Baekla 17



~Park Chanyeol~ 




"ANO BA?!!!" sigaw ni Kai habang hinihila yung babae palayo sa table ko. "SABI NANG--AY PUTA!!! ANO BA?!!!" 




Agad namang napatayo si Sehun mula sa kinauupuan niya at pumunta para tulungan si Kai sa paghila sa babae. 



"Ako yan!!!" iyak nung babae. "Nag-- Nagkamali lang!!!" 



Napailing nalang ako at napa-sapo sa noo. Malapit ko nang isipin na isa itong malaking kahibangan. 



"Lalake nga yung hinahanap namin miss!!!" sigaw ni Kai dun sa babae. "Hindi babae, okay?!!!" 



Umiyak naman ng mas malakas yung babae. "CHANYEOL!!! AKO NALANG PLEASEEE!!!" napatakip ako sa tenga kong malaki dahil sa sigaw ni ate. 



Grabe!!! Malapit nang maubos pasensya ko! 



"Guards!" sigaw ko at limang men in black ang lumapit para kunin na yung babae para ilabas dito sa auditorium. 



Napabuntong hininga naman sina Kai at Sehun nung wala na siya pero rinig ko parin ang mga sigaw at pakiusap niya. 



"Alam niyo?!" sigaw ko kina Sehun. "Isa tong malaking kahibangan! Tignan niyo, hindi na nauubos yung pila!" 



Sabay kaming tatlong napatingin sa pila at AYUN! Hindi nga nauubos. Tuloy tuloy parin ang dating ng mga tao, lalake man o babae. Grabe talaga. Paano naman kami matatapos neto?



"Chanyeol." naka-smirk na sabi ni Kai at pinat ang balikat ko. "Trust us. Kakayanin natin to!" 



Tumango tango naman si Sehun at nag thumbs up pa. Walanjo tong mga to. Pinagloloko ata buhay ko eh.



Tinignan ko lang silang dalawa ng masama. Mahirap pagkatiwalaan tong dalawang mokong na to eh. 



"Okay! Next!" sigaw ni Kai at dalawang babaeng pamilyar ang lumapit. 



Yung mga stepsisters si Baek. 



Nagtutulakan pa sila habang papalapit sa may stage. "Ano ba?!" sigaw nung isa. 



"Ako nga kasi!"



"F*ck you!" 



"Damn you, b*tch!"



"Argh! I hate you!"



"Just kill yourself!" 



"What--" 



"Ehem!" singit sakanila ni Kai sabay eyeroll. "Pwede ba, magfocus muna tayo." seryosong sabi niya sa dalawa. 



Napa-iling nalang ako. Imposible namang isa sa kanila ang eyeliner guy.



"Hi! I'm Krystal!" sigaw nung mukhang mas bata. Pero ang alam ko, kambal sila. 



"I'm Jessica!" sigaw naman nung isa at nag-irapan lang.



Napa-iling nalang si Kai sabay bulong sa amin ng, "Kaya nga ayaw ko sa mga babae eh. Maingay at childish." inis na bulong niya. "Buti pa si Kyungie ko." 



Napagiti nalang ako. Buti pa si Kai. Masaya ang love life. 



Tumango naman si Sehun ng mabilis. "Mas lalo naman si Lulu." nakangiting sabi niya. 



"Pwede ba guys?" inis na bulong ko din. "Kalimutan niyo muna mga boyfriends niyo kahit ngayon lang?!" 



Tinignan lang nila ako ng masama pero hindi na sumagot. 



"Okay!" sabi ni Kai sa kambal. "Paano niyo mapapatunayan na kayo ang Eyeliner Guy?" 



Napa-irap naman si Krystal sabay flip hair. "DUH! Ako lang!" 



"NO! AKO!" sigaw ni Jessica sabay tulak kay Krystal. 



"How dare you!" sigaw ni Krystal sa kapatid niya.



Nagsimula na silang magtulakan dahilan ng pag-papanic ko. Baka may mangyaring masama dito, kami ang malalagot! 



"Teka! Teka!" sigaw ni Kai. "Bawal mag-away dito!" 



Tumigil naman sila pero nagtinginan lang ng masama. "B*tch." narinig ko pang bulong ni Jessica. 



Grabe! Paano natatagalan ni Baek tong dalawang to?! 



Speaking of Baekhyun... 



Ah! Wala, wala! Nevermind!



"Ayoko na!" sigaw ko kina Sehun at Kai. "Itigil na to guys!" pero bago pa sila makasagot, umalis na ako. 



Walang patutunguhan tong search na to. 



Dapat ako mismo ang maghahanap. Pakiramdam ko, nagtatago lang siya eh. 



Nararamdaman ko talaga na andito lang siya sa paligid. Si Eyeliner Guy. 



Alam ko din na alam niya tong ginagawa naming search. 



Pero bat ayaw niyang magpakita? 



Bat niya ako tinataguan? 



Hindi ba niya alam kung gaano ko siya gustong makita? 
















~Byun Baekhyun~




"Mrs. Jung." tawag ni Miss Ellie kay Tita Pets. "Para san po lahat ng iyan?" 



Kumukuha nanaman si Tita Pets sa cashier money dito sa restaurant. Napatigil ako sa paglilinis ng isang table at napatingin sakanilang dalawa. 



Inirapan siya ni Tita Pets ng matindi. "Anong paki-alam mo Eleanor? Sa pagkaka-alam ko, manager ka lang dito. Ako ang may-ari." 



Napatingin sakin bahagya si Miss Ellie. "P-pero si Baek--"



"Amin na tong restaurant ng mga anak ko!" sigaw ni Tita Pets. 



Napa-iling si Miss Ellie. Halatang nagtitimpi siya. "Mrs. Jung, nabasa niyo na ba yung recent reports--"



"Blah blah blah!" naka-irap na sabi ni Tita Pets kaya napatigil si Miss Ellie. "Yung mga reports, makakahintay yun! Pero yung casino, hindi!" mataray na sabi nito bago lumabas ng restaurant. 



Napa-sigh nalang si Miss Ellie at may kinuha na folder sa may shelf. Itinuloy ko nalang ang paglilinis nang makita ang folder na yun sa harap ko. 



"Matagal ko na tong gustong gawin pero bawal." simula ni Miss Ellie. May lungkot sa boses nito. "Pero sa tingin ko, kailangan mong malaman. Para sa akin, sayo parin itong restaurant." 



Nagtaka ako sa sinabi niya pero kinuha ko yung folder at binuksan. 



Mga letter mula sa bangko ang nakalagay dito. Nang basahin ko ang mga ito, naluha ako. 



"Malapit na nilang kunin sa inyo itong resto, Baek." pag eexplain ni Miss Ellie. "Lubog na sa utang dahil sa tita mo. Lahat ng lupa niyo, nabenta na din sa bangko. Isa nalang ang hindi." 



"Yung bahay." bulong ko. Alam ko dahil yung titulo, matagal nang hinahanap nina Tita Pets. 



Tumango si Miss Ellie. Hinawakan niya yung kamay ko. "Alam kong nasayo yung titulo ng bahay niyo Baek." sabi niya. "Kaya please, lumaban ka na. Kung hindi... Baka pati ikaw, madamay sa mga utang na yan." 



Tama siya. Matagal ko nang tinatago yung titulo. 



Kung gugustuhin ko, matagal ko nang napa-alis sina Tita Pets sa bahay pero dahil pamilya ko sila, hindi ko magawa. 



Pero ngayon... ngayong alam ko na ang lahat ng pinaggagagawa nila, hindi ko na alam. 



Akala ko, inaalagaan niya ang mga iniwan na ala-ala ni Papa. 



Akala ko, minahal niya si Papa. 



Hindi pala. 



Nakaramdam ako ng galit. Galit na unti-unting kumokonsumo sa akin. 



"Akala ko..." naiiyak na sabi ko. "Akala ko mahal niya si Papa." 



Umiling si Miss Ellie at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Hindi Baek. Hindi niya minahal si Papa mo. Pasensya ka na kung ngayon lang ako naki-alam. Natakot lang ako... may pamilya din ako." 



Tinignan ko si Miss Ellie at nginitian. "Okay lang, Miss Ellie. Ngayon alam ko na." sagot ko sakanya. 



Binitawan ko ang kaligayahan ko para kina Tita Petunya.



Pero ganito pala ang ginagawa nila. 



Masyado silang makasarili. Masyado nilang iniisip ang sarili nila. 



Paano naman si Papa?



"Baekhyun..." tawag ni Miss Ellie at may iniabot sa kamay ko. "Pumunta ka sa bangko. Ipakita mo ito." saka may binigay sakin na isang envelop. Mukhang luma na ito at parang matagal na naitago.



Napakunot noo ako. "Ano ito, Miss?" 



Ngumiti siya ng tipid. "Basta. Malalaman mo pag nakita mo na." 



Tumango nalang ako kahit hindi ko alam kung bakit. 


















Pumunta ako sa bangko pagkatapos nun. 



Pinakita ko yung envelop sa isang babae sa counter at agad siyang tumango. Umalis siya kasama yung envelop at pumunta sa loob. Maya-maya pa, bumalik siya at meron siyang hawak na briefcase. Nang buksan ko yun, nalaman kong nag-iwan si Papa ng trust fund para sakin. At sobrang laking pera ang iniwan niya.



Meron din isang maliit na papel kung saan may nakasulat na phone number.



Sino to? 



Napagpasyahan kong tawagan ito.



Matapos ang ilang rings, isang boses ng babae ang narinig ko. 



"Hello? Si Byun Baekhyun ito--" 



"Byun Baekhyun?!" may halong gulat at tuwa ang boses ng babae. "Ang tagal ko nang hinintay ang tawag mo!" 



Napakunot noo ako. 



"Sino po sila?" tanong ko. 



Natawa ang nasa kabilang linya. "Sa palagay ko, nagawa na ni Ellie ang trabaho niya." sagot nung babae. "Ako si Attorney Audrey Lee, ang personal na abugado ng Papa mo." 



Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. May personal na abugado si Papa?



"A-ano po?" takang tanong ko. "Paki-explain po." 



Natawa naman si Atty. Lee. "Let's meet. 7pm, Bitter-Sweet Cafe." 





* * * * *




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top