nangyari at patuloy na naglakad palabas ng airport. Lumayo narin ako ng kaunti sa kanya kahit masikip. Baka kasi isipin niya na sinasadya kong lapitan siya, makapal pa naman mukha nun.
Napayuko nalang ako, parang bigla akong natakot sa iisipin ng fans nila. Ewan ko kung bakit pinagmu-mukha kong tanga sarili ko, parang wala naman nakakita eh. Meron kayang nakakita nun?
Obvious ba, Shayne? Sa dinami-daming tao dito imposibleng walang nakakita nun!
Sinubukan ko nalang na iwasan na mapatingin kay Jungkook. Parang walang nangyari. Baka kasi kung anong isipin ng fans nila pag tumingin pa ako. Tsaka ayoko ring makita ang reaksyon nung lalaking yun noh! Panigurado mala-anghel ang itsura nun, syempre nagpapaawa sa fans niya. Nakakairita lang makita.
Tsaka ano naman ngayon kung sinalo niya ako? Automatic lang yun dahil nahulog ako. Kahit na sabihin natin hindi kami nagkakasundo ni Jungkook, hindi naman alam ng fans niya yun eh. Mga immature fans nalang ang mag-iisip ng kung ano samin. Bat ako matatakot? (Insert meme here.)
Habang sinusubukan naming makalabas sa airport na ito, hindi ko mapigilang mapatingin sa fans nila na nakapaligid.
Yung iba pinipilit na makipagsiksikan, yung iba naman ay sinusubukang makalusot sa guards, yung iba nagpi-picture, at yung iba naman ay tumatakbo papalapit samin.
Ang gulo lang.
Seryoso? Palagi nilang pinagdadaanan itong kaguluhan na ito? Ako ngang first time lang makasabak dito ay sumusuko na agad ako.
Nakakatakot lang isipin kasi kahit na sabihin mong fans nila yan, hindi parin nila kilala yang mga taong yan. Tapos bigla-bigla nalang silang kukuhanan ng litrato? Bigla-bigla silang sisigawan? Lalapitan? Hahawakan? Ang dami-dami pa nilang fans kaya halos hindi na kami nakakaalis sa pwesto namin. Tapos halos hindi na makaya ng mga security guards kaya nabubunggo narin nila kami.
Karamihan ng mga taong nakilala ko ay gusto ang gantong buhay. Pero sa totoo lang, nakakatakot. Iisipin ko palang yung privacy na nakukuha nila ay wala na akong maisip, kasi panigurdo ay wala silang privacy.
Pagkalabas na pagkalabas namin, ay may bigla kaming narinig na mga malalakas na hiyawan galing sa fans nila. Yung akala kong madami nang fans ang nasa loob, iba pa pala yung mga nasa labas!
May tatlong black van narin ang naghihintay, dalawang van para sa mga staff at isang van para sa mga miyembro ng BTS. May mga security guard sa gilid na hinaharangan yung mga fans para makadaan kami papunta sa van. Feeling ko tuloy parang isa akong celebrity sa nangyayari ngayon, kulang nalang ang red carpet. Haha.
Papunta na sana ako sa van para sa mga staff nang bigla akong tawagin ni Bang Pd. "Shayne!" tawag niya sakin habang sinisenyasan ako na pumunta sa van nila. Nagdalawang isip pa sana akong lumapit nang makita kong pumasok si Jungkook sa loob, pero wala naman na akong nagawa dahil si Bang Pd na yung tumawag. Diba sa van ng staff ako sasakay?
Pagkalapit na pagkalapit ko ay nagulat ako nang agad niya akong hilahin papasok sa tabi ng upuan niya. "Bakit ka didiretso sa van ng mga staff?" agad na tanong sakin ni Bang Pd kasabay ay pagsara ng pintuan ng van.
"Hindi po ba dapat doon ako nakasakay?"
"What? No! Nakalimutan mo na bang ikaw ay isang MANAGER?" sabi niya at pasimpleng kinindatan ako. In-emphasize niya talaga yung salitang manager. Napangisi nalang ako dahil alam naman naming echos lang yung pagiging manager ko. Iba naman talaga kasi ang pakay ko dito.
Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa labas. Kumakaway-kaway parin sila kahit na tinted itong sasakyan na to. At halata sa kanila na nagtitilian sila kaya buti nalang at soundproof itong van. "Diba dapat magpapanggap akong stylist? Hindi kaya sila magtaka kung bakit ako lang ang nakasakay dito sa van niyo?" sabi ko habang nakatingin parin sa mga fans na nagkakagulo sa labas.
"I doubt it. Sa sobrang pagkaaliw nila na makita ang BTS, baka hindi ka na nila napansin." sabi ni Bang Pd. Tumango-tango nalang ako.
"Bang Pd-nim, diretso concert venue na ba tayo? Were tired." reklamo ni Jimin habang nagpapaawa kay Bang Pd. Nang tingnan ko ang ibang members ay parang pagod na nga sila.
Sino bang hindi mapapagod? Palabas pa nga lang sa airport ay hirap na eh.
"Nope, idadaan ko muna kayo sa hotel na papasukan natin. Then magpapahinga lang kami saglit ng mga manager niyo tapos tsaka na kami didiretso sa venue kaya ang maiiwan sa inyong manager na magbabantay ay si Shayne. So you guys better be good to her or else,"
Medyo natuwa ako nang malaman kong maiiwan ako. Pagod na kasi talaga ako eh, sumakit pa ng katawan ko pagkatapos nung dance practice nila.
Eh kung ano-ano ba namang pagpapahirap ang ginawa sakin nung biskwit na yun, sino ba ang hindi mapapagod?
"Shayne, itulog mo na muna yan at mahaba pa ang byahe. Kakailanganin mo ng energy mamaya dahil ikaw ang magbabantay sa pitong to." tumango naman ako at sumandal nalang sa cardoor na nasa tabi ko. Pinagmasdan ko ang mga lugar na nadadaanan namin.
Akala ko once na makapunta ako ng Japan ay maninibago ako, pero parang pareho lang naman pala. Naiba lang yung itsura ng tao tsaka puro Japanese ang nakasulat kung saan-saan.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Tsaka ko na aalalahanin kung pano ko gagawin yung misyon ko sa kanila.
_______
Jungkook's POV
"Guys, we're here."
Pagka-park na pagka-park ng sasakyan ay agad na kaming bumaba at lumapit kina Manager Sejin-hyung. Ako lang ata ang hindi natulog buong biyahe kanina, kaya pagka-check in na pagka-check in namin mamaya ay yun agad matutulog agad ako.
Sino ba namang hindi makakatulog eh hilik ng hilik yung babaeng unggoy na yun, buti nga nakatulog pa sina Jimin. Eh daig pa kaming mga lalaki kung makahilik yung Shayne na yun eh. Muntik ko na ngang maisip na may halimaw sa loob ng van namin, hindi man lang siya nahiya. Psh.
Didiretso na sana ako papasok ng hotel nang bigla akong tawagin ni Sejin-hyung. "Yah Jungkook-ah!"
Nang lumingon ako ay sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya kaya sumunod ako. "Jungkook, pakikuha naman yung susi ng van niyo sa may bandang driver seat. Panigurado nakalimutan nanaman ni Bang Pd na ibigay sakin yun."
Kaya wala akong nagawa kundi dumiretso sa van namin. Tss, Pagkakitang pagkakita sakin ay inuutusan agad ako.
Huminto ako sa tapat ng passenger seat. "Holy sh*t!" agad ako napamura nang pagkabukas na pagkabukas ko ay may mabigat na bagay ang dinaganan ako.
"F*ck! Sino to?!" tang*na. Ang bigat naman! Wag mong sabihin yung babaeng unggoy to?
"Papa..." rinig kong bulong niya. Boses babae ang naririnig ko kaya panigurado ay si Shayne to!
"Taena naman oh..." Nahulog na siya sa van, tulog parin! Seriously?! Pinukpok ba to ng martilyo sa ulo at hinimatay kaya di nagigising? Sana naman kung magaan siya eh. "Hoy unggoy! Gumising k-"
"Mama..." I stopped talking the moment I heard her voice cracked. Kasabay nun ang unti-unting pagtulo ng luha at konting pagngiwi ng mukha.
Nananaginip ata tong unggoy na to. Kanina pa tawag nang tawag sa magulang niya eh. Umiiyak pa, she must be having a very bad dream. Pero gaano ba kasama yung pina-paginipan niya at naiiyak pa siya hanggang sa pagtulog niya?
But for some reason, seeing her cry.... It hurts. I hate it. Siguro ganun lang talaga ako kapag may nakikitang babae na umiiyak, pero sa ibang babae naman na iniiyakan ako ay hindi ko naramdaman ang nararamdaman ko ngayon eh.
Teka... Ano bang nangyayari sakin?!
Siguro kaya nasasaktan ako kapag nakikita siyang umiyak ay dahil... dahil... dahil hindi ako ang dahilan ng pag-iyak niya! Oo tama! If she'll cry, I want to be the reason for it. I just want to see her suffer because of me, that's all.
"Jungkook-ah!" pero agad akong nataranta nang marinig ko ang boses ni Manager Sejin sa malayo. Pucha, baka mapagkamalan pa nila akong may ginagawang masama dito sa unggoy na to.
Pero ano ba gagawin ko? Iiwan ko ba dito sa van, gigisingin, o dadalhin sa hotel? Sh*t naman!
"Aish, bahala na nga!" sabi ko bago siya buhatin. Pucha akala ko si Jin yung binubuhat ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng hotel ay sinalubong agad ako ni Manager Sejin. Halata sa mukha niya na nagtataka siya kung bakit buhat-buhat ko tong babaeng to. "Is everything alright? Why are you carrying her?" said in a worried tone.
Hindi agad ako nakasagot agad. Then suddenly parang biglang naging gulat ang itsura niya. "What did you do to her?!"
Muntik na akong matawa sa sinabi niya. As if naman may gagawin ako dito sa babaeng to. Di nga ako sure kung totoong babae ba talaga to eh. "Everything's okay, hyung. Saan ba ang hotel room namin?"
Nang sabihin ko yun ay parang nawalan siya ng tinik sa lalamunan. Ganun ba talaga tingin niya sakin porket playbiy ako? Tss... "128 room niyong members, 2nd floor. Pero si Shayne ay room 129." Tumango nalang ako at agad na nilampasan siya.
"Jungkook-ah!" tawag sakin ni Manager Sejin kaya lumingon ako. "Don't even think about bringing her to your room. She's still young." tss. Kahit na dalhin ko to sa hotel room ng BTS, walang papatos dito! Unggoy na malakas humilik.
Agad akong pumasok ng elevator at pinindot ay button para sa 2nd floor.
Just then, ay bigla nanaman akong tinawag ni Manager Sejin. "Yah Jungkook-ah! Yung car key-" hindi na natuloy yung sasabihin niya dahil sumara na yung pinto, hindi ko na tuloy naintindihan.
Nakakangawit buhatin to, ang bigat! Kaya pagkakita na pagkakita ko sa kama ay agad ko siyang ibinagsak dito. I repeat, IBINAGSAK.
YET THEN AGAIN, SHE DIDN'T EVEN MOVE. Sobra naman sa pagkatulog-mantika tong babaeng to. Babae ba talaga to?
"Ma..." akmang aalis na ako nang bigla niyang naabot ang kamay ko na nasa tabi ng kama at hinigpitan ang hawak dito. "Wag ka po umalis... Please..."
A tear escaped from her eye. It makes my heart ache for some reason, kahit hindi ko alam kung ano ang iniiyakan niya. "Nawawala ako... Please find me..."
Habang hinahawakan niya ang kamay ko, ang higpit ng pakakahawak niya, na para bang ayaw niya akong bitawan. Perhaps yung mga magulang niya yung tinutukoy niya. Kanina pa niya kasi tinatawag.
Suddenly lahat ng inis at galit ko sa babaeng ito ay biglang nawala, parang napalitan ng pagkaawa. Based on how she's crying right now, May past situation siya na hanggang ngayon ay hina-haunt siya. Even in her sleep.
I wonder what it is.
____________
New Update! 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top