Finale 28



* * * * * 



~Park Baekhyun~ 





"What the fck are you doing here?!" 



Agad na napatayo si Chanyeol mula sa tabi ko pero mas hinigpitan ko lang yung hawak ko sa kamay niya. Tumingin siya sakin at bakas sa mukha niya ang galit. Alam kong galit siya kay Yifan dahil sa ginawa niya, naiintindihan ko naman yun. Pero sa palagay ko, hindi ito ang tamang lugar para sa isa nanamang away. 



"Yifan." mahina kong sabi. Napatingin ako kay Chanyeol saka ngumiti ng maliit. "Yeol, tulungan mo naman akong umupo." mahina kong sabi habang nakangiti. 



Napabuntong hininga naman si Chanyeol saka tinulungan nga akong umupo. Nilagyan niya ng unan yung likod ko saka inayos yung kumot na nakapatong sakin. Hinawakan niya ulit yung kamay ko saka bumalik sa pagkakaupo sa upuan niya.



Tinignan ko ng maigi si Yifan. Meron siyang mga sugat sa mukha at namamaga pa yung labi niya. Ang dami rin niyang pasa sa braso at kitang-kita nga dahil naka-fold yung long-sleeve niya hanggang sa siko. 



Ngumiti ako ng maliit. "I guess, it's Chanyeol's fault?" mahina kong tanong habang nakatingin sa braso niya. "My husband could be really violent at times." 



Nahihiyang umiwas ng tingin sakin si Yifan. Si Tao naman ay nakatayo lang sa gilid ng kama ko, hindi makapaniwala na nasa harapan na niya yung ex-husband niyang mahal na mahal pa niya. Ang pagkakataon nga naman. 



Pinulot ni Yifan yung nahulog niyang bulaklak. "I-i'm sorry, Baekhyun." bulong niya saka pinatong yung bulaklak sa may paanan ko. "I heard what happened and... i just came here to tell you how really sorry i am." 



"Sorry about?" tanong ko saka nagtaas ng isang kilay. 



Gusto kong sabihin niya yung mga pagkakamali niya. Gusto kong marinig mula sa bibig niya lahat ng paninirang ginawa niya sa pamilya namin ni Chanyeol. It's good to remind him. 



Umiwas ng tingin si Yifan. "I'm sorry for trying to destroy your family, Baekhyun." mahina niyang sabi. "I already told Chanyeol everything. But about the crisis in your company, wala akong kinalaman doon, believe me." saka siya tumingin sa mga mata ko at bakas sa mukha niya ang hiya at pagmamaka-awa.



Tumingin sakanya si Chanyeol ng masama. "The investigation is not yet over, Yifan." galit na sabi niya. "Hindi ikaw ang magsasabi niyan." 



"I know." mahina niyang sabi. "I'm really sorry. I'm sorry for all the things na ginawa ko. Especially to you, Baek. And to the kids. I'm sorry for being a liar. I'm sorry for hurting you. Sorry for making Chanyeol mad. Sorry for making up stories just to have you." 



Napabuntong hininga ako at dahan-dahan na tumingin kay Tao. Nakatingin siya sa bintana habang pinipilit ang sarili na hindi umiyak. Alam kong masakit na marinig niya lahat ng ito, pero gusto kong malaman niya. Gusto kong alam niya kung ano yung mga ginawa ni Yifan. 



Pero nagtataka ako... bakit ba sila naghiwalay? 



"Bakit?" bulong ko saka tumingin ulit kay Yifan. "Bakit mo ginawa lahat yun?" 



Sa pagkakataon na yun, napatingin siya kay Tao. Para bang hindi siya sigurado kung sasabihin ba niya. Umiwas siya ulit ng tingin at umiling ng isang beses. 



"B-Baek..." mahinang sabi ni Tao kaya napatingin ako sakanya. 



"What is it?" tanong ko. 



"I-i'll visit you again some other time." mabilis niyang sabi. Nakikita kong maiiyak na siya. Hinawakan niya yung kamay ko saka pilit na ngumiti. "Get well soon, okay?" Tumingin siya kay Chanyeol saka tumango. "Chanyeol, i'll go ahead." 



Tumango naman si Yeol at taka namin siyang pinanood na maglakad palabas ng room. Nilampasan niya si Yifan na para bang wala siya doon. Sinundan siya ng tingin ni Yifan pero hindi siya gumalaw para sundan siya. 



"Hindi mo siya susundan?" tanong ko kay Yifan. 



Binalik niya yung tingin niya sakin. "He doesn't want to talk to me." bulong niya.



"Did you even try?" inis na tanong ni Chanyeol. Oh ayan, galit nanaman. "Did you even try talking to him? I bet you spent most of your time trying to flirt with my husband." 



Hinila ko naman yung kamay ni Chanyeol saka tinignan siya ng masama. Galit nanaman kasi eh. Parati nalang nagagalit kapag meron si Yifan. Eh tapos na nga diba? Hindi ako mahal ni Yifan. Hindi niya talaga ako gusto. Oh! 



"Yifan, i really think you should follow him." sabi ko. "Tao deserves an explanation. Alam kong kasal parin kayo hanggang ngayon." 



Umiwas siya ng tingin, hindi alam kung susundin ba niya ako. 



"Follow him." mahinang sabi ni Chanyeol and this time, kalmado na yung boses niya. "I know that somewhere inside you, you still love him." 



Ngumiti ako nang makitang totoo nga yung sinabi ni Chanyeol. Nakikita ko sa mga mata niyang hindi talaga ako yung gusto niya. Ano man yung rason ni Yifan, alam kong si Tao parin yung nasa puso niya. Hindi naman kasi mabilis magbago yun eh. He loves Tao. 



Meron lang isang bagay ang sumira sakanila. 



"Go." sabi ko. "And when you're ready to tell us your reason, i'm willing to hear it." 















~Wu Zi Tao~




Akala ko wala na. Akala ko hindi na masakit. 



For more than 5 years na hiwalay kami, ang akala ko naka-move on na ako. Akala ko, kapag makikita ko ulit siya, wala na akong mararamdaman pa. Pero hindi pala ganun kadali yun. 



"Tao!" sigaw niya pero mas minadali ko lang ang paglalakad. Malapit na ako sa kotse ko. Malapit na akong maka-alis na lugar na to, malayo sakanya. 



"Tao please!" 



Isang malakas na kamay ang humila sa braso ko. "Ano ba?!" sigaw ko at pilit na kumawala sa hawak niya. "Bitiwan mo ako Yifan!" 



"Tao please... listen to me." pagmamaka-awa niya. 



Tinignan ko siya ng masama. "At bakit ako makikinig sayo?!" sigaw ko. "You've hurt me enough! And what now? Si Baekhyun naman ang gusto mong isunod? Pang-ilan na ba siya, ha?!"



Hinila niya ako palapit sakanya, hindi parin binibitiwan yung braso ko. "Tao... I'm so sorry." mahina niyang sabi. "I'm really sorry." 



Hindi ako nakapagsalita. 



At kahit anong pigil ko, tuluyan na nga akong naiyak sa harapan niya. Umiyak lang ako, kahit pakiramdam ko nakakahiyang nakikita niya akong ganito. Sobrang sakit na makita ko siya ulit. Sobrang sakit na bumabalik ulit sakin lahat ng ginawa niya noon. 



"Bakit ka ba kasi nagpakita ulit, ha?" iyak ko saka umiwas ng tingin. "I am doing good now. I have my own job. And Yifan... i am trying to be happy. Kahit wala ka. Bakit ba nagpakita ka ulit?" 



"Tao please." sabi niya saka sinubukang hawakan yung mukha ko pero tinabig ko ito palayo. 



"Sabi mo, hindi mo na ako mahal!" sigaw ko habang umiiyak parin. "The last time you talked to me, sabi mo ayaw mo na, na hindi ka na masaya sakin diba?! Sabi mo maghahanap ka nalang ng iba. Doon sa taong mabibigay kung ano ba talaga yung gusto mo!"



Umiling siya saka niyakap ako. Yung yakap na matagal ko nang hindi naramdaman mula sa kanya. Sa pagkakataong ito, parang hindi ko na kilala tong yakap na to. 



Hindi ko na maramdaman yung dating pakiramdam na binibigay niya. 



"H-hindi ko naman kasi g-ginusto yun." iyak ko. "Yifan... hindi ko ginustong hindi ka mabigyan ng anak. Hindi ko ginustong hindi ako kagaya ni Baek. Hindi ko ginustong hindi ka mapasaya." 



Niyakap lang niya ako ng mas mahigpit. "Tao... i'm sorry." bulong niya. "I'm sorry for hurting you." 



"Sinubukan ko naman diba?" bulong ko habang umiiyak. "Sinubukan ko namang pasayahin ka kahit wala tayong anak. Pero Yifan... hindi ba ako naging sapat? Did i never make you happy?" 



Dahan-dahan ko siyang tinulak palayo. "I did everything... just to make you feel how much i love you." mahina kong sabi habang pilit na kumakalas sa yakap niya. "When you tried to seek for someone who could give you a child, i didn't complain, did i? Hinayaan kita! Kasi mahal kita at gusto ko sumaya ka! Pero Yifan, hindi kasama doon na iwan mo ako! Hindi kasama na isang araw, magigising ako na wala ka na! Alam mo ba kung gaano kasakit yun?! Ha?!" 



Tinulak ko siya palayo saka umatras. 



"Tao... please... please hear me out." sabi niya pero umiling lang ako. 



"I had enough, okay?" mahina kong sabi habang nagpupunas ng luha. "Maybe one day, i'll hear you out. But not now, Yifan. Not now." 






* * * * * 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top