Baekla 8



* * * * *



~Byun Baekhyun~




"Hello, Baek." malambing na tawag sakin ni Jongdae pagkapasok niya sa klase. 



Inirapan ko nga! Hanggang ngayon, bwisit na bwisit parin ako sakanya!



Sa dinami-rami kasi ng tao dito sa GVA, kami pa nina Kyungsoo at Luhan ang piniling kumanta sa live band para sa Opening Ball! 



At speaking of Luhan at Kyungsoo... ASAN NA BA YUNG DALAWANG MALANDING YUN?



"Baek naman! Galit ka ba?!" lumapit siya sakin at hinawakan yung braso ko. 



"Che!" sigaw ko sakanya at hinila pabalik yung braso ko. "Lumayo-layo ka sakin, Kim Jongdae, kung ayaw mong mamatay ng maaga!" sigaw ko sakanya. 



Napakamot siya ng ulo. "Eh no choice na nga ako, diba? Kayo lang ang magagaling!" 



Tinignan ko siya ng masama at hinila sa kwelyo niya. "Kim Fcking Jongdae, pag ikaw nag-ingay at sinabing kasama ako sa mga kumanta, maghanap ka na ng matataguan mo. Naiintindihan mo ba ako? Ha?" bulong ko. Pero galit ako siyempre! Galit na galit! 



"O-oo na, Baek." nauutal na sabi niya. Binitawan ko na siya at saka tinignan pa ulit ng masama. 



"At saka, paano kami magma-mask na naka 90's costume?! Naisip mo ba yun?" inis na tanong ko sakanya. 



Bigla siyang natawa at pinat ako sa balikat. "Tungkol nga pala diyan. Hehehe." ngiti niya. "Ginawan ko na ng paraan." 




Tatanungin ko sana siya kung ano yung ginawa niya kaso bigla namang dumating yung teacher namin at pina-upo agad kami sa mga upuan namin. Kaya naman isang masamang tingin nalang ang naibigay ko. 



"May pagbabago sa darating na ball, class." medyo bored na sabi ni sir habang tumitingin lang sa lesson plan niya. 



Natahimik naman yung buong klase at expectant na tumingin kay sir. Nilingon ko si Chen at kinindatan lang niya ako. 



"Ano naman yun Sir?" tanong ng isa kong classmate.



Pero bago pa nakasagot si Sir, biglang pumasok sa room ang HunHan at KaiSoo. 



Teka--- ANO?!



"Um, good morning, sir. Sorry we're late." nakangiting sabi ni Luhan at naglakad na papunta sa upuan niya. 



Tinignan ko sila ng masama at nag peace sign lang sila sakin. 



WAAAAAHHHHH!!! SAN SILA GALING?! HUHUHUHU. 



Bat ba pakiramdam ko napaka-OP ko na sakanila?! WALA AKONG LOVE LIFE!!!



Isinara ni sir yung lesson plan niya at tumingin samin. "Uhh... Yung theme, nagbago na." 



"Talaga?! Ano na pinalit sir?!" excited na tanong nanaman nung classmate namin. 



"Masquerade ball. So... magmamask lahat." sagot ni Sir. 



Sari-sari naman ang naging response nung mga classmates ko. 



Merong:



"OMG! Sounds exciting!" 



Meron ding: 



"Grabe naman! May costume na ako eh! Daya! Ngr."



Meron pang: 



"Psh. The hell I care, di naman ako pupunta." 



At meron ding:



"San ako kukuha ng pambibili ng costume?!" 



Pero siyempre, ako yan. Ako lang namn ang nangangailangan dito eh! AAARGH! Ito ba yung solusyong sinasabi ni Kim Jongdae?! WAAAAHH!!! MAKAKAPATAY TALAGA AKO!!! 



Muli ko siyang tinignan ng masama at sinenyasang papatayin ko siya mamaya. Agad naman siyang napalunok. 




















Ihing-ihi na ako kaya nagmadali akong pumasok sa comfort room. Grabe! Kanina ko pa to tinitiis. 



'toot toot'



Hinagilap ko yung cellphone ko at pumasok sa isang cubicle. Ewan ko ba, basta gusto ko private ang pag-ihi ko. Conservative kasi ako. Saka hindi ako makapag-isip ng maayos habang may katabing umiihi din. Awkward kaya.



From: Luhan Deer

Baekkie! Andito na kami ni Kyungie sa cafeteria. Wait ka namin! 

XOXO.



I rolled my eyes. Sana naman hindi na nila kasama yung Kai at Sehun na yun.



Matapos kong umihi ay palabas na sana ako ng cubicle nang may marinig akong mga pumasok. 



"Kai, yung pinatago ko sayong Bubble Tea, akin na." 



Si Sehun. 



Pero bat hindi ako makalabas dito?! Ano lang naman kung lumabas ako diba at makita nila?! 



Bat parang nabato ako dito sa kinatatayuan ko?



"Kadiri ka Sehun! Kahapon pa to sa bag ko! Gusto mo parin?!" may halong pandidiri na sabi ni Kai. 



"Akin na nga!" sigaw ni Sehun. 



"Siya nga pala, may bago palang theme." sabat bigla ni Kai. 



"Oo nga eh."



Si Chanyeol. Kasama nila si Chanyeol. 



Mas lalo akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Tama ang desisyon kong mag-cubicle nalang. 



"Hassle nga eh. Pahirapan maghanap." naiinis na sabi ni Kai. 



"Mukhang may hahanapin ka ah." may halong pang-iinis na sabi ni Chanyeol. 



Hindi naman nakasagot agad si Kai. "A-ano lang?!" nauutal na sabi niya. "Ikaw ba, wala?!" 



Hindi naman sumagot agad si Chanyeol. "Um. Meron. Pero... baka hindi siya pumunta eh." may halong lungkot yung boses niya. 



"Talaga? Meron? Sino naman?" pag-uusisa ni Sehun. 



Dinikit ko yung tenga ko sa pinto ng cubicle. 



Ewan ko pero gusto kong malaman kung sino! Sino ba kasi?



"Aish! Secret ko na yun!" pag-iiwas ni Chanyeol at narinig ko ang steps niya palabas ng CR. 



"Yeol, bro! Sabihin mo na!" si Kai naman na papalabas na din ang steps. 



Nakalabas na sina Chanyeol at Kai.



"Matawagan nga si Luhan." bulong ni Sehun bago lumabas na din. 



Bwisit! Sayang! Hindi ko nalaman! Sino kaya yun?



Grabe... I smell something fishy! 




* * * * *



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top