Baekla 7
* * * * *
~Byun Baekhyun~
"BAEKKKIEEE!!!" sigaw pa ulit ni Kyungsoo.
Napa mental facepalm ako dahil sa eskandalong ginagawa nila. HELLO?! Restaurant to! Hindi fast food!
Umiwas ako ng tingin sa dalawang paparating at inilibot ang mata ko sa paligid.
Lahat ng customers, nakatingin na sakanila.
"Baek!" Hatak ni Luhan sa isa kong braso. "Hindi ka ba masaya at---" natigilan siya.
Bibigyan ko sana siya ng masamang tingin pero nakita kong hindi na siya sakin nakatingin. "S-sehun..." gulat na sabi niya.
Pati naman si Sehun ay medyo shocked din.
Hay grabe! Ang sarap pag-untugin ng dalawang to! Buti pa si Kyung---
Anak ng-! Pati ba naman ikaw Kyungsoo?!
Hinila ko yung sleeve ni Kyungsoo. Nagulat siya at namumulang tumingin sakin. Sa wakas, natapos na ang pakikipagtitigan niya sa manyakis na Kim Jongin na yun.
"Ano bang ginagawa niyo dito? Busy ako oh." naiinis na sabi ko sakanila.
Nag-pout si Luhan. Pasalamat siya maganda este... cute siya ah. "Malamang kakain kami, Baek! Napaka-mean mo talaga minsan."
Napa buntong hininga nalang ako. "Table for two then?" tanong ko. Balik sa pagiging waiter, syempre.
Tumango naman si Luhan at hinawakan yung braso ko para sumunod sakin.
"Mamaya ko na kukunin orders niyo." sabi ko kina Chanyeol. Tumango naman siya habang naka-smile.
"Wait, Baek." singit bigla ni Sehun.
"Bakit?"
"Um. Medyo malaki naman tong place namin. So maybe, we could..." pagsesenyas ni Sehun.
"Oh, bat di mo matuloy?" mataray na tanong ko sakanya.
Biglang bumitaw si Luhan sa braso ko. "Actually Baek, tama siya. Share nalang kami. Dalawa lang naman kami ni Kyungie oh." masayang sabi ni Luhan.
I rolled my eyes. "Bahala kayo. Oh, upo na." at tinulak ko siya patabi kay Sehun.
Si Kyungsoo naman ay medyo na-iilang na tumabi kay Chanyeol kasi medyo malayo si Kai. Asa dulo eh.
"Okay then." medyo pagod na sabi ko. "Orders please."
Binigay naman nila ang orders nila at nagulat nalang ako nang nakipag palit si Kai kay Chanyeol ng pwesto.
Tsk tsk. Kawawang Chanyeol. Walang partner.
"By the way Baekkie, may sasabihin kami sayo mamaya!" masayang sabi ni Kyungsoo.
Tumango nalang ako at bumalik na sa counter para asikasuhin yung orders nila.
Dahil ako ang waiter nila sa gabing ito, ako ang server nila at mag-aasikaso sakanila. Maliban nalang kung may IBANG mag-uutos sakin ng maliliit na bagay.
"Oh, heto na. Enjoy your food." masayang bati ko habang nilalapag yung mga pagkain nila.
Halos masuka nalang ako nang magsimulang magsubuan ang dalawang couple na sa isip ko ay kanina ko pa pinapatay. HunHan, KaiSoo... MALALANDI KAYO!!!
"Baek..." mahinang tawag sakin ni Chanyeol.
"Yes?" tanong ko. Baka may iuutos eh.
"Hindi ka ba naaawa sakin?" tanong niya habang kinakain yung order niyang white pasta.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bat naman ako maaawa sayo, aber?"
Napa-shrugg siya at ngumuso sa apat na taong naglalandian.
Tinignan ko siya ng masama. "Wala akong kasalanan dito kaya huwag mo akong idamay. Kumain ka nalang." naiinis na sabi ko sakanya. "May kailangan pa ba kayo?" tanong ko pero dedma. Dinedman ako ng apat! MAKAKAPATAY TALAGA AKO!
Pero umiling si Chanyeol at nagpout.
Awwww...
Itigil mo na yan Byun Baekhyun! Huwag kang ma-attract sa cuteness niya!
Tumalikod ako at tumango. Pero bago ko pa marating yung counter...
"OMG! Waiter! Please!" lumingon ako at nakita si Michaela na nakataas ang kamay. Andito pa pala sila? Ay grabe nemen.
Tinuro niya yung asa floor at nakita ang natapon na shake nila. Napa-iling ako. Sinadya ba to?!
Lumapit ako matapos makuha ang mop sa closet. "You know, bagay sayo ang trabaho mo." Sabi ni Michaela habang pinapanood ang ginagawa ko.
Hindi ako sumagot.
"And another thing! Napaka-bastos mo naman para sa isang waiter!" she raised an eyebrow at marahang tinulak ang baso para mahulog ito sa sahig at mabasag.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang basag na baso. "Oopss." ngisi ni Michaela.
At swear humans, ginamit ko lahat ng self control ko para hindi sakalin tong babaeng hampaslupa na to! AARGGHH!!!
Umiling nalang ako at kumuha ng dust pan. Pero pagbalik ko, may basa ulit sa floor. "Sorry waiter. Medyo clumsy lang kasi tong friend ko." naka-smirk na sabi ni Michaela sabay turo sa friend niyang naka hanging blouse at micro mini shorts.
I clenched my fists to control my anger at halatang nag-eenjoy sila dun. Kaya I won't give them that satisfaction. Hindi ako magpapatalo.
Pinunasan ko ulit yung basa habang nanonood sila. Napansin ko din na kinuha ni Michaela yung iPhone niya at sinimulan akong i-video.
What the---?!
Kaya medyo tumalikod ako sakanila and I heard them giggle. Bwisit! Bwisit talaga!
Sinimulan ko nang pulutin yung mga basag na piraso ng basong nabasag nila. Kung tutuusin, dapat bayaran nila to eh.
"Ow!" singhap ko nang aksidenteng masugat yung daliri ko. Agad ko itong tinignan at napansing medyo malalim.
Sinipsip ko agad yung dugo pero ayaw tumigil kahit pinisil-pisil ko pa siya.
"Eww! Gross!" narinig kong lait nanaman ni Michaela. Eh kung sayo ko ipasipsip to?! Ha?!
"Sucking your finger like---"
"Baek! You okay?" napatingin naman ako sa isang higanteng nakaupo sa tabi ko. Hinawakan niya yung kamay ko at tinignan yung sugat. "May first aid kit naman dito, diba?" tanong niya.
Hinila ko yung kamay ko pabalik. "Ano ka ba? Sugat lang to oh." sabat ko pero sa loob-loob ko, syempre flattered ako sa pinapakita niyang care. Ikaw kaya?
Sinimulan ko nang pulutin yung ibang basag pero pinigilan niya ako. "Stop." mariin niyang sabi. Seryoso yung mukha niyang nakatingin sakin. "Waiter!" biglang sigaw ni Chanyeol at dumating si Ching Chong, isang waiter. "Ikaw maglinis nito." sabay turo niya sa kalat.
"A-anong---" simula ko pero nagsalita na siya agad.
"Michaela, I saw everything." medyo inis na sabi niya sa tatlong malalandi na naka-nganga. "Stop being such a brat, okay? You're being annoying. Stop or I'll tell Tito everything." he threatened.
Bigla naman niya akong hinila. Hindi na niya hinintay na sumagot si Michaela.
Hinila niya ako pabalik sa counter naming mga waiters. Iniwan lang niya ako dun. Wala siyang sinabi at bumalik na kina Kai.
Galit ba siya? Anong ginawa ko?
"ANO?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nina Luhan.
Tumango si Kyungsoo at nagpatuloy sa paglalakad papuntang parking lot.
Sarado na ang ang resto at umalis na din sina Chanyeol. Hindi parin niya ako kinausap. Parang galit siya talaga kahit nag-smile naman siya sakin.
Weird.
Pero eto na nga... Sinabi na nina Kyungsoo yung sasabihin dapat nila sakin.
"Sa tingin kasi namin, okay din naman. Parang break na din natin yun." nakangiting sabi ni Luhan.
Umiling-iling ako. "P-pero... bat pati ako!?" sigaw ko at napasapo sa noo.
"Baek! Magaling ka naman eh! Ang arte mo!" sabi ni Kyungsoo at binuksan na yung kotse niya.
"Gusto mong paliitin ko mata mo, ha?!" masungit na sabi ko sakanya. Binigyan lang niya ako ng masamang tingin.
"Come on, Baek." suyo ni Luhan nang nakapasok na kami sa kotse ni Kyung. "We can wear masks."
Umiling ako ulit. "Stop it, Lulu. Ayoko!"
"We're friends, remember? Paano mo nasasabi yan?" medyo naiinis na siya kaya naman napatahimik ako at nag-isip.
Pero isang bagay lang ang pumapasok sa kokote ko.
PAPATAYIN KITA KIM JONGDAE!!!
Napabuntong hininga nalang ako at tumango. "Okay. Pero may masks ah."
Agad namang natuwa ang dalawang malandi. "Yay!" sigaw ni Luhan at ngumiti na parang walang bukas.
It's official then. Kakanta kami para sa Acquaintance Ball.
Damn it.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top