Baekla 19
* * * * *
Madilim ang auditorium nang pumasok si Chanyeol dito.
Paano ba naman kasi eh 7pm ang gusto ni Eyeliner Guy na pagkikita nila. Kahit madami pang assignments at projects ay pumunta si Chanyeol doon. Walang pag-aalinlangan.
Kasi nga mahal niya. Mahal na mahal.
Napabagal ang pag-hakbang ni Chanyeol papasok sa gitna ng auditorium. Wala siyang makita.
"H-hello?" tawag ni Chanyeol kahit mukha na siyang tanga kasi echo lang ang naririnig niya.
Napakamot siya ng ulo niya at nakaramdam ng kilabot. Paano pag multo yung nag-iwan ng note sa table niya?
Pero maya-maya pa ay nakarinig siya ng mga kaluskos sa paligid. Namula ang mukha niya at napatigil sa paghakbang.
Nang biglang bumukas ang isang spotlight at tumama ang ilaw sa isang upuan sa first row ng audience seats. Nakaharap ito sa madilim parin na stage.
Nilapitan ito ni Chanyeol at nakitang may nakapaskil na "Reserved for Park Chanyeol", kaya naman umupo siya doon kahit takang-taka parin siya.
Sobrang dilim parin ng paligid. Wala siyang makita kundi ang sarili lang niya dahil sa tulong ng spotlight.
Mag-iingay na sana muli ang Yoda nang isang boses ang pumukaw ng atensyon niya.
"I do believe all the love you give
All of the things you do
Love you; Love you...
I'll keep you safe, don't you worry."
Muling napatahimik si Chanyeol sa boses na narinig niya. Hindi siya makapaniwala na andito na yung taong hinahanap niya sa loob ng auditorium. Hindi lang niya mawari kung saan.
"I wouldn't leave, wanna keep you near
Cause I feel the same way too
Love you; Love you...
Want you to know that I'm with you."
Muling nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Chanyeol. Hindi dahil nasasaktan siya o inaatake siya ng sakit sa puso kung hindi dahil sa sobrang saya. Sobrang saya, malapit na siyang maiyak.
Sa pagpatak ng unang luha ni Chanyeol, kasabay nun ang pagbukas ng ilaw sa stage.
At nakatayo dun ang isang pigura ng lalake na may hawak na microphone.
Si Eyeliner Guy.
Nakabihis siya ng tulad ng damit niya noong Opening Ball. Eksaktong-eksakto. Kasama pa ang maskara nito.
Hindi makagalaw si Chanyeol sa kanyang kinauupuan. Ang alam lang niya, umiiyak na siya at hindi na niya mapigilan pa.
"I will love you and love you and love you
Gonna hold you and hold you and squeeze you
I will please you for all time
I don't wanna lose you and lose you and lose you
Cause I need you and need you and need you
So I want you to be my man
You've got to understand my love..."
Hindi inaalis ni Chanyeol ang tingin niya sa taong nasa stage. Sila lang dalawa ang naiilawan. Sobrang dilim parin ng paligid.
"You are beautiful, beautiful, beautiful, beautiful, beautiful, beautiful babe
You are beautiful, beautiful, beautiful, beautiful, beautiful, beautiful babe."
Biglang nawala ang tugtog at ilang segundo lang silang nagtitigan. Walang kumukurap. Walang nagsasalita.
Pero mararamdaman mo ang pagmamahal na namamagitan sa dalawang lalake ngayon kahit pa maraming hakbang ang nagpapagitan sakanila.
"Hi." binasag ni Baek ang katahimikan habang naka-hawak parin sa microphone niya. Pero bago siya nagsalita, sinikap niyang gamitin ang boses na ginamit niya noong gabi ng Opening Ball.
Hindi makasagot si Chanyeol.
Andito na siya. Andito na siya.
Yun lang ang tanging pumapasok sa isip niya.
Napangiti bahagya si Baekhyun dahil sa itsura ni Chanyeol na parang nakakita ng multo. Namamaga na din ang mga mata ng Yoda. "Sabi ko, hi, Chanyeol." sabi niya muli.
Doon lang natauhan si Park at biglang umayos ng upo. "H-hi." halos di marinig na sabi nito.
"Alam ko, nagtataka ka kung bat ganito ang set up." explain ni Baekhyun pero kasabay din nun ang pagkunot noo ni Chanyeol.
Nagbago ang boses niya. Naisip ni Chanyeol.
"Park Chanyeol, gusto kong humingi ng tawad sayo." simula ni Baek habang nararamdaman ang pagpatak ng mga luha niya. "Sorry kasi pinahirapan kita. Sorry kasi natakot akong magpakita sayo. Sorry kung pakiramdam mo, umasa ka sa wala."
Walang maisagot si Chanyeol. Pero wala namang hinihintay na sagot si Baek kaya nagpatuloy siya.
"Chanyeol, pagkatapos ng pagpapakilala ko, hindi ko alam kung matatanggap mo ba ako." umiiyak na sabi nito. "Hindi ko alam kung mamahalin mo pa ang isang katulad ko. Kasi nga, alam kong hindi tayo bagay, oo na, aminin ko na. Masyado kang perfect para sakin. Masyado kang mayaman at lahat-lahat na.
Pero..." hinigit ni Baekhyun ang maskara niya at tinanggal ito.
Habang basang basa pa ang mukha niya ng mga luha niya, tumingin siya ng direkta kay Chanyeol. "...mahal na mahal kita kaya andito ako. Mahal na mahal kita kaya, sana... ganun ka rin... ganun parin yung nararamdaman mo."
Parang tumigil yung mundo ni Chanyeol sa nakita niya.
Si Baekhyun at si Eyeliner Guy ay iisa.
Unti-unting naglakad si Baekhyun pababa ng stage. Hindi niya alam kung anong reaksyon ni Chanyeol. Gulat lang ito at hindi nagbabago kaya kinabahan siya.
Lumapit siya kay Chanyeol kahit nahihirapan siyang tignan ito ng ganun kalapit. Isang hakbang nalang ang pagitan nila. Naamoy na niya ang sobrang manly na amoy nito.
"Chanyeol..." tawag niya at pinilit na makipagtitigan sakanya. "Ako si Eyeliner Guy mo. Ako yung sinasabi mong mahal mo. Ako yung lalakeng kasama mo nung gabing yun. Ako yung yumakap sayo. Ako yung hinalikan mo pabalik. Ako yung... nagmamahal din sayo." lumuluhang sabi niya. "Walang araw na hindi ko ginustong magpakilala sayo. Gustong gusto kong malaman mo kung sino talaga ako. Pero natakot ako, Chanyeol eh. Natakot akong ipagtabuyan mo palayo. Natakot akong mandiri ka sa akin.
"Isa akong loser, Park Chanyeol. Isa kang elite. Pero naisip ko, bakit hindi ko subukan diba? Bakit hindi ko subukang umamin sa taong mahal na mahal ko? Kaya ngayon, andito ako. Matatanggap mo ba ako Chanyeol? Mahal mo parin ba ako?"
Unti-unting inangat ni Chanyeol ang isa niyang kamay at hinaplos ang mukha ni Baek. Dahan-dahan niyang pinadaan ang mga daliri niya sa pisngi nito habang umiiyak din.
"I-ikaw nga." bulong nito. Bulong na halos walang makarinig.
Iniangat ni Chanyeol ang dalawang kamay at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Baekhyun. "Ikaw..." bulong nito hanggang sa isang malapad na ngiti ang nagpakita sa mukha niya.
Halos humagulgol si Baek sa saya nang makita ang reaksyon ni Chanyeol.
"Byun Baekhyun..." sabi ni Chanyeol at hinaplos ang mukha ni Baek. "Ang tagal kitang hinanap." masayang sabi nito.
Tumango-tango si Baekhyun at napahawak sa kamay ni Chanyeol na nasa pisngi niya. "A-alam ko, C-chanyeol. S-sorry ah." umiiyak na sabi nito.
Bigla siyang hinigit ni Chanyeol at niyakap ng mahigpit. Isang yakap na puno ng pagmamahal at alam niyang si Baek lang ang gusto niyang makadama nun. "Huwag kang mag-sorry Baek." bulong nito saka hinalikan ang buhok ng isa. "I know and I understand. Kahit kelan, hindi ako mandidiri sayo. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. You're eveything I ever wanted. I love you very much, Byun Baekhyun." sabi pa nito na mas lalong nagpa-iyak kay Baekhyun.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." sabi ni Chanyeol habang hindi inaalis ang pagkayap nila sa isa't isa. "Words would never be enough to explain how happy I am right now."
Hinigpitan ni Baek ang pagkakayap sa prinsipe niya. "Masaya din ako, Chanyeol. Sobra."
Biglang may naalala si Chanyeol at marahan na kumalas sa yakapan nila ni Baekhyun. "Teka, may problema." seryosong sabi nito.
Napakunot noo naman si Baek at tumingin kay Chanyeol. "Ano?" kinakabahan na tanong nito.
"There's one thing you've not yet proven."
Mas lalong nagtaka si Baek at nakaramdam siya ng inis. "Grabe naman." inis na sabi nito. "Kumanta na ako, nagpakilala, nagpakita, nayakap mo na nga--"
Pero hindi na natuloy ni Baek ang sasabihin nang bigla siyang halikan ni Chanyeol. Hinalikan siya nito ng tulad ng ginawa niya nung gabing yun.
Unti-unting tumugon si Baek sa halik hanggang sa naramdaman niya ang kamay ni Chanyeol sa may bewang nito, hinihila ng mas malapit ang kanyang katawan. Hinigit pa siya ni Chanyeol ng mas malapit hanggang sa wala nang namamagitang puwang sa kanila. Kaya naman pinulupot ni Baekhyun ang dalawa niyang braso sa leeg ni Chanyeol at pinaglaruan ang kanyang buhok.
Lumalim pa ang kanilang mga halik hanggang sa kumalas sila para sa hangin.
"Ikaw nga." nahihingal pa na sabi ni Chanyeol.
Napa-irap naman si Baek habang naghahabol din ng hininga. "Talaga?" nakangiting bulong nito. "Let's prove that again."
At hinigit niya muli si Chanyeol para sa isa pang halik.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top