Finale 12
* * * * *
~Park Chan Hyun~
Napatingin ako sa relo ko habang papunta sa hall. Doon kasi gaganapin yung papalapit na na ball. Sure akong andun sina Ji-eun saka yung mga kaibigan ko. Nakalayo na kaya sila ng gagawin?
Binilisan ko yung paglalakad ko hanggang sa makita ko si Taehyung, nakasandal sa tabi ng pintuan.
"Taehyung?"
Napatingin siya sakin saka ngumiti ng maliit. "Chan Hyun." sabi niya. "Kanina pa kita hinihintay. Saan ka galing?" medyo kinakabahan yung ngiti niya kaya medyo kinabahan na din ako.
"Hinatid ko pa kasi si Jesper sa klase niya." sagot ko habang nakakunot noo. "Sila ni Min ang kasama kong nag-lunch... eh bakit ba?" tanong ko naman sakanya.
Binulsa ni Taehyung yung dalawa niyang kamay. Umiwas siya ng tingin. "A-ano kasi..."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano yun?" tanong ko ulit. "Namumula ka na diyan." sabi ko at natawa ng mahina.
"T-tungkol kasi kay Ji-eun." bigla niyang sabi saka tumingin sakin. Nawala ang ngiti sa labi ko. Habang nakatingin ako sakanya ngayon... parang alam ko na yung gusto niyang sabihin.
"A-anong tungkol sakanya?" tanong ko.
Huminga ng malalim si Taehyung. "Magkaibigan kayo diba, Chan?" sabi niya. "Alam kong close na close kayo at parang kapatid na ang turing mo sakanya. Pero Chan... ako kasi..."
"M-May gusto ka ba kay Ji-eun?" tanong ko at alam kong halata sa boses ko ang inis. Tinaasan ko siya ng kilay at napabuntong hininga.
Tumango siya ng isang beses. "Gusto ko siya, Chan." seryosong sabi ni Taehyung at napalitan yung hiya niya ng seryosong mukha. Tumingin siya sakin sa mata.
"Taehyung... magkaibigan tayo." sabi ko. "Pero gusto kong malaman mo na---"
"Kanina pa ba kayo diyan?"
Sabay kaming napatingin sa isang Kim Ji-eun na nakasilip mula sa pinto ng hall. Nakasuot siya ng makapal na glasses at mahabang dress. Nakapusod ang buhok niya at may pinta ang mukha at braso.
"Ji-eun..." kinakabahan na sabi ni Taehyung. "K-kanina ka pa ba diyan?"
Umiling si Eun ng isang beses. "Kasama ko na si Namjoon." sabi niya saka nagtaas ng isang kilay. "Anong ginagawa niyo diyan?"
Agad na umayos ng tayo si Taehyung at lumapit kay Ji-eun. "Wala. Wala naman!" masaya niyang sabi. "Ano bang gagawin?"
Binigay ni Ji-eun sakanya yung isang brush. "Tulungan mo nga ako doon sa back drop." sabi niya saka ngumiti kay Taehyung.
Ngumiti. Siya. Kay. Taehyung.
Napatingin ako sa kaibigan ko at medyo namumula pa ang mukha niya. Ayoko. Ayokong mapunta si Ji-eun sakanya. NEVER.
~Park Baekhyun~
Sabay kaming pumasok ni Chanyeol sa bahay galing sa mall. Bumili na din kasi kami ng damit ni Chan Hyun para sa ball sa school nila.
"Manang, nasan na yung mga bata?" tanong ni Chanyeol pagkapasok namin sa loob.
"Nandiyan na po sa itaas sina Min at Jesper." sabi ni Manang. "Si Chan Hyun naman po, male-late daw po ng uwi."
Napakunot noo naman ako. "Bakit daw, Manang?"
"Hindi ko po alam, Sir." sabi naman ni Manang at napa-shrug. "Yun lang po ang sinabi sakin eh."
Napa-irap ako at hinablot yung cellphone ko mula sa bag. "Kay Manang tatawag, tapos sakin na magulang niya, hindi?" inis na sabi ko habang umaakyat ng hagdan. Nakasunod naman sakin si Chanyeol habang nagtetext sa cellphone niya.
"He did." biglang sabi ni Yeol saka inangat yung cellphone niya. Natawa siya ng mahina at umiling-iling.
Napa-irap nanaman ako. "Sobra." bulong ko nang marating namin yung kwarto namin. "Mag-uusap kami ng anak mong yan mamaya." sabi ko pa at dumiretso sa kama. Humiga ako doon at napansin na naka-on na pala yung aircon.
Tinanggal ni Chanyeol yung suit niya saka tumabi sakin. Niyakap niya ako saka ko binaon ang ulo ko sa dibdib niya. Sobrang bango niya talaga. Kahit buong araw siyang nasa trabaho... tapos pumunta pa kami sa mall kanina, sobrang bango niya parin. Wala akong masabi.
"What did he tell you?" tanong niya habang nakahawak sa likod ko. Kalmado yung boses niya habang yung isa niyang kamay, hinahaplos yung buhok ko.
Napakunot noo ako. "Sino?"
"Yifan." sagot niya saka ko napansin yung inis sa boses niya. Inangat ko yung tingin ko at nagtama ang mga tingin namin. Hinila ko ang katawan ko pataas para magkapantay ang mga mukha namin. Ngumiti ako kay Chanyeol ng maliit.
"Yeol..." simula ko saka hinawakan yung mukha niya. "You really don't have to worry. I can handle him." sagot ko.
Ngumiti ng malungkot si Chanyeol saka hinalikan yung ilong ko. Huminga siya ng malalim at unti-unti... nawala yung ngiti sa labi niya.
"Baek... don't leave me." seryoso niyang sabi at pakiramdam ko, nagmamaka-awa siya. "Don't ever leave me, please."
Niyakap ko si Chanyeol sa leeg. "Hindi ko gagawin yun, Chanyeol." sabi ko. Hinalikan ko ang ibaba ng tenga niya at niyakap siya ng mas mahigpit. "I can never do that."
Tahimik lang si Chanyeol at hindi ko siya binitawan. Nasa bewang ko ang dalawa niyang kamay at niyakap niya ako ng sobrang higpit. Maya-maya na, naramdaman ko ang unti-unting pagkabasa ng balikat ko.
Nanlaki ang mata ko saka humiwalay sakanya. Nakapikit lang si Chanyeol pero lumuluha siya habang pilit na pinipigilan ang paghikbi niya. "Channie..." sabi ko saka pinunasan yung mukha niya. "A-anong problema?" hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.
Umiling si Chanyeol saka ako niyakap pabalik. "I-I can't lose you, Baek." mahina niyang sabi. "I can't... I can't lose you."
Nang sabihin niya yun... pakiramdam ko, hindi lang si Yifan ang problema. Pakiramdam ko, may ibang iniisip si Chanyeol kaya siya nagkakaganito. May malaking problema at hindi ko alam kung ano yun.
"Chanyeol..." simula ko habang nararamdaman ang pamumuo ng luha sa mata ko. "Ano bang nangyayari? B-bakit ka umiiyak?"
Umiling si Chanyeol at niyakap lang ako ng mas mahigpit. "Baek... I love you, okay?" bulong niya. "I love you so, so much."
"Mahal na mahal din kita, Yeol." sabi ko at naiyak na nga ng tuluyan. "I would never leave you. P-please... tell me what's wrong."
Hindi nagsalita si Chanyeol ng ilang segundo hanggang sa humiwalay siya sa pagkakayakap sakin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako ng mabilis sa noo.
"We're moving out." sabi ni Chanyeol. "Lilipat na muna tayo ng bahay."
Napakunot noo ako. "Bakit?" tanong ko. "May mali ba dito sa bahay?"
Umiwas ng tingin si Chanyeol. "May nakausap na kami ni Jongin. Hindi naman malayo ang village mula sa school ng mga bata. But... we only need two maids and a driver. Dalawang guards na din siguro."
Mas lalo akong nagtaka. Sampu ang maids namin dito sa bahay at tatlong drivers. May mga guard din at hardinero. Bakit kami magtatanggal ng tao?
"Chanyeol, bakit parang biglaan naman ata yang desisyon mo?" tanong ko saka tinuloy ang pagpunas ng medyo basa pa niyang mukha. "May hindi ka ba sinasabi sakin?"
Tinignan lang ako ni Chanyeol sa mata saka ngumiti ng maliit. Niyakap niya ako ulit. "Do you trust me, Baek?" tanong niya bigla. Hinaplos niya yung buhok ko saka ako tumango.
"Trust me on this one." mahina niyang sabi. "I'll tell you everything soon. But please... trust me on this." tinignan ako ulit ni Chanyeol habang nagmamaka-awa ang mga mata.
Tinitigan ko lang si Chanyeol. Tinitigan ko siya sa mata habang hinihintay na magbago yung expression niya. Pero hindi... alam kong malaki ang problema ng asawa ko ngayon at siguro nga, hindi pa panahon para malaman ko kung ano yun.
Hinalikan ko siya labi. "I trust you, Yeol." mahina kong sabi.
Ngumiti si Chanyeol saka hinalikan ako ulit. "Thank you." bulong niya. Lumalim pa ang mga halik niya hanggang sa buong gabi, sakanya lang ako.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top