Finale 29



* * * * *





After 1 week...



~Park Baekhyun~ 




Nadischarge na din ako sa ospital after two days. Kaya ngayon, balik ako sa pag-aalaga sa mga anak namin ni Chanyeol, lalong-lalo na sa baby sa tiyan ko. Hindi kasi namin ito inexpect. Ang alam ko talaga, wala akong absent sa pag-inom ng mga gamot ko. Meron pala.



Naglalakad ako ngayon papunta sa office ni Chanyeol. Dinalhan ko siya ng lunch na niluto ko sa bahay. Wala kasi akong kasama kumain doon. Naiiyak ako sa lungkot kapag ganun. 



Nang sumakay ako sa elevator, may nakasabay akong lalake, mukhang nagtatrabaho dito. May buhat siyang paper bag at pakiramdam ko, alam ko kung saan niya ipupunta yun. Nang tignan ko ng maigi yung paper bag, may nakasulat na 'Pres. Park'



Napasimangot ako saka ko siya kinalabit. "Boy, excuse me?" mahina kong sabi saka siya napatingin sakin. 



"Ano po yun?" tanong naman niya. 



Tinuro ko yung paper bag. "Para kay Chanyeol ba yan?" tanong ko. 



"Si President po? Ay opo. Pinabili po niya." sagot naman niya. Napakunot noo ako saka nag-isip ng mga ilang segundo. Malapit na kami sa 8th floor kung nasan yung office ni Yeol. 



"Itapon mo." sabi ko habang nakangiti. 



Nagulat naman yung lalake sa sinabi ko. "A-ano po?" 



Tinaasan ko siya ng kilay. "Sabi ko, itapon mo." mariin na sabi ko saka tinignan siya ng masama. "Itapon mo yan! Huwag mong ibibigay sakanya!" 



Niyakap niya yung buhat niyang paper bag. "Sir, hindi po pwede! Magagalit po si President! Ayaw ko pong mawalan ng trabaho! Nag-aaral pa po yung bunso namin at ako lang po ang inaasahan sa pamilya namin!" 



Napasimangot naman ako sa sinabi niya. "Ganun ba?" mahina kong sabi. "Ah... edi kainin mo nalang. Sayang din naman, ano?" 



Napakamot yung lalake sa ulo niya. "Sir! Hindi po pwede. Kay President Park po ito. Gusto niyo po bang matanggal ako sa trabaho ngayong araw?!" 



"Ano ka ba?" sabi ko naman saka siya pinalo sa braso. "Akong bahala sayo!" 



"Sir! Hindi po pwede!" inis na sabi niya. "Sino po ba kayo?" 



Napa-pout nalang ako sa tanong niya. Sakto naman na narating na namin yung 8th floor. Bumukas yung elevator at nakita ko si Mae na nakatayo at naghihintay. Nanlaki yung mga mata niyang nakakita sakin at agad siyang ngumiti at nagwave.



"Sir Baek!" sabi niya nang lumabas na ako sa elevator kasunod yung lalakeng nagtatrabaho dito. "Kumusta na po?" 



"I'm fine!" masaya kong sagot. "Ikaw? How's your baby? I heard--"



"Miss Mae," tawag nung lalake sa likod ko. "Si President po? Andito na po yung lunch niya." 



Napatingin naman ako doon sa lalake. "Kainin mo na kasi yan." sabi ko. "Ako nang bahala kay Chanyeol, sabi eh." 



"P-pero--"



"Sige na, Mark. Kainin mo na yan." sabi naman ni Mae habang nakangiti. "Andito naman na si Sir Baekhyun at mukhang may dala siyang lunch para sa asawa niya." 



Nanlaki yung mga mata nung Mark at dahan-dahan siyang napatingin sakin. Bakas sa mukha niya yung gulat at pagsisisi dahil sa kanina. Tinignan niya ako at pakiramdam ko maiiyak na siya sa kahihiyan kaya agad akong nagsalita.



"Lunch mo na yan, ha?" sabi ko at naglakad papunta sa office ni Chanyeol. Binigyan ko din siya ng ngiti para hindi na siya ma-guilty. Kawawa naman. 



Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ni Yeol. 



"Mark? Ikaw na ba yan?" tanong niya. 



Natawa ako ng mahina at kumatok ulit. 



"I'm busy!" inis na sabi ni Chanyeol. "If it's not my lunch, please don't interrupt!" 



Kumatok nalang ako ulit, pinipigilan parin yung tawa. 



"What the..." inis na sabi niya at narinig ko yung mga lakad niya papunta sa pinto. Hinigpitan ko yung hawak ko sa dala ko, hinihintay na buksan niya yung pinto. At nang bumukas nga, isang galit at nakakatakot na Chanyeol ang bumungad sakin. 



Pero syempre, nang makita niyang ako, agad na napalitan ng gulat yung mukha niya. 



"Babe?" gulat na bulong niya habang nakatingin sakin. 



Tinaas ko yung lunch box na hawak ko. "Hello, babe! Do you want to have lunch with me?" sabi ko at ngumiti ng malaki. Natawa ako nang mapalitan ng masayang expression yung gulat niyang mukha kanina. 



Hinawakan ni Chanyeol yung kamay ko. "I would love to." sagot niya saka ako hinila sa loob. Sinara naman niya yung pinto at naglakad kami papunta sa may sala set sa gitna ng office niya. Pinatong ko yung lunch box sa table sa gitna saka tumabi kay Chanyeol. 



"Nakasabay ko yung Mark kanina sa elevator!" sabi ko nang hilain ako ni Chanyeol para paupuin sa hita niya. "Hindi niya pala ako kilala." 



Niyakap ni Chanyeol yung bewang ko saka pinatong yung ulo niya sa may balikat ko. "I guess he didn't see your picture in here yet." bulong niya at naramdaman ko yung hininga niya sa may leeg ko. 



Napa-shrug lang ako. "Okay lang." sabi ko naman saka inabot yung lunch box. Binuksan ko ito habang panay ang halik ni Chanyeol sa balikat ko. "Eto, kumain ka nalang muna. Huwag ako ang kainin mo, okay?" dagdag ko pa at natawa siya ng mahina. 



Sinimulan ko siyang subuan kasi ayaw niyang kumain mag-isa. Ang arte-arte. Pasalamat siya mahal na mahal ko siya ah. Ayaw din niya akong paalisin mula sa kandungan niya kasi daw miss na miss na niya ako. Eh hello? Sabay lang kaming nag-breakfast kanina eh. Hindi nalang niya aminin na ang ganda-ganda ko kasi. 



"How are you feeling?" tanong ni Chanyeol saka hinawakan yung tiyan ko. Dahan-dahan niyang inikot yung palad niya doon tulad ng ginagawa ko minsan kapag kausap ko si baby. 



Ngumiti ako saka pinunasan yung labi niya gamit yung daliri ko. "I'm fine." sagot ko saka inabot yung sarili kong pagkain. "I think, nakatulong yung mga gamot na binigay ni Luhan last week." 



Tumango si Chanyeol habang pinapanood akong kumain. Sabi niya subuan daw niya ako pero huwag nalang. Mas gusto ko kapag nakayakap lang siya sakin. 



"I hope it's a healthy baby." bulong niya saka napangiti ng malaki habang nakatingin sa tiyan ko. Patuloy parin ang paghaplos niya doon. Tumango naman ako habang patuloy lang sa pagkain. Ang dami-dami ko nanamang kinakain. Ang hirap naman magbuntis. Mukhang tataba pa yata ako. 



"Yung tungkol sa vacation na sinasabi ni Min." simula ko at napatingin sakin si Chanyeol. Inabutan niya ako ng tubig at agad ko namang kinuha. "Pwede bang after ko nalang manganak?" 



"Sure." sagot naman ni Yeol. "Sabihin din natin sa mga bata na magtawag sila ng friends para mas masaya." suggestion niya at dahil doon, agad akong may naalala. 



Binaba ko yung pagkain ko at tumingin kay Chanyeol. Hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi at hinarap siya sakin. "Babe! May sasabihin ako!" excited na sabi ko. "Pero huwag mong sabihin kay Chan Hyun na alam mo ah! Hindi din niya alam na alam ko eh." 



Tumango naman si Chanyeol habang takang nakatingin sakin. "What is it?" tanong niya. 



"Si Taehyung... yung barkada niya... NILILIGAWAN SIYA!" masayang sabi ko habang natatawa. Nanlaki naman yung mga mata ni Chanyeol habang gulat na nakatingin sakin.



"Paano mo nalaman yan?" tanong niya. 



Napangisi ako. "May nagtext sakin habang andun ako sa hospital." sagot ko naman. Nilabas ko yung cellphone ko at pinakita yung text. "Hindi niya ata alam na nakasave sakin lahat ng number ng friends ng mga anak natin."



Tinignan ni Chanyeol yung text at binasa yung pangalan ng sender. "Jung Hoseok?" 



Tumango-tango ako. "Hindi ko muna tatanungin si Chan." sabi ko naman. "Hihintayin ko nalang na siya ang magsabi satin." 



Napatingin ako sa pinto nang may biglang kumatok at tatayo na sana ako mula sa pagkaka-kalong sakin ni Chanyeol pero niyakap lang niya ako ng mas mahigpit, ayaw akong paalisin.



"Yes?" tawag ni Yeol. 



Binuksan naman ni Mae yung pinto at tumingin samin. "Sir, meron po si Mr. Wu. He said he wants to talk to you." 



Napatingin ako kay Chanyeol at ganun din yung ginawa niya. 



"I think... he wants to explain." bulong ko habang nakatingin sa mga mata ng asawa ko. Tinignan muna ako ng mga ilang seconds ni Chanyeol bago tumango. 



"Mae," sabi ni Yeol habang hindi inaalis ang tingin sakin. "Tell him we'll meet him in a minute." 



















Bumalik si Chanyeol sa upuan niya at umupo naman ako sa isang upuan sa harapan ng desk niya. Maya-maya pa, pinatawag na ni Chanyeol si Yifan at pumasok siya sa loob, halata parin lahat ng sugat at pasa na ginawa ni Yeol sakanya. 



"Good afternoon." mahinang bati niya samin at ngumiti naman ako bilang sagot. Pero si Chanyeol, syempre, nasa suplado mode parati pag si Yifan ang kaharap namin. 



"Please take a seat." sabi ko at tinuro yung upuan sa harapan ko. Agad naman siyang umupo doon at nahihiyang tumingin sakin. "How's Tao? Nakapag-usap ba kayo?" tanong ko. 



Umiling si Yifan. "He doesn't want to talk to me. Yet." mahina niyang sabi. "He said that he'll hear me out. But not now." 



"Why are you here?" tanong bigla ni Chanyeol gamit yung malalim at masungit niyang boses. "Are you ready to explain everything to us?" dagdag pa niya saka nagtaas ng isang kilay. 



Umiwas ng tingin si Yifan. "Yes." bulong niya habang nakatingin sa mga paa niya. "And i really hope you'll believe me." 



Ngumiti ako ng maliit. "I know you have a reason." sabi ko. "So please enlighten us." 



Napabuntong hininga si Yifan saka tumingin samin ni Chanyeol. "When i met Tao, he's already a journalist and has a very high position in a certain wedding magazine in the US. He's intelligent and very humorous. I met him when he came to interview my sister just before she got married. I was a businessman then, and i came to invest in that magazine company.



"I courted him, of course." pagpapatuloy ni Yifan. "After ten months, he said yes and we became a couple for three years. We were happy. But that changed after we got married. At first, it was a very fruitful marriage for the two of us. But then i realized, i want something more from him or from that marriage. I want... Children." 



Napatingin ako kay Chanyeol at seryoso lang niyang pinakikinggan si Yifan. Nakaramdam ako ng awa. Hindi lahat ng guy couples ay nabibiyayaan ng kung ano man ang meron kami ni Chanyeol ngayon. 



"Tao isn't like you Baek." sabi ni Yifan saka ako tinignan. "He can't give me a child and somehow, that angered me. I started to treat him like he's the reason my life is incomplete. Or so i thought. One day, he was crying really bad and he told me that he'll let me sleep with girls or anyone if it'll make me happy. I just need to promise him that i won't leave. That i wouldn't run away with another person and leave him."



"And you broke that promise." seryosong sabi ni Chanyeol. 



Tumango si Yifan. "I hurt him... and left with a girl i met." mahina niyang sabi. "And then i realized, i don't love her. We didn't have a child, too. That's when i met Jongin and i met you and Baek. I thought maybe i'll learn to like Baekhyun since he's a guy, too. I hoped that Baekhyun could give me a child, too. But in the end, it's still Tao. It's always been him." 



Malungkot ko siyang tinignan. "What are your plans now? About Tao?" tanong ko. 



"I'll take him back." sagot niya saka ngumiti ng maliit. "If i have to woo him everyday, i'll do it. I still love him, Baek." 



Ngumiti ako saka pinat yung kamay niya. "I really hope it'll work out." 



Hinawakan ni Yifan yung kamay ko. "And i'm sorry." sabi niya saka tumingin sa mga mata ko at kay Chanyeol. "I'm really, really sorry for all the troubles i had caused you." 



Tumango ako. Tanggap ko naman kasi yung sorry niya. Naiintindihan ko din siya. Napatingin ako kay Chanyeol at halatang nag-iisip siya ng maigi. Tignan mo to. Iba din to pag nagalit talaga eh no? 



"Maybe if you'll let go of my husband's hand right now, i could forgive you." sabi ni Chanyeol at agad naman akong binitawan ni Yifan. 



Natawa ako ng mahina saka umiling. "Don't worry, Yifan." sabi ko. "Chanyeol is a good man. He'll forgive you." 



At syempre sa huli, pinatawad din siya ni Park Possessive Chanyeol. Siya pa ba? 






* * * * * 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top