Married 11





* * * * *




~Park Baekhyun~




"Hindi ko kayo binabayaran para walang gawin! Paanong may nakapasok sa bakod namin kung ginagawa niyo lang ang trabaho niyo?!" 



Napatakip nalang ako ng tenga habang rinig na rinig ko mula dito sa kwarto ang sigaw ni Chanyeol sa baba. 



Nakita niya kasi yung box ng cake sa labas. I never knew magagalit siya ng ganito. 



"Papa..." takot na tawag ni Chan Hyun saka yumakap sa bewang ko. "Why is Daddy mad?" 



"It's nothing, anak." I said and rubbed his back. "Everything would be alright. Wait here." 



Tumayo ako at naglakad papunta sa railings kung saan nakikita ko ang sala mula dito sa second floor. 



"Paano pag may nangyaring masama sa pamilya ko?! What if that someone hurt Baekhyun and Chan Hyun?! May magagawa ba kayo?! Mababalik niyo ba ang pamilya ko?! Answer me!" sigaw ni Chanyeol habang nakahawak sa bewang at tinuturo ang mga guards. Lima sila and yet, napasok parin kami. 



"Sorry, sir." bulong ng isa habang nakatingin sa sahig. 



Nakakatakot si Chanyeol ngayon. Sobrang galit ng mukha niya. Isama mo pa ang boses niyang malalim. Mas dobleng nakakatakot iyon pag sumisigaw siya. 



Napahawak sa noo niya si Chanyeol. Huminga siya ng malalim at napalitan ng pag-aalala yung mukha niya. "I... I just don't know what would I do if ever something happened to them." mahina niyang sabi pero sapat lang para marinig ng lahat ng nasa baba, kasama na ako. "Just please do your job. Gawin niyo lahat to protect my family. Ngayon lang may nangyaring ganito and I hope this would be the last." 



Napatango ang limang guards. "Yes, sir." sabay-sabay nilang sabi saka umalis at bumalik sa mga istasyon nila. 



"Throw that cake away." utos niya sa isang maid at agad naman na sumunod ito. 



Napatingin sa itaas si Chanyeol at nagtama ang mga paningin namin. Nag-iba ang expression sa mukha niya at saka ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Napahawak ako sa pisngi ko as I wiped the tears away. 



Umakyat agad si Chanyeol sa hagdan para puntahan ako. At agad niya akong niyakap. 



"Baby..." he cooed and caress my back. "...everything would be alright. I promise you that." 



Niyakap ko din siya ng sobrang higpit. Nararamdaman ko ang takot. "C-chanyeol..." I sobbed. "Natatakot ako."



Humiwalay si Chanyeol at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Hey." he gently said and wiped my tears with his thumb. "Look at me, Baek." 



Still crying, I stared right into his eyes. 



"I would never let anyone hurt you. Gagawin ko lahat. Lahat, Baek, just to make you safe. Mahal na mahal kita, okay? I love you so much. I would never live without you." he said and kissed my forehead. I nodded and wrapped my arms around him. 



"H-huwag ka nang u-umalis, please." I sobbed. Basang-basa na yung suit niya dahil sa mga luha ko. "N-natatakot ako, Chanyeol." I grabbed his suit hard as I cry. Hindi ko siya mabitawan. I just can't. 



He continued to whisper assuring words to me as he gently patted my back and brush my hair. 
























Sa kwarto na din namin natulog ulit si Chan Hyun. Takot na din kami ni Chanyeol na matulog siya sa kwarto niya. It's just too risky para sa amin. 



Nakayakap lang si Chanyeol sa amin. He's afraid to let go at ganun din ako. It seems like, mawawala ang isa sa amin if ever we'll let go. 



Gabing-gabi na pero hindi parin ako makatulog. Nakatingin lang ako sa labas. Pakiramdam ko, anytime, may masamang loob ang papasok at sasaktan kami. 



I'm being paranoid at alam ko yun. I hate this feeling. Kasama ata ito sa pagbubuntis. 



I held unto Chanyeol's hand and stared at it. Baka sakaling makatulog ako habang hawak ang kamay niya. I played with his fingers and marveled at the thought of them being long. 



Pero maya-maya, humigpit ang hawak ni Chanyeol sa kamay ko. I looked at him and saw that he's awake. 



"Still awake?" bulong niya while brushing my hand with his thumb. 



Tumango ako at pilit na ngumiti. "Yes. Hindi ako makatulog."  I whispered back. 



"Stop thinking about things, Baek. Makakasama sa baby natin yan." he said. 



I nodded. "Sorry. I just can't help it." 



Dahan-dahan na umupo si Chanyeol. He pulled me to him habang iniingatan na huwag magising si Chan Hyun. He kissed my hair. "Alam mo namang andito lang ako diba?" he asked. I nodded right away. 



"You know I'll never leave you, right?" 



I nodded again. 



"You know how much I love you. Am I right?" 



I nodded and wrapped my arm around his waist. 



"I love you too."  I murmured. 



"I know Baek. So please leave all the worry to me." he said, running a comforting hand over my back. "All you have to do is stay healthy and okay. Ibigay mo na sakin lahat ng problema, Baek. I'll carry them all. Just be safe, baby." 



"You know I can't do that." sagot ko at mas hinigpitan ang yakap sakanya. "We're married, Yeol. Sabay nating haharapin lahat ng problema. We both swore that we'll be partners in everything." 



"But you're fragile, Baek." he sighed. "You're too fragile for me." 



Then that hit a nerve.



"Fragile?! Me?!" inis na sagot ko. "So wala akong kwenta ganun? Ganunan na ba tayo, Yeol?" 



Ang sakit naman ng pinapahiwatig niya. HUHUHU. Parang wala akong kakayahan! ANSAKIT AH IN FAIRNESS!



"NO!" frustrated na sabi ni Chanyeol. "That's not what I mean, babe. You know--" 



"Sofa." mariin na sabi ko. 



Nanlaki ang mga mata niya. "What?" 



"Sa sofa ka, Park Chanyeol." inis na sabi ko at tinuro ang sofa sa paanan ng kama namin. 



"But, babe! You know that's not what I mean." pagmamaka-awa niya. Pero inirapan ko lang siya. 



Ewan ko basta naiinis ako sakanya! Naiinis talaga ko! SOBRAAAAA!



"No." I firmly said. "Fragile pala ah." 



Napa-iling si Chanyeol. "I take it back, babe. I take--"



"Sofa nga sabi eh." inis na sabi ko. 



Napa-sigh nalang si Chanyeol at naglakad papunta sa sofa. Malaki naman yung sofa namin eh. Parang hindi nga sofa. Pwede mong gawing kama kung gusto mo. 



Inayos naman ito ni Chanyeol habang naka-pout at nakatingin sakin na para bang nag-papaawa siya. But I just crossed my arms at umirap. 



Humiga na ako ulit sa kama kahit pa panay ang "Babe" at "Baby" niya. Nakaka inis kasi siya eh. Bahala siya diyan.


















Alam kong tulog na si Chanyeol. Naririnig ko na yung hilik niyang mahina. 



Unti-unti akong tumayo sa kama at lumapit sakanya. Tinabihan ko siya sa sofa at yumakap. I placed my head on top of his chest and inhaled his scent. 



"Hindi naman kita matitiis eh." I murmured and kissed his neck. 



He's just my safe haven.





* * * * *









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top