Finale 20
* * * * *
~Park Chan Hyun~
Today... is the day before the ball.
I looked at the wall clock and clasped the desk. Konting minuto nalang, aamin na ako kay Ji-eun. Konting minuto nalang, sasabihin ko na lahat ng nararamdaman ko para sakanya. Konting minuto nalang, malalaman na niya lahat ng gusto kong sabihin simula noon.
"And... that's a wrap for today!" masayang sabi ni Professor Jung at saka inayos lahat ng gamit niya. Agad ko namang kinuha lahat ng gamit ko at pinasok sa bag.
Tatayo na sana ako nang lumapit sakin sina Jimin at Hoseok. "Chan!" tawag nila sabay ngiti.
"Yep?"
"May gagawin ka ba ngayon? Uuwi ka na?" tanong ni Jimin.
Inirapan ko naman siya sabay kuha ng bag ko. "Hindi pa." sagot ko. "Pupuntahan ko pa si Ji-eun. She'll give the hall one final look."
Tumango-tango naman silang dalawa. "Uhh... ganun ba?" medyo ilang na sagot ni Jimin. "Can I come, too?"
I gave him a glare. "Huwag na." sagot ko at naglakad papalabas ng room. Inayos ko yung bag kong nakasukbit sa balikat ko at mabilis na naglakad. Buti nalang mas maliit si Jimin sakin, mahihirapan siyang habulin ako. Si Hoseok naman mukhang walang pakialam.
Tumakbo ako papunta sa hall at natawa nang wala nang dalawang asungot na nakasunod sakin. Buti nga. Baka sisirain pa niya mga plano ko ngayong araw.
Pero hindi pa ako nakaka-kalahati sa pagtakbo nang hilain ni Namjoon yung braso ko. "Ahhhhhhhhhhhh!!!" sigaw ko nang makita ko ang pagmumukha niya pero napatigil din ako agad. "N-namjoon?!"
Binatukan naman niya ako habang hindi parin inaalis ang mahigpit na hawak niya sakin. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Kanina pa kita hinahanap!"
"Sa hall!" sigaw ko sabay hila pabalik sa braso ko. "Kakausapin ko si Ji-eun!"
Nanlaki ang mga singit niyang mata. "A-ano?!" gulat na tanong niya. "S-sigurado ka?"
Inirapan ko siya. "Oo nga, ano ba?" inis na sagot ko. "Ano bang kelangan mo sakin ha?"
Napa-eye roll naman si Namjoon. "Psh." mayabang na sabi niya. "Hindi ka gusto ni Ji-eun, ano ba? Sa ilong mo palang, turn off na yun."
Hinila ko yung bag ko saka malakas na pinalo sakanya. "Gago!" sigaw ko at hinampas siya ulit. "Pwede bang lubayan mo tong ilong ko, ha?!"
At bago pa siya magsalita ulit, naglakad na ako palayo habang binibigyan siya ng sobrang talim na tingin. Napakamot lang naman sa ulo niya si Namjoon habang nakangiwi dahil sa sakit ng mga hampas ko sakanya. May dictionary kaya ako sa bag. Kala niya ah.
Mga ilang pinto nalang ang layo ko sa hall nang si Suga naman ang humila sakin. "Chan Hyun! Hey bro!" masayang sabi niya at nakipag high five. "Samahan mo naman ako!"
"Saan nanaman!?" sigaw ko at tinulak siya. "May gagawin pa ako! Busy ako! Busy!"
"Eh mabilis lang to!" sigaw niya sabay hila sakin. "Dali na! Diyan lang sa may tindahan sa labas! Bili tayong toothbrush!"
Tinanggal ko yung kamay niyang humihila sa braso ko. "Ehhh! Busy nga ako! Alis! Alis!"
"Chan naman!" daing niya at hinila ako ulit. "Ngayon lang to eh!"
Tinignan ko siya ng masama. "Suga!!!" sigaw ko. "Bibitawan mo ako o itatali kita sa puno at ibababad sa araw nang umitim ka naman?! Ano?! MAMILI KA!"
Agad naman niya akong binitawan at tinulak palayo. "Aba," bulong niya. "Umalis ka na! Kaya kong mag-isa no! Che!" at siya na din ang nagwalk-out.
Napa-iling nalang ako at naglakad papunta sa hall.
Ano bang problema ng mga kaibigan ko?! Delaying tactics eh, kaasar.
Pagkapasok ko sa hall ay kasama ni Ji-eun si Jin habang dalawa silang nag-iikot at tumitingin ng lahat ng kailangang i-check. May hawak si Jin na isang clipboard habang si Ji-eun ay naglalakad-lakad at nag-aayos ng mga gamit.
Nang makita ko si Ji-eun, parang gusto ko na mag-back out. Naramdaman ko ang pamamawis ng kamay ko at pati narin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos.
Ugh. Ito ba ang feeling ng aamin?
Pupunta muna sana ako sa CR nang mapatingin sakin si Jin. Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling lumapit sakin. "Chan!" gulat na sabi niya. "A-anong ginagawa mo dito?"
Napa-shrug ako. "Kailangan ko lang maka-usap si Eun."
"Ngayon na?" gulat na tanong niya. "H-hindi pwedeng... bukas?"
Tinignan ko siya ng masama saka nagtaas ng isang kilay. "Bakit ba parang pinipigilan niyo ako, ha?" inis na tanong ko sakanya. "Kanina pa kayo ah!"
Nanlaki ang mga mata ni Jin. "A-ano?" gulat na tanong niya. "Anong sinasabi mo?"
"Una sina Jimin at Hoseok! Tapos si Namjoon! Tapos si Suga! Ngayon naman, ikaw?" inis na sabi ko. Napatingin ako sa paligid. "Nasan si Taehyung? Siya nalang ang wala!"
Napalunok si Jin nang sabihin ko ang pangalan ni Taehyung. "A-ano kasi... Chan..." hindi niya matuloy ang sasabihin niya at saka umiwas ng tingin. Napalunok siya ulit at napahawak sa batok niya.
"Chan Hyun," tawag ng isang boses sa likod ni Jin.
Napalunok ako at unti-unting namawis. "E-eun..." mahina kong sabi. Nakatingin siya ng maigi sakin habang naka-bulsa ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng hoodie niya. Nagtaas siya ng isang kilay. "Kakausapin mo ako?"
Lumingon sakanya si Jin. "Ji-eun..."
"It's fine, Jin." sabi niya saka tumango sakin. "Chan. Let's talk."
Tumango si Jin at dali-daling naglakad palabas ng hall. Napatingin ako sa paligid at sa relo ko. Hapon na at sigurado akong maya-maya lang, wala nang tao sa school. Kailangan kong madaliin itong usapan namin.
"Chan... you can talk now." biglang sabi ni Ji-eun.
Napatingin ako sakanya. Meron siyang maliit na ngiti sa labi habang nakatingin ng maigi sakin. Tinignan ko siya sa mata saka umiwas din ng tingin. "Ji-eun..." bulong ko. "May kailangan kang malaman."
Tinaas niya ang dalawa niyang kilay. "Well... I would like to know kung ano yun." sagot niya.
Binalik ko ang tingin ko sakanya saka napabuntong hininga. "We're friends since we're young, right?" simula ko. "I know you... and you know me. I know almost everything about you. And I think, ganun ka rin."
Naging seryoso ang mukha niya at unti-unti siyang umiwas ng tingin. "Maybe." mahina niyang sabi. "Chan..."
"Eun, I don't really know how to do this." sabi ko at napa-iling. "I've been keeping this feeling ever since. But I... I can't keep it now. I just can't keep this anymore."
"Chan Hyun... Please..."
"I like you." mahina kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya. "I like you, Kim Ji-eun. I like you so much."
Binalik ni Ji-eun ang tingin niya sakin at wala akong nakitang gulat sa mga ito. Dahan-dahan siyang ngumiti sakin ng maliit at napabuntong hininga. "I know."
Nanlaki ang mga mata ko. "P-pero... Paano?"
"Hindi naman ako manhid, Chan." mahina niyang sabi. Bigla siyang lumapit sakin at pinatong ang isa niyang kamay sa balikat ko. "But Chan Hyun... listen to me."
Dahan-dahan akong tumango habang gulat na gulat paring nakatingin sakanya.
"We're friends." bulong niya saka hinawakan yung mukha ko. "You're my bestfriend. Ayokong mawala yun. Alam kong gusto mo ako. Pero... hindi ganun Chan eh."
Napasinghap ako nang marealize lahat ng sinasabi niya.
"Hindi ko kayang mahalin ka tulad ng nararamdaman mo para sakin." malungkot na sabi ni Ji-eun saka binalik ang kamay niya sa balikat ko. "We're young... we have so many things in store for us. But right now, I can't like you back. Hindi ko kaya. We're not for each other."
Para akong sinipa sa dibdib sa lahat ng narinig ko. Hindi niya ako mahal. Hindi niya ako gusto. Hindi magiging kami. Hindi ko siya magiging date sa ball.
"You're... more like a brother to me, Park Chan Hyun." bulong niya. "I am sorry."
Dahan-dahan akong umatras mula sakanya. Naramdaman ko na din ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Panay ang "Sorry" ni Ji-eun pero halos hindi ko na siya marinig.
Ang sakit pala ng rejection.
Sobrang sakit.
Mabilis akong naglakad palabas ng hall. Hindi ko alam at wala akong pakialam kung saan ako mapupunta. Ang alam ko lang, gusto kong mawala tong sakit na nasa dibdib ko. Gusto kong mawala tong pakiramdam na unti-unting kumakain sa pagkatao ko.
Napa-upo ako sa likod ng isang building at umiyak.
Iniyak ko nalang lahat ng sakit.
Wala naman na akong magagawa diba?
She rejected me. It's all over.
"C-chan..."
"Leave me alone." I hissed under my breath. Hindi ko na inangat ang tingin ko para makita siya. "Maybe she likes you! Maybe it's because of you!"
Naramdaman ko ang pagtayo ni Taehyung sa harapan ko. Hindi ko siya tinignan at patuloy lang sa pag-iyak. Siya ba ang gusto ni Ji-eun?! Siya ba?!
"Chan..." tawag niya ulit.
I sniffed and leaned on the wall. Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang pagtigil ng pagdating ng mga luha. This is stupid. Crying over something. Ugh. I hate this.
"Ikaw ba ang gusto niya?" mahina kong tanong habang hindi binubuksan yung mga mata ko. "DOES SHE LIKE YOU BACK?!" I shouted without opening my eyes.
There was a pause. "I... I don't like Ji-eun."
Napabukas ang mga mata ko at napatingin kay Taehyung. Malungkot siyang nakatingin sakin habang nakatayo sa harapan ko. Agad akong napatayo at tinignan siya ng masama.
"What?!"
"Chan Hyun. Hindi ko gusto si Ji-eun." mariin na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "I lied. I lied that day."
I pushed him and he took a step back. "WHAT THE FCK KIM TAEHYUNG?!"
He looked down and shook his head. "You can't love her." bulong niya.
I felt my anger burning my insides. "WHAT THE FCK ARE YOU SAYING?!" I shouted. Hindi ko na siya maintindihan! Bakit siya nagsinungaling?! Bakit niya ginawa yun?!
"You can't win her!"
"TAEHYUNG! ANO BANG PROBLEMA MO HA?! BAKIT KA NAGSINUNGALING?! WHY DID YOU DO IT?!" I shouted and walked to him. Hinila ko yung kwelyo ng damit niya saka galit na tumingin sakanya.
"YOU STUPID ASSHOLE!" He finally shouted and to my surprise, he started to cry. Taehyung sobbed and I slowly loosened my grip around his shirt.
Umatras ako saka gulat na tumingin sakanya.
"BAKIT KO GINAWA?!" sigaw niya habang umiiyak na nakatingin sakin. "BAKIT BA HINDI MO MARAMDAMAN?! BAKIT BA ANG MANHID-MANHID MO HA, GAGO KA?!"
Nakakunot noo lang akong nakatingin sakanya habang umiiling-iling. What the hell is he saying? Saan pupunta lahat ng sinasabi niya?
"I've been all nice to you, Park Chan Hyun!" sigaw niya habang nakatingin sakin. "I am there whenever you need a friend! I am there whenever you need someone you can talk to! Pero bakit kahit isang beses, hindi mo naramdaman?!
He sniffed and wiped tears from his face.
"Mahal kita, Chan." Taehyung whispered while looking into my eyes. "Mahal kita kahit ang sakit-sakit na may mahal kang iba. Mahal kita kahit araw-araw na pinagmamalaki mo yung taong mahal mo at hindi ako yun."
Taehyung looked down and sobbed.
"Masakit na mahal mo si Ji-eun. Pero Chan... mas masakit na nakikita kitang ganyan. Mas masakit kasi nasasaktan ka."
"T-taehyung..."
"I love you, okay?" he whispered and looked at me. "There... I finally said it." Then he smiled sadly with his face still wet from all the tears. "Huwag mo na akong subukang iwasan. Ako nang gagawa nun."
And with that, without him waiting for my response, he walked away and ran back towards the school buildings. I watched him go. I watched his back until he disappeared from my sight.
I slumped back on the ground and held my face on my hands.
Mahal ako ni Taehyung...
All this time... mahal niya ako. Hindi si Ji-eun...
Ako. Ako ang mahal niya.
I shook my head and continued crying. I just don't know what to do anymore.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top