SC: Chan Hyun's Chapter
Napatingin ako kina Daddy at Papa na magkatabi habang nanonood kami ng movie dito sa sala. If I Stay ang title. Libro daw to eh, pero ginawang movie. Yung tungkol kina Mia at Adam.
*sniff* *sniff*
Nilingon ko si Papa at nakita siyang umiiyak. "Papa," tawag ko habang nakakunot noo. "Is it really that sad?"
Napatingin naman sakin si Papa at nag-eyeroll. Hay! Mana talaga sakanya si Min.
"Anak, syempre hindi mo pa mage-gets kasi hindi ka pa naman in love!" depensa ni Papa at natawa naman si Daddy. "Grade 6 ka palang. Bata ka pa."
Napa-iling nalang ako bilang sagot. Niyakap naman ni Daddy si Papa na para bang kino-comfort niya ito.
Bat kaya ganun? Tatlo na ang naging anak nila pero para bang bagong kasal sila parati. Walang time na nakita ko silang nag-away ng sobra.
Sobrang mahal na mahal nila ang isa't isa.
Ang isang bagay pa, hindi makapaniwala ang mga classmates ko na they are my parents. Parang kapatid ko lang daw.
Ganun na ba ka-gwapo ang mga magulang ko kaya ganun?
Well, I could say the same to Uncle Kai and Uncle Kyungsoo, Ji-eun's parents.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang maalala si Ji-eun.
Teka... sinabi ko ba yun?! Hala! Hindi ah!
I just shook my head and tried to push away that thought. Gross. Ang sungit-sungit nun eh. Hindi ako magkaka-crush dun.
Nilabas ko nalang ang iPhone ko para maglaro. Mas mabuti pa to kesa mag-isip ng kung anu-ano.
Maya-maya pa, natapos na ang movie nang hindi ko manlang napansin. Tumayo na si Papa habang buhat-buhat ang natutulog na Min. Pero umupo lang ako sa sofa at pinanood silang umakyat sa hagdan.
"Hey, Chan." napalingon ako at tumingin kay Daddy na naka-upo palang sa sofa. Tumayo ako at tumabi sakanya.
"How's school?" tanong niya at pinatay ang TV gamit ang remote. "Mukhang hindi ka na nagku-kwento sa amin ah."
Napangiti nalang ako ng maliit. "School's fine, Daddy." sagot ko. "I top my class. Always."
Totoo naman. I always top my class. I would never let anyone go ahead of me. Kahit yung studies ko manlang ang regalo ko kina Papa at Daddy.
Tumango naman si Daddy at ngumiti. "That's good." sabi niya. "How about Ji-eun?"
I gulped.
Ji-eun?
Napa-iwas ako ng tingin. "J-ji-eun?" tanong ko. "S-she's fine." Bat ba napaka sensitive na topic nung taong yun?!
Napakunot noo si Daddy at isang malaking ngiti ang nagpakita sa mukha niya. "Are you... crushing on her?" tanong niya habang natatawa.
Nanlaki naman ang mga mata ko at naramdaman ang pamumula ng mukha ko. "T-teka, Dad!" sigaw ko. "I'm too young for that!" depensa ko naman.
They always say that. That I'm too young. And I know it.
Napa-iling si Daddy habang natatawa. "Pareho kayo ng Papa mo everytime that you try to deny something." sabi niya. Pero bigla niyang pinat ang ulo ko at naging seryoso ang mukha.
"You know, Anak." he said at tumingin ng diresto sakin. "You don't find love. Darating nalang yan. Tama ka, bata ka pa nga. So I want you to concentrate on the things you have for now. Madami pang tao ang darating sa buhay mo. You just have to wait. Listen to me... cause I know." then he stood up and winked.
Tumango ako at pinanood si Daddy na paakyat sa kwarto nila.
He's right. I just have to wait.
Parang sila ni Papa. They waited.
Kinabukasan...
Napatakbo nalang ako sa elevator dahil super male-late na ako sa klase ko. Nasobrahan ata ang paglalaro ko kagabi kaya late na ako nagising.
"Please Swipe your ID"
Yan ang sabi sa may elevator kaya naman agad kong hinalungkat ang bag ko.
San ko ba kasi nilagay ang ID ko?! ARGH!
Sobrang dami naman kasing nilagay si Papa sa bag ko! Pagkain, jacket, bottled water, extra clothes, tissue. Hindi naman na ako baby ah!
"Lying beside you
Here in the dark
Feeling your heart beat with mine."
Napatigil ako nang marinig ang kumakanta na yun.
Sobrang ganda ng boses na para bang anghel. Ngayon lang ako nakarinig ng ganun. SINO YUN?!
Napatingin ako sa paligid at hinahap ang pinanggagalingan ng boses. Mamaya na ang ID na yun, I need to find kung sino ang kumakanta.
"So now i come to you
With open arms.
Nothing to hide.
Believe what i say..."
Napatigil ako sa harap ng isang pinto.
"Music Room"
"So here i am
With open arms.
Hoping you'll see
What your love means to me.
Open arms."
Sobrang ganda ng boses ng babaeng to. Kung sino man siya.
Matinis pero maganda. Halata mong bata palang ang kumakanta.
Parang naging abnormal ang tibok ng puso ko.
Para akong... inlove?
Napangiwi ako sa salitang yun. Inlove?! Ako?! Imposible!
Pero naramdaman ko nalang ang pagpunta ng kamay ko sa door knob ng pinto. Inikot ko ito at nagulat na bukas pala.
Marahan ko itong binuksan at mas lumakas ang tunog... ang boses niya.
Sumilip ako at nagulat kung sino ang naka-upo sa high chair.
Ji-eun?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top