Chapter 1: A Friend
Shayne's POV
"Once upon a time, there was a prince who fell inlove with a princess. And they lived happily ever after."
Bullshit! Sa tingin niyo ganun lang kadali ang buhay? Makakahanap ka ng lalaking magmamahal sayo tapos happily ever after na agad kayo?
Magising nga kayo sa realidad!
Para sakin, hindi nage-exist yang happily ever after na yan! Hindi ko binibigyang importansya ang love-love na yan! Sagabal lang yan sa buhay ko.
Ang importante sakin?
Aral, part-time job, aral, part-time job, aral part-time job, aral part-time job.
Ako kasi, hindi ako pwedeng tutulog-tulog at paginipan ang magiging prince charming ko, hindi ko pwedeng hintayin ang knight and shining armor na magliligtas sakin. Kailangan kong kumilos para mabuhay ko ang sarili ko.
At yun ang realidad.
Nagulat nalang ako nang biglang may sasakyang huminto sa harapan ko. Nang binaba niya ang windshield niya, nalaman ko kung sino.
"Ano ba naman yan Shayne! Hanggang ngayon naka-bike ka parin?! You're so old-school ha. Alam mo, ikaw nalang ang student na naka-bike sa school natin. Lahat naka-car na." conyong sambit sakin ni Rogue. Yung tingin niya sakin parang diring-diri. Para bang nakakita siya ng taong nakaapak ng tae.
Ako nga pala si Shayne Thyson Martin. Ako ay isang estudyante sa Pandleton Academy na isa sa pinaka-sikat na eskwelahan sa bansa.
Nagtataka siguro kayo kung pano nakapasok ang isang dukha na kagaya ko sa isang mala-dream school na eskwelahan katulad ng Pandleton Academy. Simple, S-C-H-O-L-A-R-S-H-I-P. Kahit mahirap man ako at wala nang mga magulang, pinag-bubuti ko ang pag-aaral ko. Para kahit papaano naman, may maipagmalaki ako kahit yun lang.
Speaking of magulang, namatay ang mga magulang ko noong 10 taong gulang palang ako. Nag-camping kami nun sa isang gubat. Hanggang ngayon, hinding-hindi ko parin makakalimutan ang araw na yun...
FLASHBACK
"Dito nalang tayo maglatag." Rinig kong sabi ni papa tsaka nilapag ang tent sa isang patag na puwesto.
Naramdaman kong binitawan ni mama ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Anak dito ka lang ah, maglalatag lang kami ng tent ng papa mo." Sabi niya at tsaka lumapit kay papa para matulungang ilatag ang tent.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tahimik, maaliwalas at malamig. Puro puna ang nakikita ko dahil forest itong kinaroroonan namin, medyo nakakatakot din dahil magagabi na kaya padilim narin ng padilim and paligid.
Tumingin ako kina mama at papa, nagaasaran sila habang naglalatag ng tent. Para silang mga teenagers, nakakatuwa lang.
Maglalakad na sana ko papunta sa kanila nang may napansin akong puti mula sa sulok. Nung una akala ko kung ano. Yun pala, isang napaka-cute na kuneho. Lalapit sana ako nang biglang tumalon-talon ito palayo.
Hindi ko mapigilang sundan ito. May soft-spot kasi ako pagdating sa hayop. Mabilis ang pagtalon niya kaya medyo nahirapan akong habulin siya. Dahil sa bilis ng talon niya medyo tumagal din ang habulan namin, pero unti-unti ko siyang naabutan hanggang sa mahuli ko siya.
Hinimas-himas ko ang ulo niya. "Ang cute mo naman, bunny." Hingal na hingal kong sabi. "At ang bilis mo rin. Grabe ka ang hirap mong habulin, pinagod moko dun ah." Natatawa kong sabi.
"Mama, pwede po bang akin nalang si-" Natigilan ako nang mapansin kong wala na sa paningin ko sina mama at papa.
"Mama?" Nilapag ko agad ang kuneho at nagpalinga-linga sa paligid.
"Papa!" Sigaw ko. Natatakot na ako, nasan na ba ako? Wala sina mama at papa pati narin yung mga gamit na dala naming pang-camping.
Hindi ko alam ang lugar na to. Hindi ko alam ang pabalik sa camping area namin at mas lalong mahihirapan ako dahil dumidilim na ang paligid. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko dahil wala naman itong maitutulong. Hindi ko alam ang gagawin ko, ayokong mag-stay sa lugar na ito, pero ayoko ring umalis dahil natatakot ako na baka mas lalo akong mawala.
"Mama! Papa!" Sigaw ko.
Pero ang takot ko kanina ay mas dumoble nang may marinig akong sumusutsot sa kung saan. This time, hindi ko na talaga mapigilang umiyak. Sobrang takot na ako. Hindi kaya ahas yun?
Natigilan ako nang malaman kung ano yun. Ahas nga. Napakalaking ahas.
Gusto ko mang tumakbo ng napaka-bilis pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko nakadikit yung dalawang paa ko sa sahig. Hindi ako makagalaw. Nakatayo lang ako at nakatitig sa ahas na yun. Natatakot ako na baka isang galaw ko lang ay tuklawin niya na ako.
Pero hindi naman pwedeng um-estatwa lang ako dito sa pwesto ko, lalo nang may ahas pa ngayon sa harapan ko. Kaya nilakasan ko ang loob ko, It's now or never.
Agad akong tumakbo sa abot ng aking makakaya. Pero habang tumatakbo ako, naririnig ko parin sa likod ko ang sutsot ng ahas dahilan para kabahan ako. Sumusunod padin siya sakin, hindi ko mapigilang maiyak lalo.
Lilingunin ko sana yung ahas na humahabol sakin pero hindi ko napansin yung puno kaya nabangga yung ulo ko dito. Dahil tumatakbo ako nun, medyo malakas ang bangga ko sa puno kaya natumba ako at napahiga sa sahig. Medyo sumakit ang ulo ko dahil sa puno pero hindi ko ito pinansin. Ang alam ko lang, ayokong matuklaw ng ahas.
Akmang tatayo na sana ako nang napansin kong unti-unting lumalabo ang paningin ko. Parang nahihilo ako. Parang hindi nagfo-focus ang paningin ko.
May narinig ulit akong sutsot ng ahas. Pero ang labo, halos wala na akong makita. Duling na duling na ako. Mas lalong lumalakas ang sutsot ng ahas, alam ko na rin malapit ito sa kinaroroonan ko. Ang tanging magagawa ko nalang ngayon ay manalangin, manalangin na sana may tumulong sakin kahit na alam kong wala.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may naaninag akong ilaw. Parang... Ilaw mula sa apoy? At may naaaninag din akong tao sa harapan ko. Parang may binubugaw siya? Hindi kaya binubugaw niya yung ahas na tutuklaw sakin?
Ito na ba yung taong pinadala ng Diyos para tulungan ako?
Haharap na sana siya sakin pero hindi ko na nakayanan at ipinikit ko na ang mga mata ko.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Noong akala ko panaginip lang ang lahat pero nang madatnan kong nasa forest parin ako, alam kong hindi.
Pagkamulat na pagkamulat ng mata ko ay may tumambad saking isang natutulog na batang lalaki, mukhang mas matanda siya sakin ng konti. Mukhang mahimbing ang tulog niya kaya imbes na gisingin siya, tinitigan ko nalang ang mukha niya habang natutulog.
Siya kaya yung nagligtas sakin mula sa ahas kahapon?
Ang unang napansin ko sa kanya nang makita ko siya ay yung itsura niya, oo gwapo siya. Hindi ko alam kung bat yun yung unang nakita ko.
Pinagmamasdan ko lang muna ang itsura niya. May bangs yung buhok niyang mala-coconut, mas lalo tuloy siyang nagmukhang cute.
Feeling ko mas mahaba ang pilik-mata niya sakin, ang tangos din ng ilong niya, at yung la-
"You're awake." nagulat ako nang bigla siyang dumilat. Muntik ko na nga siya masapak buti nalang napigilan ko. Ngayon ko lang narealize na nakahiga pala ako sa hita niya kaya agad akong umayos ng upo. Naramdaman ko naman na medyo sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Nang hawakan ko ito, parang basa. Tiningnan ko kung ano yun.
"Ah!" Tili ko na ikinagulat nung batang lalaki. "Why? What's wrong?" Tanong niya sakin.
"Du-dugo... A-ayoko ng dugo. Takot a-ako s-sa dugo." Nanginginig kong sabi. "Bat nagdudugo yung ulo ko?!" Natataranta na ako. Ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay dugo.
Wait... Diba nauntog ako sa isang puno kagabi?
"Sorry kung dahon lang ang nakalagay diyan ah, hindi ako marunong mag-treat ng isang sugat. Wag mo nalang hawakan para hindi ma-infection." kinapa ko yung sugat sa ulo ko at parang may nilagay nga siyang dahon dun.
"Sabi nang wag mong hawakan." Sabi niya sabay kuha ng kamay ko at hinampas ito ng mahina.
Tiningnan ko nang mabuti ang mukha niya. "Ikaw ba yung... Taong naglitas sakin kagabi?" Tanong ko. Tumango lang siya. Hindi ko alam kung pano mag-react, magte-thank you ba ako o ano?
"Salamat ah..." Napatingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatitig sakin. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, umiwas agad siya ng tingin. "Wel-welcome."
Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko parang naging awkward ang atmosphere para sa aming dalawa.
Dahil sa di ko narin kinaya ang awkwardness, tumayo na ako sa kinauupuan ako. "Bata, alam mo ba kung pano makaalis sa gubat na ito?"
"Una, hindi bata ang tawag sakin. JK. JK and tawag sakin, mas matanda pa nga ata ako sayo. Pangalawa, oo alam ko kung pano makaalis sa gubat na to." napanguso nalang ako. Tss, sungit. "Teka, paano ka nga pala napadpad dito?"
"Eh ikaw? Bat nandito ka rin? Naliligaw ka rin?"
Ngumisi siya. "Wow. Ang sarap mong kausap noh? Sinagot ko lahat ng tanong mo, ikaw naman ang tinanong ko tapos sasagutin mo ako ng tanong." Sarkastiko niyang sagot.
"Ang sungit mo noh? Napadpad ako dito dahil magca-camping sana kami nina mama at papa dito. Kaso sinundan ko yung kuneho sa kung saan kaya hindi ko namalayan na nawawala na pala ako." Explanation ko. "Eh ikaw? Bat ka nandito?"
"Nagpapahangin lang," sabi niya. Nagpapahangin? Parang ang babaw naman ng dahilan niya. "By the way, ano nga pala ang pangalan mo?"
"Tin." Sabi ko tsaka nakipag-hand shake sa kanya. Tin nalang ang ibinigay ko para short for Martin. "Oh, ngayon pwede mo na ba akong tulungang makaalis dito?"
Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko. "Wag mong bibitawan ang kamay ko." Sabi niya sakin at nagsimula nang maglakad. "Medyo matagal ang paglalakad natin, kaya wag na wag mong bibitawan ang kamay ko kung ayaw mong mawala ulit."
Mula nung nagsimula kaming maglakad, hindi niya binibitawan ang kamay ko. Tuwing natatakot ako sa mga simpleng bagay na nasa paligid ko, nabibitawan ko siya pero agad niya naman ulit kinukuha ang kamay ko at mas lalong hinihigpitan ang hawak nun. Hindi nagtagal, nakakita kami ng isang bayan. Madaming tao, may mga bahay na nakatayo at may nakikita na naman ulit kaming mga sasakyang dumadaan.
"Nakikita mo yun?" Tanong niya sabay turo sa isang police station. "Magtanong ka dun. Sabihin mo nawawala ka, panigurado naman kinontact na sila ng mga magulang mo. Alam mo naman ang address mo diba?" Tumango ako. "Good. Just tell them what's your address and they'll take you there. I have to go."
Akmang aalis siya pero hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "You're going already? Hindi mo man lang ako sasamahan sa police station?" Actually wala namang problema sakin kung mag-isa lang ako pupunta sa police station, sadyang ayaw ko lang muna siyang paalisin, hindi ko alam kung bakit.
Bumuntong hininga siya. "I can't. I really have to go, tumakas lang ako samin. Panigurado hinahanap na rin ako ng parents ko. Anyway, goodluck nalang sayo." Aalis ulit sana siya pero hinila ko siya papalapit sakin at hinalikan sa pisngi. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. "Salamat ulit." I smiled at him.
Napansin ko namang nag-blush siya tsaka tumakbo palayo sakin.
***
"Mama? Papa?" Yan agad ang bungad ko pagkabukas ko ng pagkabukas ng pinto namin sa bahay. Dinala ako ng mga pulis dito sa bahay namin. Laking pasasalamat ko talaga kay JK. Kung hindi dahil sa kanya, malamang hindi na ako nakauwi.
Ang buong akala ko pagkabukas ko ng pinto ng bahay namin, makikita ko sina mama at papa na nag-aalalang naghihintay sakin. Pero ang naabutan ko ay sina tita Barbara at ang pinsan kong si Ella na umiiyak kasama ang iba pang mga pulis.
Kinabahan ako. Nasan si mama at si papa? Hinahanap parin ba nila ako hanggang ngayon? Hindi parin ba sila nakakauwi? Bat wala sila dito? Ang dami kong gustong itanong sa kanila, pero bat parang natatakot akong malaman sagot nila?
Napansin naman ni tita Barbara at ni Ella na nandito na ako. Punong-puno ng poot at galit ang kanilang mga mata habang nakatingin sakin. "Ikaw!" sigaw ni tita Barbara habang nakaturo sakin. Akmang lalapitan niya ako at parang handa na akong saktan ngunit hinawakan siya ng mga pulis. "Ikaw ang may kasalanan ang lahat ng ito! Kung hindi dahil sayo, hindi sana sila mahuhulog sa bangin! Kung hindi dahil sayo, buhay pa sana sila!" Sigaw sakin ni tita Barbara habang umiiyak.
END OF FLASHBACK
Simula nung araw na yun, ako na ang sinisi ni tita Barbara sa pagkamatay nina mama at papa. Kaya naiintindihan ko sila kung bakit hanggang ngayon ay ang laki ng galit nila sakin.
Sina tita Barbara ang kasalukuyang nag-aalaga sakin ngayon kasama ang anak niyang si Ella. Pati si Ella nag-iba ang pakikitungo sakin.
"You know you're so kawawa, You really don't deserve to be a student here in Pandleton Academy." ibababa na sana niya ang windshield niya pero humarap ulit siya sakin. "Oo nga pala, tomorrow is my birthday. I'm not saying I'm inviting you, it's just that I don't have a choice but to invite you. Everyone is invited naman kasi eh." sabi sakin ni Rogue bago itinaas yung windshield niya at nauna nang umalis. Hindi ko nalang pinansin.
Nang makarating ako sa Pandleton Academy, may mga naririnig akong bulungan ng ibang estudyante habang naglalakad ako papasok.
"OMG! Balita ko tomorrow pupunta BTS dito sa school natin? bakit daw?" tanong nung babae sa kausap niya. Huminto muna ako saglit at pasimpleng nakikinig sa usapan nila.
"Hindi mo alam? Birthday ni Rogue at dito gaganapin sa school. Sabi pa nga nila, walang teacher na magtuturo satin bukas just so we can attend her birthday party dito sa school eh. Grabe talaga noh? She gets what she wants, inii-spoil talaga siya ni Principal. Palibhasa, anak ng principal dito."
"Anak ng principal o hindi, I'm so inggit! Imagine, magpe-perform ang BTS para sa kanya? Iiihh!"
"I know right? Tsaka napansin mo ba? School ang venue ng birthday niya at invited tayong lahat, that's sooo NOT Rogue. Feeling ko, ipinamumukha niya satin na nasa birthday niya ang BTS."
"I don't care! Basta nandon ang BTS. Too bad kailangan naka-uniform parin tayo. But still, magpapaganda ako tomorrow." sabi nila bago umalis.
BTS? Ano yun? Nakakain ba yun? At ano daw? Si Rogue ang nagpapunta sa BTS na yun? Tsk tsk. Palibhasa kasi anak siya ng principal dito. Ginagamit niya ang kapangyarihan ng mama niya para makuha niya lahat ng gusto niya.
Teka... Kung walang turo bukas, pwede kayang umabsent?
Habang naglalakad ako papaunta sa klase ko, napapansin kong halos lahat ng mga estudyante pinag-uusapan si Rogue tungkol dun sa BTS na yun. Umiling-iling nalang ako. Ginagawan niya pa ng mas maraming trabaho ang mama niya, hindi na siya naawa.
Pagpasok ko ng klase namin, napansin ko agad ang isang napakagandang babae na nakaupo sa bandang likod. At inupuan niya pa ay sa tabi ko. Mukha siyang transferee, ngayon ko lang siya nakita sa klase namin eh.
Mukha naman siyang hindi scholar, mukhang anak-mayaman kasi. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso ako sa upuan ko which is sa tabi niya. Ayokong siyang kausapin, baka kasi maarte rin siya katulad ng Rogue nayun. Hmmp! Ako nalang ang palaging pinagdi-diskitahan nun.
Sakto naman at dumating na yung proffessor namin. "Good morning class." ni isa samin walang bumati sa kanya. Napansin niya naman agad ang transferee na nasa tabi ko. "As you can see we have a new transferee. Why don't you introduce yourself infront, young lady?"
Sumunod naman siya at dumiretso sa harap. "Hi everyone, I'm Charmille Hudson and I hope we can all be friends." She said with a smile on her face. Napaka-ganda niya, mukhang siyang isang porcelain doll. Ang tangkad niya akala mo model. Ang ganda rin ng buhok niya akala mo model ng shampoo, at ang puti-puti niya. Ang tangos ng ilong niya at ang haba ng pilikmata. Mapupula rin ang kanyang mga labi. Feeling ko nga siya ang pinapangarap ng halos lahat ng mga lalaki. Siya ang true definition ng salitang perfect.
Nang matapos ang introduction niya, nagulat nalang ako nang biglang nagsi-palakpakan ang mga kaklase kong lalaki habang walang pakielam ang mga babae. Napailing-iling nalang ako sa isip ko. Tsk tsk, mga tarantado talaga.
Nang bumalik siya sa upuan niya sa tabi ko, napatingin siya sakin. "Hi! I'm Charmille Hudson, transferee ako dito. Nice to meet you." sabi niya sabay lahad ng kamay para makipag-shake hands. Nung una ayoko talagang makipag-shake hands, pero ayoko namang mapahiya siya kaya napilitan ako. I'm not a friendly type of person. Pag-aaral lang ang nasa isip ko pag nasa eskwelahan. Nerd na kung nerd, pero yun ang totoo.
"Ikaw? Anong pangalan mo?" huminga ako ng malalim bago magsalita. "Shayne." tipid kong sagot.
"Shayne? Cute name."
'Pwede bang iba nalang kausapin mo? Nakikita mong nakikinig ako sa prof eh, nakakairita ka na.' sabi ko sa isip ko.
"Hey, gusto mong sumabay sakin mamaya? Kain tayo sa canteen. After nun, i-tour mo na rin ako sa buong school. Please?"
'Sorry ha? Maghanap ka nalang ng ibang magiging tour guide mo, wag ako.' Sabi ko sa isip ko.
"Sorry Charmille per-"
"Sige na Shayne, please?" nag-puppy eyes pa siya sakin. "Masyadong malaki etong eskwelahan na ito, natatakot ako na baka maligaw ako. Tsaka saglit lang naman eh, ikaw pa lang kasi ang nakikilala ko dito." wow, feeling close siya ah.
"Sorry talaga Charmille ha, marami pa kasi akong gagawin eh."
"Saglit lang naman eh, please?"
"Hindi talaga pwed-"
"Please?"
"Hindi nga pwed-"
"Please? Ililibre kita pagkain promise, basta samahan mo lang ako." nairita ako sa sinabi niya. Anong akala niya sakin, patay gutom? Mahirap man ako, may pera ako pambili ng sarili kong pagkain.
"Hindi ng-"
"Ihh sige n-"
"Hindi nga pwede!"
"Miss Martin?" muntik na akong mahulog sa upuan ko nang tawagin ako ng prof. "Is there something wrong?"
"Wa-wala po..." sinamaan ko ng tingin si Charmille and she mouthed 'I'm sorry' sakin, inirapan ko nalang siya. Pagkatapos nun, buong klase ko siya hindi pinansin.
***
Recess time, nandito ako sa library. Dito naman talaga ang gawi ko simula palang dati. Mas maganda na dito noh, tahimik at konti lang ang tao. Hindi katulad sa canteen o ibang lugar, hindi ka matatahimik. At isa pa, ayokong makita yung Charmille na yun. Masyado siyang nakakairita at childish, feeling close pa. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung mga ganong klaseng tao.
Inaantok ako, tsaka sa tingin ko wala namang subject na kailangang i-review kaya naisipan kong matulog. Kumuha ako ng isang malaking libro na pwedeng ipantakip sa natutulog kong mukha. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang...
"Huy!"
"Ay nanay mo nahulog ang panty!" sigaw ko na ikinapukaw ng atensyon ng lahat ng nasa library.
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang biglang sumigaw yung librarian. "KAYONG DALAWA! LUMABAS KAYO SA LIBRARY NGAYON DIN!" sigaw niya habang tinuturo kaming pareho ni Charmille. Sinamaan ko siya ng tingin bago kami lumabas ng library.
"Sorry na talaga, Charmille. Gusto lang naman kitang gulatin eh, napaalis ka pa tuloy sa library. Ang tanga ko kasi eh. Bat ko pa kasi ginawa yun? Sa loob pa ng library ah." sabi niya habang nakanguso.
Bumuntong hininga ako. "Hindi mo ba napapansin na umiiwas ako sayo? Naiintindihan ko na you're just trying to be friendly pero hindi ko kailangan ng kaibigan. Nandito ako para mag-aral hindi makipag-kaibigan, maghanap ka nalang ng ibang kukulitin mo. Wag ako." sabi ko tsaka tinalikuran siya.
Saktong pagtalikod ko, nabangga ko sina Avena at Xoella, alipores ni Rogue. Ang madalas akong pag-diskitahan. "Sorry."
"Oh... Who do we have here?" yumuko ako. Ayokong makapasok sa isang gulo, ang gusto ko maka-graduate ako sa Academy na ito na walang gulo.
Lumapit sakin si Avena at pinaglaruan ang buhok kong naka-tirintas. "Oh Shayne, aren't you too old to have braided pigtails?" sabi niya at sabay silang tumawa ni Xoella. Unti-unti namang nakaagaw ng pansin ang dalawa kaya unti-unting dumadami ang mga tao sa paligid namin.
"You should watch kung saan ka pupunta, para naman hindi mo kami makabangga." sabi ni Xoella habang inaayos ang uniform ko. Wala ako magawa kundi yumuko lang.
Nagulat ako nang biglang pitikin ni Avena ang noo ko. "Huy! Okay ka lang? Napipi ka na? Bakit hindi ka makapag-salita?" sabi niya habang patuloy na pinipitik ang noo ko. Kahit masakit, hinahayaan ko lang sila kesa naman magkagulo.
"Hoy!" napatingin sila sa likod ko. Lumapit sakin si Charmille at hinila ako papunta sa likod niya at hinarap niya ang dalawa na mas lalong nakaagaw-pansin sa mga estudyante. "Wala ba kayong magawa sa buhay niyo? Nabangga lang kayo akala niyo kung sino kayo..."
Hinawakan ko ang braso niya. "Charmille tama na..." sabi ko kay Charmille at akmang hihilahin palayo pero itinabig niya lang ang kamay ko.
Lumapit sa kanya si Xoella at tiningnan niya mula ulo hanggang paa. "At sino ka naman?" tiningnan ako ni Xoella. "Isang nobody magkakaroon ng kaibigan na nobody din?" ngumisi siya.
"Birds of the same feather nga naman..." sabat ni Avena.
"Look, ayoko ng gul-"
"Ayaw mo ng gulo?" lumapit naman sa kanya si Avena. "Pano ba yan? Nakagawa ka na." nagulat nalang ako nang itinulak ni Avena ng malakas si Charmille. Sa sobrang lakas napaupo si Charmille.
"Don't. Mess. With. Us." sabi nila Xoella at Avena bago umalis.
__________
Grabe hindi ko alam kung pano tatapusin first chapter ko my ghad! 😂
Sana po okay lang po sa inyo yung ganyang kahabang update. Sorry po kung tumagal po ang first chapter, ang dami pong ginagawa sa school kaya syempre inuna ko po yun.
Kahit papaano, sana po nagustuhan niyo etong chapter na ito. Abang-abang nalang po kayo sa second chapter.
Love lots! 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top