Finale 3
* * * * *
~Park Chan Hyun~
Mabilis akong naglakad papunta sa room namin bago pa may lumapit sakin na babae dito. OO. Alam kong gwapo ako, pero wala talaga akong hilig sa mga babae. Nakakairita lang kasi sila. And isa pa, ang tingin ko sa mga babae, eh parang si Baek Min, maingay at maarte.
Pero syempre... maliban sa isa.
"Ano yan?" tanong ko kay Ji-eun nang makarating ako dito sa room. Nakaupo siya at nakasubsob sa hawak niyang iPad. Napansin ko din yung salamin niya. "You changed eyeglasses?" tanong ko ulit saka humila ng upuan ko para umupo sa harap niya.
Tinignan niya ako saglit saka binalik ang tingin sa iPad niya. "May bago akong nakitang libro. Binili ko yung ebook niya." explain niya. "Saka oo. I bought a new one."
Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Sabi ko sayo huwag kang sa ebook diba? Mas maganda kasi kapag totoong libro yung hawak mo!"
Napa eyeroll nalang siya. "Mas mura nga pag ebook! Saka mas magaan kapag nasa iPad na lahat ng libro, diba?" depensa naman niya.
"Tignan mo ako---"
"Hinahanap ka nina Taehyung kanina," singit niya bigla saka sinara yung cover ng iPad niya. "Puntahan daw natin sila pagkarating ni Jimin." dagdag pa niya at napatingin sa likod ko.
"Bakit daw?"
Napa-shrug lang si Ji-eun. "Aba ewan." sabi niya habang umii-iling. "Tanungin mo sakin eh hindi ko din alam."
"Wow! Sorry ah!" sarcastic na sabi ko.
"Psh." sagot niya sakin. Tignan mo to! Ako na nga tong parating mabait at caring sakanya, siya pa ang may ganang magsungit? Kung hindi ko lang mahal to, tatanungin ko kung menopause na siya eh. Ang sungit-sungit. Hindi ba siya natatalaban sa charm ko? O kahit manlang sa ilong ko? Grabe talaga.
Nang anu-ano'y bigla siyang ngumiti ng malaki.
Sht. Yung puso ko.
"Ay Chan!" masayang sabi ni Ji-eun at umayos ng upo. Mukhang excited na excited yung mukha niya ah. "Pwede ba akong humingi sayo ng favor?"
"Favor?!" sabi ko naman at tinaas ang dalawa kong kilay. "Matapos mo akong sungitan?! FAVOR?! Ikaw ah! Sumosobra ka na!"
"Oy grabe ka!" sabi naman niya habang naka-simangot. "Hindi naman kita sinusungitan ah! Normal yun, Chan, normal." nagthumbs up pa siya sakin habang tumatango-tango.
Napabuntong hininga nalang ako. "Eh ano ba kasi yun?" tanong ko. Matitiis ko ba naman tong sobrang cute at bait kong bestfriend?
Napangiti siya saka niya nilapit yung ulo niya.
Napa-atras ako. "A-anong ginagawa mo?!"
Napangisi lang siya at lumapit ulit.
"J-ji-eun! HUWAG!"
Kumunot noo siya. "Anong 'huwag'?" tanong niya saka lumapit ulit. "May ibubulong ako! Baka may makarinig satin dito."
Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya. Bulong lang pala. Akala ko naman hindi na niya na-take ang kagwapuhan ko at gusto na niya akong halikan.
OO NA! ASSUMING NA AKO! I-co-comment niyo nanaman?! HUHUHU.
Tinagilid ko yung ulo ko at saka siya lumapit. Medyo namula pa ako nang malapit yung labi niya sa may tenga ko. Hihihi. Kakiliti naman.
"Ako ang in-charge sa ball." bulong ni Ji-eun. "Pwede bang tulungan mo ako?"
"Paano?" bulong ko pabalik.
"Tulungan mo ako." masayang bulong niya ulit sa tenga ko saka siya lumayo. Napatingin naman ako sakanya at medyo pula yung pisngi niya.
"Paano nga, Ji-eun?" tanong ko ulit sakanya.
"Tulungan mo ako sa preparations at sa designs." mahina niyang sabi saka tumingin-tingin sa paligid. "Pero huwag kang maingay ah."
Napakunot noo ako. "Bakit naman?"
Napabuntong hininga si Ji-eun at umiwas ng tingin. "Alam mo naman yung dahilan, Chan, eh." mahina niyang sabi at saka ko lang naalala yung problema niya since bata palang kami.
Hindi naman kasi sikat si Ji-eun tulad ko. Hindi naman siya nabu-bully. Hindi lang siya napapansin. Sigurado ako na kapag nalaman nilang siya ang head ng committee para sa darating na Opening Ball, walang maniniwala sakanya.
Eh sobrang creative at talino kaya ng babaeng ito!
"Matatanggihan ba naman kita?" sabi ko sakanya habang natatawa. Ngumiti naman siya ng malaki at natawa din.
"Alam ko." sagot niya. "Salamat ah."
Maya-maya pa, dumating na si Jimin kaya pumunta na kami sa tambayan ng grupo namin. Isa siyang lumang room sa isang lumang building ng school. Hindi na kasi masyadong nagagamit yung building na ito kasi nga, luma na at malayo sa main grounds.
"Anong meron?" tanong ni Jimin pagkapasok namin sa kwarto. Andun na silang lahat. Sina Taehyung, Jin, Yoongi, Hoseok, at Namjoon. Nakaupo sila sa paligid ng sofa at mukhang problemado.
Walang nagsalita kaya nagtinginan kami nina Ji-eun at Jimin. Anong meron?
"Sht." inis na sabi ni Taehyung habang umiiling-iling.
Napasinghap naman si Ji-eun sa tabi ko. Mukhang hindi maganda timpla nila ah. Katakot naman.
"A-ano bang meron?" tanong ni Ji-eun habang nakatingin isa-isa sakanila.
Tumayo si Hoseok at tumingin ng seryoso samin. "Malaking problema." seryosong sabi nito. "Hindi naman akalain na---"
"Huwag, Hoseok." singit ni Namjoon. "Baka hindi sila maniwala."
"Kailangan nilang malaman, Namjoon!" inis na sabi ni Hoseok. "Kailangan talaga."
Natahimik ulit silang lahat.
"Walang hiya! ANO BA KASING MERON HA?!" biglang sigaw ni Jimin dahil sa inis.
"Model." mahinang sabi ni Jin.
"Ano?" tanong ko.
"KUKUNIN TAYONG MODEL!!!" sabay-sabay na sabi nila na nagpatahimik saming tatlo.
"Ang gwapo ko talaga." dagdag pa ni Hoseok saka ngumisi.
"Walang hiya talaga." bulong ni Jimin sa tabi ko. "Akala na namin kung ano! Gusto niyong pakain ko kayo sa abs ko?!"
Matapos ang walang kwentang usapan kasama ang anim na baliw na yun, pumayag na din sila sa wakas na tulungan din si Ji-eun sa gagawin niyang trabaho sa darating na ball.
"Basta ba libre ang pagkain, Eun." sabi ni Suga. "Alam mo namang gutumin kaming pito."
Tinignan naman namin siya ng masama.
"Joke." agad na sabi niya. "Oo na. Ako lang."
Natawa naman si Ji-eun saka nilabas yung notebook niya. "Ayan, salamat." masayang sabi niya. "Saan tayo pwedeng magkita-kita? Ako na bahala sa pagkain."
Napa-isip naman ako. "Sa... resto ni Papa, kung gusto niyo?" tanong ko. "Doon, maraming pagkain."
"OH MY GHAD! SURE!" masayang sabi ni Taehyung. "Miss na din namin si Tito Baek at ang luto ng Papa ni Ji-eun!" pumalak-palakpak pa siya habang tuwang-tuwa.
"Siguradong libre nanaman ang pagkain neto." bulong ni Hoseok sa tabi ko.
Tinignan ko naman siya ng masama. "Mga walang hiya kayo! Magbabayad kayo no!"
~Park Baek Min~
Asylum by Madeleine Roux. Suggestion sakin ni Ji-eun-unnie.
Mukhang interesting tong librong ito ah.
"Hey Min, wanna play some dolls?" tanong ng isa kong classmate.
I looked at her and maintained a straight face. "No, thanks." sagot ko. Agad naman siyang umirap at naglakad palayo kasama ang dolls niya.
I sighed and started reading.
And very suddenly, I heard loud whispers.
"The new student."
"He's so white!"
"I never thought he'll be this cute!"
"Is he the one?"
"He looks scary to me..."
Tinaas ko ang tingin ko at andun nga siya. Sa harapan, kasama sina Uncle Sehun at Uncle Luhan.
So... this is the Seth guy.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top