Baekla 15
* * * * *
~Byun Baekhyun~
Naririnig ko pa ang mga sigaw niya sa likod ko pero hindi ako tumigil sa pagtakbo.
Marahas kong pinunasan yung mga luha ko. Ang sakit.
Ang sakit na kusa akong lumalayo sa kaligayahan ko...
Tumakbo ako palayo sa field at nagtago sa isang bakanteng kwarto.
Doon, iniyak ko lahat at tinanggal ang mask ko. Narinig ko ang mga yapak ni Chanyeol habang hingal na hingal. Tinakpan ko ng maigi yung bunganga ko para matago ang mga hikbi hanggang sa narinig kong lumampas siya.
Sobrang hirap na pakawalan siya.
Pero ano pa bang magagawa ko?
Hindi kami para sa isa't isa.
"Baek! Bilis!" pagmamadali ni Kyungsoo habang patakbo akong lumapit sa kotse niya at sumakay agad.
Agad niya itong pina-start sa driver niya.
"Umalis na daw silang lahat sa bahay niyo, yung mga katulong ko, I mean. Natapos na nila--" napatigil si Kyungsoo nang mapatingin siya sakin. "Aw Baek..." malungkot na sabi niya at ipinatanong ang isa niyang kamay sa binti ko at hinaplos-haplos yung likod ko.
Hindi ko mapigilan yung mga luha sa pagbaha sa mukha ko. Paano ko haharapin si Chanyeol next week?
Hindi kaya bigla nalang akong humagulgol sa harapan niya?
"Baek naman eh." sita ni Kyungsoo at sinimulan niyang punasan yung luha ko gamit yung isa niyang kamay. "Naiiyak na din ako dahil sayo oh!" reklamo niya at tuluyan na ngang lumuha din.
Niyakap ko siya habang umiiyak. "N-ngayon alam ko na... M-mahal ko s-siya, K-yungie." iyak ko. "M-mahal na mahal... Pero, h-hindi kami p-pwede eh."
Humigpit yung yakap niya sakin. "No, Beak." mariin niyang sabi. "Siguro hindi pa ngayon yung tamang panahon. But eventually, I know you'll find your ways. Sa tamang oras, sa tamang lugar."
Hindi pa nga ba ngayon yung para sa amin ni Chanyeol o talagang hindi kami?
Hindi ako sumagot. Niyakap ko lang si Kyungsoo habang umiiyak.
But then again, hindi pa tapos kalbaryo ko sa buhay. Kailangan ko pang lampasan tong gabi na to, hindi ako pwedeng mahuli.
Pagkarating namin sa bahay, agad akong bumaba at pinaharurot na ni manong driver yung kotse ni Kyungsoo paalis.
Tumakbo ako agad papasok sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Isinuot ko agad ang mga working clothes ko at dinumihan ang sarili ko sa pamamagitan ng paggulong sa sahig. Dumiretso din ako sa banyo para banlawan yung buhok ko hanggang sa matanggal lahat ng kulay. Mukha na din akong pawis na pawis at maduming-madumi. Isa pang gulong sa sahig at perfect na. Isa na akong yagit.
Maya-maya pa, narinig ko na ang pagdating ng kotse nina Tita Pets. Natense ang buo kong katawan. Ewan ko pero parang kinabahan ako.
"BAEKHYUN!!!" sigaw ni Tita Pets at agad akong bumaba sa hagdan. Nagmukha akong hingal na hingal kahit hindi naman.
"Tita Pets?" tawag ko sakanya pabalik.
Nang makita niya ako ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Matapos nun ay iginala niya ang tingin niya sa paligid.
"Natapos mo ba lahat ng pinapa-gawa ko?!" masungit niyang tanong.
Namula ako pero sana hindi niya nahalata. "Uh... Opo. Lahat po." sagot ko saka tumango.
Nakatingin sakin si Jessica ng masama habang naka-cross arms. Samantalang si Krystal naman ay may mga luha sa mata, kalat na din ang eyeliner niya.
Ano kayang nangyari sa dalawang to?
"Titignan ko bukas kung totoo yang sinasabi mo ah." banta niya habang dinuduro ako. "Pag nalaman kong nagsisinungaling ka, wala kang sweldo ng isang buwan!" sigaw niya bago umalis at umakyat na sa kwarto niya. Binigyan niya muna ako ng isang nakamamatay na tingin, syempre.
Napa-shrug nalang ako at aakyat na sana nang hatakin ni Jessica yung braso ko.
"Ano ba, Jessica?" inis na sita ko sakanya.
Tinignan niya ako ng masama. "Talaga bang andito ka lang sa house?" galit na tanong niya.
Hindi ako nakasagot agad nang naramdaman kong namula ako. "At bakit ko kailangang mag-explain sayo?" tanong ko sakanya pabalik.
Hindi maganda ang gabi ko kaya, huwag na sana niyang sirain pa.
Mas lalo niyang hinigpitan yung hawak niya sa braso ko. Pakiramdam ko, papasok na yung mga long nails niya sa malambot kong skin.
"If I knew na you're lying, I swear, papatayin kita! Btch!" sigaw niya. Talsik laway pa nga eh. Asar lang?
Nakipagtitigan lang ako sakanya. "Mali ka ng taong kinausap, Jessica."
Tinulak niya ako. "Aba, sana nga." galit na sagot niya. "Wala si Park Chanyeol buong gabi after kumanta ng mga singers sa live band. Sino naman kaya ang kukuha sakanya palayo diba?" sabi niya at tinignan ako ng masama.
Inis akong lumapit sakanya. "Hoy Jessica! Huwag mo nga akong inaakusahan ng kung anu-ano. Pwede ba, mag-imbestiga ka muna. Saka hello? If I know, kasama lang ni Chanyeol si Michaela buong gabi!" sigaw ko sakanya. Bwisit lang! Pati ba naman ako pinapakialaman nila.
Halatang nabwisit siya sa sagot ko dahil mas namula ang mukha niya sa galit. "HINDI SILA BAGAY! OKAY?!" sigaw niya. "Ako ang bagay kay Chanyeol!!! He belongs to---"
"MALANDI KA!!!" sigaw ni Krystal at hinila ang buhok ni Jessica dahilan para mapatigil si Jessica sa sinasabi niya.
"ARGHH! Fck off, idiot!!"
"Akin si Chanyeol!!!!"
"He's mine!!! Ako lang!!"
"Btch, no! Hell no!!"
Nakataas ang isa kong kilay habang pinapanood ang live show ng sabunutan at sakalan nilang dalawa.
Anong ginagawa ko sa mga ganitong pagkakataon?
Wala. Pinapanood ko lang sila.
Nagsasabunutan palang sila nang mapa buntong hininga nalang ako at dumiretso sa kwarto ko. Pero hindi ko mapigilang mag-isip na posible kayang malaman ni Jessica at Krystal na meron ako party.
Eh bat ganun magtanong si Jessica?
Nakilala ba niya yung boses ko?
Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto at nilapitan ang suit na suot ko kanina.
Inamoy ko ito at nagulat nang maamoy ang scent ni Chanyeol.
Oo nga pala, magkayakap kami kanina.
Naramdaman ko na naman ang luha ko at naalala ang halik namin.
It was the sweetest kiss.
Hindi ko akalain na ganun pala ang pakiramdam ng unang halik. Lalo na pag galing sa taong gusto mo talaga.
Napahawak ako sa labi ko.
Ang lambot ng labi niya. Malambot at matamis.
Habang naka hawak sa suit ko ay may naalala ako.
Agad kong hinanap yung bigay ni Kyungsoo na eyeliner sakin at nanlumo nang hindi ko ito mahanap.
Yung 1.5 million na limited edition na eyeliner, nawawala ko!
Hindi kayaaaa...
"Oh, fudge." bulong ko sa sarili ko nang marealize ang nangyari.
Yun yung nahulog ko sa field.
~Park Chanyeol~
Kahit anong gawin ko, I still regret the fact na hindi ko siya napigilan.
Andun na eh! He's within reach! Yet... SHT! I'm an IDIOT!!!
Napatingin ako sa eyeliner na hawak ko.
Natapakan ko ito nang hinabol ko siya. Mabuti nalang at hindi nasira. Nahulog niya when I tried to reach for his suit when he broke the kiss.
It was the best kiss I ever had.
Of course, may nahalikan na ako. Random girls.
But with him, it was magical and powerful.
Naramdaman ko nanaman yung paninikip ng dibdib ko. My heart still can't grasp the fact that he's gone. Ngayon, hindi ko na alam kung babalik ba siya at kung kelan ko pa siya makikita ulit.
Ngayon lang ako na-inlove ng ganito. I thought love was what I was feeling before.
But no. This feeling is far stronger than anything I've ever felt before.
This love... it's beyond words.
Sinubukan kong buksan yung eyeliner na hawak ko. Kagabi ko pa to binubuksan pero ayaw.
"WTF?" bulong ko. "Paano ba to?"
Naghanap ako ng pindutan or slide pero wala akong makita except sa isang maliit na black panel na may paikot na sensor.
Parang fingerprint sensor.
Napakunot noo ako at tinawagan si Mom. Maybe she'll have answers.
After five rings, she picked up. "Hello dear?" she calmly answered. She and Dad are in Hong Kong for a trip.
"Hello Mom. Can I ask you a question?"
"You're already asking, Chanyeol." she giggled.
I rolled my eyes. "Oh well. Yeah. So the thing is, is it possible to open an eyeliner with a fingerprint?" I know, the question is stupid and out of this world but...
Mom gasped. "OMG!!! Do you have that limited eyeliner from the Do Cosmetics?!" she shrieked.
"Wait Mom. Whoa." I tried to stop her. Pero mukhang sobrang saya niya. "Eyeliners from the Do Cosmetics?"
"Yes!!!" she shouted through the phone. "Custom made eyeliners that could only be opened through the owner's fingerprint! I badly want one! Pero I thought, next year pa labas ng mga yun eh!" she shouted, disappointed na may nauna sakanya.
So it's possible.
"Mom, I'll call you later." then I hung up.
Napaisip ako. Kung next month pa labas ng ganitong eyeliner, bakit meron na agad sakanya?
Hindi kaya galing siya sa loob ng Do Company?
Pero imposible. Student din siya sa school namin eh.
Maybe he's a friend of one of Do Company employees?
Or maybe siya si Do Kyungsoo?
Pero may Kai na siya kaya imposible!
Or maybe, he's a friend of Kyungsoo?
Pero sina Luhan at Baekhyun lang ang close friends niya na kilala ko.
ANDAMING POSSIBILITIES!!!
Napasabunot ako sa ulo ko.
"ARRGGGHH!!! This is frustrating!!!"
I grabbed my phone and dialed Kai and Sehun's number.
"What?" annoyed na tanong ni Kai.
"I need your help, guys." stressed na sabi ko sakanila.
"Help with? Saan?" tanong ni Sehun.
"Help me find him." I almost beg them. "Help me find the owner of this eyeliner. Mamamatay ako pag hindi ko siya nakita."
Natawa si Kai. "Sure, bro. Count us in!"
"It's the Eyeliner Guy hunt!!!" sigaw ni Sehun habang natatawa.
I rolled my eyes. But thankful that I have these guys.
Hahanapin ulit kita.
But this time, you won't be able to escape me... again.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top