Finale 32
* * * * *
After 2 years...
Binuhat ni Baekhyun si Jackson mula sa kama at pinatayo sa carpet. Andito sila ngayon sa kwarto nila at naghahanda para sa outing nila bukas. Ito pa yung matagal nang request ni Min at medyo natagalan lang kasi hinintay pa ang panganganak ni Baek at pagtanda ni Jackson, syempre.
"Babe, dalawang luggage at isang duffel bag para kay Jack." sabi ni Chanyeol nang lumabas ito mula sa kanilang walk-in closet. Bumalik na din sila sa dati nilang bahay noong isang linggo lang.
"Dada! Dada!" sigaw ni Jackson nang makita ang Daddy niya. Nakakapaglakad na ito at nakakabuo na din ng maliliit sentences. Sobrang kamukha din siya ni Chanyeol at kasing kulit din.
Umupo naman si Chanyeol sa sahig saka tinaas ng dalawang kamay. "Come here, baby!" masayang tawag nito sa anak. "Come on!"
"Anak punta ka daw kay Daddy." sabi ni Baek saka tinuro si Chanyeol. Humiwalay naman si Jackson sa hawak niya kay Baek at iniangat ang isang kamay sa direksyon ni Yeol.
Tumawa naman si Jackson saka patakbong pumunta sa Daddy niya. Humawak siya sa kamay nito at agad naman siyang niyakap ni Chanyeol saka hinalikan sa pisngi. "Very good, Jackson!" sabi nito saka tinaas ng kamay. "Give Daddy a high five!" at nakipag high five nga ang baby nila habang tumatawa.
Tumayo si Chanyeol habang buhat parin si Jackson saka pinadapa ito sa mga braso niya. Matapos nun ay nilaro nila ang favorite game ni Jackson kung saan siya daw si Superman at lumilipad siya sa hangin. Tumatakbo lang yung dalawa sa buong kwarto habang sobrang lakas ng tawa.
"Superman~!" sigaw ni Jackson habang tumatawa at tinataas ang dalawang kamay.
Pumunta si Baek sa walk-in closet at nagsimulang kumuha ng mga damit nila. Dapat talaga si Chanyeol ang mag eempake kaso naglalaro na sila ng anak nila kaya siya nalang. No choice daw siya. Kumuha siya ng beach shorts, t-shirts, sleeveless shirts, towels, syempre mga damit ni Jackson at kung anu-ano pa.
Lumabas siya ng closet nakitang nakahiga na sa kama si Chanyeol at naka-upo sa tiyan nito si Jackson. Tinatakpan niya yung bunganga ng Daddy niya gamit yung dalawang kamay.
"Mama~" tawag ni Jackson kay Baekhyun. Ewan ko kung bat ganun yung tawag niya. Nakakapagtaka talaga. "Dada eat my ears!" sigaw niya habang hindi parin inaalis ang pagkakatakip sa bunganga ni Chanyeol.
Tumawa naman si Baekhyun saka nilagay yung mga damit sa luggage na nilabas ni Chanyeol. "Give him some other thing to eat nalang, anak." sagot ni Baek. Tinupi niya ng maayos yung mga damit para magkasya sa bag.
"Dada!" sigaw ni Jackson. "Don't eat my ears. Eat Mama!"
Tumawa ng malakas si Chanyeol. "You want me to eat Mama?!" tanong niya habang natatawa parin. Tumingin naman sakanila saglit si Baek saka umiling-iling.
"Don't eat my ears, Dada." sabi nito. Tinakpan niya yung tenga niya saka nag-pout.
Tumawa si Chanyeol saka ginulo yung buhok ni Jackson. "Okay." sabi nito at tumingin kay Baek. Ngumisi siya saka tinaas yung isang kilay. "Babe, you heard that? Jackson said i should eat you instead."
Tinignan naman siya ng masama ni Baek saka umirap. "Well, you don't mean the same." sabi niya habang pinagpapatuloy ang ginagawa. Matapos nun ay bumalik siya sa closet at pinanood naman siya ni Chanyeol.
Tinitigan lang niya si Baek habang nag-iisip kung bakit at paanong sobrang hot parin niya ngayon. Aaminin ni Chanyeol na hindi na sila bumabata. Pero bakit... ang sexy parin ng asawa niya? Bakit? Paano? Hindi niya alam kung bakit. Nakakagulo daw ng hormones sa katawan.
"Dada!" sigaw ni Jackson sabay palo sa pisngi ni Chanyeol. "Let's play! Let's play!" sigaw pa niya sabay palo sa dibdib ni Chanyeol gamit ang dalawang kamay. Sadista din ito, kung napapansin niyo.
Umupo naman si Chanyeol saka kinalong nalang si Jackson. "What do you want to play?" tanong niya.
Napangiti ng malaki si Jackson. "I want to--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang nanlaki yung mga mata niya at bumaba mula sa hita ni Chanyeol. Pumunta siya sa sulok at umupo doon. Pinatong niya yung ulo niya sa tuhod niya habang nakatingin sa sahig.
Lumapit sakanya si Yeol saka siya binuhat kahit ayaw niya. "Huwag ka diyan mag poo-poo anak! May CR tayo!" sabi niya saka naglakad papunta sa CR.
Sakto namang lumabas si Baek mula sa closet at pinanood ang mag-ama na nasa CR na ngayon. Sumandal siya sa doorframe ng banyo nila saka nagtaas ng isang kilay. "Babe, alam mo ba yang trabahong pinapasok mo?" mapang-asar na tanong niya kay Chanyeol.
Pinaupo ni Chanyeol si Jackson sa toilet bowl saka umupo sa harapan nito. "Naman, Baek!" sabi niya. "Ako pa ba?"
Tahimik lang si Jackson habang nakatingin sa Daddy niya. Nakalabas yung dila niya sa gilid ng labi niya na para bang nagco-concentrate. "Kaya mo yan, anak!" cheer ni Chanyeol sakanya. "Go Jack!" Tumawa naman si Baek habang pinapanood sila.
Inabot ni Jackson yung bunganga ni Chanyeol saka ito tinakpan.
"Ang ingay mo kasi." sabi ni Baekhyun. "Nagco-concentrate siya!"
Inalis naman si Chanyeol yung kamay ni Jackson mula sa bunganga niya. "Sorry na." sabi niya habang pilit na pinipigilan yung tawa. "Tatahimik na si Daddy."
Nakatitig lang si Jackson kay Chanyeol. As in. Nagtititigan lang silang dalawa. Maya-maya, nakaraos na din si Jack at agad naman na hinugasan ni Chanyeol yung pwet niya saka finlush yung toilet bowl. Nang lumabas na sila sa CR, sakto namang dumating si Chan Hyun.
"Dad, Pa, we're at the movie room." sabi niya. "Can we borrow Jack for a while? He wouldn't want to miss the movie. It's Minions."
"Hyung!" tawag ni Jackson sakanya habang inaayos palang ni Chanyeol yung shorts niya.
"Hang on." sabi ni Baek saka kumuha ng diaper. Binuhat naman niya si Jackson saka inihiga sa kama. Nilagyan na muna siya ni Baek ng diaper kasi baka mahiyang magsabi sa mga kapatid niya at bigla nalang umihi sa upuan.
Matapos nun ay binaba siya nito sa carpet at patakbo siyang pumunta sa Hyung niya habang kumakanta ng "Minions~ Minions~". Binuhat naman siya ni Chan Hyun at pumunta na nga sila sa movie room.
"Hindi ka na dapat kumuha ng t-shirt." sabi ni Chanyeol habang tinitignan yung mga damit na inempake ng asawa niya. "Mag to-topless nalang ako doon." sabi niya at nag-wink pa kay Baek.
Binato naman siya ng isa ng isang unused diaper ni Jack. "Mukha mo." inis na sabi ni Baekhyun. "At bakit? Para maka-akit ka ng kung sino doon?"
Ngumisi si Chanyeol sakanya. "Hindi. Para maakit ka."
Inirapan naman siya ni Baekhyun saka binigay kay Chanyeol yung mga gamit na kinuha niya. Shampoo, conditioner, sabon, extra kumot, slippers, toothbrush, etc. "Mag-ayos ka nalang diyan." sabi niya. "Kung saan-saan napapadpad yang utak mo."
"Every thought ends to you." bulong ni Chanyeol habang patuloy sa pag-aayos ng gamit. Pinapanood lang siya ni Baek at tinatama kung may mali siya pag-ayos.
"I called Tao. And Yifan, of course." sabi niya nang i-zipper na ni Chanyeol yung maleta. Umupo siya sa kama at tumabi naman sakanya si Chanyeol.
Tinignan siya ni Yeol saka hinawi yung bangs niya. "That would be nice." nakangiting sabi nito. "Since the kids would be calling their friends, tama lang na magtawag pa tayo ng ibang friends diba?"
"You called Kai and Sehun, right? And their families?" tanong ni Baek saka pinatong ang ulo sa dibdib ni Chanyeol. Huminga ito ng malalim at naramdaman ang pagod sa buong araw na pag-aalaga kay Jackson.
Pinulupot ni Chanyeol ang braso niya sa bewang ni Baek. "I did." sagot niya. "I also called Mae and his husband, Steve. How about Krystal and Jessica? Auntie Petunya?"
Tumango naman si Baek saka pinikit ang mga mata niya. "I did, too." sagot niya sa asawa. "But Jessica's not around. Pumunta siya sa Paris para sa isang fashion conference. But Krystal and Auntie Petunya will be coming."
Hinila ni Chanyeol yung kumot saka pinatong sakanilang dalawa. "You're tired, aren't you, babe?" nakangiting sabi nito saka hinawakan yung mukha ni Baek. Pinadaan niya yung mga daliri niya sa malambot na mukha ni Baekhyun at napabuntong hininga naman ang isa.
"I am." sagot ni Baek saka tumango. Niyakap niya si Chanyeol saka pinulupot ang isa niyang hita dito. "Let's stay like this for a while."
Natawa naman si Chanyeol saka tumango. "Okay." bulong niya at saka hinila ng mas malapit si Baekhyun. "The kids still have a movie to finish."
Tumango si Baek. "One hour." bulong niya.
"One hour."
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top