Married 15






* * * * *



~Park Baekhyun~




Marahan kong inayos ang pagkakahiga ni Chan Hyun sa sofa. Mana talaga siya kay Chanyeol sa sobrang gulo niya matulog. Nagsi-siesta siya ngayon dito sa sala.



Tumayo ako at pumuntang kusina. Nakaramdam kasi ako bigla ng uhaw.



"Sir Baekhyun, ako na po!"



Napalingon naman ako at nakita ang isa naming katulong na papalapit sa akin.



Umiling ako at naglakad papunta sa ref. "Hay nako, manang. Ako na po." sabi ko at kumuha ng isang baso at nilagyan ng tubig.



"Si Sir naman." sabi ni Manang at kumamot sa ulo. "Wala naman akong ginagawa eh, dapat nag-utos nalang kayo. Bilin pamandin ni Sir Chanyeol na huwag kayong pagurin."



Natawa ako sa sinabi ni manang. "Ano ka ba, manang? Kukuha lang ako ng tubig, hindi maglalaba." sabi ko habang natatawa. "Eh teka manang, asan yung tatlong katulong na kasama mo?"



"Ay nag-grocery po Sir Baekhyun. Ako lang po naiwan dito sa bahay." sabi naman niya.



Tumango-tango ako. "Sige manang, akyat ka na muna sa kwarto mo. Magpahinga ka muna." sabi ko at nilagay ang baso sa lababo.



Sumunod naman si Manang at umakyat na nga. Kailangan din naman nilang magpahinga no. Buong araw silang nagta-trabaho.



Napabilis ang paglakad ko pabalik sa sala nang may marinig na malakas na ingay. Baka nahulog na si Chan Hyun sa sahig!



Kahit na medyo sumasakit na yung likod ko ay binilisan kong bumalik. At isang nakakakilabot na tao ang nakita ko.



"M-michaela?" 



Nakatayo siya sa gilid ng sofa at nakatingin sa natutulog naming anak. Bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ko. Anong gagawin niya sa anak ko?



Napatingin sakin si Michaela at ngumisi. Namumula yung mga mata niya na para bang wala siyang tulog. Nakapantalon siya at t-shirt. Naging kulay pula na din ang buhok niya.



"Hello, Baekhyun." nakangising sabi niya at tinaas ang isang kamay.



May hawak siyang baril.



Napalunok ako. Mamamatay na ba ako? Kami?



Napatingin ako sa pintuan. Kailangan naming tumakas pero sobrang layo ko kay Chan Hyun.



"Hay!" biglang sabi ni Michaela kaya napatingin ako sakanya. Naglakad siya ng mabagal papunta sa gilid ng sofa at umupo sa ulunan nito. "Huwag mo nang isiping tumakas, Baek. Pinatay ko na silang lahat. Boom." sabi niya at tumawa ng malakas.



Isa lang ang alam ko ngayon. Nababaliw na siya.



"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Pilit kong tinago ang takot sa boses ko pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Sobra.



Hindi lang para sa akin kundi para sa dalawa kong anak.



"I killed them all with this gun!" sigaw ni Michaela. "Stupid Chanyeol for putting stupid guards! Sobrang dali, Baekhyun. Sobrang dali." sabi niya habang umiiling.



"P-pero may nakarinig na dapat sayo." sagot ko na kinatawa niya.



Tumayo siya at inikot ang baril sa kamay niya. "With this silencer?" at tinuro ang silencer na naka-kabit sa baril. "I don't think so."



Tumigil siya sa may TV at tumingin sakin. Puno ng galit ang mga mata niya. Galit na hindi ko alam kung paano na-contain ng pagkatao niya.



"Ang swerte ko diba, Baek?" sabi niya at ngumiti. "I'm lucky to have this reunion with you. Sayang nga at wala si Chanyeol. Pero okay lang. Kasi pag patay ka na at yang anak niyo, kami na ang magsasama!"



Umiling ako. "Hindi mangyayari yan."



"ANONG HINDI?!" sigaw niya at tinutok sakin ang hawak niyang baril. "Papatayin kita ngayon, Byun Baekhyun! Ikaw at yang dalawa mong anak! Iniisip ko nalang ngayon kung sino ang uunahin ko. Nahihirapan kasi ako eh." sabi niya at ngumisi.



Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.



Napatingin ako sa natutulog kong anak at ganun din si Michaela. "Ano? Siya nalang ba ang uunahin ko?" nakangiting sabi niya at nilipat kay Chan Hyun ang baril.



"Huwag!" sigaw ko habang umiiyak. "Huwag pakiusap, Michaela! Huwag mong saktan ang anak ko!"



"Hindi!" sigaw ni Michaela habang nanlilisik ang mga mata. "Sinaktan mo ako Baekhyun! Kaya dapat, masasaktan ka din! Dapat nahihirapan ka din! Dapat maramdaman mo lahat ng pinadama mo sakin noon at hanggang ngayon! YOU DESERVE TO DIE!!!"



Lumuhod ako agad habang umiiyak. "Michaela please!" sigaw ko. "Ako nalang ang saktan mo. Huwag ang anak ko."



Umiling si Michaela habang hindi parin inaalis ang pagkakatutok ng baril kay Chan Hyun. "No." mariin niyang sabi. "I would torture you, Baekhyun. I'd make you feel every single pain you've caused me. I deserve everything you have now. I deserve your life!"



Naglakad siya papalapit kay Chan Hyun at dinampi ang baril sa ulo niya. "What now, Baek?" tanong niya at ngumisi.



"HUWAG!" I screamed. "Gagawin ko lahat, Michaela! LAHAT! Itigil mo na to, please! Tama na! Tama na." humagulgol na ako sa sahig at napatakip nalang sa mukha ko.



Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko, mamatay na ako ngayon palang. Si Chan Hyun. Hindi ko siya kayang mawala. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.



Biglang tinapat sakin ni Michaela ang baril. "Bakit, Baek?" simula niya at nakikita ko ang luha na malapit nang tumulo mula sa mata niya. "Pag sinabi ko bang iwan mo si Chanyeol gagawin mo? Pag sinabi ko bang patayin mo ang sarili mo ngayon gagawin mo? Ha?" Naglakad siya papalapit sakin. "Hindi naman diba? Kasi hindi mo kaya! Ano ha?!"



Napatungo nalang ako habang umiiyak.



Tama siya. Hindi ko kaya.



Tumigil siya at bumalik sa tabi ng sofa. Medyo malayo sa amin ni Chan Hyun.



"Eh kung ikaw nalang kaya unahin ko Baekhyun?" tanong niya at ngumiti.



Napatayo ako at napayakap sa tiyan ko. 



"Michaela..." I begged. "Please. Tama na." 



"Now you're begging." then she faked a pout. "But it's too late, b*tch."



Then she pulled the trigger.



"AH!" I gasped at the sudden pain on my waist.



Napahawak ako sa bewang ko habang naririnig ang tawa ni Michaela. Naramdaman ko ang paglabas ng dugo mula sa akin.



Napaupo ako sa sahig at napapikit sa sobrang sakit.



Suddenly, there was another gun shot and footsteps.



"BAEKHYUN!"



Chanyeol?



Unti-unting bumabagsak ang katawan ko sa sahig. Hanggang sa isang braso ang yumakap sa akin.



Si Chanyeol.



"Baekyun!" sigaw niya at pilit na ginigising ako.



Pero halos hindi ko na siya makita. Wala na akong makita o maramdaman.



"Baby, please!" sigaw niya as he continue to shake me. "Hang on. Please hang on." he sobbed as he kiss my head.



"Papa!" Chan Hyun was crying. Nararamdaman ko ang mga maliliit niyang kamay sa katawan ko. "Papa wake up!"



And then I was numb.


















~Park Chanyeol~




I hugged Chan Hyun as tightly as I can. Natatakot akong pati siya, hindi na totoong andito at ligtas. 



Baekhyun was shot.



At wala akong nagawa.



I'm useless.



"D-daddy." Chan sobbed as he hugged me. "Papa would be okay, right?"



I kissed his head and caressed his back. "Yes." I answered. "He would be alright baby."



He would be fine, Chanyeol. He would be fine.



"And Hyun-Ae?" ChanChan asked with tears in his eyes. "She would be fine, right?"



I hugged my son tighter. "Yes, baby. Your baby sister would be as fine."



"Chanyeol."



Napatingin ako and saw Kai standing with Kyungsoo.



"Chan Hyun." Kyungsoo called and raised his hand. "Come here."



Binigay ko si Chan Hyun kay Kyungsoo at tumayo para kausapin si Kai.



"Michaela's dead." Kai said firmly. "You killed her."



I nodded. "I came home to kill her." I answered. "Wala akong pakialam kung kasuhan ako ng pamilya niya. She deserved to die."



Pero umiling si Kai. "They won't file a case. Nag-so sorry sila actually. Michaela was crazy enough. Tumakas siya sa rehab."



I don't really care now.



Si Baek at ang anak namin. They are all that matters now.



Umiiyak na dumating sina Sehun at Luhan. But I don't have the guts to talk to them.



Pakiramdam ko, ang hina-hina ng katawan ko. I would never live a life without Baekhyun. Hindi ko kakayanin. I might die.



I might really die.



"Mr. Park?"



Napalingon ako sa doctor na lumabas mula sa operating room. Halatang nagmamadali siya dahil nang makita niya ako, agad siyang lumapit sakin.



"Doc---"



"We don't have much time," mabilis niyang sabi. "We did everything we can. But... We can't save them both, Mr. Park. You have to choose. Right. Now."



I can't even speak. Wala akong maramdaman.



"Code blue! Code blue!" sigaw ng isa pang doctor mula sa operating room.



"Mr. Park," mariin na sabi ng doctor sa harapan ko. "Your husband or your daughter? Please. You have to choose who will live. Now."



And that's when everything just broke down.





* * * * *







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top