Baekla 9




* * * * * 



~Byun Baekhyun~




Napataas ang kilay ni Tita Pets nang sabihin ko na pupunta ako sa Ball. "May damit ka ba?" tanong niya. 



Tumango ako. "Oo Tita. Naka-save naman ako ng konti." 



"Sure ka bang--"



Hindi na natuloy ni Tita Pets yung sasabihin niya dahil biglang dumating sina Krystal at Jessica na nagdadabog habang nakatingin sakin ng masama. 



Woah! Anong ginawa ko?!



"Pupunta ka ha?!" sigaw ni Jessica habang nakaduro. 



Tumango ako. 



"ARGGHH!!!" she screamed at napatakip ako ng tenga. "Ang kapal mo, Baekhyun!!! Grabe!!! Ang kapal ng mukha mong pumunta!" sigaw niya at akmang sasabunutan na ako pero pinigilan siya ni Tita Pets. 



"Jessica! Calm down!" sigaw niya. Napa atras naman si Jessica pero pinapatay parin niya ako sa tingin. 



"Mommy! Bat mo siya pinayagan?!!!" sigaw ni Krystal sa nanay niya. 



Nag-shrugg lang si Tita Pets at uminom ng wine na hawak niya. "Wala naman akong nakikitang masama dun." 



"WALA?!!" hysterical na sigaw ni Krystal. "Hindi siya belong sa community ng GVA! Hindi niya deserve pumunta sa mga ganun!!!" 



Wow! Makapagsalita naman tong mga maldita na to parang wala ako dito ah! Ano ha? Suntukan nalang oh!



"Krystal's right, Mommy!" angal pa ni Jessica. "He's... he's... GAY!!!" may halong pandidiri na sabi niya. 



Napa-clench ako ng kamay. Grabe! Tama ba naman ang laitin ako ng ganito? 



Siguro nga bakla ako o anuman. Pero everyone deserves equal respect! Nakaka- stress na talaga sila! Kung hindi ko lang sila amo... matagal na silang pinaglalamayan! 



"Girls!" sigaw ni Tita Pets at napasapo siya sa noo niya. "Hayaan niyo na si Baekhyun. Basta ikaw bahala sa damit mo, okay?" sabi ni Tita Pets at nag-smile. 



Napakunot noo ako. Pero nag-smile din ako ng medyo awkward. "S-sige po Tita. Salamat." 



Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa kwarto ko. 



Yung smile ni Tita Petunya... parang mali. Masyadong awkward. 



Yun yung smile na di dapat pagkatiwalaan. 



Napa-iling ako. Siguro guni-guni ko lang yun. 



Haaaaayy. Bahala na nga! 






















'toot toot'



Hinagilap ko na yung phone ko sa loob ng bag ko habang naglalakad sa corridor. 



From: Owl Kyungsoo

Andito kami sa Music Room, kasama ni Chen.

Hurry up, Baek! xoxo. 



Naglakad ako ng mas mabilis. Rehearsal kasi naming apat ngayon pero secret nga lang dahil sa request namin na sana walang makakakilala sa amin. 



Mahirap na kasi. Lalo na't hindi alam nina Tita Pets na part ako sa program. Sure akong magiging wild yun! Nako nako. Stress yun pag nagkataon. 



Tumingin tingin muna ako sa paligid bago pumasok sa Music Room. 



Dito nakalagay lahat ng klase ng instruments. LAHAT talaga. 



Sa isang sulok naman ay may malaking table and shelves na kung ano-anong gadgets para sa editing at recording ng songs ang nakalagay. 



"Baek!" masayang sigaw ni Luhan nang nakita niya ako. 



Nilock ko na yung pinto. Ngumiti naman ako at lumapit sakanila. Naka upo sila sa sofa at may hawak na copies.



Kumuha naman ako ng isang folder na nasa table kasi may pangalan ako na nakasulat dun. "Ano tong mga to?" tanong ko kay Chen na naka-nerdy glasses pa. 



Ngumiti siya. All professional na siya ngayon eh! Wala nang Jongdae! WAAAH! ALLELUIA!



"Yan yung copy mo ng songs, Baek." sagot niya habang inaayos yung headphones sa ulo niya. "Yung parts mo, andiyan." 



Tumango tango ako. May isa akong solo, isang kasama si Chen at isang lahat kami. Napakunot noo ako. "Chen, bat medyo luma tong mga songs?" tanong ko. 



"Well, kasi medyo luma ang masquerade theme. So para akma din sa theme." sagot naman niya.


Inaral ko na muna yung songs at minemorize yung lyrics. 



Maya-maya pa, iniabot ni Chen ang isang head phone sakin. "Shall we start?" tanong niya. 



"Teka, sound proof ba tong room?" tanong ni Kyungie habang naglalakad papunta sa mini stage.



Napa-iling na marahan si Chen. "Hindi masyado. Hindi pa kasi tapos yung glass wall para sa recording ng songs."  



"Paano pag may makarinig satin?" nag-aalalang tanong ni Kyungsoo. 



Napa-iling naman ulit si Chen at nag-smile. "On going naman na ang classes diba? Saka... saka mo lang maririnig ang ingay dito pag sobrang lapit mo sa pinto." 



Tumango-tango nalang kami at nagsimula nang maglakad papunta sa stage. Sinuot ko na din yung headphones ko. 



"First up. Kami muna ni Baekhyun." sabi ni Chen at pumwesto sa high chair sa tabi ko. 


















~Park Chanyeol~




"F*ck." i cursed habang naglalakad sa hallway. 



I can't believe na late ako. I've never been late in my entire life! Ngayon lang! 



"Damn that dream!"



Kung sana hindi ganun ang panaginip ko, edi sana hindi ako late ngayon. 



ARGH! Forget it. I need to get to my class, now! 



I grabbed my ID mula sa bag ko. Kailangan kasi yun to access the elevator. Matatagalan pa ako kung gagamitin ko yung hagdan.



Hinanap ko muna ito at nung nahawakan ko na, ilalabas ko na sana nang mabangga ko si Kuya Lay, ang janitor namin. 



"Ah!" i yelped as i bumped into him. May hawak siyang mop at ang dumi ng damit niya. 



"Sorry." bulong niya. 



Inayos ko yung pagkakalagay ng bag ko. "Kuya Lay?"  i asked. "Bat ang dumi-dumi mo?" 



Napakamot siya sa ulo niya. "Nakalimutan kong maligo eh. Saka nakalimutan ko din magpalit ng damit at undies." 



Napatingin ako sakanya and my jaw dropped. Seriously?! 



Nung naka-recover na ako, i patted his back and gave him a big smile. "Okay lang yan Kuya Lay." 



Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa naka-ngiti kong mukha. "S-sino ka?!" hysterical na tanong niya at umatras. 



Bat ba natatakot ang lahat sa ngiti ko?! Ano bang mali sakin?! HUHU. 



Pati "siya" natatakot din ata!



Napakamot nalang ako ng ulo at umiling-iling. 



Iniwan ko na si Kuya Lay na nakatayo parin dun at inaamoy ang sarili. Kadiri nga eh. 



Binigyan ko nalang siya ng isang last smile at tumakbo papunta sa elevator. 



Pero nung iiiscan ko na yung ID ko... 



"Nasan na yung ID ko?!" nag-aalalang sigaw ko at napatingin sa paligid. 



Nakita ko naman yun na muntik nang pumasok sa ilalim ng isang pintuan. Agad akong lumapit at pinulot yun. 



"Seems nothing ever changes, we're back to being strangers

Wondering if we ought a stay or head on out the door" 



Napatigil ako. "Sino yun?" bulong ko sa sarili ko at napansing galing sa likod ng pinto ang kumakanta. 



Music Room 



Yun ang nakasulat sa pinto kaya naman napa-shrugg nalang ako. Rehearsal siguro nina Chen. 



Paalis na sana ako nang isang boses ang nagpatigil sa mundo ko. 



"Just once, can't we figure out what we keep doing wrong

Why we never last for very long

What are we doing wrong"




Ito na ata ang pinaka-magandang boses na narinig ko. Lalake pero...



I felt goosebumps. 



Nabato ako sa harapan ng music room. Hindi ako maka-alis. 



Then suddenly, i felt my heart beat faster than normal. Parang nagiging abnormal ang pakiramdam ko. 



"Just once, can't we find a way to finally make it right

To make the magic last for more than just one night

If we could just get to it, I know we could break through it" 



There it goes again. 



I felt myself blush. Namumula ako?! WTF! 



Inilapit ko ang tenga ko sa pintuan. 



Maya-maya, nawala ang boses at napalitan ng iba. 



"Damn." i murmured. "Sino yun?" 



I tried to open the door but it's locked. 



Inikot ko ulit pero ayaw talaga. 



I tried knocking pero hindi nila marinig kasi maingay sa loob. 



Napa-hawak ako sa batok ko at napatingin sa pinto ng Music Room. 



"Who are you?" i murmured. Ngayon lang ako naging desperado ng ganito. 



I clenched my fist. 



I fell inlove with that voice. 



And i would find out who he is...



No matter what. 




* * * * *



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top