Epilogue





* * * * * 




~Byun Baekhyun~



Nakakunot noo akong tumingin kay Chanyeol nang i-park niya ang kotse niya sa GVA Parking lot. Sabado ngayon at walang tao sa academy kaya naman nalilito talaga ako. 



"Chanyeol, anong ginagawa natin dito sa GVA?" tanong ko sakanya pero ngumiti lang siya at bumaba para pagbuksan ako ng pinto.



Hinila niya ako pababa at naglakad kami habang hindi niya binibitawan ang kamay ko. "Remember this place?" he gestured towards the whole school. "Dito nagsimula lahat sa atin, Baek." sabi niya habang nakangiti. 



Tumango ako. "Alam ko. Pero hindi mo parin sinasagot tanong ko Chanyeol eh." reklamo ko pa.



Pero natawa lang siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para halikan ako sa labi. "You'll know soon enough, Babe." bulong niya sa tenga ko pagkatapos ng halik. 



Kaya nanahimik nalang ako at hinayaan siyang hilain ako kung saan man. Maya maya pa, tumigil siya sa tapat ng GVA Auditorium. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko kasabay ng pagbaha ng mga ala-ala noong nagconfess ako sakanya. 



"Siguro naman, hindi mo makakalimutan ang lugar na to?" Naka-smirk na sabi niya sakin. 



Inirapan ko lang naman siya. "Oh tapos? Aasarin mo ako?" tanong ko sakanya. 



Natawa lang siya at binuksan ang pinto. "Of course not! That was the second happiest day of my life!" 



Napakunot noo ako. "Second? Ano naman ang first? Noong pinanganak ako?" 



"Maybe." he shrugged. ARGH! Kainis. Daming paligoy-ligoy ah.



Sobrang dilim sa auditorium at wala akong makita kahit konti. Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Chanyeol. "Yeollie... Ano ba kasi ginagawa natin dito?" takot na tanong ko sakanya. 



"Just visiting." tipid na sagot niya. Maya-maya pa, naglakad lang kami papunta sa kung saan man sa auditorium. Wala nga akong makita, diba? Ewan ko ba kay Chanyeol kung bat alam niya. Nakakakita ata siya sa dilim? OMG. Baka may lahing nocturnal to.



"Dito ka lang." sabi niya at kumawala sa pagkakahawak ko sakanya. "Bubuksan ko lang yung ilaw." 



Kahit na hesitant ay nag-Oo nalang ako. Basta ba babalikan niya ako dito! 



Nakarinig ako ng footsteps at wala na. Wala namang nagyayari.



Asan na ba si Chanyeol?! Bat wala namang ilaw?!



"Chanyeol!" tawag ko sa dilim. "Asan ka na ba?" 



Okay. Medyo naiiyak na po ako. Iniwan na ba niya ako?! 



Asan na si Chanyeol ko?!



Maya-maya pa, isang spotlight ang nag-open at tumutok sakin. Napa-ngiwi ako sa biglang liwanag at napatakip ng mata. 



"Babe?" 



Napabalikwas ako sa pagkakatayo nang marinig ang boses ni Chanyeol. Tumingin tingin ako sa paligid pero wala akong makita. Sobrang dilim. 



"Do you remember this setting?" tanong ni Chanyeol gamit ang isang mic. Hindi ko siya mahanap. "Do you remember when I was the one in there." 



Napangiti ako sa pag-aalala nung nangyari noon, noong inamin kong ako si Eyeliner guy. "Oo naman. Makakalimutan ko ba naman yun?" sagot ko habang tumitingin sa kawalan. 



Narinig ko ang mahinang tawa ni Chanyeol. "Okay. So right now, I want you to listen to every word I'll say, okay?" 



Tumango ako. Alam ko namang nakikita niya ako. 



"Huwag kang sasabat!" pahabol pa niya. "I know how chatty that mouth could be." 



I rolled my eyes. "Fine, Park." sagot ko then crossed my arms. 



"Byun Baekhyun. Did you know that I love you already even before I met the eyeliner guy?" simula niya. Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya?



"I've been loving you ever since we're young but confessing never seemed the right thing to do. Masyado kang inosente tungkol sa mga ganung bagay and that innocence brought me the sense of relief that you'll be safe and sound until I'll be able to make a move.



"When I met the eyeliner guy, my heart was divided into two. Hindi ko alam kung sino ba talaga yung mahal. Magulo kasi eh. Basta nararamdaman ko nalang. But you know what, Baek?" he whispered through the microphone. "Everytime I see you, it gives me a different feeling. Basta nakikita kita, ang alam ko lang mahal kita. That I want to be with you. Yun nga lang... nararamdaman ko din yun kay Eyeliner Guy.



But then came the reality that you're the eyeliner guy! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya noon. All the problems were gone. It's just you and you alone in my life." 



Napangiti ako habang nararamdaman ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. 



"Thank you for the five years, Baek. Thank you for the five years of love and understanding. Thank you for the five years of being there always. Thank you for the five years of being mine and mine alone. Thank you for being the Cinderella of my every day. Thank you for every single detail of yourself."



Napapunas ako ng mga luha sa mata ko. Nakakainis naman kasi tong Dobby na to eh! Pinapa-iyak ako.



"May I give you gifts, Byun Baek?" tanong niya. 



Tumango lang ako kasi hindi ko na kayang magsalita. Baka humagulgol na ako pagkabukas na pagkabukas ng mga labi ko.



"Well, I got them from Kyungsoo so... please bear with me. Sana magustuhan mo." medyo nahihiyang sabi niya. Napa-eyeroll nalang ako. Kahit kelan talaga to, ang arte.



Nagulat ako nang isang Sehun ang lumapit sakin at may inabot na maliit na box. "Oh Baek. Color blue yan ah." sabay bow sa harap ko at naglakad paalis. 



Tumingin ako sa box na hawak ko at nakita ang isang limited edition na eyeliner ng DO Cosmetics. Color blue ito at may naka-kabit na white rose. 



"Loyalty, Baek. I give you my loyalty in everything. I'll be yours and my words would be as true as they can be. Hinding-hindi kita sasaktan. I'll make you happy as much as I can. Kahit pa anong pagpapahirap gawin mo sakin, expect that I'll be here. I'll stay true and honest." 



Biglang may kumalabit sakin at napatingin ako sa isang Kai na naka-smirk habang inaabot ang isang box na katulad nung nauna. "Goodluck Baekhyun! Paturo lang kayo sakin sa mga... alam niyo na." sabay wink at lakad paalis. 



Kahit kelan talaga, manyak yung negrong yun!



Isang color green naman na eyeliner ang binigay ni Kai. 



"Time, Babe. I'll give you my time whenever you need me to. Alam kong you're a busy person that's why I promise to be right there, by your side, whenever you need me. I'll be right there, never leaving. Just call me, Baek. Kahit pa anong ginagawa ko, I'll come to you. Remember that, okay?" 




Tumango ako habang umiiyak.



Habang umiiyak ay may yamakap sakin. Si Luhan. "Baekkie." bulong niya habang nakayakap parin at sabay abot ng isang box. "Be happy." sabi pa niya at naglakad na din paalis. Isang brown na eyeliner naman ang binigay niya. 



"Trust. I promise to trust you Baek in everything that you say. Paano ko to nasasabi ngayon? Well, all because when I loved you, I know you'll never hurt me. I trust you with all my heart and sana, ganun ka din sakin cause I promise that I'll be trustworthy in everything. I will never make you sad. Your words would be my strength." 



Basang basa na yung mukha ko ng mga luha ko nang abutan ako ng isang Kyungsoo ng puting panyo at isang box. Niyakap niya muna ako bago umalis sabay bulong ng, "You deserve to be happy Baek." 



"Understanding. I promise to understand and accept things between us, Baekhyun. Ayokong nag-aaway tayo cause you don't know how much it pains me to see you angry with me. Let's understand each other in every way we could. I know, mahirap lalo na pag galit talaga tayo pero... let's try. Cause, I would always do. I would always make you feel understood." 



Naghintay pa ako ng kasunod na box pero wala na. 



Umiiyak palang ako nang bumukas ang isang spotlight. Tumutok ito kay Chanyeol na ilang hakbang lang ang layo na nakatayo sa harap ko. 



Bigla akong nakaramdam ng urge na tumakbo papunta sakanya at yakapin siya ng mahigpit. 



"Lastly, Love." bulong niya. May hawak siyang isang malaking bouquet ng red roses. "I promise to love you until the day that God would take me away. I promise to maintain that love no matter how many hardships we'll encounter. Ikaw ang buhay ko, Byun Baekhyun." nagsimula siyang maglakad papunta sa akin. "Paano ko ba madedefine ang love kung basta naririnig ko to, ikaw ang naiisip ko. Love is simply you, Baek. Ikaw lang..." 



Nang makarating siya sa harap ko, bigla siyang lumuhod at saka ko lang napansin ang box na hawak niya. 



Hindi box ng eyeliner. 



Box ng singsing. 



Napa-singhap nalang ako habang pinipigilan ang hagulgol na kanina pa gustong lumabas mula sakin. Tinakpan ko yung bibig ko. 



"Byun Baekhyun." simula niya at hinawakan ang isa kong kamay. "I love you and every fiber of your being. I promise that I'll never make you cry. Please accept me in your life, Baek.



 "Please be mine forever. Will you marry me?" 



Tinitigan ko lang siya habang pinipigilan ang pag-iyak ko ng malakas. Nakakahiya naman kasi. 



"C-chanyeol naman eh." I sobbed. Napangiti siya habang naghihintay parin ng sagot. "T-tatanggi pa ba a-ako?!" 



"And so..?" naka smirk na tanong niya. 



"I will marry you, Park Chanyeol." sagot ko. 



Natawa siya at tumayo para yakapin ako ng mahigpit. Bumukas na din lahat ng ilaw sa auditorium at nakita ko sina KaiSoo at HunHan sa isang tabi habang magkakayakap din. 



"Now this is the happiest day of my life. I love you, Byun Baekhyun." bulong ni Chanyeol sa tenga ko. 



Napangiti ako at niyakap pa siya ng mas mahigpit. "I love you too, Park Chanyeol." 



"Forever." 



Tumango ako. "Forever." 



Then he kissed me. 




* * * * *




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top