Finale 31



* * * * * 




"We're right." sabi ni Jongin sabay lagay ng folder sa ibabaw ng desk ni Chanyeol. "All along, we're right about Mr. Kim Young-min, Chanyeol." 



Kinuha ni Chanyeol yung folder at binasa ang nakalagay doon. "Get him." mariin na sabi niya saka tumingin kay Jongin.



Lumingon si Kim Jongin sa mga tauhan niya. "You know what to do." sabi niya at matapos sumaludo ay lumabas yung limang sundalo mula sa office ni Chanyeol. 



Tumayo si Chanyeol saka inilahad ang kamay. "Jongin, thank you." sabi niya saka ngumiti ng maliit. "Thank you for doing this." 



Ngumiti si Jongin saka kinuha yung kamay ni Chanyeol. "We're friends, Yeol." sabi niya. "You don't have to thank me." 



Natawa si Chanyeol nang maalalang ganyan din yung sagot ni Jongin noong nakita niya yung bomba sa ilalim ng kotse nila ni Baekhyun. Yung bombang nilagay ni Michaela noong buhay pa ito. 



"Still... thank you." sagot ni Chanyeol na nagpatawa kay Jongin.



"By the end of the day," simula ni Jongin habang kinukuha yung gamit niya mula sa upuan. "Kim Young-min is behind bars." 



At nangyari nga yung sinabi niya.




















After 7 months...




From: Huang(?) Zi Tao


Baekhyun, Yifan is sending me flowers. Anong gagawin ko?!




Natawa si Baekhyun sa text ni Tao habang kumakain siya ng popcorn na chocolate flavor. Pinatong niya yung bowl ng popcorn sa tabi niya saka humiga ng maayos sa kama. Gabi na at hinihintay na niyang umuwi si Chanyeol. Medyo malaki na din yung tiyan niya at hirap na din siyang gumalaw-galaw. 




From: Huang(?) Zi Tao


Baek! Please reply! Pupunta daw siya dito!

Ano na?!




Isa nanamang text na hindi nalang pinansin ni Baekhyun. Nang magsimulang tumawag si Tao, hindi ulit ito pinansin ni Baek habang may nakakalokong ngiti sa labi. Pinatay din niya yung cellphone niya saka tinago sa drawer. 



"Kaya mo yan, Tao." bulong ni Baek habang hinahaplos yung tiyan niya. "You can do it! You don't need my help." 



Nilabas niya yung librong binabasa niya, yung Fifty Shades Darker ni E.L. James. Nasa last book na siya ng Fifty Shades Trilogy. Parang kayo. Nasa last book na ng CBL Trilogy. Pero ewan ko lang kung nakakabuti kay baby yung binabasa ni Baek ah. 



Maya-maya pa, narinig na ni Baekhyun yung pagdating ng sasakyan ni Chanyeol. 



"Ay elf!" gulat na sabi ni Baek nang sumipa si Baby. Napahawak siya sa tiyan niya at natatawang hinaplos-haplos yun. "Yes, baby. Andito na si Daddy mo!" masayang sabi ni Baek. 



Dahan-dahan siyang umupo mula sa kama at bumaba mula doon. Medyo hirap nga siya kasi mabigat talaga ang dala-dala niya. Naglakad siya papunta sa pintuan at bubuksan palang sana niya yun nang buksan ito ni Chanyeol at nakangiting sumilip sakanya. 



"Babe," tawa nito. "Akala ko tulog ka." sabi niya saka tinulungan si Baek maglakad. Hinawakan niya yung isa niyang kamay at nilagay ang isa sa likod nito. 



"Tumadyak si baby alam mo ba yun?" tawa ni Baekhyun nang dalhin siya ni Chanyeol pabalik sa kama. "Narinig niya yata yung kotse mo." 



"Really?" nakangiting sabi ni Chanyeol. Tumango naman si Baekhyun bilang sagot. Inalalayan ni Chanyeol si Baek pabalik sa kama saka naglagay ng unan sa likod nito. Umayos naman si Baekhyun ng upo habang hinahaplos ang tiyan. 



"And he likes it when you talk to him." dagdag pa ni Baekhyun habang nakangiti ng malaki kay Yeol. 



Natawa si Chanyeol saka hinubad yung suot niyang suit. Umupo siya sa tabi ni Baek at hinalikan ang tiyan nito. "Hello, baby..." pakantang sabi ni Chanyeol habang hinahaplos ang tiyan ng asawa. "Andito na si Daddy. Did you miss me, hm?" tanong nito. 



"Ayun!" tawa ni Baek. "Sumipa nanaman!" 



Ngumiti si Chanyeol saka tumingin kay Baek. Dahan-dahan niyang inangat yung kamay niya saka hinawakan yung paligid ng mata ni Baekhyun. Napakunot noo naman ang isa habang takang tumitingin kay Chanyeol. 



"You don't wear eyeliner anymore?" tanong nito saka ngumiti. 



Natawa naman si Baekhyun. "Minsan nalang." sagot nito. "Maganda parin naman ako kahit wala eh. Diba?" sabi pa niya saka nagtaas ng isang kilay. 



"Of course." nakangiting sabi ni Chanyeol saka hinalikan ang pisngi ni Baek. "As beautiful and as gorgeous as always." 



Napatingin si Baekhyun sa chest box sa ibabaw ng table niya. Doon niya kasi nilagay yung mga eyeliners na binigay sakanya ni Chanyeol noong nag-propose siya ng kasal sa GVA Auditorium. Halos hindi din niya ginamit yung mga yun kasi nga may sentimental value daw. 



"Iniisip ko..." simula ni Baek saka dahan-dahang tumingin kay Chanyeol. "...Noon pa... kung bakit ka lumapit sakin habang nakatingin ako sa isang display doon sa mall." 



Tinignan lang siya ni Chanyeol saka napangiti. "When you screamed '2.5 million won?!' ?" natatawang sabi nito. "I was following you. And at the same time, hiding from fangirls."



Tumawa si Baek. Inamin ni Chanyeol sakanya noon na dati pa niya itong gusto, kahit noong nasa gradeschool palang sila. Pero hindi niya inakala na sinusundan pala siya nito noong araw na yun. 



"What surprised me is your expression, actually." Sabi ni Chanyeol habang natatawa. "Hindi ko inakala na iinsultuhin mo ako sa una nating pag-uusap." 



"I told you it's not you!" tawa ni Baek saka inirapan si Chanyeol. "Biglaan nalang yun, okay? Saka hindi naman na masyado ngayon ah." 



Tumango-tango naman si Chanyeol habang natatawa parin. "Remember the night of the ball?" tanong niya bigla. "Akala ko hindi ka sasama sakin." 



"AYOKONG sumama sayo." natatawang sabi ni Baek. "Pero hindi ko alam kung bat ako tumango. Kinabahan kaya ako noong una. I thought you're gonna murder me or something." 



Tinaas naman ni Chanyeol yung isa niyang kilay. "Me? Murder you?" gulat na sabi nito. "Murderer talaga tingin mo sakin noon, babe?" 



"Konti." mahinang sabi ni Baek saka umirap. "You can't blame me! You took me to the middle of the field, away from other people! Ano sa tingin mo ang iisipin ko?" 



Napabuntong hininga si Chanyeol saka hinawakan yung kamay ni Baek. "It's because... i want to be with you." sabi niya saka ngumiti ng maliit. "Gusto kitang makasama buong gabi at alam kong magagawa ko lang yun kapag ilalayo kita sa iba." 



Hinawakan ni Baek pabalik yung kamay ni Yeol. "And i thought then, that was the happiest night of my life." sabi niya saka tumingin kay Chanyeol. Hinawakan niya ang pisngi ng asawa saka binalik ang kamay sa tiyan niya. 



"And you ran away." mahinang sabi ni Chanyeol. 



"Because i was afraid." sabi ni Baek. "I can't lose you." 



"I know." 



"But you never stopped." nakangiting sabi ni Baek. "After weeks of searching... you finally got your prize."



Tumawa si Chanyeol. "I did." sagot niya saka tumango. Binitawan niya yung kamay ni Baek saka gumapang sa paanan ng kama. Kinuha niya yung paa ni Baekhyun saka minasahe ito. 



"I was a mess." sabi ni Baek habang pinapanood yung ginagawa ni Chanyeol. "When i was trying to hide from you, i was a mess." 



"Crying?" tanong ni Yeol saka ngumisi. 



"And wailing." dagdag ni Baekhyun saka tumawa ng mahina. 



"You're still the most beautiful, though." sagot ni Chanyeol. Mahina lang, na para bang wala siyang pakialam kung marinig ni Baek o hindi. Yun kasi talaga ang opinion niya. 



Napabuntong hininga si Baekhyun. "I don't want to remember the next big thing." sabi niya habang pilit na pinipigilan ang pag-iyak. 



Tinignan siya ni Chanyeol saka ngumiti ng maliit. "I miss her." sabi niya. "I still keep her ultrasound photos in my wallet." 



Ngumiti si Baek. "Me, too." mahinang sabi niya. Hinahaplos niya parin yung tiyan niya at pakiramdam niya, tulog na si baby. Hindi na kasi ito masyadong gumagalaw. 



"But we had Min after..." sabi ni Chanyeol saka ngumiti ng malaki. 



Tumango si Baek bilang sagot. "And Jesper." 



"And Jackson." dagdag ni Chanyeol. 



Napakunot noo naman si Baekhyun. "Sino?" takang tanong niya sa asawa. 



"Jackson." sabi ulit ni Chanyeol. 



At biglang naramdaman ni Baekhyun yung sipa sa tiyan niya. Gusto din ba ni baby yung pangalan na sinasabi ng Daddy niya? Hinaplos ito ni Baek at gulat na tumingin dito. 



"Do you want that?" bulong niya sa anak. "You want that name?" 



Isa nanamang sipa. 



"Oh my gosh." gulat na sabi ni Baek saka napatingin kay Chanyeol. "He likes that name, babe." sabi niya saka ngumiti ng malaki. 



Gumapang pabalik sakanya si Chanyeol saka pinulupot ang braso sa bewang ng asawa. Pinatong naman ni Baek yung ulo niya sa dibdib ni Chanyeol habang nakangiti parin. 



"I'm pretty sure Jackson will look like me." natatawang sabi ni Chanyeol. 



Napa-irap si Baek. "Might as well pray for it, Yeol." mapang-asar na sabi niya. 



Hinawakan ni Chanyeol yung kamay ni Baek na nakapatong sa tiyan niya. Napansin niya yung dalawang wedding ring na suot ng asawa, mula sa una at pangalawa nilang kasal. Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ni Baekhyun saka ito hinalikan.



"It's nice remembering those, isn't it?" mahinang sabi nito saka hinalikan yung tuktok ng ulo ni Baekhyun. "Ang daming nangyari... and still, we're together." 



"I know." nakangiting sagot ni Baek. "I keep on remembering the day you proposed. Whenever we go into fights... i think about all the promises you made."  



Napakunot noo si Chanyeol. "Hm. And?" 



"I was amazed... that you never broke one." 



Natawa si Chanyeol saka napabuntong hininga. "I just love you so much, Baek." 



"And i love you too." sagot ni Baek saka tumingala para halikan si Chanyeol sa labi.



"Sir, kain na po!" sigaw ng isang maid mula sa labas ng pintuan. 



Humiwalay si Baek sa halik at napadaing naman si Chanyeol dahil sobrang wrong timing ng maid nila. Pinag-isipan tuloy niya kung paano ibabalik yung moment nila ni Baekhyun kanina. 



"I know that look." sabi ni Baek saka pinalo yung noo ni Chanyeol. "Drop the thought, now." 



Napasimangot naman si Yeol at tinulungan nalang si Baek tumayo. "Fine." malungkot na sabi nito at natawa nalang si Baekhyun bilang sagot. 



Pero hindi niya dinrop yung thought. Maniwala kayo. 





* * * * * 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top