Finale 34




* * * * * 




Hinabol ni Baek Min sina Jesper at Jackson na kasalukuyang tumatakbo para huliin ang isang crab. Sobrang bilis ng takbo nung crab dahil nga, crab siya. Duh? Kaya sa huli, hindi din ito nahabol nina Jesper at hingal na napa-upo sina Manang Bebang at Min sa buhangin. 



"Crab..." naluluhang sabi ni Jackson sabay turo sa pinuntahan nung crab. Agad naman na lumapit sakanya ang Noona niya saka siya kinalong. Naiiyak parin si Jackson at ayaw tanggaling ang tingin sa butas na sinuotan ng walang hiyang talangka na yun. 



"It's okay, Jack." mahinang sabi ni Min habang pinupunasan yung mga luhang unti-unting dumarating. "We collected so many shells! They're all pretty, aren't they?" sabi niya saka ngumiti pa ng malaki. 



Umiling si Jack saka humikbi. "Crab..." iyak niya. "Crab, Noona..." sabay turo sa pinuntahan nung crab. Napabuntong hininga naman si Min saka pilit na pinatahan si Jackson. 



Pinapanood lang sila ni Jesper habang may hawak na shell na hugis starfish. Napulot niya iyon kanina at hindi na binitawan. Si Manang Bebs naman ay agad na nag-panic at kinarga agad si Jackson mula kay Min. 



"Huwag ka nang iyak, Jackson." malumanay na sabi ni Manang sa alaga niya. "Lagot ako kay Dada mo, anak!" 



Umiiyak parin si Jackson, yung sobrang lakas na iyak. Napatingin naman sina Min at Jesper sa may cottage, hinahanap ang Daddy at Papa nila, pero wala. Mukhang nasa hotel palang sila o di naman, sinalubong na sina Uncle Kyungsoo at Uncle Luhan nila sa entrance. 



"Noona, i think we need to find a crab." sabi ni Jesper saka napatingin sa paligid. Kumamot siya sa ulo niya saka napabuntong hininga. "Jack wouldn't stop crying, i know that." 



"And i don't want to burden Papa with Jack crying again." pag-sang ayon naman ni Min sa kapatid niya. "We're supposed to take care of him." 



Kinuha ni Jesper yung hawak ni Manang Bebang na timba. Binaliktad niya ito dahilan para matapon lahat ng laman nitong shells na kanina pa nila nakolekta. Tinaas niya ito saka ngumiti kay Min. 



"Let's go!" tawag niya saka tumakbo papunta sa mga crabs. 



Agad naman siyang sinundan ni Baek Min habang natatawa. Mga ilang beses din silang nakakita ng talangka pero nakakawala naman. Kahit gaano pa sila kabilis tumakbo, hindi nila ito naaabutan hanggang sa maka-uwi ito sa bahay niya. 



Napapa-daing nalang sina Jesper at Min sa inis. At tuwing lilingon sila kina Jackson at Manang Bebang, umiiyak parin ang bunso nilang kapatid. 



"Can i help you?" tanong ng isang malamig na boses sa likod nila. 



Sabay naman na lumingon sina Min at Jesper. 



"Seth." gulat na sabi ni Min. Agad namang ngumiti si Seth saka nag-wave. Napatingin siya sa hawak ni Jesper na timba saka napakunot noo. Pero noong narinig niyang sumigaw si Jackson ng "Crabs!" ngumiti ito ng maliit. 



"What are you trying to find?" tanong niya. "Crabs?" 



Tumango naman si Jesper. "Jack's crying." sagot niya habang tumitingin sa paligid. "Would you help us, Seth-hyung?" 



Ngumiti naman si Seth saka tumingin kay Min. "Would that be fine?" 



"Sure." nakangiting sagot nito. 



Maya-maya pa, nakakuha sila ng dalawang crabs at patakbo silang pumunta kina Manang Bebang at Jackson. Medyo malayo din ang narating nila dahil MAHIRAP makahuli ng crabs para sakanila. Hingal at pinagpapawisan sina Min nang marating yung dalawa. 



Pero tumahan na pala si Jackson. 



At may hawak na shell. Hugis puso pa. 



Nagtinginan naman sina Min, Seth, at Jesper. Natawa nalang silang tatlo at pagod na napa-upo sa buhangin. Pinanood sila ni Jack na may nagtatakang expression sa mukha pero inalis din niya yung tingin niya saka binalik ang atensyon sa shell na hawak niya. 



"Well i guess all our efforts were put to waste." natatawang sabi ni Seth. 



Natawa si Min saka tumango. "I know." sagot niya. 



"Hm. I heard you requested this outing." biglang sabi ni Seth habang nakakunot noo. "Why the sudden out going you?" 



Tinignan siya ni Min saka ngumiti ng maliit. "It's nice getting out of your comfort zone, Seth." sagot niya saka tumingin sa dagat. "I've always been so afraid of the outdoors. But i guess, i should drop that now." 



"So..." simula ni Seth saka tinaas ang isang kilay. "Does that mean you're open to possibilities now?" tanong niya saka ngumisi. 



Tinignan siya ni Min saka napakunot noo. "What... possibilities?" takang tanong niya. 



Natawa si Seth ng mahina. "You'll punch me again if i'll tell you." sagot niya. 



Tinaas ni Min yung dalawa niyang kilay. Gets na niya yung sinasabi ni Seth. Umirap siya dito saka binalik ang tingin sa buhangin. "You can't even speak my language!" inis na sabi nito. "Hindi kita magugustuhan." 



Tinignan lang siya ni Seth. 



"Kita mo na!" inis na sabi niya. "Oh. Paano na pag ganito ako magsalita? Edi wala ka na? Hay nako Seth. Bago ka mag-damoves diyan, ayusin mo muna pagsasalita mo. Tong English speaking na lalakeng to." 



Tinaas ni Seth yung isa niyang kilay. "Gusto kita." seryoso niyang sabi. "And i understand what you're saying now." 



Gulat na napatingin sakanya si Min at hindi nakasagot agad. 



"Kita mong mukha mo." natatawang sabi ni Seth. "Look. I know you don't like me, okay? I know that!" 



"B-buti alam mo." hindi parin makapaniwala na sagot ni Baek Min. Grabe! Naiintindihan na pala siya ni Seth! OMG. Hindi niya talaga inexpect yun. Kung makapag-English kasi ang loko, wagas eh.



Napabuntong hininga si Seth. "But i won't stop, okay?" mahinang sabi niya. "I'll be like Chan Hyun-hyung, going after the girl he likes ever since they're young. But i won't be like him entirely, okay? And you know why?" 



Inirapan siya ni Min saka binalik ang tingin sa dagat. "Why?" tanong niya dito. 



"Because i won't fall for someone else." sagot ni Seth. "And i'll wait for you." 
















"Ji-eun!" sigaw ni Hoseok mula sa dagat. "Andito ka na sa wakas!" 



Sabay na napatingin yung anim na lalake sa kaibigan nilang naglalakad papunta sakanila, may hawak na camera sa kamay. Nag-wave naman si Ji-eun habang may malaking ngiti sa labi. Naliligo na sina Jin, Namjoon, Suga at Hoseok sa dagat. Samantalang nakaupo sa buhangin sina Taehyung, Chan at Jimin, gumagawa ng sand castle. 



"Contest nalang." sabi ni Taehyung kay Jimin. "Partner kami ni Chan, syempre." 



Napasimangot naman si Jimin. "Eh sinong kasama ko?" 



"Si Ji-eun!" sagot ni Chan Hyun sabay turo sa kadarating lang na si Ji-eun nga. Napatingin siya sakanila saka kumunot noo. 



"Ano?" takang tanong niya saka tinaas ang camera para kumuha ng picture. "Anong ako?" 



Tinignan siya ni Jimin. "Eun, gawa tayong sand castle." sabi niya. "Contest daw." 



Umupo naman si Ji-eun sa tabi ni Jimin. "Osige ba." sagot niya. "Sinong judges?" 



"Bahala na." sagot ni Chan Hyun. "Basta start na tayo! Oh ano? Game!" 



Hinila ni Jimin patayo si Ji-eun para lumayo sila ng gagawan. Bawal daw kasi ang cheating. Saka may ideas na si Jimin at ayaw niyang makita nina Chan Hyun at Taehyung iyong magagandang ideas niya. Nagkatinginan naman sina Taehyung at Chan saka natawa nalang. 



"Kawawa naman si Jimin." sabi ni Taehyung habang umiiling-iling. "Ji-eun's too innocent!"



Natawa si Chan Hyun. "I know." sagot niya. "Si Ji-eun pa talaga out of all people." 



"Well, kelan kaya siya manliligaw?" tanong ni Taehyung habang ginagawa na yung base ng castle nila. Tinutulungan naman siya ni Chan habang natatawa. 



Umiling yung isa. "I don't know." sagot niya. "Kelan lang ba niya nagustuhan si Eun?" 



"Last year." sagot ni Taehyung. 



"Well i guess, he should court her well."



Tinignan naman siya ni Taehyung saka ngumisi. "Mas magaling sakin?" tanong niya saka tinaas yung isang kilay. Tinignan siya ni Chan Hyun saka nag-shrug lang. 



Napadaing naman si Taehyung saka sumimangot. "Do you still like Ji-eun?" tanong niya bigla. Parang ayaw na niyang ituloy yung sand castle. Nawawala na siya sa mood. Mahigit isang taon na siyang nanliligaw kay Chan Hyun. Pero bakit parang wala parin? 



"No." sagot ni Chan habang tinutuloy yung ginagawa. "I don't like her anymore." 



Tinignan siya ni Taehyung ng seryoso. "How about me? Do you like me?" 



"Very much." sagot niya habang nakatingin parin sa sand castle na ginagawa niya.



Nanlaki yung mga mata ni Taehyung. "Weh?" Pero hindi parin siya tinitignan ni Chan Hyun. 



Natawa si Chan. "I am serious, Taehyung." 



"You like me?" 



"Yes." Gumagawa parin siya ng sand castle. 



"Seriously?" 



"Yeah." 



"T-then... then..."



Tinignan siya ni Chan Hyun saka binato ng hawak niyang shell. Yun sana ang bintana ng sand castle na ginagawa niya. Umirap ito saka natawa ng mahina.



"It's a yes, you idiot." 
















Nakarating na lahat ng couples sa beach. 



Andiyan na ang ChanBaek, syempre, kanina pa. KaiSoo, HunHan at TaoRis. Dumating na din si Krystal saka Auntie Petunya. Meron din si Mae at Steve kasama yung baby nilang si Cinderella. 



"Bakit Cinderella?" tanong ni Baekhyun nang kunin niya mula kay Mae yung inaanak niya. Sobrang gandang bata at kamukha ito ni Mae. 



Natawa si Mae. "Dahil na din siguro sainyo, Sir Baek." nakangiting sagot nito. "Siguro gusto kong paglaki ni Cindy, magiging kasing saya niyo siya ni Mr. President." 



Napangiti si Baek. Tinignan niya si Cindy at hinalikan ito sa noo. "I am sure she'll find her prince." sagot niya kay Mae. Nakakapagsalita na din yung baby ni Mae at halos kasing edad lang ni Jackson. Pero mahiyain ito at hindi masyadong nagpapabuhat maliban sa ilan.



Habang nakatingin si Baekhyun kay Cinderella, hindi mawala sa isip niya na baka... si Jackson ang prince niya? Pero masyado pang maaga. Dismiss the thought daw muna. 


















Sa mga ganitong pagsasalo, hindi mawawala yung division of labor. 



Syempre yung mga manly, namely Chanyeol, Jongin, Sehun, Yifan, Steve, Manong Berting at Peter, ang mga in-charge sa pag-aayos ng lutuan, pagbuhat ng mga gamit at kung anu-ano pang mahihirap na trabaho. 



At syempre, ang mga dyosa na sina Baekhyun, Kyungsoo, Luhan, Tao, Krystal, Auntie Petunya, Mae, Joan at Marie ang bahala sa pagluluto at paglilinis ng cottage. Pero dahil masyado silang marami, most of the time ay nagchichikahan nalang sila. Meron naman daw sina Marie at Joan. 



Naglabas naman ng meryenda si Luhan at nagkwentuhan na muna ang mga dyosa sa cottage nila. Yung isang cottage kasi ay para sa mga bata. 



"Auntie, saan mo naman balak mag-travel ngayon?" tanong ni Baekhyun sa Auntie Pets niya. Dahil may trabaho na sina Krystal at Jessica, puro travel nalang ang ginagawa ni Auntie Petunya. Hindi na sugal tulad ng dati. 



"Japan?" hindi sure na sagot niya. "Pwede ring mag-European tour nalang ako."



"Ay keri yan Auntie Pets!" masayang sabi ni Kyungsoo. "Join kami ni Kai sayo pag may time! Text mo ako, okay?" 



"Kami din!" sabat naman ni Luhan. "Matagal na din since nung last na nag out of the country kami." 



Umirap naman si Krystal. "Ay nako, Luhan." sabi niya sabay ayos sa bangs niya. "Turuan mo muna si Seth magsalita ng language natin! Dumudugo ilong ko basta nakaka usap ko siya." 



"Alam na niya!" sabi naman ni Luhan. "Nakakaintindi na siya. Pero mas fluent parin siya sa English." 



Napatingin naman si Baekhyun kay Tao. "Tao, kumusta pala kayo ni Yifan?" tanong niya. "Sabi ni Yeol, may balak daw kayong magpakasal ulit?" 



Ngumiti naman si Tao. "Oo." sagot niya at napa-squeal naman sa kilig yung mga dyosa. "Pero next year pa yun." 



"Basta invited kami ah!" sabi agad ni Kyungsoo. "Kapag hindi itatapon kita sa dagat!" 



Natawa naman si Tao bilang sagot. "Oo naman! Kayo pa ba?" tumingin naman siya kay Mae. "Ah, Mae. Balak kasi naming mag-adopt ni Yifan. Meron ka bang alam na orphanage?" 



Agad naman na tumango si Mae. Kalong-kalong niya si Cinderella habang pinapakain ng baby food niya. "Meron po." sagot niya. "I could contact the orphanage para sa inyo." 



Napangiti naman si Tao ng malaki. "Great!" masayang sabi niya. "That would be really nice. Thank you, Mae."


















At sa kabilang dako naman ng cottage... 



"Ay hindi. Mas sexy parin si Kyungsoo." 



"Wala talaga. Si Luhan parin." 



"Huh. Tao's still the hottest, bishes." 



"Baekhyun talaga, promise. Baekhyun forever." 



Nagtinginan nalang sina Manong Berting at Peter. Si Steve naman ay natatawa lang. Bigla kasing napunta ang usapan sa kung sino ang may pinaka-sexy at pinaka-hot na asawa. Paano ba napunta sa usapan na yan? Hindi din alam ng author. 



"Eh mga sir, dipende naman kasi yun diba?" sabi ni Peter. 



Katatapos pala nilang mangolekta ng kahoy kasi may bonfire sila mamayang gabi. Naka-upo silang lahat na manly sa buhangin habang hingal at pawisan. Sobrang hot nga nila, walang hiya. 



Tumango naman si Steve. "Dipende sa taste." dagdag niya. 



"Kunwari," simula ni Manong Berting. "Si Steve, si Mae ang asawa niya. Ibig sabihin, ang hot at sexy para sakanya ay yung mahinhin, simple, at mabait." 



Napatango naman sina Jongin, Sehun, Yifan at Chanyeol. 



"Ibig sabihin sir... iba-iba kayo ng meaning ng 'hot and sexy'." sabi ni Peter habang nakangiti. 



Napahawak si Yifan sa baba niya. "Then it means, for me, 'hot and sexy' means, marunong ng martial arts, weird, matatakutin, at girly?" 



Tumango naman sina Steve, Manong Berting, at Peter. 



Tumingin sila kay Jongin. "Then for me, 'hot and sexy' means, magaling magluto, nakakatakot, mysterious, tahimik pero wild in bed." sabi pa niya saka ngumisi. 



Tumango ulit sina Steve, Manong Berting, at Peter. 



"Well for me, 'hot and sexy' means pretty, feeling-manly, gentle, and defensive." realization ni Sehun. 



Tumango ulit yung tatlong mababait. 



Tumingin naman ang lahat kay Chanyeol. 



"Maingay, suplada, wild, magandang dyosa, sweet, caring, denial, flawless at in love sa eyeliners niya." sabi ni Chanyeol. "I guess, that's what 'hot and sexy' means for me." 



Tumango naman ulit ang tatlo. 



Narealize na din nila sa wakas ang meaning ng "own taste."




















Maya-maya pa, natapos na ang pagluluto nina Marie at Joan. Nagtawag na ng lunch ang mga dyosa at patakbo namang pumunta sa cottage yung mga bata. Yung iba ay basang-basa pa pero nagulat ang karamihan nang makitang magkaholding hands na sina Taehyung at Chan Hyun.



Kinuha naman ni Baekhyun si Jackson saka hinalikan ito sa pisngi. "Baby, kain ka na." sabi niya saka naglakad papunta kay Chanyeol. Binuhat naman ni Chanyeol si Jack para masubuan siya ni Baek. 



"Say 'ah'." sabi ni Baek habang sinusubuan ang bunso nila. Napatingin naman siya kay Chanyeol. "Yeol, kain ka na. Subuan kita, gusto mo?" 



Umiling naman si Chanyeol saka ngumiti. "Sabay na tayo mamaya." sagot niya. 



Ngumiti naman si Baek saka pinagpatuloy ang pagpapakain kay Jackson. Suot niya parin yung manipis na t-shirt at maiksing short. Tinignan siya pataas-pababa ni Chanyeol. 



"Baekhyun parin." naisip niya.




* * * * * 






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top