Baekla 4
* * * * *
~Byun Baekhyun~
"Sigurado ka ba diyan sa gusto mo, ha?" nakataas ang kilay na tanong sakin ni Tita Pets. Eh kasi, sinabi ko na sakanya yung balak ko na magtrabaho sa resto namin este... nila pala.
Mabilis akong tumango. "Oo, Tita. Tutal, madami pa naman kayong alipores este... katulong dito sa bahay. Pero siyempre, personal alalay parin ako ng kambal." nakangiting sabi ko.
Napa cross yung daliri ko. Sana pumayag tong bruha na to, kung hindi, ipapakain ko siya sa mata ni Kyungsoo!
Hinimas himas ni Tita Pets yung baba niyang mahaba na para bang nag-iisip. Mas lalo akong kinabahan. Minsan lang kasi siya mag-isip, hindi ko ito inaasahan.
"Hmmm..." simula ni Tita at napatingin ulit sakin. "Osha, sige. Basta sipagan mo dun at huwag mong pababayaan ang mga prinsesa ko ah!" istriktong sabi niya.
Muntik nanaman akong masuka, pero syempre, pinigilan ko. Hello?! Humihingi nga ng pabor diba? "Oo naman Tita. Huwag kang mag-alala. Salamat!" masayang sabi ko at umakyat na sa kwarto ko para simulan yung mga assignments.
First day, andami nang assignments. Nakaka-stress.
Meron akong study chair at study table na luma dito sa kwarto ko sa attic, kung saan absorbed na absorbed akong nagbabasa nang...
"Hoy, Byun!" napalingon ako at nakita si Krystal na pumasok nalang bigla sa kwarto ko. Umupo siya sa kama ko at nahiga. May hawak siyang tatlong libro.
Inirapan ko siya. "Uso kayang kumatok, Krystal."
Tinignan lang niya ako ng masama. "Ang tigas ng kama mo! Eh kung sana, kasing tigas ka niyan?! BAKLA!" sigaw niya at tumayo para makapameywang.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. "Ano bang kailangan mo?" bored na tanong ko sakanya. Ayoko ng away no. Kahit kanina ko pa siya gustong patayin, hindi ko pwedeng gawin yun. 'Patience is a virtue' ika nga.
Lumapit siya sakin at binagsak yung tatlong libro sa ibabaw ng librong binabasa ko.
"Oh ayan!" mataray na sabi niya sakin. "Algebra, Calculus at English. Gawin mo lahat yan. Bilisan mo ah. Ang hirap eh. Saka, icu-curl ko pa tong hair ko para bukas."
Pagkasabi niya nun ay naglakad na siya palabas. Hindi manlang sinara yung pinto! NGRRR!
Nakita kong sobrang dali lang naman ng mga assignments niya. Kahit Grade 7, kaya to eh! Pero patapos ko palang yung English ay dumating naman si Jessica.
"Baekhyun!" tawag niya sakin at iniabot ang apat na books. "Gawin mo yan! Kailangan ko pang i-polish ang nails ko!" sigaw niya at lumabas ng kwarto.
Napa-iling nalang ako. "Eh kung mali nalang kaya isagot ko sa lahat?" bulong ko sa sarili ko.
Pero sinong niloko ko diba? Ako din naman ang mananagot kung sakali man. Ayoko nang madagdagan pa mga parusa ko sa buhay. So... no choice talaga ako.
Sa huli, ako ang gumawa ng assignments ng kambal at binigay ito sakanila pagkatapos.
Last period na namin ngayong hapon. Pero bilang scholar, obliged din akong tumulong sa mga teachers. Like duh? Alam kong maganda ako, pero, wala akong magagawa.
"Good afternoon!" masayang bati nung teacher namin dito sa Theology subject na si Miss Miracle.
Ngayon alam niyo na kung bakit siya ang teacher ng Theology ah.
And one more thing, kaklase ko sa klase na ito sina Chanyeol, Michaela at Jongin. Nakakaiyak pero, naiilang talaga ako sakanila. Kasi naman si Jongin, kinakausap ako dahil kay Kyungsoo. Tapos panay ang tingin sakin ng mga classmates namin. Bakit daw ako ang kausap chu chu chu. Tapos tong si Chanyeol naman, ngiti nang ngiti. Pinapatay na nga ako ni Michaela sa isip niya eh.
Buti na nga lang at one seat, one table dito. Malayo sila sakin, asa likod ako. He he he.
"Men and women." simula ni Miss. "Yan lang daw ang dalawang sex or gender na ginawa ng Diyos. Totoo naman diba?"
"Pero Miss, may pinapanganak na dalawa ang organs!" sigaw ni Jongin habang nakataas ang isang kamay.
Napangiti naman si Miss Miracle. "Tama ka diyan, Mr. Kim. Pero, ang ipinapanganak na ganun ay may iisa paring reproductive system. Meaning, iisa parin ang sex nila." sagot naman ni Ma'am na nagpatahimik sa buong klase.
"But due to the change in beliefs and practices, at dahil na rin siguro sa umuunlad na kakayahan ng bawat bansa, nagkaroon tayo ngayon ng LGBT community or the so-called Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender Community."
Bigla akong namula. So, tungkol ba sa aming mga bisexual ang usapan ngayong araw? OMG. I kennat! Pwedeng change topic nalang? Yung ganda ko nalang ang pag-usapan... o yung alambreng buhok ng kambal... o yung creepy na smile ni Chanyeol... o yung kaitiman ni Jongin! Kahit ano na. Huwag lang to.
"Yuck!" may biglang sumigaw at nakita ko si Michaela na may disgusted look sa mukha.
Ang bruha! Kung maka-yuck, parang ang ganda-ganda naman! Footspa, ang kapal ah!
Napatingin naman sakanya si Miss Miracle at halata sa mukha nito ang inis. "Is there a problem, Miss Chua?" tanong niya kay Michaela-umbrella.
Tumayo naman si Michaela-umbrella with poise and bearing. Ke arte-arte talaga. "Actually, yes, Ma'am." naka-simangot na sabi niya.
"What is it?" tanong ni Ma'am.
"I just don't approve the LGBT-sh*t." direstong sabi niya na para bang wala siyang pakialam na nasa Theology class kami. THEOLOGY TO AH.
Halatang nagulat si Ma'am sa pagmumura ni Payong (short for Michaela-umbrella). "Mind your words, Miss Chua. Remember, andito ka parin sa klase ko." striktong sabi ni Ma'am.
Pero imbes na mahiya ay nag-eyeroll lang siya. Aba eh, bastos pala to eh. "Oh well. Whatever." at nagpacute pa sa buong klase. Muntik na akong masuka. "It's just that... the LGBT community, isa silang malaking kahihiyan! Sinisira nila ang gender equality sa mundo. Men are for women! And gosh! Kadiri ang mga baklang pumapatol sa lalake! Cause, if i know, they just want sex." Everyone gasp. May ibang napatingin sakin at sa iba pa naming kaklaseng kabilang sa third gender.
Pero ako, wala akong nagawa kundi tumingin sa mesa ko. Nakakahiya.
"Same sex relationships are like, garbage! Walang patutunguhan! Only girls could give fulfillment to men, of course. At walang bakla ang makakapantay sa aming mga girls!" she scoffed. "And lesbians, eww. Kadiri. You know, if I could just change every lesbian into a girl like me, I would. The LGBT, dumi sila sa mundo." mayabang na sabi niya at naupo.
Walang nakapagsalita ng halos ilang segundo. Pati si Ma'am ay nagulat din sa mga sinabi ni Michaela.
Napaka-walang puso ng mga sinabi niya! Hindi ba niya naisip na andito rin kami? Nakikinig sakanya? Oo, mayaman siya at maganda (medyo) pero... GOSH! How could she say that?! Paano niya na-attain na sabihin lahat ng yun?!
"Well," simula ni Miss Miracle. "What I can--"
"Excuse me, Miss." Hindi ko alam pero I raised my f*cking hands. Hindi ko kayang madiscriminate ng ganito.
Napatingin sakin si Ma'am, at parang nakita ko siyang nag-smile. "What is it, Mr. Byun?"
Tumayo ako at tumingin ng direkta kay Payong. If she can talk, pwes, ako din. She looked at me na para bang diring-diri siya. Ang sarap siyang tusukin ng eyeliner eh! Bruhang to!
"Hindi ko alam kung anong galit ni Ms. Chua sa LGBT pero what she said is beyond my understanding and comprehension." inilibot ko ang tingin ko sa buong klase and my eyes met Chanyeol's. Nakatingin siya sakin habang may maliit na ngiti sa labi, pero bago pa ako malunod sa mga tingin niya, iniwas ko ito agad. "Ang sabihan kami na dumi sa mundo, I would never accept that, Miss. First of all, hindi lahat ng tao pare-pareho. May maganda, may pangit. May mabait, may masama. Ganun din kami sa LGBT. Iba-iba kami ng personalidad. Kung may masamang bading, siguradong meron ding mabuti. And from what I heard today, may mabuting babae at meron ding masama..." I looked directly at Michaela. "At meron ding sobra-sobra ang kasamaan." With that, she gasped.
"Bakit tayo huhusga? Kilala ba natin sila? Alam ba natin yung mga napagdaanan nila sa buhay? Do we really know them? Hindi naman diba? You criticize them na para bang kilala niyo sila, when reality is that, ni kumpletong pangalan nila, hindi niyo alam." Tuloy ko. "Bakit? Alam din naman naming magmahal ah. Pero kasalanan ba namin kung hindi ito tumitibok para sa babae? Pinili ba namin to? We didn't. Kung tutuusin, mas madali ang buhay ng lalake at babae kasi walang discrimination. Pero kami, we undergo more than one everyday of our lives." napayuko ako at napatingin sa mesa. "Tao rin kami. We have rights. We grew up to this. We didn't have a choice. You don't have the right to be evil. None of us has the right to talk that way."
Parang pagod akong napasalampak sa upuan ko. Pulang-pula ang mukha ko at pinagpapawisan din.
Hindi ako makapaniwalang nasabi ko lahat ng iyon pero... I did. Kasi....
MALDITA YUNG BABAENG YUN! WALANG HIYA SIYA! KALA KUNG SINONG MAGANDA HA?! EH MAS MAKINIS PA YUNG KUTIS KO SA PWET KESA SA MUKHA NIYA!!! WAAAAHHH!!!
Natahimik din ang buong klase. They just stared at me na para bang isa akong malaking pimple na may mukha. Ewwww. Sa ganda kong to?
"I agree with Mr. Byun." biglang may nagsalita at tinaas ko ang tingin ko para makita kung sino yun.
Nagulat ako nang makita si Park Chanyeol na nakataas ang isang kamay at nakangiti sakin. Yung derp smile niyang creepy.
But this time, hindi ako natakot. Instead, lumambot yung puso ko. Ang sarap titigan ng mga labi niyang naka-ngiti ng ganun. Ang sarap... Ang sarap talaga.
"Well," biglang singit ni Miss Miracle at agad akong nawala sa iniisip kong kabastusan. Pag-pantasyahan ba naman si Chanyeol? "It's good to hear na nag-agree ka, Mr. Park." nakangiting sabi ni Miss at napatingin sakin. "Mr. Byun, see me after class."
Matapos niyang sabihin yun ay dinismiss na niya kami. Masyado daw maraming drama kaya uwi nalang daw muna.
Binigyan ako ni Payong ng nakamamatay na tingin bago lumabas ng room. Pero inirapan ko lang siya. Akala niya siguro magpapatalo ako sakanya no?! Her face, so pangit! Mas maganda talaga ako! RAWR!
Napag-alaman kong transgender pala ang kapatid ni Miss Miracle kaya natuwa siya sa ginawa ko kanina. Pakiramdam daw niya, someone stood up in behalf of his brother na sister na ngayon.
Pero ang bad news, male-late na ako sa una kong shift sa resto kaya naman tinakbo ko ang hallway papuntang gate. Ang bus stop ay sa kabilang dako pa ng kalsada at nakita kong wala nang mga naghihintay doon. Pero de-kotse naman halos lahat ng estudyante dito diba?
Nasabi ko na ba na hindi na ako ang driver ng kambal? Yaya nalang! Oha?! San kapa?!
Patawid na ako ng daan nang...
SCREEEEEEEEEEECCCHHHHHH!!!
Isang mabilis na kotse ang paparating sakin.
Wala akong nagawa kundi ang pumikit.
Parang napatigil ang pagtibok ng puso ko.
Asan na yung dugo?! Asan na yung bali ko?! Asan na yung tama ng sasakyan?!
"A-are you alright?!"
Isang malalim na boses ang narinig ko.
"Byun Baekhyun! Hey!"
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at isang maputing leeg ang sumalubong sakin.
"My god! I thought you're... ugh!" at niyakap niya ako.
Niyakap niya ako...
Niyakap niya ako...
Niyakap niya ako...
Niya-- TEKA!!!
Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong yakap-yakap ako ni Chanyeol habang nakatayo dito sa gilid ng kalsada.
Nakahawak ang isa niyang kamay sa bewang ko at ang isa naman ay nakahawak sa ulo kong nakapatong sa balikat niya. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Naamoy ko ang sobrang manly niyang scent at nakaka-intoxicate ito.
Sa sobrang higpit ng yakap niya sakin, nararamdaman ko ang tibok ng puso niya. Sobrang bilis din nito. Maging ang kanyang... ehem ehem... nararamdaman ko din sa may bandang tiyan ko.
WAAAAAHHH! ANO BANG SINASABI KO?!
Agad akong kumawala sa pagkakayap niya. "A-anong ginagawa mo?" namumulang tanong ko sakanya.
"I... uhh.. I pulled you away from the road." sagot niya habang nakatingin sakin, full of concern.
Doon ko lang narealize na niligtas niya ang buhay ko. Kung hindi niya ako nahila... malamang...
NOOOOOO!!! YUNG MGA PANGARAP KO SA BUHAY!!!
"A-ano..." bulong ko at napasapo ako sa noo. Napatingin ako sakanya. "S-salamat. Salamat talaga."
Pero imbes na mag-welcome ay niyakap niya ako ulit.
Pero sa pagkakataong yun, hindi na ako kumawala agad...
Chansing eh. Ehe he he.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top