Baekla 6
* * * * *
~Byun Baekhyun~
"Ikaw?!"
"Uh... H-hello."
Napa-iling-iling ako. Hindi ako makapaniwalang si Dobby ang sumusunod sakin. Eh kasi naman! Iniiwasan ko na siya diba?! Bat ba ganito?!
"Bakit mo ako sinusundan?!" inis na tanong ko sakanya.
Bigla siyang napakamot sa ulo niya at may kinuha sa bag niya. Isang bond paper na nakatupi. "May ibibigay lang ako."
Humakbang siya papalapit sakin. At ewan ko kung bakit pero napa atras ako.
Bakit?! Involuntary yun ah!
Kumunot yung noo niya. "Bat ka lumalayo?" takang tanong niya.
Napahinga ako ng malalim at umiling. Iniabot ko yung kamay ko. Lumapit ulit siya pero hindi na ako umatras.
Nung kaharap ko na siya, saka ko lang napansin: Ang tangkad pala talaga niya!
"Here." sabay lagay sa kamay ko nung papel. Binasa ko naman yun.
Tinignan ko siya ng masama. "Sira ulo ka pala eh! Schedule ko lang to para sa Library Assistant activities, kailangan mo pa akong sundan?! Pwede mo namang ibigay ng normal ah! Alam mo bang natakot pa ako! Akala ko, holdaper ka na!" sigaw ko sakanya. Grabe! Hindi ba niya alam ang salitang "NORMAL"?!
Bigla siyang nag-derp.
Oo nga. Hindi niya alam ang salitang yun. Ngr.
"Pasensya ka na." naka derp parin na sabi niya. "Sinusubukan ko lang maging spy."
Yung totoo, Park Mongoloid Chanyeol, gusto mong matusok ng eyeliner?! Ha?!
Tinaasan ko siya ng kilay. "Dobby." bulong ko.
Pero sa "di inaasahang" pagkakataon ay narinig niya. Grabe. Talaga.
"Aish!" napa-facepalm siya. "Okay lang naman ang 'Thank You' eh." tas bigla siyang nag-pout.
Hindi ko alam! Simpleng pout lang naman yun!
Pero...
'dug-dug dug-dug dug-dug'
Bat andito nanaman yung feeling na ito?!
'dug-dug dug-dug dug-dug'
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindeeeee. Hindi to pwede!
'dug-dug dug-dug dug-dug'
Hindi ko to pwedeng maramdaman kay Park Chanyeol!
'dug-dug dug-dug du---- SABI NANG HINDI PWEDE EH!
"I-itigil mo nga y-yan!" sigaw ko sakanya at pumikit.
Childish pero... the hell I care!!! Hindi ako pwedeng macute-tan sakanya! NOOOOOO!!! Hell to the NOOOO!
"Huh?" takang tanong niya.
Unti-unti kong minulat yung mata ko at nakatingin siya sakin with a confused look.
Napabuntong hininga ako. "Umalis ka na nga." pagsusungit ko sakanya. "Nabigay mo naman na, so you're free to leave."
Napa-shrug siya. "Okay." at naglakad na siya papunta sa parahan ng taxi.
Tignan mo to! Susunod-sunod, magtataxi din pala. Saka asan yung kotse niya? Bakit naglakad pa siya para ibigay tong schedule ko? Nakakatakot ah.
Pero bigla siyang tumigil at bumalik sakin.
"Ano?" tanong ko sakanya habang naka-cross arms.
"Hindi porket inlove ka sa isang lalake, bakla ka na." he said seriously.
Napa-nga nga ako.
A-anong sinabi niya?
Napabuntong hininga siya at tumingin sa mga paa niya. "Nagkataon lang na nagmahal ka ng kapareho mong lalake."
Biglang siyang ngumiti ulit at pinat ang ulo ko. "I just know." he muttered at tuluyan na ngang pumara ng taxi.
Pero ako...
Nabato sa sinabi niya.
Bat niya sinabi sakin yun? Sa tingin ba niya, inlove ako sakanya?
Napa-iling ako.
Imposible yun. Alam kong matalino siya pero sure akong wala akong pinapakitang signs sakanya.
Kasi hindi naman ako inlove sakanya.
Crush lang.
Pinanood kong umalis yung taxing sinasakyan niya.
And then it hit me at napatakip ako sa bibig ko.
OMG. As in O to the M to the G!
Hindi kaya...
Hindi. Imposible yun! Sobrang imposible!
Pero paano talaga kung...
NOOOO!!! Parang pumuti na din ang uwak kung totoo man!
Pero paano nga kasi talaga kung...
Like duh!!! Hindi nga kasi!!!
Pero paano kung....
Inlove si Park Chanyeol sa isang lalake?!
Oh. My. God.
"Baekhyun, sa table 42 ka nga." malumanay na sabi sakin ni Miss Ellie, ang manager dito sa 5 star restaurant namin este... nina Tita Pets.
Nakalimutan ko. Hindi na pala sa amin to.
Agad akong tumango at kinuha yung Menu. "Yes, Ma'am."
Kailangan kong magsipag. Kailangan ko talaga.
Para sa akin at sa mga pangarap ko sa buhay.
Pero nagbago yung isip ko nang makita kung sino ang naka upo sa Table 42: Sina Michaela at ang kanyang mga alipores.
Pero kahit na gusto ko silang balatan ng buhay ngayon palang, pinigilan ko ang sarili ko. HELLO?! Waiter ako dito. Kaya kelangan kong magpakabait. Kaya relax lang dapat. Relax. Lang.
"Good evening, ladies. Here's the menu for tonight." naka smile na abot ko sakanila nung menu.
Nagulat sila na ako ang waiter nila. Pero agad namang napalitan ang gulat ng masamang ngiti.
Mga ngiting ang sarap balatan mula sa mga mukha nila. Punyeters.
"Oh well. Look who's here tonight." demonyong sabi ni Michaela at tinignan ako pataas-baba.
Pero wala akong sinabi. Nag-smile lang ako. Plastic nga lang.
As if naman gagamitin ko ang energy ko para lang mag smile sakanila ng real no?
"We'll just call you back." bored na sabi ni Michaela while twsiting her hair. Sarap kalbuhin, swear!
Tumango ako at naglakad na palayo. Then the main door opened.
At niluwa nito ang tatlong anghel este... lalake.
Sina Park Chanyeol, Kim Jongin at Oh Thehun este... Sehun pala. Sehun.
Agad na iniwas ko ang tingin ko sakanila at narinig ang "malandi giggles" nina Michaela and army. Army of Sluts.
Pero nanigas ako nang mapatingin kay Miss Ellie.
Sumenyas siya sa gawi nina Chanyeol. Asikasuhin ko raw.
Tinuro ko yung sarili ko. Baka kasi nagkakamali lang siya.
Tumango si Miss Ellie at sumenyas na bilisan ko raw.
Napasinghap naman ako at lumapit sa table ninan Chanyeol.
"G-good evening, gentlemen. H-here's the menu f-for tonight." sabay abot sakanila nung menu.
Sht. Bat nanginginig kamay ko? Bakit ngayon pa?
"We want some---" napatigil mid sentence si Kai nang makita ako. "Baekhyun?" tanong niya at agad na napatingin sakin sina Chanyeol at The-- Sehun. Sehun kasi yun, ano ba?
"Uhh. H-hello. I'm your s-servant for t-tonight." awkward na ngumiti ako sakanila.
Napangisi naman si Kai. "Talaga? Servant for tonight? Sounds good." malanding sabi niya at nagsmirk pa.
Tinignan ko siya ng masama. "Sapak, Jongin, gusto mo?" I hissed. Baka masisante ako pag narinig ni Ma'am Ellie.
"Kai." seryosong sita sakanya ni Chanyeol.
Napa-blush ako. Walang hiyang blush na yan!
"Chillax Yeol." natatawang sabi ni Kai. "Just kidding, Baek." ngiti niya sakin.
"Ako, gusto ko ng Mushroom El---"
"WAITER!!! YOOHOO!!!"
Napa-buntong hininga nalang ako at tumingin sa direksyon nina Michaela na nakatingin ng masama sakin.
"WAITER!" sigaw niya ulit.
Napaka walang breeding talaga ng babaeng to!
Napa-iling ako at nagsimula nang maglakad papunta sakanila nang may humila sa kamay ko.
Napahinto ako at nakita ang isang Park Chanyeol na nakatingin ng diretso sakin.
Kuryente.
Yan ang naramdaman ko.
Para akong nakahawak ng live wire na may 300V.
"You're our servant, right?" naka smile na sabi niya. "Then stay with me--- I mean, us."
Kahit puno na ng butterflies yung tiyan ko, kahit mala-kamatis na yung mukha ko at kahit kasing laki na ng mga mata ni Kyungie yung mata ko, nakuha kong tumango at umayos ng tayo sa harap ng table nila.
Maya-maya pa, may lumapit nang waiter kina Michaela kaya halos patayin na niya ako sa tingin.
Sorry, girl. But it seems like, this is not your night.
"Osha, ano na order niyo?"
"BAEKHYUNNIE!!!"
KYUNGSOO? LUHAN? KAYO DIN?!
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top