Married 5
* * * * *
~Park Baekhyun~
"Another round?" tanong ni Chanyeol at tumingin sakin habang naka-smirk. He started to caress my stomach again... at pababa nang pababa ang kamay niya.
Napa-irap ako. "Hindi ka pa ba pagod?" tanong ko habang malapit nang pumikit. Natawa siya sa tanong ko.
"No." simple niyang sagot at hinalikan ang ulo ko. "I would never get tired of your moans." then he chuckled.
I lightly punched his chest then gulped. Wow muscles.
He grabbed me and started to kiss me again. I placed my hand at the back of his head and--
"Daddy! Papa! We're home!"
Napabalikwas ako sa kama at ganun din si Chanyeol. "Oh shoot." narinig ko pang bulong niya at kinuha ang damit namin sa sahig. He started to dress at ganun din ang ginawa ko.
"Chanyeol! Hindi pa tayo naghugas!" sigaw ko sakanya nang palabas na siya ng pinto.
He rolled his eyes, laughing. "Babe! No need. Come on." tawag niya at iniangat ang kamay niya. I took it habang tinitignan siya ng masama.
Sa ibaba ay nagkalat ang kung anu-anong paper bags at gamit. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kadumi ang damit ni Chan Hyun. Agad ko siyang nilapitan at binuhat.
"Anak, what happened to you?" nag-aalalang tanong ko. "Napa-away ka ba sa park?"
May iniabot naman na damit sakin si Chanyeol at pamunas. Agad kong ibinaba si Chan Hyun at binihisan.
"Hindi ako napa-away, Papa." explain ng anak namin. "It's Mamita. She bought a lot of food!" sabay gesture gamit ang kamay. "I finished them all!"
Napa-iling si Chanyeol at napahawak sa noo niya. "Where's your Mamita, Chan?" tanong niya habang tumitingin sa paligid. Baka nagtatago lang si Mama eh.
Chan Hyun shrugged. "She just dropped me, Daddy. May gagawin pa daw siya eh." sabi niya at naglakad papunta sa sofa namin pagkatapos ko siyang bihisan. Humiga siya doon at tumingin sa TV.
"Pororo, Papa." he muttered at tumingin sakin. Napa-sigh nalang ako at binuksa ang TV. Bakit pa kasi naimbento si Pororo eh. Naadik tuloy yung anak ko. Isama mo pa si Chanyeol na adik na din.
Pumunta naman ako kay Chan Hyun at inihiga ang ulo niya sa lap ko. Tumabi naman sakin si Chanyeol at saka yumakap.
Mga ilang minuto palang kaming ganun nang magsalita si Chan Hyun. "Papa, you smell weird. Also with Daddy. Why is that?" takang tanong niya habang nakatingin parin sa TV.
Nagkatinginan kami ni Chanyeol at binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin. Pero napangiti lang siya at umiling. "Umm..." simula ko pero hindi ko talaga alam ang sasabihin.
"We just ate something a while ago, Chan." seryosong explain ni Chanyeol. Napatingin ako sakanya at nag-wink naman siya.
Hindi na sumagot si Chan at nanood nalang. I rested my head on Chanyeol's shoulders and he rested his head on mine.
'ding dong'
Binuksan agad ng isa naming maid ang pinto at maya-maya pa, bumalik siya ng may nag-aalalang ekspresyon sa mukha.
"Sir Baekhyun, may naghahanap po sa inyo." sabi nito.
Napakunot noo ako. "Wala naman akong inaasahan ah." nagtatakang sabi ko kay Chanyeol. Napa-shrugg siya.
"Sino daw po, manang?" tanong ni Chanyeol dun sa maid.
"Michaela daw po, sir?" hindi sure na sabi nito.
Nagkatinginan kami ni Chanyeol. Bat anong kailangan ng babaeng yun?
Tumango ako at tumayo pero hinawakan ni Chanyeol yung kamay ko. "Gusto mong samahan kita?" tanong niya.
Umiling ako. "Kaya ko na to, ano ba?" sagot ko naman at ngumiti.
Tumango nalang siya at kinuha ang natutulog na pala naming anak. Binuhat niya si Chan Hyun at kinalong.
"I'll wait for you." bulong pa niya at pinanood akong lumabas ng bahay.
Isang lasing at umiiyak na Michaela ang nakaharap ko sa may gate. Kalat na ang make-up niya sa mukha niya at magulo ang damit at buhok.
"Hoy Baekhyun!" sigaw niya ng makita niya ako.
Tinignan ko siya ng masama. "Anong kailangan mo?"
"Ang kapal mo!" sigaw niya sabay duro sakin. "Why do you have this life?!" sabay turo niya sa bahay namin. "Why do you deserve my happiness, huh?!" galit pa na sigaw niya.
I crossed my arms. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Michaela." I answered coldly.
Napatawa siya ng sarcastic at tumingin sakin ng masama. "You stole everything from me, Byun Baekhyun! Ikakasal naman dapat ako kay Chanyeol eh. He could be mine! Pero bat umeksena ka pa?! Why did you even show up at the ball?! Why did you even exist in this world?!" galit na sigaw niya.
Inirapan ko siya. "Pumunta ka lang ba dito para sabihin sakin lahat ng iyan?" tanong ko. "I'm telling you now, masasayang lang yang pagod mo."
Napatingin siya sa paligid at sa bahay namin. "You ruined my life, Baekhyun." seryoso niyang sabi. "Sisirain ko din ang buhay mo. You, your son, and Chanyeol. Humanda kayo cause I'll make sure that you'll regret the time you became first and made me second. I'll get everything back, btch. Lalong-lalo na ang asawa mo."
Ginamit ko lahat ng control ko para hindi siya sakalin. Pagbantaan ba naman ako?! Sa sariling teritoryo ko pa?!
"Go away, Michaela." I hissed through gritted teeth. "Magpalamon ka nalang sa insecurities mo, tutal mukhang doon ko naman magaling. Huwag na huwag mong gagalawin ang pamilya ko, walang hiya ka. And how dare you to even talk to me that way? Just back off! You want to ruin my family? Then good luck on that." I smirked at tumalikod na sakanya.
Naglakad na ako pabalik sa bahay namin.
"Mamahalin din ako ni Chanyeol!" sigaw niya pa mula sa likod ko.
I rolled my eyes.
As if.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top