Married 3






* * * * *



~Park Baekhyun~




Lutang lang ako habang nakaupo sa isa sa mga swivel chairs dito sa conference room nina Chanyeol. Siyempre, siya ang nasa head chair at nasa kanan niya ako. Samantalang kalat sa gilid ng mahabang conference table ang mga members ng board. 



Ang daming sinasabi na reports pero hindi naman ako interesado. Kaya naman na ni Chanyeol yan eh. Isang bagay lang kasi ang tinitignan ko... Si Michaela. 



Osige nga? Paanong hindi ko siya mapapansin kung hindi din siya nakikinig sa reports?! Nakatingin lang siya sa asawa ko habang naka-smirk. Para bang hinuhubaran niya si Chanyeol sa mga titig niya. Isama mo pa ang pakagat-kagat niya sa labi! WAAAAAHH!!! Pwede bang looks could kill nalang?! 



Tuwing titignan ko si Chanyeol, naka-frown lang ito habang nakatingin sa nagrereport. Naka-concentrate lang naman siya sa trabaho eh, punyeta lang yung malanding pinsan niya na yun. 



Hindi ko napansing nakatitig na pala ako ng matagal kay Chanyeol at bigla siyang napatingin sakin. "Why?" he mouthed. 



Bigla naman akong bumalik sa katinuan at umiling habang nakangiti. 



He frowned at tinitigan ako. "May problema ba, Baek?" bulong niya. 



"Wala." sagot ko. But he suddenly held my hand na nakapatong sa table. He caressed it saka binalik ang tingin niya sa nagrereport sa harap. Hawak-hawak lang niya ang kamay ko while his thumb keeps making small circles at the back of my palm. It's a simple caress. And very much assuring. 



Napatingin ako kay Michaela at nakatingin siya sa mga kamay namin. Tinignan niya muna ako ng masama bago umiwas ng tingin. Hay! Bish please.



Napabitaw ako sa kamay ni Chanyeol nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko na nasa pocket ng pants ko. Inilabas ko naman ito at may message mula sa school nina Chan Hyun. 




From: Chan Hyun's School Admin


Classes were suspended due to the faculty's emergency meeting. Please do pick up your child/children from the school immediately. 

Thank you. 




Napatingin ako kay Chanyeol at pinabasa ang text. Napa-frown siya at nilabas ang phone niya. "I'll text our driver so he could bring Chan here. Wala siyang kasama sa bahay." 



"Ako nalang pupunta." bulong ko kay Chanyeol. Agad naman siyang umiling. 



"Stay here, Baek." sabi niya. "I need you here right now." 



Nag-isip muna ako bago tumango. 



















Mga ilang minutes din bago natapos ang huling presentor. Matapos nun ay tumayo si Chanyeol mula sa kinauupuan niya. "Before we discuss the reports, I would like to introduce everyone to the new member of the board, Miss Michaela Chua, the daughter of my uncle Edward Chua." 



Tumayo naman si Michaela and she bowed sheepishly sa mga board members. Mukha siyang mabait, but judging by the looks sa mukha ng mga board members, wala silang tiwala sakanya. Masyado siyang walang experience para sa mga ganito. Ang laki pa mandin ng shares na hawak niya. 



"And of course, first time with us today is my husband, Baekhyun." sabi niya and gestured towards me. 



Nag-bow naman ako sa harapan ng mga members habang naka-smile. Ngumiti sila sakin at nag-bow din. 



"So the report about---" simula ni Chanyeol pero napatigil siya nang bumukas ang pinto ng conference room. 



"Daddy!" isang tumatakbo at hingal na hingal na Chan Hyun ang tumakbo papunta sa amin ni Chanyeol. 



Nanlaki ang mga mata namin at agad akong napatayo para buhatin siya. "Papa! Daddy!" sigaw niya at mukhang malapit na siyang maiyak. 



Bumukas ulit ang pinto at pumasok ang secretary ni Chanyeol na halatang takot na takot. "Sir, sorry po. Sabi ko po may meeting kayo, pero nagpumilit po siyang pumasok eh." naiiyak na din na sabi nito. 



Umiling si Chanyeol. "It's okay, Mae. Next time, when Chan Hyun wants to enter here, let me know. Understood?" 



Tumango si Mae at napa buntong hininga. "Yes, Sir. Sorry po ulit." at lumabas na ng office. 



"Papa! That girl is bad! She keeps blocking the door." sabi niya at yumakap sa leeg ko. I caressed his back, soothing him. 



"It's okay, baby. You're here now." bulong ko sakanya. 



Napahikbi si Chan Hyun at mas humigpit ang yakap sakin. "I was so afraid, Papa..." bulong niya habang nakabaon ang mukha niya sa balikat ko. "I thought she took you away from me..."



"Chan," tawag sakanya ni Chanyeol. "It's okay. Relax. Papa and Daddy's here." 



Tumingin sakanya si Chan Hyun at tumango. Unti-unti na ding tumigil ang pag-iyak nito saka pinunasan ang sariling mukha. Bat ba ang lakas ni Chanyeol sa anak namin?




















Nagda-drawing lang si Chan Hyun habang kalong ko siya. Kinuha niya ang planner at ballpen ni Chanyeol at nagsulat ng kung anu-ano doon habang tuloy ang meeting. Hindi naman siya maingay kaya ayos lang. 



Pansin ko din naman ang masasamang tingin na binibigay ni Michaela sa anak namin. Pati ba naman bata?! Grabe. Ang sakit talaga sa bangs ng babaeng yun.



"Papa," bulong ni Chan Hyun at tumigil sa pagsulat. "Who's that girl?" sabay turo niya kay Michaela. 



Agad ko namang binaba ang kamay niya. "Chan, bawal magturo ng tao. That's bad." bulong ko sakanya. 



"Sorry, Papa." sagot niya. "But who is she? She looks different." 



Napatingin ako kay Michaela at salamat naman dahil hindi siya nakatingin sa amin. Oh well, nakatingin siya kay Chanyeol na nagsasalita. Yun lang. Argh! Kaasar! 



"She's the new member of the board, baby. She's your father's cousin." explain ko sakanya. 



"So, she's my aunt?" tanong niya. 



Napa-isip muna ako bago sumagot. "Technically, yes. But... no. She's not." 



Napakunot noo si Chan Hyun. "Your answers are weird, Papa." sita niya sakin. 



Napatawa nalang ako. "Mag-drawing ka nalang, baby." sabi ko naman at ginawa naman niya. 



Eh ayoko ngang mainvolve siya sa babaeng hukluban na yun! Iniisip ko palang, umiinit na ang ulo ko. Hmph.

























Nang magkita si na Chan Hyun at ang Mamita niya, agad siyang tinawag ni Mama. Ipapasyal daw niya sa park at arcade ang apo niya. Agad naman kaming pumayag ni Chanyeol pero nagpadala kami ng guard nila, syempre. 



At dahil, lola and apo time nila yun, hindi na kami sumama. 



Pagka-uwi namin sa bahay ay agad kaming naglinis ng katawan bago humiga sa kama. Sobrang nakakapagod din kasi ang araw na to kahit naka-upo lang buong araw sa opisina. Syempre, hindi man gumagalaw ang katawan mo ay todo trabaho naman ang utak mo. 




"Baek..." tawag ni Chanyeol at niyakap ako. 



Agad ko din naman siyang niyakap pabalik. "Hm? What is it?"



He kissed my hair, caressing my back slowly. 



"I'm feeling horny." seryosong sabi niya. 



Agad kong tinaas ang ulo ko at nanlalaki ang mga matang tumingin sakanya. "Ano?! Hindi ka ba napagod sa trabaho?" gulat na tanong ko. 



Hinila naman niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi. "No." bulong niya. Nilipat niya ang labi niya at hinalikan ang tenga ko. I shivered. "I will never get tired, lalo na pag ikaw ang uuwian ko." he whispered huskily. 



Agad akong nakaramdam ng kakaibang feeling dahil sa sinabi niya. I closed my eyes as his hands started to travel under my shirt. "Yeollie..." I moaned. I just can't control it. "U-uuwi na mamaya sina C-Chan..." hirap kong sabi. 



He kissed my neck and sucked. "We'll be fast, babe." bulong niya. 



I rolled my eyes and sighed. But when Chanyeol started caressing my waist higher and higher, I grabbed his face and kissed him torridly. 





* * * * *







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top