Baekla 18
* * * * *
~Byun Baekhyun~
Hinawakan ko ng maigi ang folder na hawak ko. Pinapasma na din ang mga kamay ko sa kaba.
Ang tanong, kaya ko ba to?
Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Atty. Audrey Lee sa balikat ko. Agad ko siyang nilingon at alam kong bakas sa mukha ko ang kaba.
"Are you ready Baekhyun?" tanong niya ng may encouraging na ngiti.
Tumango ako ng bahagya. "Opo Attorney. Handa na ako." sagot ko kahit hindi naman talaga ko sure.
Hahakbang na sana ako paakyat sa pintuan ng bahay nang may tumigil na kotse sa tapat namin. Napakunot ang noo ko at tumingin kay Atty. Lee.
Bigla siyang nagsalita. "Uhh. Baka kasi kailangan mo ng... alam mo na, moral support?" medyo nahihiyang sagot niya at dalawang alalang-alalang mukha ang lumabas mula sa red sports car na yun.
"BAEKKIIEE!!" sigaw ni Kyungsoo habang patakbong lumapit sakin.
Napa-nganga naman ako sa kanilang dalawa. ANO TO?
"A-anong--"
Hindi na ako pinatapos ni Luhan magsalita at tinakpan ang bunganga ko gamit ang bag na hawak niya. "SSSHH!" sigaw niya. "Tinawagan kami ng Atty. Lee bago kayo pumunta dito! Alam na namin ang lahat Baek! Huwag ka nang mag explain!"
Agad ko namang tinanggal ang bag sa mukha ko at tinignan siya ng masama. "Hindi naman ako mag-eexplain! Kayo ang dapat mag-explain." sigaw ko sakanya. "Anong ginagawa niyo dito?"
Napa-eyeroll naman si Kyungsoo at inirapan ako. "Hello?! Moral support nga eh."
Inirapan ko din siya. "Okay! Okay!"
Bago pa kami magkasagutan ng mas matagal ay sumingit na si Attorney. "Teka lang." sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. "Mamaya na kayo magbangayan okay? Kailangan muna nating i-settle ang mga bagay-bagay." kalmado niyang sabi.
Sabay-sabay naman kaming napatango at saka ko lang narealize na dapat na pala akong kabahan ulit.
"Go, Baek, kaya mo yan." bulong ni Luhan habang pinapat yung likod ko ng paulit-ulit parang timang.
"Andito lang kami sa likod mo Baek, tandaan mo yan. I mean, literally." sabi naman ni Kyungsoo sabay tulak sakin papunta sa pintuan. "Alam mo na, baka may ibato siya na di kanais-nais. Ayokong masaktan." bulong pa niya pero hindi ko na pinansin ang gaga.
'CRASH!'
Kumalat sa sahig ang mga piraso ng vase na tinapon ni Tita Pets.
"Sabi ko na eh." bulong ni Kyungsoo sa likod ko.
"ANONG KARAPATAN MO PARA HANAPIN LAHAT NG IYAN?!! HA??!!" namumula na sa galit ang mukha ni Tita Pets pero hindi ako nagpatinag. Lalaban na ako ngayon. Hindi na ako matatakot pa ulit.
"At anong karapatan mo Tita, para itago sakin to lahat?!" sigaw ko. Hindi ko na din mapigilan ang emosyong kanina ko pa tinatago. "Sa akin iniwan ni Papa lahat, Tita! Pero anong ginawa niyo? Tinago niyo to lahat sakin!"
Hindi nakasagot si Tita Pets. Tinitignan lang niya ako ng masama habang may hawak na figurine sa isang kamay.
"Buong buhay ko, nagsilbi ako sa inyo dahil akala ko, pamilya ko kayo! Kayo nalang ang meron ako Tita eh. Wala na sina Mama at Papa. Pero hindi pala. Lahat pala ng akala, mali. Hindi ko kayo pamilya. Ginamit niyo lang ako." lumapit ako sakanya at ipinakita ang isang sulat galing sa bangko. "Bankcrupt na pala ang resto, hindi niyo manlang alam." kalmado kong sabi sakanya pero nangingilid na ang mga luha ko.
Nanlaki ang mga mata niya. "A-ano?" halos pabulong na sabi nito pero bakas sa mukha niya ang gulat. Nabitiwan niya ang figurine at nabasag ito sa sahig.
Tumango ako ng bahagya at pinigilan ang pag-agos ng mga luha. "Yun ang pinaka-mahalagang iniwan ni Papa pero pinabayaan niyong mawala. Hindi niyo iningatan kasi masyado kayong gahaman at makasarili."
Biglang bumukas ang mga pinto sa itaas at bumaba sa sala ang kambal. Bakas sa mga mukha nila ang takot. Halatang nakikinig sila sa usapan kanina pa.
"Baekhyun!" sigaw ni Jessica. "Anong right mo to shout at Mommy ng ganyan?!"
Tinignan ko siya ng masama at halatang napa-urong siya sa takot. "Huwag kang makisama dito, Jessica, kung ayaw mong sa basurahan ka na pupulutin." banta ko sakanya.
Agad naman siyang nanahimik at nagtago sa likod ni Tita Pets.
"Tita," tawag ko ulit kay Tita Pets. "Binigyan ko kayo ng pagkakataon na magbago at ituring akong anak niyo din. Alam mo kung gaano ko kagusto magkaroon ng nanay." malungkot kong sabi sakanya. "Pero hindi niyo parin ako pinansin."
Nilabas ko ang titulo ng bahay at lupa na matagal na nilang hinahanap. "Itong hinahanap niyo diba?"
Mas nanlaki ang mga mata ni Tita Pets at halatang hindi na niya kayang magsalita.
Alam na niya ang susunod na mangyayari.
"Umalis na kayo." bulong ko. "Akin tong bahay at gusto kong umalis na kayo."
Hindi sila nakasalita ng ilang segundo kaya nilakasan ko ng konti ang boses ko.
"Umalis na kayo. Ngayon din."
After 1 week...
"So binili mo na nga ulit yung Resto Byun mula sa bangko?" tanong ni Kyungsoo habang hinahati ang steak na pagkain niya.
Tumango ako ng bahagya. "Oo. At tinanggap ko din sina Tita Pets na magtrabaho dun." sagot ko naman.
Nanlaki naman ang mga mata ni Kyungie. "ANO?!" gulat na sigaw niya. "Paano naman yun?! Alam ba nila yung mga ginagawa nila doon?!"
Umiling ako at natawa ng bahagya. "Ewan. Hindi ata." sagot ko. "Pero iniwan ko naman sila kay Miss Ellie. Sabi ko, siya na bahala sakanila."
Napailing nalang si Kyungsoo. "Grabe. Ikaw na ang inagrabyado, tutulungan mo parin?"
"Oo naman." sagot ko. "Hindi ko naman hahayaan na mamatay sila sa gutom."
Sasagot pa sana si Kyungsoo nang isang Luhan ang dumating sa table namin, pagod na pagod at halatang tumakbo pa papunta dito.
"San ka ba galing, Luhan?" tanong ni Kyungsoo kay Luhan. "Kanina ka pa namin hinahanap ah."
Napa-iling naman si Luhan. "Galing lang ako kay Sehun. Andun parin sila sa auditorium eh. Tuloy parin ang paghahanap kay Eyeliner Guy." sagot niya sabay tingin sakin.
Napa-"ehem" naman si Kyungsoo at tinignan ako ng masama. "Hoy ikaw Baekhyun." mataray na sabi niya. "Ilang linggo nang walang tigil sa paghahanap sina Chanyeol, wala ka bang balak na... alam mo na, magpakilala sakanya?"
Napatahimik ako sa sinabi niya.
Kung tutuusin, wala nang hadlang para magpakilala ako kay Chanyeol.
Wala na... maliban sa takot ko. Takot akong magpakilala sakanya. Kasi takot akong mareject ng taong mahal ko.
Napa-iling ako ng bahagya. "Ewan ko." sagot ko habang umiiwas ng tingin. "Takot ako sa rejection." bulong ko.
Agad naman akong pinalo ni Kyungsoo at binatukan ni Luhan.
GRABE. Mga sadista tong mga to ah.
"SIRA!" sigaw ni Kyungsoo. "Magpapakilala ka lang! Hindi mo siya yayayaing magpakasal!" inis na sabi niya.
"Oo nga!" sabat naman ni Luhan. "Edi kung ayaw niya sayo, hindi mo ba pwedeng gawing clue yun na, hindi talaga siya ang para sayo? Maganda nga yun eh, para alam mo na kung aasa ka o hindi."
"Kaya nga!" sigaw pa ni Kyungsoo. "At least, masasabi mong, 'Now I know'. Oh diba?!"
Inirapan ko nalang silang dalawa kahit na alam kong may point naman sila. Minsan talaga, matalino yung dalawang yun. Pero minsan lang yun.
Mahal ko naman kasi talaga si Chanyeol. Sobrang mahal ko siya.
Walang araw na hindi ko gustong sabihing ako yun. Ako yung taong mahal niya na matagal na niyang hinahanap.
Ambobo nga niya kasi hindi niya ma-feel na ako yun! Pero kung iisipin ko, iniba ko kasi ang boses ko nung gabing yun kaya siguro, hindi niya ako nakilala.
Napatango ako.
Sasabihin ko siguro.
Pero paano?
~Park Chanyeol~
Kagagaling ko sa court nang makasalubong ko sina Sehun at Kai.
"Yeol!" sigaw ni Sehun.
Agad ko naman silang nilapitan. "Yung bag ko? Kinuha niyo na?"
Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay na umiling. "Sorry!" sabi ni Kai. "Akala kasi namin babalikan mo din eh. Hindi mo naman sinabi."
Napa-iling nalang ako pero tumango. "Ayos lang. Sige, hintayin niyo ako dito. Kukunin ko lang sa room."
"Sige." sabay nilang sabi at iniwan ko na sila doon.
Bigla kasing nagpatawag ng meeting si coach at iniwan ko na muna ang bag ko sa classroom namin kasi akala ko, mabilis lang. Hindi pala. It took us all afternoon.
Tinakbo ko ang hallway at nang marating ko ang room, wala nang tao at yung bag ko nalang ang nag-iisang naiwan doon na naka-upo pa sa upuan ko.
Agad ko namang nilapitan ito at napansing bukas siya.
Nakaramdam ako ng kaba. Andun sa loob yung eyeliner "niya".
Paano pag may kumuha nun?
Bubuksan ko na sana ang bag ko para i-inspect nang isang note ang pumukaw sa atensyon ko.
Nakasulat siya sa isang puting sticky note na nakadikit sa table ko.
Nakasulat doon:
Park Chanyeol,
Matagal mo na akong hinahanap diba?
Chance mo na to.
7pm; Tomorrow; GVA Auditorium.
Ingat sa pag-uwi.
Itatapon ko na sana ang note dahil ilang beses na akong nakatanggap ng ganito. Pero isang bagay ang pumigil sakin at nagpabilis ng tibok ng puso ko.
I felt blood rushing to my face.
Right beside my bag and the note is the most precious eyeliner I am keeping...
And it's open.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top