Chapter 11: Japan

Jungkook's POV

"Kung minamalas ka pa nga naman na-delay pa yung flight..." reklamo ni Bang Pd habang palakad-lakad na para bang hindi mapakali. "Pano kung may makakita sa inyo dito?"

Psh, as if naman may makakakita pa samin dito. Balot na balot na nga kami oh. Naka-face mask, cap, shades, jacket at pants na halos lahat kami. Ang init-init pa dito.

"Don't worry guys, 30 minutes nalang at makakapasok na tayo. Taehyung-ah, gisingin mo na diyan maya-maya si Shayne."

Napalingon naman ako sa gawi nilang dalawa. Nanlaki mata ko nang makitang natutulog si Shayne habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Taehyung. Si Taehyung naman ay tahimik na nakatingin lang sa kanya.

Teka, sabi ko bang nakatingin lang si Taehyung? NAKATITIG pala.

Tulog ba talaga yung Shayne na iyon? O nagpapanggap lang para makasandal sa ugok na yun. Tss...

Hindi ko alam pero bigla nalang uminit dugo ko nang makita silang ganun. Nakakainis palang makita na ang dalawang pinaka-kinaiinisan mo ay malapit at nagkakasundo. Kaya nga hindi ko rin mapigilang samaan rin sila ng tingin noong nagda-dance practice kami eh. Gusto kong gitnaan sila at paglayuin sila nun, at ngayon ay gusto ko ulit gawin yun.

O baka hindi iyon ang dahilan kung bakit ako naiinis?

"Bang Pd-nim, si manager Sejin-hyung lang ba ang makakasama natin sa Japan? Kung siya lang eh bakit wala siya dito?" tanong ni Seokjin-hyung.

I didn't even realized na hindi nga pala namin kasama si manager Sejin dito. Ano bang kailangan niyang trabahuhin sa Japan at kailangan niyang mauna samin? Yung concert venue? Tss...

Tumango lang siya. "Hyunsoo will also be there at nauna na silang dalawa at ibang mga staffs para maiayos ang hotel na papasukan niyo. Pati narin ang venue kung saan gaganapin ang concert. Dapat nga sasabay narin ako sa kanila eh. Kaso alam kong magkakagulo ang mga fans niyo sa airport ng Japan mamaya, knowing na papunta na kayo."

"Eh yung ibang mga stylist noonas?" tanong ni Jimin. Konti lang kasi yung kasama namin dito, mga apat lang.

"Nauna na yung iba, kaya lang naman sinabay ko dito yung ibang stylist niyo ay para maisama natin papunta sa Japan si Shayne nang hindi nagdududa ang mga fans niyo. Kunwari stylist nalang siya."

"Malaki ba yung venue?" walang ganang tanong ni Yoongi-hyung. Kung ikukumpara siya sa ibang members, siya yung may pinaka-konting takip sa mukha. Ang tanging takip niya lang ay shades.

I don't care really. Ang nakakairita lang kasi ang init na ng panahon dito sa Korea, I'm still forced to wear a black hoodie, denim pants, black beanie and a mask just so that our fans won't recognize us.

Pinapagod lang namin sarili namin, really. Panigurado namang makikilala parin nila kami kahit na takip na pati buong mukha namin. Why bother? Sayang effort.

"It's actually pretty big, mas malaki kung ikukumpara sa venue natin last time nung pumunta tayo sa Japan." sagot ni Bang Pd. "Kasi kaya siguro pinili ng mga manager niyo ang mas malaking lugar para sa Japan concert ay dahil sa dami ng fans niyo sa Japan. Tapos yung..."

Hindi ko nalang pinakinggan ang sinasabi ni Bang Pd tungkol sa venue. As long as maganda yung ikalalabasan ng concert namin, It'll be fine. Ayokong makinig sa mga boring sh*t nila.

Instead isinuot ko yung headphones ko at sinuot ko ito, pero walang music. Para ma-convince lang sila na hindi ko sila naririnig. At isa pa, para hindi na ako kausapin ni Jimin dito. Kanina pa ako naiirita sa kanya dito.

"2 hours na tayong naghihintay dito ah. Hindi pa ba nila tayo tatawagin?" inip na sabi ni Jimin habang nakaupo sa bagahe niya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin at akmang kakausapin ako, pero nang makita niya yung headphones sa tenga ko at tumahimik nalang siya. Napangisi ako.

I always knew wearing headphones would come in handy.

"Taehyung-ah gisingin mo na si Shayne, aalis na tayo." sabi ni Namjoon at tumango naman si Taehyung kaya unti-unti namang ginising ni Taehyung si Shayne.

Pero nang mapansin ko kung paano gisingin ni Taehyung si Shayne ay hindi ko mapigilang mairita kaya nauna na akong umalis at hindi ko narin sila hinintay pa.

"Jungkook! Jungkook saglit!" tawag sakin ni Hoseok. Hindi ko nalang pinansin at dumire-diretso ako. Magkikita rin naman kami mamaya.

Sobrang lapit nang mukha niya nang gisingin niya yung hampas-lupa na yun. Hindi naman kailangang magkalapit ng sobra ang mukha nila para gisingin siya ah! Tsaka seryoso ba siya? Bakit kailangan niya pang pisilin ang pisngi niya? Manong galawin niya nalang yung balikat niya para magising yung Shayne na yun. Nakasandal naman siya sa kanya eh.

Kung umasta sila daig pa magkasintahan ah. Halos maghalikan na sila sa lapit ng mukha nila! Pano kung makita sila ng mga fans namin?!

Aish, bakit ba ako nagagalit?

*******
Shayne's POV

"Shayne!" nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Hoseok na nakaupo sa harapan ko dito sa loob ng eroplano. Mga 15 minutes na rin simula nang lumipad kami kaya 15 minutes narin akong hindi mapakali.

First time ko kasi sumakay ng eroplano kaya kinakabahan ako. Hindi ko nga alam gagawin ko eh. Baka kasi mag-crash tong sasakyan namin papuntang Japan katulad ng mga napapanood kong palabas sa tv. Ewan ko pero napaparanoid ako, eto siguro pakiramdam ng sumakay ng eroplano pag first time mo noh.

"First time mo bang sumakay ng eroplano?" tanong ni Hoseok. Nang tumango ako ay parang gumaan bigla ang loob niya. "Akala ko kung ano na nangyari sayo. Wag ka mag-alala. First time mo pa kaya kinakabahan ka pa ngayon, masasanay ka din katulad namin."

Pagkasabi niya nun ay humarap naman samin si Jin na katabi niya lang sa na may dala-dalang lunch box na puno ng pasta. "Kinakabahan si Shayne?" tanong ni Jin at tumango naman si Hoseok. "Eyy hindi pwede yan. Alam mo kasi Shayne kapag kinakabahan ako, kumakain lang ako ng kumakain at nawawala na ang kaba ko."

"In-endorse mo pa pagiging matakaw mo." rinig kong sabi ni Namjoon. Hindi ko alam kung saan siya naka-pwesto at narinig niya pa yung sinabi ni Jin. Natawa lang si Hoseok.

"Kaya nagiging mukhang baboy yan si Jin-hyung dahil lamon ng lamon yan anytime, anywhere. Kumakain yan kapag masaya, malungkot o nagagalit. Kumbaga parang taste the feeling siya, daig pa coca-cola."

Natawa lang ako kay Hoseok. Diba si Jin ang pinaka-matanda? Ang cute lang ng interaction nila, halata mong marami nang pinagsamahan sila sa buhay dahil napaka-komportable na nila sa isa't-isa.

"Huwag ka nga mangielam! Atleast ako naghahanap ako ng paraan para mawala ang takot niya. Ako na ngang bahala dito, dun ka na. Shoo!" sinunod nalang ni Hoseok si Jin at ibinaling nalang ang atensyon sa harapan. "Saktong-sakto, sayo nalang tong pasta ko. Wag kang mag-alala, hindi ko pa nakakainan yan. Binuksan ko lang hehe." iniabot naman niya yung hawak-hawak niyang pasta.

"Kakainin mo dapat yan diba? Naku hindi pa ako gutom, sayo nalang." sabi ko habang umiiling-iling. Saktong pagkasabi ko nun, biglang tumunog nang malakas yung tiyan ko, senyales na gutom na nga ako. Napakagat ako ng labi ko.

Nakakahiya.

Gutom na nga ako. Hindi kasi ako nakapag-almusal kaninang bago kami umalis. Nagmamadali kasi akong i-double check ang mga gamit ko at natatakot ako na baka may makalimutan ako eh. Tinanggihan ko lang yung binibigay niyang pagkain kasi sa kanya yun. Kapag kinuha ko sa kanya, eh di ano kakainin niya?

"Sige na Shayne. Ayaw man ng utak mo, pero gusto ng tiyan mo. Tiyan ang mas importante." umiling-iling nalang ako. Kakain nalang ako pagkababa ng pagkababa ko dito sa eroplano.

"Kunin mo na." muntik na akong mahulog sa upuan ko nang biglang magsalita etong si Taehyung na nasa tabi ko. Ang pagkakaalam ko kasi ay natutulog siya, naka-headphones pa nga eh. Kaya hindi ko ineexpect na nakikinig din pala siya sa usapan.

"Kung ang kakainin lang ni Jin-hyung ang inaalala mo, marami pang pagkain na dala yan kaya kapag binigay niya yan sayo, may ipapalit pa siya. Tsaka isa pa, gusto kong matulog. Baka pag nakatulog na ako ay magising nanaman ako dahil sa kalam ng tiyan mo." sabi niya habang nakapikit parin.

So nagising nga siya dahil sa pagkulo ng tiyan ko. Hindi naman niya siguro maririnig ang kalam ng tiyan ko mamaya dahil naka-earphones naman siya.

Pero kapag tumunog ulit etong tyan ko mamaya, madadagdagan na naman ang kahihiyan na magagawa ko sa harapan nila. Pang-ilang beses ko na to at ayoko nang dagdagan pa.

Dahil sa sinabi niya yun, tinanggap ko nalang yung pasta na bigay sakin ni Jin. "Thank you ah." sabi ko at agad na sinunggaban ang pagkain niya. Kesa madagdagan pa kahihiyan ko.

Pero nang matikman ko ang pasta, mas lalo akong ginanahan dahil napakasarap nito. "Ang sarap naman nito. San mo to nabili?"

"Talaga? Buti naman nagustuhan mo, actually luto ko yan." napatigil ako nang pagkain nang sabihin niya yun.

Seryoso? Luto niya to?

"Talaga? Yung itsura mo parang hindi ka namang marunong magluto eh." pangangatwiran ko. Alam ko mababaw yung sinabi ko pero totoo naman talaga eh. Yung itsura hindi mo mahahalatang marunong siya magluto, tsaka bihira lang din ako makakilala ng lalaking marunong magluto kaya hindi ako makapaniwala.

"Ang dami naring nagsabi sakin niyan, at totoo naman na mahirap paniwalaan na marunong magluto ang mga worldwide handsome na katulad ko." sabi niya at binigyan pa ako ng flying kiss. Muntik na akong matawa sa ka-cornyhan niya.

Narinig ko naman nagbuntong-hininga sa tabi ko si Yoongi tsaka inalis ang headphones na suot-suot niya kanina. Bale tatluhan kasi etong upuan namin at nasa kanan ko si Taehyung, nasa kaliwa ko si Yoongi, nasa harap ko si Hoseok, at nasa harap naman ni Yoongi si Jin. Hindi ko lang alam kung sinong member ang nasa harap ni Taehyung.

Itinuloy ko nalang ang pagkain-este, ang PAGLAMON ko sa pasta na ibinigay niya. Napalingon naman agad ako sa kanya nang bigla siyang magsalita ulit. "Shayne last na talaga to, may tanong sana ako."

Tinaasan ko lang siya ng kilay, nag-aabang sa sasabihin niya. "Anong tawag sa fake noodles?" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

Fake noodles? Bakit sakin niya tinatanong yan? Tsaka bakit ang random naman ng tanong niya?

"Nagsisimula nanaman siya..." rinig kong sabi ni Yoongi habang binabalatan ang saging na hawak niya. "Kung kailangan mong hindi pansinin, wag mo nalang pansinin." sabi niya sakin ng mahina, halatang hindi pinaparinig kay Jin.

"Yah! Tumigil ka nga Yoongi! Hayaan mo siya." saway niya kay Yoongi. umiling-iling lang si Yoongi habang tinititigan ang saging na nabalatan niya na.

"Hmm... Ewan ko. Bakit mo naman natanong? Ano ba?" ang random man ng tinanong niya, sinakyan ko nalang. Binigyan niya naman ako ng pasta eh haha.

"Hindi mo alam? Edi impasta! Gets mo? Wahaha-" natigil siya sa kakatawa nang bigla salaksakin ni Yoongi ang saging na binabalatan niya kanina sa bibig ni Jin. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa reaksyon ni Jin habang si Yoongi, ngumisi lang.

Nakakatawa pa yung tawa niya, naaalala ko yung pinupunasan kong bintana sa kwarto ni Nikka dati.

Tinanggal naman ni Jin yung saging sa bunganga niya. "Yah! Bakit mo ginawa yun? Wala ka na bang respeto sa hyung mo?!" pero kahit galit na siya, hindi ko parin mapigilan ang tawa ko. Ang cute niya kasi magalit, may tono yung pagsasalita niya.

"Ok lang sana kung kami nalang ang sinasabihan mo ng mga jokes mo na yan eh, idadamay mo pa tong si Shayne. Bata pa to hyung wag muna." pang-aasar ni Yoongi.

"Eh?! Kung makapagsalita ka naman akala mo may gagawin akong masama diyan kay Shayne. Nag-joke lang naman ako eh! Hmmp." hindi na niya hinintay pa na sagutin siya ni Yoongi at tumalikod na siya samin at umayos ng upo. Ang nakakatawa pa sa kanya ay kinuha niya yung saging na isinalaksak ni Yoongi sa bibig niya at kinain ulit yun.

Ganto ba talaga sila? Palaging nag-aaway? Ang cute lang haha.

"Ang takaw talaga, tss." sabi ni Yoongi bago isinuot ulit ang headphones niya.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ngayon ko lang na-realize na kahit papaano ay nabawasan ng konti ang kaba ko. Napangiti ako.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng konting antok. Kung yung ibang members ay natutulog habang may unan na nakasabit sa leeg nila, dahil wala ako nun ay yumuko nalang ako. Sanay naman akong matulog nang nakaupo.

Dati kasi sa bahay nina tita Barbara, palagi akong pinaglalaba nila tita Barbara at Nikka ng madaling araw. Dahil sa trabaho at pag-aaral ko, palagi akong pagod kaya kadalasan ay nakakatulog ako habang naglalaba. Kaya sa peesto ko dito sa eroplano ngayon, walang-wala sakin to. Mas komportable pa nga dahil may malambot kang nasasandalan eh.

Patulog na sana ako nang biglang may maramdaman akong may malambot na isinabit sakin ng kung sino. Para bang unan. Pero pinilit ko paring ipikit ang mata ko. Eto yata yung neck pillow na gamit-gamit ng mga members eh.

Pero ang tanong, sino sa kanila?

Sinubukan ko namang silipin kung sino ang nagsabit. Nang mapansin kong tahimik na at tulog na karamihan ng members at pasahero, iminulat ko ng tuluyan ang mata ko.

Neck pillow nga. Isa sa mga members ang nagsabit sakin ng neck pillow, hindi ko lang talaga mapagtanto kung sino sa kanila. Pero ang sigurado ako, malapit lang sa pwesto ko ang nagsabit dahil imposible namang malayo diba?

Hindi kaya si Yoongi? Hoseok? Jin? Namjoon? Teka...

Napatingin ako sa gawi ni Taehyung. mahimbing siyang natutulog habang may suot-suot na headphones.

Hindi kaya siya yun?

Hindi naman sa umaasang siya yun ah, pero siya lang naman ang pwedeng gumawa nun eh. Kahit kinakausap ako ng ibang members, hindi ibig sabihin nun ay close na agad kami. Well, hindi ko naman sinasabing close kami pero... Aish!

Hindi siya yun Shayne, wag ka nang umasa.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para matulog katulad ng ibang members. Hindi ko alam kung matagal ba kami dito sa eroplano o mabilis lang pero ngayong oras na to, kailangan ko ng pahinga. Medyo kumirot kasi ang buong katawan ko nang inutus-utusan ako ng Jungkook na yun, nabigla siguro katawan ko. Oo tama, itutulog ko nalang to.

*******

"Shayne... nandito na tayo." nagising ako sa boses ni Taehyung na tinatawag ako. Kanina pa ata niya niyuyugyog ang balikat ko kaya iminulat ko na ang mga mata ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na nakasandal na pala ako sa kanya kaya agad akong napabangon. Pinunasan ko muna buong mukha ko, baka kasi tulo laway o may muta ako eh. Nakakahiya naman pag nakita niya pa.

Seryoso? Nakasandal na nga ako sa neck pillow, nagawa ko paring sumandal sa balikat ni Taehyung. Ano kami, magnet?

Agad ko namang binangon ang ulo ko. "S-sorry ah, nabibigatan ka siguro sa ulo ko. Ma-matagal na ba akong nakasandal sa balikat mo?" Syet Shayne, wag kang mauutal!

Tumayo ako, nakatayo na rin kasi kanina pa yung ibang members at kami nalang ang nakaupo pa dun. "Hmm, medyo matagal na rin. Pangalawang sandal mo na sakin yun ngayong araw ah, baka mamaya may pangatlo na." nginisian niya ako. Alam kong biro lang yung sinabi niya pero hindi ko mapigilang mahiya. Masyado ba akong komportable sa kanya?

"Sorry talaga. Hindi ko rin naman aakalain na dalawang beses akong makakatulog ngayon araw eh. Sumakto pa na sa dalawang beses na yun ay nakasandal pa ako-"

"Okey lang." nakangiti niyang sabi .

Minsan ko lang siya makitang ngumiti. Pero tuwing ngumingiti siya, parang gumagaan loob ko.

"Halika na?" inabot niya naman ang kamay niya. Tinignan ko lang ito. Bakit niya inaabot kamay niya? May hinihingi ba siya sakin?

Pero nagulat ako nang biglang hinawakan niya yung kamay ko. Hindi lang basta-bastang holding hands ha, yung parang naka-intertwined talaga yung mga daliri namin. Tiningnan ko lang siya pero parang wala lang sa kanya yung ginawa niya.

Oo aaminin ko, medyo apektado ako.

Medyo lang! Hindi ko nga alam kung bakit ako apektado eh.

Nang makapasok na kami sa airport dito sa Japan, ay may mga fans na sila na nagkukumpulan halos sa buong lugar sa Airport. May mga areas lang na restricted silang pumunta at nandun kami ngayon.

Pero bago pa kami magpakita sa mga fans na panigurado ay kanina pa sila hinihintay, nilapitan ako ni Namjoon. "You're gonna need this." isinuot niya sakin ang isang black face mask at black cap para maitago ng konti ang mukha ko. "Salamat." sabi ko.

Ang gentleman niya talaga, no wonder na siya ang naging leader nila. Siya pinakamabait.

"No problem." sabi niya at kinindatan pa ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kikiligin sa ginawa niya eh.

Uy! Pero hindi ko siya crush ah!

"Shayne, can I ask you a favor?" biglang tanong niya. tumango lang ako. "I know uncomfortable ito para sayo... Lalo na't hindi maganda ang first impression niyo sa isa't-isa ni Jungkook pero..."

Narinig ko palang yung word na. 'Jungkook' ay kinabahan nako. Kasi for sure any Jungkook-related ay magiging uncomfortable na ang pakiramdam ko.

Nagbuntong-hininga muna siya bago magsalita. "May ibang fans kasi na kilala ang stylist ng bawat members. By their face, height, length and color of their hair etc."

"Tapos?" Seryoso? Ganun ba ka-lupet ang mga fans nila? Ano ba talaga sila? Fans o stalkers? O di kaya spies sila?

"Nandito ang mga stylist nina Hoseok-hyung, Yoongi-hyung at Jin-hyung. Sila Jimin, Jungkook at Taehyung lang ang wala. Kung pwede sana pagdaan natin sa ARMYS mamaya ay lumapit ka sa tatlo. Actually kahit dalawa lang sa kanila, pero mas maganda sana kung tatlo sila. Para lang mabigyan sila ng idea na ikaw ang stylist ng isa sa kanila at para narin maitawid ka namin sa kanila."

Ano?! So ibig sabihin lalapit ako kay Jungkook? Ayoko nga!

"Okey..." kakasabi ko lang na ayaw ko, pero wala naman akong magagawa kundi pumayag. Minsan lang naman sila mag-request, tatanggihan ko pa ba? Tsaka lalapitan ko lang naman si Jungkook eh, hindi ko naman siya kailangang kausapin. Hindi ko naman siguro ikamamatay yun diba?

Baka yun ang ikamatay niya.

Char! Haha.

"Great! Yumuko ka nalang kapag feeling mo ay may nakakapansin na sa mukha mo. Don't worry, nakatakip naman ang mukha mo kaya hindi nila mahahalata na hindi ikaw ang stylist ng tatlo. Hwaiting!" nginitian ko lang siya. Lalapitan ko nanaman iyong biskwit na yun.

Bago pa sila dire-diretsong maglakad ay unti-unti na akong lumapit kina Jungkook at Jimin. Medyo malayo kasi si Taehyung sa kanila kaya sina Jimin at Jungkook nalang ang lalapitan ko. Sabi lang naman ni Namjoon kahit dalawa lang sa kanila, diba?

Tsaka naiintindihan ko naman kung bakit ayaw lumapit ni Taehyung kay Jungkook, kahit hindi ko man alam ang rason kung bakit sila nag-away. Binibigyan lang siguro niya ng space si Jungkook. Lalo na't maraming tao ang makakaharap nila mamaya, mas magandnag lumayo muna. Buti nalang kahit papaano ay nakakaintindi si Taehyung. Si Jungkook kasi ang isip-bata eh, Aish.

Nang makalapit ako sa kanila, ay agad namang napatingin si Jungkook. Yung hindi lang basta tingin ah, yung alam mong may halong irita sa tingin niya na yun. Sinubukan ko nalang na umiwas ng tingin sa kanya.

"Why are you here?" sabi niya na parang may halong pandidiri. Sarap sapakin!

"Oh believe me. I don't even want to be here, near you." Oh pak palaban! Kung english ang pinanglaban, english din ang ipantatapat!

"Oh really?" nginisian niya ako. "Then why are you here? I thought you said you don't even want to be near me."

"No choice ako, wag kang mag-isip ng kung ano-ano." wala na mga besh, nagpatalo na ako. Medyo mahina kasi ako sa english eh. Oo matalinong tao ako, scholar nga ako diba? Pero more on math at science ako eh. P.E at English ako mahina. At tsaka alam ko namang hindi magpapatalo tong biswit na to eh.

Natawa naman siya bigla. "Sabi mo eh."

Hindi nalang niya ako pinansin nang magsimula na kami maglakad papalapit sa mga fans. Agad naman kaming nahalata ng mga fans nila dahil sa mga security guards na nakapaligid samin, halatang handa na harangin ang simunang haharang sa dadaanan namin. I mean sa dadaanan ng BTS, hindi sakin.

"Waaaaa! Jungkook!" nagsimula namang magsigawan lahat ng fans habang tumatakbo papalapit sa gawi namin. Iba-iba ang mga sinisigaw nila. Yung iba tungkol kay Jungkook, Taehyung, Namjoon at kung ano-ano pa. Hindi ko pa alam kung ano mga sinasabi nila. Hindi naman ako marunong mag-Japanese noh!

Kahit na tinitignan ko ang bawat fans na nagsisigawan na nadadaanan namin, pinilit ko paring iyuko ang ulo ko katulad ng sinabi ni Namjoon sakin. Baka kasi kilala ng fans nila ang itsura ng mga stylist nina Jungkook, Taehyung at Jimin. Pag nalaman nilang hindi ako ang stylist nila, baka magtaka sila.

Pero kahit na nagmamadali na kaming maglakad, hirap kaming makadaan sa dami ng taong sumasalubong samin. May mga nagdala pa nga ng mga banners eh, ibig sabihin ay pumunta talaga sila dito para sa BTS at hindi para lumipad sa ibang bansa.

Habang unti-unti kaming nakakadaan para makaalis sa dami ng tao dito sa airport, ay unti-unti naring lumiliit ang espasyo na meron kami. Kaya halos magbanggaan na kaming lahat.

At kung mamalasin ka pa naman, nakatabi ko pa si Jungkook.

Nung una ay hindi ko siya pinansin at hinanap nalang sina Taehyung at Jimin. Diba sabi ni Namjoon kahit dalawang members ay kailangan kong makasama sa paglalakad palabas ng airport?

Pero nang mabangga ko ang braso niya ay agad naman siya napatingin sakin. Pero hindi katulad ng kaninang tingin niya, parang hindi siya naiirita sakin. Napaka-inosente nga ng mukha niya kung titingnan mo siya mabuti. Siguro dahil nanonood ang mga fans niya sa kanya kaya nagpapakabait siya, hmmp.

Sinubukan kong lumayo nalang sa kanya. Pero dahil nga walang space, imbes na mapalayo sa kanya ay mas lalo pa kaming nagkadikitan. May bigla naman akong naramdaman na parang tumulak sa tagiliran ko. Ang lakas pwersa niya kaya akala ko matutumba na ako.

Pero may maramdaman akong braso na kumapit sa bewang ko. Napapikit ako sa sakit nang maramdaman ko ang pagtulak sakin, masakit parin kasi katawan ko. Tumingala ako sa kanya para mag-thank you pero nagulat ako nang malaman ko kung sino siya.

Natigilan ako saglit, pati siya nagulat dahil sinalo niya ako. Parang tumigil bigla ang lahat ng mga nangyayari ngayon.

Hindi ko aakalain na matitingnan ko si Jungkook sa mata ng ganto kalapit ang mukha namin...

________
New Update! 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top