Baekla 12




* * * * *



~Byun Baekhyun~




"A-ano?" Teka. Ano daw yung sabi niya? He's here to save my night?



Tumango naman si Kyungsoo habang hindi inaalis ang smirk niya. 



"Alam kong hindi ka makakapunta dahil sa mga demonyo mong amo kaya eto, andito kami." sabi niya at lumingon sa mga maids niya. "Girls, alam niyo na gagawin niyo." 



"Yes Master." sabay sabay na sabi nung maids at isa-isang pumasok sa loob ng bahay. What the eff?! 



"Teka! Teka huy!" sigaw ko dahil bigla nalang kinuha nung isang maid yung listahan ng mga trabaho ko mula sa bulsa ko. 



Hahabulin ko na sana si Ate maid kaso hinawakan ni Kyungsoo yung kamay ko. Tinignan ko naman siya habang nagtataka. "K-kyungsoo... Ano bang--?" 



"Baek! Makinig ka sakin!" sabi niya kaya natahimik ako. 



Tinignan ako ni Kyung ng maigi bago nagsalita. "Baek, kaibigan mo ako, kami ni Luhan. Simula bata, tayo na ang magkakasama." simula niya. "Hindi namin hahayaan na pati kaligayahan mo, hindi mo na masunod dahil lang sa mag-iinang yun! Mahal ka namin Baek, hindi bilang isang kaibigan kundi bilang isang kapatid na din." dahil sa mga sinabi niya, nakaramdam ako ng lungkot at bigla nalang akong lumuha. 



"All your life Baek, pinagsilbihan mo sila. It's time that you give yourself what you rightfully deserve." pagkasabi nun ni Kyungsoo ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit. 



"Kyungie... T-thank you..." iyak ko. 



Ano bang mabuting nagawa ko at nabiyayaan ako ng ganitong mga kaibigan? 



Marahan naman kumalas sa yakap ko si Kyungsoo. "Osha, tama na ang drama, kailangan mo nang magpalit! Alangan namang ganyan ka pumunta sa ball diba?" 



Tumango ako pero naalala ko yung ginawa nung kambal. "Teka Kyung. Wala na akong idadamit. Sinira nung kambal eh." dahilan ko. 



Napa-ngiti lang naman si Kyungsoo. "Elizabeth!" sigaw niya at isang dalagang katulong ang lumapit samin. 



"Ano po yun Master?" tanong nung Elizabeth. 



"Yung damit ni Baek. Pakikuha na, dali." utos ni Kyungsoo at agad namang lumabas ng bahay si Elizabeth. 



"Kyungsoo." tawag ko sakanya. 



Tinaas naman niya ang dalawa niyang kilay. "Hm?" 



"12 midnight, dapat andito na ako." kinakabahang sabi ko sakanya. 



Napa-isip sandali si Kyungsoo. "Yun ba ang balik nila?" 



Umiling ako. "Hindi. Yun yung oras na susunduin na ni Tita Pets yung kambal mula sa school. Pero dapat mauna ako dito." 



Tumango si Kyung. "Sige sige. Kami na bahala diyan." 



"Master, andito na po." biglang sabat ni Elizabeth at iniabot kay Kyungsoo ang isang suit na nakacover pa. 



"Salamat." sabi ni Kyung at bumalik na sa trabaho niya yung katulong. 



Magpapalit na sana ako nang may maamoy kaming hindi kanais nais. 



Lahat ng katulong ay nagtakip ng ilong, pati kami ni Kyungsoo. "My ghad! Ano yun?!" diring sigaw ni Kyung. 



Maya maya pa, isang katulong na putikan ang lumapit saamin. 



Pero mas lalong lumakas yung mabahong amoy! Ano ba yun?! 



"Master." simula nung katulong. "Tapos ko na pong linisan yung septic tank." 



Nanlaki naman ang mga mata naming lahat. "A-ano?!" gulat na sigaw ko. So hindi pala putik ang naka-palibot sa katawan niya kundi... WAAAAHHH!!!



"Glenda!" sigaw ni Kyungsoo habang nakatakip ang ilong. "Bat mo naman nilinisan pati septic tank?!" 



"Andun po kasi sa listahan, Master." dahilan ni Glenda at napasapo nalang ako sa noo. 



















Hindi ko akalain na ganito kaganda ang suit na ibibigay sakin ni Kyungsoo. 



Blue ang undershirt at white ang blazer.



Napaka-masculine pero may dating talaga. Hindi simpleng suit lang. 



"WOW!" sigaw ni Kyungsoo pagkalabas ko mula sa banyo. "Bagay na bagay sayo Baek! Ang ganda mo!" 



Napangiti naman ako. "Talaga? Seryoso ba yan?" tanong ko habang naka-ngiti ng malapad. 



Tumango-tango naman siya ng mabilis. "Promise! Walang halong Jongdae!" sigaw niya at tinaas pa ang right hand niya. 



Napa-eyeroll nalang ako kahit natutuwa naman ako sa compliment niya.



Lalabas na sana ako ng guest room kung saan kami nagbihis pero hinila ako ni Kyungsoo. "Wait Baek. Hindi pa tayo tapos!" tawag niya at naglabas ng isang eyeliner. "Para mas magstand-out yung mga mata mo kahit naka-mask ka, it's better to wear an eyeliner." masaya niyang sabi.



"OMG!" sigaw ko. "Limited edition yan ah!" 



Tumango si Kyungsoo. "Naman no! Ako pa?" hinila niya ako at pinaupo sa kama. Dun ay nilagyan niya ako ng eyeliner na nagpa kumpleto sa itsura ko. Pero bago yun ay pinahawak muna niya sakin yung eyeliner. Weird. 



"Baek, itong eyeliner na to ay limited edition na gawa ng company namin." seryosong sabi ni Kyungsoo. Tumango naman ako. "Nagkakahalaga ito ng 1.5 million won per piece." 



Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso?! Isang milyon at kalahati para lang sa isang eyeliner?!" 



Tumango si Kyungsoo. "Oo. Sa susunod na taon pa sana labas neto eh." nakangiting sabi niya. "Pero dahil mahal kita, eto, ibibigay ko sayo." 



Mga ilang segundo akong hindi naka sagot. Abot-abot lang niya yung eyeliner habang naka-smile. "S-seryoso ka ba d-diyan?" nauutal na tanong ko. 



Tumango si Kyungsoo habang naka-smile "Look." sabi niya. 



Tumingin ako sa eyeliner at nakita kong binubuksan niya ito. Pero ayaw matanggal yung takip. "Ayaw diba?" naka-smirk na sabi ni Kyungsoo at  tumango ako habang nagtataka. 



Tapos ay pinahawak niya ulit yun sakin tulad ng ginawa niya kanina. "Tignan mo." sabi niya at nang buksan niya ulit ang takip, bumukas na ito. 



"Paanong--?" tanong ko. Bat ganun? 



"Itong eyeliner na to, finger print mo ang kailangan para bumukas. That's why mahal nga. Puno din ng diamond dusts yung mismong liner kaya parang glowing at shiny yung dating." nakangiting sabi niya at siya na mismo ang naglagay sa inside pocket ko. "Custom made, just for you." Pinalo niya ako sa balikat. "Kaya huwag mong walain ah! Sayang." naka pout na sabi niya. 



Tumango-tango lang ako.



Bago pa ako maka get over sa eyeliner shock na yun ay hinila na ako patayo ni Kyungsoo at iniabot ang isang blue mask na matching sa outfit ko. "Eto. The finishing touch." 



Bago pa kami tuluyang nakalabas ay niyakap ko ulit si Kyungsoo. "Kyungie... Salamat talaga." seryosong sabi ko at naiiyak nanaman. HUHU. 



"Baek..." hinaplos haplos niya yung likod ko. "Wala to. Kaya huwag kang ano diyan. Baka maiyak na din ako." pagbibiro niya pero hindi ko parin magawang kumalas sa yakap. 



Ang saya-saya ko kasi...



Kasi andito sila parati para sa akin. Napaka swerte ko pagdating sa kaibigan. 



"T-tama na B-baek." nahihirapang sabi ni Kyungsoo. "H-hindi na ako m-makahinga." Doon ko lang napansin na sobrang higpit na pala ng yakap ko sakanya. 



"Ay." sabi ko naman at kumalas na. 



"Lika na nga." tawag niya at hinila ako papalabas ng bahay. 



7:30pm na. Nakita ko pagkatingin sa dashboard ng kotse ni Kyungsoo. 



Pinaharurot agad ni Kyungsoo yung kotse papunta sa GVA. 



This is it. 



Ito na yung pinakahihintay kong pangyayari sa buhay ko. 



Hindi ko alam pero pakiramdam ko, may mangyayaring maganda ngayong gabi. 



Pakiramdam ko, magbabago ang buhay ko.


















~Park Chanyeol~




Napatingin ako sa stage kung saan andun na ang live band pero wala pa yung mga singers. 



Posible kaya na isa siya sa mga kakanta ngayong gabi?



Napatingin ako kay Sehun na umiinom ng Bubble Tea. Hanggang dito ba naman?



"Sehun." tawag ko sakanya. "Sigurado ka bang hindi mo talaga kilala mga kakanta ngayong gabi?" 



Napa irap siya sakin. "Ano ka ba Yeol?! Pang isang daang beses mo na atang tanong sakin yan eh!" sigaw pa niya. "Hindi ko nga alam, okay?! HINDI KO ALAM!!!" 



Napangiwi ako sa sigaw niya. "WALANG HIYA SEHUN! Nagtatanong lang ako!" sigaw ko pabalik. 



Nagtinginan lang kami ng masama hanggang dumating si Kai. 



"Sehun, Yeol!" tawag niya. 



Napatingin naman ako kay Kai na may hawak na champagne glass. "Ikaw, kilala mo ba mga kakanta ngayong gabi? Ha?" 




Napakunot noo naman siya. "Huh? Aba, malay ko kung sino mga kakanta!" 



Inirapan ko naman siya. Useless tong negro na to. 



"Teka nga Kai, si Kyungsoo pala?" tanong ni Sehun. 



Napa-shrug lang si Kai. "Ewan. Kasama niya ata si Baekhyun." 



Napatigil naman ako sa paghahanap nang marinig ang pangalan ni Baek. 



Bat ba parang nagui-guilty ako na iba ang hinahanap ko ngayong gabi? 



Napatingin ako kay Kai. "Asan sila?" tanong ko naman. 



"Ewan." sagot ni Kai. 



"Pati nga si Luhan eh, biglang nawala." sabi din ni Sehun. 



Napa-sigh nalang ako. I need to see Baek. Kailangan ko siyang makausap. 



Nahihirapan na din kasi ako sa nararamdaman ko. 



Nag-iisip palang ako nang marinig ang palakpakan ng mga tao. 



"Yung mga singers oh!" sigaw ni Kai. 



Agad naman akong napatingin sa stage at apat na lalake ang nakatayo doon. Dalawang blonde, isang brown haired at isang red-haired. 



Lahat sila, nakamask din. At medyo malaki yung mga mask nila, hindi tulad sa amin na sakto lang kaya nakikilala kami agad. 



Napakunot noo ako. 



Sino tong mga to? 




* * * * *





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top