Prologue
* * * * *
Namatay si Mama noong ng 4 years old ako. Alam ko masyado pa akong bata para madepress noon pero alam kong lungkot na lungkot si Papa dahil sa nangyari.
Ilang araw siyang hindi nagsasalita. Nakatanaw lang sa malayo.
Ganun lang siya... hanggang noong Grade 8 na ako.
Nagbago ang buhay namin nung dumating ang isang babae sa bahay namin. Old friend daw ni Papa. Nakatambay ako noon sa swimming pool namin sa likod habang nagbabasa ng libro. Oo. Mayaman kami. May sarili kaming restaurant.
Pero hindi ko akalain na darating araw, mawawala ang lahat ng iyon sakin.
After one year, pinakasalan ni Papa yung old friend niyang si Petunya. Ang baho ng pangalan diba?
Pero hindi na ako ang only child. May dalawang anak na babae si Tita Petunya. Sina Krystal at Jessica na parehong maldita. Kambal sila. Pero hindi naman magkamukha.
Masaya naman ang pamilya namin noon kahit papano.
Pero namatay si Papa isang araw. Sabi ni Tita Petunya, heart attack. Pero hindi ako naniniwala. Healthy ang Papa ko.
Kinuha nila ang lahat sa akin pagkatapos nun.
Ginawa nila akong katulong sa sarili naming bahay habang pinapag-aral ako. Kahit papano, masaya na ako sa bagay na yun. Pero natutulog ako sa attic ng mansyon at minsan, hindi nila pinapakain.
Sa pasukan, nasa junior high na ako. Gusto kong pumasok sa Green Valley Academy kasi andun ang dalawa kong bestfriend.
Pero wala akong pera at kailangan ko pang magtest para sa scholarship. Sana makapasa ako.
Ako nga pala si ---
"BYUN BAEKHYUN!!!"
Oo. Yun nga. Thank you Auntie.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top