Married 6




* * * * *



~Park Chanyeol~




Inayos ko pa ang jacket ko habang hinihintay si Baekhyun. Napatingin ako sa suot kong relo. 10:45 palang ng umaga. Masyado ata kaming maaga.



"Chanyeol, hindi ba kayo malelate?"



Tinignan ko si Jessica habang buhat-buhat niya si Chan Hyun. Siguro naman natatandaan niyo siya? Siya yung stepsister ni Baek na medyo naging masama sakanya noon. But we're all in good terms now. Siya ang babysitter ni Chan kapag umaalis kami. Minsan ay si Krystal din. Pero wala ata siya sa bansa ngayon.



Umiling ako at ngumiti. "Actually, sa tingin ko maaga pa nga eh. 12 noon ang usapan." explain ko sakanya.



Natawa ito at binigyan ng toy lego si Chan Hyun. "Bat kasi ang aga niyo? Excited?" natatawang tanong niya.



"You could say that." I joked and smiled.



Tumingin ako sa anak ko na sobrang absorbed sa binubuo niyang lego. "Son," I called at tumingin siya sa akin. "You behave, okay? Aunt Jessica would take care of you so don't give her any problems." seryoso kong sabi.



Tumango ito. "Sure, Daddy. Just don't forget my pasalubong." 



I brushed his hair. "Of course, baby." I muttered.



Nakarinig ako ng footsteps mula sa hagdan kaya naman nilingon ko ito. And of course... my heart would always skip a beat.



Baekhyun is wearing simple shirt and pants. May nakatali na jacket sa bewang niya and the unicolor Converse sneakers he's wearing completes his casual outfit. And as usual... he looks perfect.



For me, of course.



"Ano? Let's go?" nakangiting tanong niya when he approached me.



But I didn't answer. I just stared at him with a big grin plastered on my face.



Nag-iba ang expression niya at bigla siyang namula. Bigla niya akong pinalo sa braso. "Chanyeol!" naiinis na sita niya.



I laughed and grabbed his waist. "Sorry. You just take my breath away." I whispered against his ear.



Narinig ko naman ang tawa ni Jessica sa likod ko at sabay kaming napatingin sakanya. She pursed her lips and tried not to laugh pero si Baekhyun na din ang nagsimulang ngumiti.



"Umalis na nga kayo!" sabi ni Jessica at tinulak kami paalis. "Naiinggit na ako eh." nakapout na sabi niya.



"Wait." natatawang sabi ni Baek at lumapit kay Chan Hyun para halikan siya sa noo. "Be good, anak ah." he said with a smile.



Ngumit si Chan and he kissed Baek on the cheeks. "Yes, Papa."























I just held Baekhyun's hand while driving. May driver man kami, gusto kong ako ang nagda-drive tuwing nagde-date kami.



Yes. We're going on a date today. Ginagawa namin ito twice a month or more to maintain our relationship strong. Kahit pa gaano kami ka-busy, hindi dadaan ang isang buwan na hindi namin naso-solo ang isa't isa.



But today is different. Kasi triple date siya. We're with HunHan and KaiSoo. 



Baekhyun's phone started to ring and he grabbed it with his free hand. "Hello?" Napatingin siya sakin. "Yes. Malapit na kami. Asan ba kayo?"



I returned my glance on the road.



"Okay. We're on our way. Bye." I heard him say and he hung up.



"Who was it?"



"Si Kyungsoo." sagot ni Baek. "Andun na daw sila sa amusement park." natatawang sabi niya.



Nanlaki ang mga mata ko. "What?" gulat kong tanong. "Amusement park? Like seriously, Baek?"



Tumango si Baek habang natatawa.



"I thought we'll watch a movie?" I asked him.



He shrugged. "Change of plans, maybe?" nakangiting sabi niya.



I rolled my eyes. "We're not teenagers." I whined which made Baek laugh.



"Channie," he cooed. "Let's just enjoy the day. Isa pa, cliche na ang sine at pagkain sa mamahaling restaurants."



Napa-iling nalang ako habang napapangiti. "Those guys."



Natawa si Baek. "It'll be fun. Promise." he said then touched my arm.



I looked at him and I would fall for him entirely. Again.



I pursed my lips. "Fine."





















"Chanyeol! Baekhyun!" Luhan waved his arm in the air, getting our attention. 



Patakbo naman akong hinila ni Baekhyun papunta sakanila.



"Kyungie! Lulu!" sigaw ni Baek at nagyakapan ang tatlo habang tuwang-tuwa.



I rolled my eyes while laughing. Then Kai lightly punched me on the arm. "Yo bro." natatawang sabi niya.



The three of us shook hands. "Kai, kelan mo ba balak mag-invest na sa amin?" I asked him. Medyo matagal na din naming pinag-uusapan ang pagiging partners sa negosyo. Busy lang kasi si Jongin sa army kaya hindi kami madalas magkita.




"I'm still planning, you know. May mga problema pa---"



Napatigil siya when Kyungsoo slapped his arm. "Kai! Huwag nga kayong mag-usap tungkol sa trabaho ngayon." sita niya sa amin. "We're on a date for Pete's sake!"



Napakamot nalang si Kai sa ulo niya at niyakap nalang si Kyungsoo. "Sorry, love. Hindi na mauuulit." nakangiting sabi niya.



Kyungsoo just rolled his eyes but took Jongin's hand in his.



Naramdaman ko naman bigla ang pagpulupot ni Baekhyun ng braso niya sa bewang ko. I looked at him and smiled as put my arms around him. "Where's Sehun and Luhan?" I asked then kissed his hair.



"Bumili ng tickets." he answered then rested his head on my chest.



Hinanap ng mga mata ko yung bilihan ng tickets but noticed something else. Ang daming mata ang nakatingin sa amin and they are all smiling. May nakita pa kaming grupo ng mga babae na nagtutulakan papunta sa amin. I smiled then shook my head.



"Channie," bulong ni Baek at nag-pout. "I think I'm hungry."



I raised my brow and smirked. "Hungry for what, Baek?" Sinundot niya ang tagiliran ko which made me yelp. "Baek!" I laughed.



"I'm hungry for food, perv." he said habang nakatingin sakin ng masama.



I looked around the park. "Let's buy food then." tawag ko at hinila siya sa may bandang right ng entrance. May mga stalls dun na nagbebenta ng kung anu-anong pagkain.



Napatingin sa amin ang lalakeng nagbebenta. He's young at nang tumigil kami sa harap niya, agad siyang napatingin kay Baekhyun. Okay lang naman sana. Kaso masyado atang matagal yung titig na binigay niya sa asawa ko. 



"A-ano pong gusto niyo, ma'am?" tanong niya kay Baekhyun. Sa kanya lang.



Napangiti si Baek at mukhang pinipilit niyang hindi matawa. Don't give him that smile, Baek! Argh!



"I'm a guy." nakangiting sabi ni Baekhyun. "Gusto namin ng---"



"Lalake po kayo?!" gulat na sabi nung vendor pero hindi parin nagbabago ang tingin niya kay Baekhyun. "Ang ganda niyo naman."nahihiya pang dagdag niya.



"Thank you!" natatawang sabi ni Baek. "Um. Anyway, gusto namin ng--"



"P-pwede pong... malaman yung pangalan niyo?" nakangiting tanong nung lalake.



I clenched my fist and look at Baekhyun. Tumingin din siya sakin at halata ata sa mukha ko ang inis dahil agad na nawala yung ngiti sa mukha niya. He bit his lip, trying not to pout.



"A-ah," simula ni Baekhyun at hinawakan ang kamay ko. "Sorry but, I'm with my husband." sabay tingin sakin.



Napalunok yung lalake nang mapansin niya ako. He's obviously a lot shorter than me kaya naman napatungo siya. I gave him a death glare.



"S-sorry po." sabi nito at tinanong nalang ang order namin.



Matapos naming bumili ay asar na asar parin ako sa lalakeng yun. At mukhang nahalata ito nina Kai.



"Ampait ng mukha mo." natatawang sita sakin ni Sehun.



Pinanood ko naman si Baek habang nakikipagtawanan kina Luhan. Nakapila na kami papasok sa park.



"Nag-away ba kayo ni Baekhyun?" tanong ni Kai habang kinakain yung burger na dapat sa akin. Takaw talaga neto, hindi lang sa chicken.



Umiling ako. "No." I answered. "It's just annoying how people, especially men, look at Baekhyun na para bang may gusto sila sakanya." reklamo ko.



Napa-iling si Sehun. "I can feel you, bro. Ganun din naman sila kay Luhan ko eh. Especially, mukha siyang babae."



Natawa si Kai. "Well, I just punch those who try to touch my Kyungsoo." naka-smirk na sabi nito. "Mas madali yung ganun."



I scoffed then rolled my eyes.



Maya-maya pa, patakbong lumapit sa akin si Baek. "Chanyeol! Mag-rides na tayo, dali!" tawag niya sakin.



I laughed and my mood suddenly lightened up again. Siya lang naman nakakapag-pasaya ng araw ko ng ganito kabilis.



I held his hand, "Where to, babe?"





* * * * *





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top