Chapter 10: Dance Practice
Shayne's POV
"Talagaaaaaa?!" hindi ko mapigilang mapatakip ng tenga ko. Ang tining talaga ng boses ng babaeng to kahit kailan.
"Tumigil ka nga! Ang ingay mo baka may makarinig satin!" pabulong kong sabi. Pano ba naman kasi pabulong ko ngang ikinekwento kay Chichay yung tungkol sa pagta-trabaho ko sa BTS, pasigaw niya namang inuulit yung mga sinasabi ko. Pano kung may makarinig sa kanya dito sa pinagta-trabahuhan namin?
"Ay, sorry hehe." sabi niya at nag-peace sign pa. "Mag-kwento ka pa kasi dali! Siguraduhin mong totoo yang mga ikine-kwento mo kung hindi naku babatukan talaga kita!" 'eh di hindi din pala siya naniniwala sa kwento ko?
"Hay nako, bat pa ako magku-kwento kung hindi ka rin pala naniniwala? Sayang laway bes." hinampas niya lang ako. "Gaga! Kung hindi ako naniniwala sayo, hindi kita pagku-kwentuhin noh! Dali na magkwento ka pa! Anong nangyari matapos nung na-ospital ka?" curious na curious niyang sabi. Para lang siyang bata na nakikinig ng fairytale story sa nanay niya.
"Eh ayun, sabi ni manager Sejin ay sa wednesday daw pupunta kami sa Japan para mag-concert. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko eh, pano na school ko?" kung dalawang araw nalang ay pupunta na kami sa Japan, panigurado mga ilang araw pa kami dun.
Kaya nga ginagawa ko na lahat ngayon sa klase eh, magiging active na ako at tinataasan ko na rin mga test ko. Kasi alam kong ilang araw din akong mawawala. Sinabi ko na nga kay Charmille na ikuha niya ako notes kapag umabsent man ako next week eh, dahilan ko ay baka puntahan ko yung kamag-anak ko sa probinsya.
Dahilan ko lang naman yun, hindi ko nga alam kung bakit takot na takot akong sabihin sa kanya ang totoo eh. "Ano ka ba Shayne, minsan lang naman yan sa buhay mo kaya sumama ka na! Hindi pa ba enough sayo na ikaw na yung may pinaka-mataas na marka sa klase niyo? Partida section 1 ka pa niyan ha. Sa tingin ko naman hindi mawawala yang scholarship mo kapag umabsent kalang kahit saglit." nagbuntong-hininga lang ako. Kahit na ilang araw lang yun, concious parin ako sa grades ko! Pinaghirapan ko kayang magka-scholarship sa eskwelahan na yun.
"Oo nga pala, ako lang ba talaga yung sinabihan mo tungkol sa sikreto mo na yan? Uyyyy na-touch naman ako haha." binatukan ko siya ng wala sa oras, loko-loko talaga. "Aray ko naman!"
"Oo ikaw lang, kaya wag na wag mong sasabihin yan kahit na kanino."
"Oo na oo na..." sabi niya habang hinahawakan yung parte ng ulo niya na binatukan ko. "Ako lang ba talaga ang mapagkakatiwalaan mong kaibigan at sakin mo lang sinabi yan? Eh sino yung friend mo sa school? Ano nga ulit pangalan nun? Cha-Charmine? Camille? Cha-"
"Charmille." pagtatama ko sa kanya. "Oo tama ayun. So hindi mo siya sinabihan tungkol dito?"
"Yun nga eh... Hindi ko nga alam kung bakit kaya kong sabihin sayo pero hindi ko kayang sabihin sa kanya." natatakot kasi ako na pag sinabi ko ay baka sabihin niya din sa iba. Oo kaibigan ko si Charmille, pero mas tiwala ako kay Chichay pagdating sa mga sikreto. Wala pang 1 month nang magkakilala kami ni Charmille kaya hindi pa ako sure kung sasabihin ko pa sa kanya.
Si Chichay naman kasi simula pa nung bata ako mag-best friends na kami, tsaka marami na kaming nasabing sikreto sa isa't-isa. Kaya kapag may ikinalat na sikreto ang isa sa amin, may ikakalat din na sikreto yung isa. Kasi kilalang-kilala na namin ang sarili namin eh haha.
Tsaka si Chichay mapagka-katiwalaan talagang kaibigan yan. Ni sikreto ko wala siyang ikinalat. Kaya hindi ako nagdadalawang isip na sabihin ang mga sikreto ko sa kanya kung meron man.
Hindi naman sa hindi ko pinagkakatiwalaan si Charmille, gusto ko pa muna siya makilala bago maging komportable sa kanya. Malay mo kaibigan niya pala sina Rogue at sinadya niya akong lapitan noong 1st day niya, hindi imposible yun. Alam kong masama yung pinaghihinalaan ko si Charmille lalo na at kaibigan ko siya, pero hindi mo maiiwasan eh. Ako kasi yung tipo ng babaeng walang may gustong kumausap, Nakakapagtaka rin naman kasi na ako ang nilapitan at kinausap niya pagka-pasok na pagkapasok niya ng klase noon. Siya pa naman yung tipo ng babaeng magiging kaibigan halos lahat ng kaklase.
"Seryoso Shayne? Kaibigan ba talaga turing mo dun? Ang kaibigan ay nagsasabi ng mga sikreto sa isa't-isa dahil nagtitiwala ka sa kanya. Hindi naman siguro masama kung sasabihin mo ang sikreto mo tungkol sa BTS diba? Malay mo ARMY din siya katulad ko, edi mas pahahalagahan niya yang sikreto mo dahil tungkol sa idol niya naman yan." oo ARMY din nga siya, sa kasamaang palad.
"Delikado kasi kapag sinabi ko pa tong sikreto na to sa iba. Pano kung sasabihin ko ito sa inyong dalawa tapos biglang kumalat? Sino yung paghihinalaan ko sa inyo diba? Kung ikaw lang ang pagsasabihan ko, edi ikaw lang ang paghihinalaa- Aray!" hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang bigla niya akong hampasin ng malakas. Ang hilig talaga manghampas netong babaitang to kahit kailan.
"Ganyan ba tingin mo sakin? Hay nako minsan nagtataka ako kung bakit magkaibigan pa tayo hanggang ngayon eh." asar niyang sabi na ikinatawa ko. Totoo naman yung sinabi ko ah. "Ay basta ikaw na bahala sa inyo ni Charmille, wala na ako diyan. Pwede mo namang hindi sabihin yung sikreto pinahihirapan mo pa sarili mo."
Sa totoo lang tama siya, pinahihirapan ko sarili ko eh pwede ko naman hindi sabihin sa kanya... muna. Kapag dumating na ang tamang panahon na kaya ko na siyang pagkatiwalaan, sasabihin ko sa kanya. "Basta wag mong sasabihin kahit kanino yan ah, kay Charmille nga hirap na hirap akong sabihin eh."
"Oo na oo na, kailan ba ako nagsira ng tiwala sayo?" napangiti ako. Totoo naman at hindi niya pa nasisira ang tiwala ko, ganun din naman ako sa kanya. "Basta ipakilala mo ako sa kanya next time ah."
"Kay Charmille? Sige."
"Hindi siya," may parang ikinakalikot siya sa phone niya na para bang may ipapakita sakin. "Eto oh." sabi niya tsaka may ipinakita ang litrato. Nanlaki mata ko. "Anong akala mo sakin? Ayoko nga!"
Agad naman siyang kumapit sa braso ko ng mahigpit, sinubukan kong alisin ang pagkapit niya pero sinasadya niyang higpitan para hindi ako makaalis. "Shayyyneee sige na kasiiiii!" halos nagmamaka-awa niyang sabi. Wala na ba talagang ikakapal ng mukha netong best friend ko? "Sige na Shayneeee pinapangarap ko kasi talagang makilala siya eh, kahit makilala nalang hindi na mapang-asawaaaa!"
"Mandiri ka nga diyan sa sinasabi mo! Si Kim Taehyung pinapangarap mong mapang-asawa?!" kinuha ko ang lahat ng lakas ko upang makaalis sa kapit niya pero ayaw niya paring kumalas. "Chichay bitawan mo nako baka makita tayo ni manager!"
Umiling-iling lang siya. "Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka pumapayag!"
Napabuntong-hininga ako. "Oo na! Kapag nakakuha ako ng chance." maikli kong sagot. Nang sabihin ko yun ay bigla namang nanliwanag ang mukha niya. "Seryoso?! Thank you bes!" sabi niya at niyakap pa ako ng sobrang higpit. "Bitiw na nga! Akala ko ba pag sinabi kong oo bibitiwan mo na ako?" sabi ko at tinutulak-tulak pa siya. Tumawa lang siya.
"Basta promise mo sakin yan Shayne ah." tumango lang ako na ikinangiti niya. Alam niya kasi na kapag nangako ako sa kanya, ay tutuparin ko ang pangako na yun.
Hindi ko alam na mapapasubo pala ako nang wala sa oras. Pano ko ipapakilala sa kanya si Taehyung eh halos hindi nga kami nag-uusap nun.
"Kahit na gusto ko man na makilala silang lahat at kung pipili ako ng isang miyembro na gusto ko talagang makilala, kahit si Taehyung lang ang makilala ko ok lang sakin." sabi niya habang ngiting-ngiti, iniisip siguro yung mukha ni Taehyung kaya kinikilig siya.
"Akala ko ba ARMY ka? Bakit naka-focus kalang sa iisang miyembro? Edi hindi ka totoong fan kung isang miyembro lang ang gusto mo sa kanila, kasi diba grupo sila?" sabi ko. Naiintindihan ko naman kung may favorite member ka sa grupo na iniidolo mo pero kung siya lang ang gusto mong makilala at siya lang ang gusto mong suportahan, diba hindi fan ang tawag dun?
"Pero ang nakakapagtaka, diba dalawa bias mo? Ayaw mo na kay Jungkook? Buti naman at natauhan ka, ang sama kaya ng ugali nun." pangangatwiran ko.
"Gaga. Papakawalan ko nalang si Jungkook para sayo." kumunot noo ko. Para sakin? Bakit naman? "Kay Taehyung nalang ako, kay Jungkook ka nalang." nanlaki mata ko sa sinabi niya.
"Ano? Bakit sakin?! Ayoko nga sayo nalang yun noh!" tanggi ko sa sinabi niya.
"Ay ang arte ah," ngumisi lang siya. "Feeling ko kasi, feeling ko lang to ah. Tutal nagta-trabaho ka na sa kanila, nakakasama mo pa sa iisang bahay, feeling ko bagay kayo. Kaya hindi na ako magtataka kapag nagustuhan mo siya balang araw hihi. Ship ko kayo, JungShayne is real!" pang-aasar niya.
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Ano bang pinagsasabi mo? Bumalik ka na nga diyan sa pagta-trabaho mo! Mahuli pa tayo ni manager pareho tayong walang sweldo." tinawanan niya lang ulit ako bago siya bumalik sa ginagawa niya. Ang lakas talaga mang-asar netong babaeng to.
******
"Shayne, yung tubig ni tubig ni Jimin dali!" rinig kong sigaw ni Jungkook habang tumatakbo ako papunta sa pwesto nila ni Jimin, dala-dala ang isang bote ng tubig na hinihingi niya. Kung makasigaw naman siya akala mo mamamatay na si Jimin sa uhaw.
Isang araw ang nakalipas at nandito kami sa practice room ng BigHit sa kompanya nila dahil magpa-practice daw ng choreography ang BTS. Magagamit daw nila kasi yun sa concert nila sa Japan bukas. Wala pang 1 oras nang magsimula silang mag-practice, pero mas pagod pa ata ako sa kanila.
Pano ba naman kasi etong unggoy na to, kanina pa ako inuutus-utusan. Tubig dito, face towel dito, paisa-isa pa ang mga utos niya. Hindi ko nga alam kung nananadya ba talaga siya o ano eh. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinusunod.
Sabi kasi sakin ni manager Sejin na alagaan sila diba? Kaya sinusunod ko nalang, tsaka kasama rin ata ito sa trabaho ko.
"Bro its okay, hindi naman ako nauuha-" pinutol ni Jungkook ang pagsasalita ni Jimin. "Shut up."
Hingal na hingal ako nang makadating sa kinaroroonan nila, yung vending machine kasi dito sa practice room nila ay nasa kabilang side pa kung nasan sina Jungkook at Jimin kaya mapapagod ka talaga.
Padabog ko namang ibinigay ito sa biskwit na unggoy na yun, pero nginingitian ko parin siya. Siya naman ay ihinagis lang ito kay Jimin. "Ayan, isaksak mo yan sa baga mo. Masaya ka na ba na nahihirapan ako?" sabi ko sa kanya, nakangiti parin.
Sarcasm is real.
Pero imbes na sagutin ako, ngumisi lang siya sakin habang umiiling. "Nauuhaw rin pala ako, kuha mo ako softdrinks dun oh." sabi niya sabay turo ulit duon sa vending machine na pinagkunan ko ng tubig ni Jimin kanina.
Nanlaki ang mata ko. "Ano?!" nananadya nga talaga siya na pagudin ako? May mga kamay at paa naman siya bakit hindi niya kunin mag-isa? Ano ba talaga trabaho ko dito, manager o katulong?
"Bingi ka ba? Sabi ko kuha mo rin ako." nakangisi niyang sabi na ikinainis ng sistema ko.
Napansin naman iyon ni Namjoon kaya lumapit na siya samin. "Jungkook-ah stop, hindi siya katulong para utusan mo." may awtoridad na sabi ni Namjoon. Leader nga talaga ang dating niya.
Kunot-noo namang lumingon si Jungkook kay Namjoon, halatang galit. "Why hyung? Diba sabi ni manager Sejin na kasama sa trabaho niya ang alagaan tayo? What's the big wiz?"
Akala ko ako lang ang nakakaalam nun, pati pala sila sinabi ni manager Sejin nun. Kaya ngayon, ginagamit niya iyong dahilan na yun para gawin akong alila. Ang galing naman niya. "Manager parin natin si Shayne, at ang manager dapat ang may awtoridad hindi ikaw. Tsaka ang pagkaka-alam ko, hindi inaalila ang manager."
"Really? Ang pagkaka-"
"Jungkook."
Napalingon naman kaming lahat sa tumawag at nagulat ako nang ma-realize na si Taehyung ang tumawag sa kanya.
Pagkalingon na pagkalingon ni Jungkook sa gawi ni Taehyung, ay agad na ininagis ni Taehyung ang coke na dala-dala niya kay Jungkook. Buti nalang ang agad na nasalo niya ito.
"Sayo nalang yan kung inumin lang ang dahilan ng pag-aaway niyo. Let's get back to practice, kapag nakita pa kayo ni manager Hobeom na nagkakaganyan ay baka madamay pa kami. " walang kaemo-emosyong sabi ni Taehyung at hindi man lang siya tumitingin kay Jungkook. Si Jungkook naman ay hindi mawari ang mukha.
"What's happening here?" sumakto naman ang paglitaw si manager Hobeom. "Bat para may naririnig akong nagsisigawan? Tsaka nasan sina Yoongi, Jin at Hoseok?"
Kinabahan ako nang biglang dumapo ang tingin sakin ni manager Hobeom. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Are you okay Shayne? Bat ganyang itsura mo at pawis na pawis ka? Masama ba pakiramdam mo?"
Agad namang napunta sakin ang atensyon ng lahat. Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa isasagot ko. "P-po? Ah... k-kasi po..." pasimple akong tumingin kay Jungkook, nakayuko lang siya na para bang wala siyang kaalam-alam sa nangyayari, ang tinitingnan niya lang ay yung sahig na nasa harapan.
Napatingin naman ako kay Taehyung at nakatingin din siya sakin, umiiling na para bang wag ko daw sabihin.
"Wala po, medyo naiinitan lang po ako ng konti." dahilan ko. Hindi naman talaga mainit eh, sa totoo lang malamig pa nga. Kailangan ko lang talaga makahanap ng dahilan at yun ang pumasok sa isip ko. Tsaka iniiwasan ko na ring maraming idahilan at sabihin, baka kasi madulas ako at sabihin nanaman nila ay wala nanaman akong naitutulong eh.
Teka, bakit ko ba hindi sinabi ang totoo?
"Naiinitan ka? Naka-aircon na dito ah." sabi ni manager Hobeom habang pinagmamasdan ang buong paligid. "Anyway, Namjoon tawagin mo na ang mga hyung mo at magsimula na ulit kayong mag-practice. Ikaw naman Tae ay samahan mo muna si Shayne, kakausapin ko nalang ulit kayo pagkatapos ng practice niyo." sabi niya bago umalis ulit.
Kaya agad namang lumabas si Namjoon para tawagin yung mga walang members. Si Taehyung naman ay hinila ako papunta sa vending machine para makalayo ako ng konti kay Jungkook, alam niya kasi na kailangan naming humiwalay muna sa isa't-isa.
Gusto ko mang mainis kay Jungkook sa sitwasyon ngayon, pero hindi ko magawa dahil kay Taehyung. Hindi kasi ako maka-concentrate dahil hinihila ako ni Taehyung habang MAGKAHAWAK KAMI NG KAMAY.
Sa tingin siguro ng karamihan sa inyo ay walang kabig deal-big deal na hawakan niya ang kamay ko, ako rin naman eh. Hindi ko nga alam kung bakit medyo natataranta ako ngayon eh, yung pakiramdam na ang bilis ng kabog ng dibdib mo. Yung pakiramdam na parang kinikilig ka.
Teka, anong sabi ko? Kinikilig? Bat naman ako kikiligin sa kanya? Mandiri ka nga sa sinasabi mo Shayne.
Pero sa totoo lang, buti nalang at nandito si Taehyung. Hindi man kami gaano ka-close pero nililigtas niya ako sa mga sitwasyon na kailangan ko ng tulong. Blangko man palagi ang ekspresyon niya katulad ni Yoongi, may malasakit parin siya sa kapwa niya. May malasakit parin siya sakin.
Nang pinaupo niya ako, kumuha naman siya ng maiinom ko sa vending machine at ibinigay ito sakin. Yung pwesto namin ngayon ay nasa opposite side na ng inuupuan nila Jimin at Jungkook, pero napapansin ko padin ang sama ng tingin samin ni Jungkook.
Bat ang sama ng tingin niya samin? Pasalamat nga siya at hindi ko sinabi ang totoo kay manager Hobeom kung hindi ay lagot siya.
Hindi ko nalang siya pinansin at ininom ko nalang ang juice na binigay sakin ni Taehyung. Buti nalang binigyan niya ako ng maiinom, kundi baka himatayin na ako sa pabalik-balik dito sa practice room nila. Noong akala ko maliit lang etong building na to, ang laki pala netong lugar na to.
"Hayaan mo lang siya at uminom ka pa ng uminom diyan."
Nang tumingin ako sa kanya ay agad naman siyang umiwas ng tingin, para bang nailang siya. Hindi ko tulong mapigilang ngumiti. Dati ko pa napapansin na parang may impact ako sa kanya. Diba bago ko puntahan si Jungkook sa club ay kinulit ko muna siya? Noong una ay ayaw niya pero sa huli ay bumigay narin siya. Akala ko pa naman kasing-tigas niya si Jungkook.
"Uhm... A-ako pa malalagot kay manager Sejin kung may masamang mangyari sayo eh." sabi niya sakin, umiiwas na magka-tinginan kami. Ang cute lang haha.
Pero napaisip ako sa sinabi niya. Pabigat nanaman ba ako? "Sorry ah... Nagiging pabigat nanaman ba ako sa inyo?"
Nang sabihin ko yun ay tsaka siya tumingin sakin, nakakunot noo. "Pabigat nanaman?" tumango ako. Lahat nalang ba ng ikikilos ko pagdating sa kanila ay nagiging pabigat ako?
"Huwag ka ngang mag-inarte dyan, wala ka namang naabala dito. Hindi mo naman kasalanan na sinasadya ni Jungkook na pahirapan ka.
Napatingin ako sa kanya, may halong inis at seryosong tingin ang nakikita ko sa mata niya. Naiinis kaya siya dahil palagi kong sinisisi ang sarili ko sa mga bagay-bagay? "Pagpasensyahan mo na yun ah, inis lang yun sayo dahil first time niyang mapahiya sa public ng ganun." Napahiya ko siya sa public?
Teka, tungkol ba yun sa dalawang video namin na naging viral sa social media?
"Seryoso ba siya? Sa amin dalawa sa tingin niya siya pa yung napahiya? Eh ako pa nga itong kinaiinisan kinararamihan ngayon eh. At kung mapahiya naman siya o hindi, ang daming tao na ipagtatanggol siya kung tama man yung mga ginagawa niya o hindi. Dapat nga magpasalamat pa nga siya sa dalawang naging viral video namin eh, mas lalo siyang nagmukhang inosente kasi ako yung mukhang masama sa video. Kung ganon eh ano yung ikinagalit niya?"
Hindi ko mapigilang ilabas ang lahat ng galit ko. Dahil sa video na yun ay napalayas ako sa bahay ni Nikka at wala dapat ako dito. Dahil sa video na yun ako ang nagmukhang masama at siya ang nagmukhang biktima. Bakit parang kasalanan ko pa na ipinagmukha ko siyang mabait sa nakararami?
"Huwag mo nalang siya pansinin, iba siguro yung perspective niya pagdating dun sa video na yun." huminga ako ng malalim at sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Ako nalang ba palaging iintindi sa sitwasyon na kung saan kitang-kita naman na siya talaga yung mali?
Oo hindi ko man alam kung ano ang mga pangyayari sa buhay niya na naging dahilan kung bakit siya naging ganto, pero jusko naman! Pano naman ako? Bata palang ako ay namatay na ang mga magulang ko nang DAHIL SA AKIN! Buong buhay ko ay sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay nila, inalila ako nila tita Barbara at Nikki simula nang patirahin nila ako sa bahay nila at araw-araw nilang pinamumukha sakin na ako daw ang naging dahilan ng pagkamatay nila mama at daddy, isinaksak ko sa kokote ko yun! Tsaka pinapatira man ako nila tita Barbara sa bahay nila, ay hindi naman nila tinutustusan lahat-lahat pangangailangan ko katulad ng pag-aaral ko at mga pagkain kaya kailangan kong maghanap ng part-time job para sa sarili ko. Tapos sasabihin nila na ako pa ang kailangan umintindi?
Ang pinaka-point ko dito sa sinasabi ko, ay hindi lang naman siya ang may pinagdaanan o pinagdadaanan sa buhay. Hindi naman kailangan lahat nalang na sitwasyon ay yung mga tao sa paligid niya ang kailangang umintindi. Minsan nga mas matindi pa ang mga problema ng mga tao na nasa paligid niya kesa sa kanya eh. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo.
Hindi ko mapigilang samaan ng tingin si Jungkook na hanggang ngayon masama parin ang tingin samin. "Nevermind him. Hangga't nandito tayo ay hindi tayo titigilang samaan ng tingin yan."
"Oo nga pala, anong gagawin nating kung sakaling makita yung mukha ko sa scandal nating dalawa? Kapag nakita ng mga ka-schoolmates ko yun naku." pag-iiba ko ng usapan.
"Bakit? Ikinahihiya mo ba na may scandal ka sakin sa harap ng mga kaibigan mo?" ngumingisi siya habang sinasabi niya yun. Siya? Ikinahihiya ko? "A-ano? B-bakit naman kita ikahihiya?"
Pero nang ma-realize ko yung sinabi ko, muntik na akong mapasapo sa noo ko. Ang tanga mo Shayne! Bakit mo sinabi yun? Natawa naman siya ng mahina. "So ipagmamalaki mo ako?"
"A-ano?" sabi na nga ba at mami-misunderstood niya yung sinabi ko eh.
"Dalawa lang naman ang pwede mong ipakita eh. Kung mahihiya ka sakin o ipagmamalaki mo ako. Ang tanong, saan dun sa dalawang iyon?"
Ano bang ipinaglalaban niya? Gusto niya bang marinig na gusto ko siyang ipagmalaki? Tsaka bakit ko naman siya ipagmamalaki eh hindi naman talaga totoo yung akusa ng mga fans nila sa picture na yun? "Tumigil ka nga!"
"Pero Shayne," panimula niya. "Kung sakaling may magawa mang plano o idea ang mga managers tungkol sa issue natin, papayag ka?"
Kumunot noo ko. "Ha? Anong idea?"
"Yung tungkol sa scandal na nangyari sating dalawa." umupo naman siya sa tabi ko. "Oh eh anong pag-uusapan natin dun?"
"Pano kung... panindigan nalang natin?"
"Ha?" paninindigan namin ang scandal na hindi naman totoo? Para saang dahilan? "Yung akusa nila sating scandal?"
"Oo nga, ang kulit." Hindi ko mapigilang matawa. "Kung ganon eh ano naman ang benefit sakin nun? Sa inyo may benefit yun, katulad ng sinabi ni mamager Sejin ay magkaka-exposure lalo ang grupo niyo pag nagkataon. Pero ako? Baka madami na namang mainis sakin."
Naiintindihan ko kung gusto lang nilang pasikatin lalo ang grupo nila, pero hindi naman na nila kailangan eh. Isa na sila sa pinakasikat na kpop group sa buong mundo, bakit pa nila pasisikatin sarili nila? Hindi pa ba sapat ang yaman at fame nila para makuntento na sila sa buhay?
"Wag kang mag-alala. Dahil dun sa dalawang video niyo ni Jungkook na nag-viral, I doubt na ipapakita ni manager Sejin ang mukha mo sa public kaya hindi ka nila mamumukhaan. Tsaka isa pa, napapansin ko lang na dahil kay Jungkook ay pakiramdam mo ay wala kang ginagawa sa trabaho mo dito." tinapik-tapik niya ang balikat ko. Oo nga pala, nakita nga pala ang mukha ko sa dalawang video na nag-viral.
"Now it's your time to show youre worth getting hired here, prove him wrong." sabi niya.
"Ano namang kinalaman ng scandal natin ang tungkol sa pagpapakita ko ng worth kay Jungkook? Tsaka bakit ko kailangang magpakita ng worth sa kanya? Hindi nga siya worth it pakitaan ng worth eh."
Pero instead na sagutin ako, ngumiti lang siya.
And his smile is the sweetest thing I've ever seen.
__________
New Update! 😊
Thank you nga po pala kay@nerdypeculiar sa bago niyang cover na ginawa! 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top