Baekla 5




* * * * *



~Byun Baekhyun~




Alam kong dapat akong kiligin at matuwa kay Park Chanyeol. Pero hindi pwede. 



Oo. Aaminin kong crush ko na siya.



Pero ayokong ma-involve sakanya! Mahirap na. Masyado siyang sikat.



Idagdag mo pa si Michaela na parang kakatayin na ako sa mga tingin niya. Yung bruhang payong na yun! Makatitig parang ahas. Oh, well, mukha naman talaga siyang ahas! Ahas sa lahat ng bagay!



Kaya naman, napagdesisyunan kong iwasan nalang si Park Chanyeol.



Oo. Iiwasan ko siya hanggang sa abot ng makakaya ng powers ko.



"BAEKHYUUUUN!!!" 



Napatakip naman ako sa tenga dahil sa sigaw ni Luhan. Andito ako ngayon sa klase kung saan, classmate ko silang dalawa ni Kyungsoo. 



Agad niya akong nilapitan at niyakap. 



"Hoy! Bat ba napaka-clingy mo? Lumayo ka nga sakin!" Tong haliparot na to! Makayakap! Nako nako.



Agad naman siyang kumalas at nag pout. Kadiri ah.



"Hay nako, Baek. Sinabi mo pa!" singit ni Kyung at umupo na sa likod ko. One table, one chair lang kasi dito. 



Ngumiti lang naman si Luhan. "Huwag nga kayong KJ! Parang di ko kayo kaibigan ah!" pabirong sabi niya. 



Napa-irap lang kaming dalawa ni Kyung. 



Maya-maya pa, pumasok sina Sehun at Kai. Napatingin ako kay Luhan. Bigla siyang namula at umiwas ng tingin sa pinto. 



Inlove nga ang bruha.



Pero mas nagulat ako nang lumapit si Sehun kay Luhan. 



"Luhan." bati sakanya ni Sehun. 



Parang babae naman si Luhan na tumingin kay Sehun habang namumula. "H-hello, S-sehunnie." 



HUWAT?! SEHUNNIE?!



Seriously Luhan?! Kelan ka pa natutong lumandi?! HA?! SUMAGOT KA!!!



Napa-smile naman si Sehun at nag-blush din! Whoa!



"Pupunta kasi kami nina Chanyeol sa may Bubble Tea shop after class. Itatanong ko lang sana kung..." umiwas ng tingin si Sehun. Halatang nahihiya siya. "...Uhm. Kung gusto mong sumama?" mas namula si Sehun. At ganun din si Luhan.



Grabe! Ang landi ng dalawang to! Ugh!



"Pwede mo ding isama mga friends mo." singit ni Boy Uling este... Kai. Sorry na! Sorry!



Pero napansin ko din ang pagtingin-tingin ni Kai kay Kyungsoo. 



Don't tell me type din niya si Dyo ah! Grabe! Naiiyak ako! Ako lang walang lovelife, ganun?!



Napatingin samin si Luhan. "Guys... baka gusto niyong sumama?" tanong niya samin pero halata naman sa mga mata niyang, 'Please guys! Mamamatay ako pag hindi to natuloy! I kennat!'. 



"Osige." tipid na sagot ni Dyo. Napansin ko namang napa-smirk bahagya si Kai. 



OMG! This is so awkward! Malayo pa kaya ang Valentines!



"Pag-iisipan ko. Madami pa kasi akong gagawin eh." sagot ko naman. Totoo naman. May shift pa ako sa resto. At saka ayokong masisante.



"Baek." hinawakan ni Dyo yung braso ko. "Sumama ka na kasi. Minsan lang naman." 



Umiling ako. "May trabaho ako, remember? Hindi ako pwedeng umabsent." dahilan ko. 



Tumango naman si Luhan at Kyungsoo. Alam kong naiintindihan nila ako. Kaya, thanks much talaga ng bongga.



Maya-maya pa, nagstart na ang klase. 



Wow. Double date pala mamaya sina Luhan at Kyungsoo. 



Maliban nalang kay Chanyeol. Hmmm. Pero sure naman akong may idadala din yun. 



Yun pa! Sus. 



Eh bat parang nagseselos ka, Baek?



Napa-iling ako. Selos? Me? Never! Like duh! NO!



Saka andiyan nanaman yung mini brain. Nagsasalita nanaman. Creepy talaga. Jusko.



"Attention everyone!" sigaw ni sir mula sa harap. "May ipapakilala ako sainyo." at mula sa pinto ay pumasok ang isang lalakeng mukhang dinosaur slash camel. Magulo. Hindi ko matukoy kung ano at paano.



"Siya si Kim Jongdae. Ang bago niyong classmate, ang president ng Music Club. Actually, hindi naman siya bagong student dito sa GVA. Bago lang siya sa klase na to." tuloy ni sir. 



Ngumiti naman ang Jongdae na yun. "Hello. Ako si Jongdae pero Chen nalang itawag niyo sakin." ngumiti siya at halata ang cheekbones niyang matalas. WHOA!



Nagulat ako nang lapitan niya si Kyungsoo. Akala ko sakin siya papalapit kanina, sa likod ko pala.



"Hello D.O.! Long time no see ah!" masayang bati niya kay Dyo. 



Ngumiti naman si Dyo at nakipag-kamay. "Oo nga Chen! Tagal na din ah." 



"Pwede bang sa likod mo nalang ako uupo?" tanong ni Chen.



"Sure." sagot ni Dyo. "Bakante naman eh." 



Babalik na sana ang tingin ko sa harap pero napansin ko si Kai na masama ang tingin kay Chen. 



Ano to? Nagseselos na din siya?



Sasabihin ko sana kay Dyo pero huwag nalang! Bahala silang mag-usap.



"May isa pa akong announcement." sabi ni Sir. "The Opening Ball is within 2 weeks." 



Ang Opening Ball o mas kilala bilang Acquaintance Ball ay parang isang prom na mas simple lang. May theme pero hindi ganun ka bongga. 



Pero sus. Hindi na ako aattend. Wala din naman akong idadamit.



"The theme would be, Late 90's. And Jongdae, you will be in charge of the live music band." nakangiting sabi ni Sir kay Chen. 



Tumango naman si Chen at nagthumbs up. 



Wow. Live band. Parang gusto kong pumunta dun ah. Gusto kong kumanta. 



Singing. 



Another talent na sina Luhan at Kyungsoo lang ang may alam. 























"So, ano D.O., gusto niyo ba?" tanong ulit ni Chen kay Dyo. 



Kanina pa kami nakaupo sa isang kiosk sa school at kanina pa niya kami kinukulit na kami nalang daw ang vocalists dun sa live band. 



"Papayag nga lang kami kung sasama si Baek!" pag-uulit ni Dyo. 



Eh, hindi nga kasi ako pwede! ARGH! Tusukin ko nalang kaya ng eyeliner ang bunganga netong Chen na to?! Ka-stress eh!



"Sumama ka na kasi, Baekhyun!" ako naman ang kinulit ni Chen. 



Inirapan ko siya. "Busy akong tao Chen! Manahimik ka diyan!" 



Napakamot siya ng ulo. "Aish! Kayo lang kilala kong magagaling eh." sabi niya at nag-pout. 



Napa-irap ulit ako.



"Ang kulit mo kasi Chen!" saway sakanya ni Luhan. "Pag-iisipan nalang namin." 



Nabuhayan naman si Chen at nag-appear ulit ang kanyang matatalim na cheekbones! WHOA ulit.



"YEY! Salamat Luhan!" niyakap niya si Luhan. "Sana maganda ang magiging desisyon niyo!" 



Tumango-tango nalang si Luhan habang pilit na kumakalas sa yakap ni Chen. Natawa nalang ako habang pinapanood sila.



"Sa tingin ko, nasasakal na siya." singit ng isang malamig na boses. 



Paglingon ko, isang poker faced na Sehun ang nakatayo kasama si Kai. 



Agad naman na kumalas si Chen sa yakap niya kay Luhan. "Sino ka? Boyfriend ka ba ni Luhan?" medyo mayabang na tanong ni Chen. 



Tinignan siya ng masama ni Sehun. "Hindi, bakit?! Ikaw ba, boyfriend niya?!" banat naman si Sehun. 



"Oo! At magpapakasal na kaming dalawa!" sigaw ni Chen. 



Natawa naman ako ng palihim, ganun na din sina Kyungsoo at Luhan. 



"A-ano?!" gulat si Sehun at napasapo sa noo niya. 



Nilapitan siya ni Chen at hinawakan sa balikat sabay sigaw ng, "Na-JONGDAE ka! WAHAHAHA!" 



Bigla siyang tumakbo palayo at iniwasan ang pagbato ni Sehun ng isang bato. "Bwiset ka!" sigaw ni Sehun sakanya. 



Pag-alis ni Chen, awkward na nagtinginan lang sina Luhan at Sehun. 



"Uhh... I-ipapa-alala ko lang s-sana yung..." nauutal na sabi ni Sehun habang nagba-blush. 



"Oo." sagot naman agad ni Luhan at nag-smile. "Pupunta kami." 



Tumango-tango naman si Sehun at napahawak sa batok niya. "See you." sabi niya at naglakad na palayo. 



HAAAYYY. Is it love? Is it love?

















Napagdesisyunan kong lakarin nalang ang school hanggang sa resto kasi wala na akong pera. Naubos ito dahil sa contribution namin sa PE class namin.



Habang naglalakad ay naramdaman kong may sumusunod sakin. 



May kaluskos akong naririnig. 



Tumigil ako sa paglalakad at lumingon.



Pero... wala naman. 



Nang medyo malayo na ako mula sa school ay meron parin yung kaluskos. 



Sa pagkakataong ito, umupo ako at nagkunyaring isisintas yung sapatos ko. Pagkatapos nun ay naglakad ako ulit. 



Biglaan akong lumingon.



"Ikaw?!"



"Uh... H-hello." 



Ano bang problema ng Dobby na to?



Umiiwas na nga yung tao eh.




* * * * * 





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top