Finale 1
* * * * *
~Park Baekhyun~
Binuksan ni Chanyeol yung pinto ng kotse para sakin. Isang practice na kahit kelan... hindi nawala sa sistema niya. Tinignan ko siya at nginitian.
"Thanks." bulong ko at ngumiti siya bilang tugon.
Naglakad siya papunta sa driver's side dahil siya nanaman ang magmamaneho. Kahit may driver kami, parati niyang ini-insist na dapat siya parin ang nagda-drive kapag whole family kaming magkakasama.
Nang maupo na kami sa loob, napatingin sakin si Chanyeol. "Babe, nasan na sila?" tanong niya at napatingin sa may bintana.
Napa-shrug naman ako at binaba yung bintana ng kotse. Dumungaw ako at sumilip sa loob ng bukas na pinto ng bahay. "Chan Hyun! Min! Jesper! We're leaving!"
Maya-maya pa, sunod-sunod nang yapak ang narinig namin papalabas ng bahay. Mabilis na tumakbo si Jesper papasok sa back seat na sinusundan naman ng isang Baek Min na naglalagay pa ng ribbon sa buhok.
"Where's your brother?" tanong ni Chanyeol sa dalawa nang makasakay na sila.
"Ugh." reklamo ni Min sabay eyeroll. "Dad, para namang hindi na kayo sanay kay oppa? So maarte ever!" inis na sabi nito.
Napatingin naman ako sa pinto at lumabas ang panganay naming nag-aayos pa ng buhok. Tumingin ako sakanya at nagtaas ng isang kilay. Ngumiti naman siya ng maliit at agad na pumasok sa kotse.
"Sorry, Pa, Dad." tipid na sabi nito nang maka-ayos na ng upo.
"I don't understand you guys." sabi ko sabay lingon sakanila ng mabilis. "Kayo ang mahilig magmadali samin ng Daddy niyo pero kayo naman ang nahuhuli." dagdag ko pa at agad namang natahimik ang tatlo. Inistart na ni Chanyeol ang kotse habang nakangiti at umiiling-iling.
"P-papa..." simula ni Jesper at napatingin naman ako sakanya. Namumuti ang mukha niya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin.
Napakunot noo ako. "What is it, baby?" tanong ko.
Napalunok siya. "A-are you... m-mad?" tanong niya habang takot na takot pa ang mukha.
Hindi ako nakasagot agad at tinignan lang siya. Tapos ay bigla akong napangiti at natawa ng mahina. "Of course not, baby." sagot ko. "I just pointed out what's wrong." binigyan ko siya ng ngiti.
Napatango naman siya at kinalong ang bag niya. Papasok na siya sa grade school ngayong araw. Habang sina Chan Hyun at Baek Min ay nasa Grade 11 at Grade 6.
Ngayong araw ay sabay kami ni Chanyeol na pupunta sa main office para sa isang meeting at saka niya ako ihahatid sa restaurant na ako ang nagma-manage. Yung restaurant na matagal nang nasa amin.
"Kelan ba nagalit si Papa?" biglang tanong ni Min at napa-isip. Medyo magulo pa yung ribbon sa buhok niya kaya aayusin ko pa mamaya.
"I can't think of any." sagot ni Chan Hyun habang nakadungaw sa bintana. "Si Dad lang naman ang nagagalit eh." tapos ay napangiti ng maliit.
Natawa nalang ako at ganun din si Chanyeol. "That's because you're making stupid fights inside the house!" dahilan ni Yeol at tinignan kaming apat ng mabilis.
Napatango naman ako habang nakangiti.
"No we're not!" sabay-sabay na sagot ng tatlo. At syempre... ano bang laban ng dalawa sa tatlo diba? Kaya napabuntong hininga nalang kami ni Chanyeol at napatingin sa isa't isa.
Maya-maya pa, nagsimula nang magkuwentuhan ang tatlo tungkol sa kung anu-anong libro at video games.
"I forgot to tell you, babe." simula ni Chanyeol sabay tingin sakin.
Napataas naman ang dalawa kong kilay. "What is it?" tanong ko.
"May isang investor na gustong mag-invest sa resto mo." simula niya. "Noong una, I thought he's interested sa mall, pero it turned out, he's into restaurants." ngumiti si Chanyeol at binigyan ako ng isang encouraging nod.
Napangiti ako ng malaki. "Really?!" gulat na sabi ko. "That would be great! Sino ba siya?" tanong ko ulit.
Chanyeol frowned. "I forgot the name..." simula niya. "But I guess, we'll meet him soon enough. Jongin's a friend of his. Siya din ang nagrecommend na mag-invest sa atin. I guess he's from the US. Ewan ko kung kelan siya lilipad papunta dito." then he shrugged and pouted thoughtfully.
I nodded at him. "I'm excited to meet him." simula ko. "This is a big break for the resto." nakaramdam din naman ako ng excitement para sa business na matagal kong iningatan kasama si Kyungsoo.
"I know." sagot ni Yeol habang nakangiti din. "I heard he's rich and the likes."
May naalala naman ako. "Ah, siya nga pala." sabi ko habang nakatingin parin sa asawa ko. "How's the Bubble Tea shop? Kelan mag-oopen sa mall yun?"
Chanyeol shrugged. "I don't know yet." sagot niya. "Hindi pa kasi sure sina Sehun kung kelan sila uuwi. Remember, Seth is studying in the US that's why they went there to finally fetch him. This school year palang siya lilipat sa GVA." then he gave me a smile, as if saying na nakalimutan ko nanaman.
"Oh yes, I forgot." sagot ko saka napa-iling. Really. Naguulyanin na ba ako?
Chanyeol grinned and reached to hold my hand. "You really want to go to the mall today?" tanong niya. "I could send you to the restaurant. Mukhang mas relaxed ka doon." then he pursed his lips, studying my face.
I smiled at him. "I'm fine, Yeollie." sagot ko. "Besides, matagal na akong hindi nakapunta doon, right? Baka outdated na ako sa reports."
Chanyeol nodded. "Right." sagot niya. "And the board misses you." dagdag pa niya habang natatawa. "They miss your wild ideas."
Natawa nalang ako bilang sagot.
"By the way, Chan Hyun." simula ni Yeol at napatingin sa rear view mirror. "Is Ji-eun in the same school as you?"
Napatango naman si Chan Hyun habang seryoso ang mukha. "Yes, Dad." sagot nito. "She doesn't want any other school aside from GVA." then he sighed. As if naman ayaw diba? Eh halata naman kung gaano niya ka-crush si Ji-eun. Sus.
Chanyeol nodded and looked at Baek Min next. "Princess, have you heard about Seth?" tanong nito.
"Seth? Who's Seth, Dad?" tanong naman ni Min habang nakakunot noo.
"Seth. Your Tito Sehun's son." sagot naman ni Chanyeol. "He will be studying at GVA starting tomorrow. I hope you'll be friends. Again." then he smiled encouragingly at our daughter. Maliliit palang kasi sila nang mag-migrate sina Seth sa New York para doon siya mag-aral. Kaya ngayon, medyo hindi na sila kilala ni Min.
Baek Min sighed. "I will try, Daddy." then she pouted and sighed again. Malaki talaga problema nito sa friends eh. Pihikan kasi. Wala nga atang best friends na tinuturing maliban sa mga kapatid niya.
"We're near." I annouced nang matanaw na namin ang buildings sa GVA. Nagsimula nang mag-ayos ayos ang tatlo at maya-maya pa, pumasok na kami sa school grounds to drop the three.
As usual, Chan Hyun's fans club is there, waiting for him.
Member kasi siya ng isang boy group sa school nila. Minsan, nagpe-perform din sila sa national TV shows. BTS ang pangalan ng group nila at Jungkook ang stage name ng anak namin.
Baek Min, after kissing my cheek and Chanyeol's, ran down to her building.
And our Baby Jesper... is there, sitting on the backseat, his face white with fear and nervousness. I smiled at him and gestured for him to come to me.
Agad ko siyang kinalong. "You afraid?" tanong ko at walang anu-ano'y tumango siya. I sighed and kissed his forehead feeling his body relax.
"We'll send you to your room then." agad na sabi ni Chanyeol at agad namang nanlaki ang mata ni Jesper.
"Really, Daddy?" gulat na sabi nito at tumango naman agad si Yeol.
"Of course!" masayang sagot nito. "I can't let your first day be ruined. Right, babe?" tanong pa niya sabay tingin sakin.
I nodded fast and opened the door of the car. "Yes, of course." sagot ko saka bumaba ng sasakyan habang buhat-buhat si Jesper. Agad naman na sumunod si Chanyeol at kinuha sakin si Jesper.
Kumapit ako sa braso ni Yeol at saka kami naglakad papunta sa room ng Grade 1.
And I was utterly surprised to see Kim Jongdae there.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top