Baekla 16



~Byun Baekhyun~




"ANO TO?!" sigaw ni Kyungsoo habang nakatakip ang kamay sa bunganga niya. 



"What the--" bulong ni Luhan at napatakip din ng bibig. 



Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam sasabihin ko. 



Bakit niya to ginawa?! 



Ano nanaman bang kaadikan ang naisip nung Dobby na yun?! 



Nagtataka kayo kung bakit?



Nagkalat sa buong school ang mga placards, fliers, posters, at tarpaulins na may nakasulat na "Who's the Eyeliner Guy?" at katabi nito ang larawan ng eyeliner na nahulog ko nung gabing yun. Yung bigay ni Kyungsoo. 



" 'Auditions would be every afternoon from 5pm to 8pm'." basa ni Luhan sa subtitle ng poster na nasa harap namin ngayon. 



"Eh para san yung auditions?! Ano to? Talent show?" tanong ni Kyungsoo habang nakasapo sa noo niya. 



Napa-roll eyes na lang si Luhan kay Kyungsoo. "Malamang Kyung! Para malaman kung siya ba talaga yung eyeliner guy! Screening kumbaga! Slow much?" inis na sagot ni Luhan. 



"Ikaw kasi eh!" sabay sundot ni Kyungsoo sa tagiliran ko. "Bat mo pa kasi nahulog?!" 



"Eh kasi naman, hinila niya yung suit ko!" depensa ko naman. "Saka," bigla ko siyang inirapan. "bat mo kasi doon nilagay?! May bulsa naman yung pantalon ko!" 



"Bat ba kasa--"



"Ano ba?!" sigaw ni Luhan na nagpatigil sa aming dalawa. "Mag-aaway pa ba tayo? Andito na nga oh." inis na sabi niya. 



Napabuntong hininga nalang kaming dalawa ni Kyungsoo. 



Tama naman kasi siya. Andito na nga oh. 



Ano pa bang magagawa namin? 



"Excuse me." tawag ng isang tao sa likod ko. 



Lumingon ako at nakita ang isang Park Chanyeol na naka-ngiti. Pero nanlaki ang mga mata niya at unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya nang makita ako. 



"B-baek.." tawag niya na para bang nalulungkot siya at nagu-guilty. 



Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. 



Bat ang sakit? Ano to? 



"C-chanyeol.." sagot ko pero naramdaman kong maiiyak nanaman ako. F*ck! 



Bigla niyang ibinaba yung hawak niyang papel at tinago sa likod niya. "S-sorry. Akala ko k-kasi.. uhh.. P-pasensya ka n-na.. Ano k-kasi--"



"Fliers guys?!" biglang singit ni Jongin habang nasa likod niya si Sehun. May inabot siya saking fliers tulad din ng mga nakadikit sa walls na posters. Mas maliit nga lang. 



"Ano yan, babe?" tanong sakanya ni Kyungsoo. 



Nang napansin siya ni Jongin ay agad itong lumapit at hinalikan siya muna sa pisngi bago hinawakan sa bewang. WTF guys?!!! "Fliers babe. Para sa nawawalang love of life ni Chanyeol." sagot nito. 



Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Love of life ni Chanyeol? 



Ganun ba siya na-inlove sa akin? 



"Aish!" inis na singit ni Chanyeol at namumulang lumapit kay Jongin para kunin lahat ng fliers na hawak neto. "Akin na to! Huwag ka nang tumulong! Bwisit ka." sita niya. 



Nahahalata ko rin na hindi na makatingin sakin si Chanyeol. 



Nandidiri ba siya sakin? 



"Teka lang, huy! Kami nagbayad--Ano ba?!" reklamo naman ni Jongin habang nakikipag-agawan kay Chanyeol. 



Napa-iling nalang si Kyungsoo habang pinapanood ang boyfriend niyang kawawa sa higante. "Babe," tawag ni Kai kay Dyo, "text kita mamaya, i'll just have to deal with this giant." at tumakbo para habulin ang naka-alis na palang si Chanyeol. 



"Eh, ikaw, hindi ka pa ba aalis?" tanong ni Luhan kay Sehun na nakatulala lang sakanya. 



Natauhan naman si Sehun at biglang napa-blink ng ilang beses. "Ah. A-ano? T-teka-- Asan na sila?!" gulat na tanong niya. 



Tinuro ko naman yung daang pinuntahan nila. 



"Aish!" sabi niya at napakamot ng ulo. "Alis na ako ah. Bye Luhan!" at tumakbo na din. 



Napa-iling nalang kaming tatlo. Ano bang meron?! Haaayy. 



"Bat parang naiilang sayo si Chanyeol?" biglang tanong ni Kyungsoo sakin. 



Napa-iwas ako ng tingin sakanya. Oo nga. Bat ganun si Chanyeol? Bat parang naiilang siya sakin? 



Nandidiri na ba siya sakin? Hindi ba niya ako tanggap? 



Parang ang sakit naman atang isipin yun!



"E-ewan ko." mahina kong sagot. "A-ayaw niya siguro s-sakin." 



"Pero hinahanap ka niya." bulong ni Luhan. Alam niyang bawal malaman ng iba na ako ang hinahanap sa bawat poster. 



Umiling ako. "Sigurado akong hindi niya ako matatanggap Lulu. Isa akong pathetic loser! Isa siyang elite." nararamdaman ko na ang pangingilid ng mga luha ko. 



"Baek.." tumabi si Kyungsoo sakin at hinaplos ang likod ko. "Tignan mo to lahat, para sayo to! Hinahanap ka niya." 



"Hindi ako ang ineexpect niya Kyungsoo! Isang mayaman at gwapong tao ang hinahanap niya!"  iyak ko. Hindi ko na mapigilan. "Hindi mo ba napapansin yung paglayo niya sakin? Hindi kami bagay! Higit sa lahat, ayaw niya sakin, Kyung! " 



"Baek--" magsasalita pa sana si Kyungsoo pero hindi ko na siya pinatapos at tumakbo nalang palayo. 



Ayoko nang marinig pa kung ano ang sasabihin nila. Wala na akong pakialam. 



Basta ang alam ko, masakit. 



Masakit na umiiwas siya. 



At mas lalong masakit... kasi yun ang dapat.



























~Park Chanyeol~




Marahas kong binato yung mga fliers na hawak ko sa basurahan sa tabi ng bench. 



"WTF?!!!" i shouted out of frustration. 



Bakit ganun yung nararamdaman ko?!



Akala ko ba sure na ako? Sure na akong yung nakasama ko nung opening ball ang mahal ko?!



Pero bakit nung makita ko si Baekhyun, hindi pa pala. 



I never expected to feel this way. Si Baekhyun, mas lalo niyang pinapagulo ang nararamdaman ko. 



I love the man i met at the ball. I really do love him. 



Pero hindi ko masasabing, "I love him more than anything else.." 



Kasi sumisingit yung feelings ko para kay Byun Baekhyun.



And right now, i don't know what to feel anymore. Naguguluhan na ako. 



"Yeol! Bro! Ano bang problema mo?" inis na tanong sakin ni Kai nang naabutan niya ako. 



I gave him a death glare. "Ang ingay mo kasi!" inis na sigaw ko sakanya. 



Napataas ang isa niyang kilay. "Bakit?! Ayaw mo bang marinig ni Baekhyun na may mahal ka nang iba? Ayaw mong masaktan siya?" 



I frowned. "Ano bang sinasabi mo?" tanong ko. 



"Mahal ka nung tao pare!" sigaw niya at napaupo sa bench. "Hindi mo ba nahahalata?! Iiyak na nga nung nakita niya yung mga posters eh." 



Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba to?! 



"What are you talking about, Jongin? Hindi interested sakin si Baek." i mumbled. Pero parang ayaw kong maniwala sa sinasabi ko mismo. 



Kai scoffed. "Oh shoot! Manhid ka kasi, kaya yan." 



Then bigla siyang napatingin sa likod ko at nag-smirk. "Why not ask him yourself?" at may itunuro siya sa likod ko. 



Lumingon ako at nakita si Baekhyun na patakbong lalabas ng school. Anong nangyari? Umiiyak ba siya?



I felt my heart is in pain. Umiiyak ba ang taong mahal ko? 



Then without thinking, i ran after him. 



"Baek!" tawag ko sakanya nang maabutan ko siya. 



Napahinto siya at lumingon sakin. "C-chanyeol?" gulat na sagot niya. 



Namamaga yung mga mata niya. Tama ako, umiiyak siya. 



"San ka pupunta? Bat ka umiiyak?" tanong ko.



Umiling siya at umiwas ng tingin. "W-wala to." sagot niya pero umiiyak nanaman siya. 



"Baek.." i tried to reach for his arm pero umatras siya. 



"H-huwag." umiiyak na sabi niya. "L-layuan mo n-nalang ako, Chanyeol." may halong pagmama-kaawa na sabi niya. 



Parang nadurog yung puso ko sa sinabi niya. 



Layuan siya? Paano ko gagawin yun? Saka bakit? Wala akong makitang dahilan para gawin yun! 



"Bakit?!" gulat na tanong ko sakanya. 



Umiling siya habang umiiyak. "Lumayo ka nalang, Chanyeol. Mas madali para sa ating dalawa yun." 



At tumalikod siya at lumayo. 



Gusto ko siyang habulin pero hindi ko magawa. 



Ito na siguro yung sign na nagsasabing, hindi siya ang para sa akin. Lumalayo na siya. 



The guy. The one who owns the eyeliner... 



Siya siguro ang para sa akin. 



Siya nga... siya dapat. Hindi ako papayag na hindi. 





* * * * *




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top