Baekla 11
* * * * *
~Byun Baekhyun~
Nakapatong ang ulo ko sa kamay ko habang nakatitig sa mask na dapat kong isusuot ngayong gabi.
Tama. Ngayong gabi na ang Opening Ball at eto ako... naka upo lang habang hinintay ang pag-alis ng kambal.
Hindi na nga ako pupunta diba? Anong isusuot ko?
"Baekhyun!!!" sigaw ni Krystal habang papasok sa kwarto ko.
Orange at red ang kulay ng gown niya. Like duh?! ORANGE AT RED?! Sino naman kayang may matinong fashion sense ang gagawa nun? Ang korni ng kulay.
"Oh?" walang ganang tanong ko sakanya habang tinatago sa likod ko ang mask ko. Hindi nila pwedeng makita yun.
Lumapit siya sakin at pinakita ang likod ng buhok niya. "I can't curl kasi sa likod. It's so mahirap kasi like hell." iniabot niya sakin yung curler niya na umuusok pa.
Agad ko naman itong kinuha at nagdebate muna ang utak ko kung yung buhok ba niya ang susunugin ko o yung mukha nalang niya. Ang hirap kasi mamili eh.
Pero sa huli, kinulot ko parin yung dry niyang hair habang nandidiri. Grabe! Parang wire lang?!
Pero dahil masama parin ang loob ko sakanila... Hello?! Ikaw kaya ang gunti-guntingin ang damit? Hah?!
Habang kinukulot ko si Krystal ay medyo inilalapit ko ang culer sa anit niyang yellowish.
"Aw! Arouch!" daing niya kapag nadidikit ang curler sa anit niya.
Agad naman akong titigil. "Ay sorry!" sasabihin ko naman habang naka-ngisi. Di naman niya makikita no.
"Baek ah! Nakakahalata na me! You sadya-sadya no?!" galit na sigaw niya.
Nanlaki naman ang mata ko at kunwaring inosente. "Ako?! Hindi ah. Hindi talaga." pagsisinungaling ko naman habang naka-simangot. Hehehe.
Hindi siya umalis kasi... no choice siya! As if naman gusto ni Jessica na i-curl ang kapatid niya no? Oo, kambal sila pero hindi sila mabait sa isa't isa. Magkasundo lang sila sa paggawa ng kademonyohan. At siyempre... isama mo na din ang kalandian.
"Tapos na." sabi ko at iniabot kay Krystal yung curler niya. Inirapan niya lang ako at lumabas na ng kwarto.
Wow! Ganun na pala mag-'Thank You' ngayon ah.
Napa-buntong hininga nalang ako at nag-ayos ng mga damit ko kahit di naman kailangang i-ayos pa. Wala lang... naghahanap lang ako ng magagawa.
'kring kring'
Nagulat ako sa biglang pag-ring ng cellphone ko kaya naman agad ko itong hinanap.
Nang makita ko na...
Luhan Deer calling...
Nanlaki ang mga mata ko. Sinabi ko na ba kay Luhan na hindi ako makakapunta?!
Napakagat labi ako nang maalalang kay Kyungsoo ko lang pala natext! Naku!
Inaccept ko ang tawag at kinakabahan na kinausap si Luhan.
"H-hello?" medyo nauutal na sagot ko.
"Ito ba si Baekhyun?" tanong nung nasa kabilang linya pero hindi siya si Luhan! Ibang boses eh.
Napatigil ako sandali. "Uhmm. Oo." sagot ko. "Luhan?"
Natawa bahagya ang nasa kabilang linya. "Holdaper to, at nasa akin ang kaibigan mo! Kung gusto mo pa siyang makitang buhay pu--"
"Sehun! Akin na nga yan!" narinig kong may sumigaw. Luhan?!
Teka... Magkasama sina Luhan at Sehun?!
May narinig naman akong mga kaluskos sa kabilang linya bago marinig ang boses ng BFF ko.
"Oy Baek!" sigaw niya habang naghihingalo. Mukhang nag-agawan pa sila ni Sehun sa telepono eh. Landi much?!
Naiinis na umiling-iling ako. "Luhan!" sagot ko naman.
"Asan na kayo ni Kyungie? Andito na kami sa salon oh! Mag-start na mamaya yung ball!" may halong pagmamadali na sabi niya.
Teka. Bat wala pa si Kyung?!
"Ano kasi..." simula ko. "Hindi na ako pupunta."
Narinig ko naman ang pagsinghap ni Luhan sa kabilang linya kaya medyo nilayo ko yung cellphone ko mula sa tenga ko. Alam niyo na, baka--
"ANO??!!!!"
Napangiwi ako. Kita niyo na. Yan. Yan ang sinasabi ko.
"O-oo eh. Nasira k-kasi yung damit k-ko." pagdadahilan ko naman.
Halos marinig ko na ang frustrated look ni Luhan. I can feel it!!!
"Pero Baek naman!!" sigaw niya na mas lalong nagpa-konsensya sakin. "Tayo ang main attraction dun!!"
Napabuntong hininga ako at napatingin sa kisame. "Alam ko Luhan pero--"
"Baek!" pagsingit ni Luhan. "Huwag mong sabihing may kinalaman ang demonyong kambal na yun kaya hindi ka pupunta?!"
Napatigil ako. Siguro nga malandi si Luhan pero in fairness ah... hindi siya tanga.
"Uhmm." simula ko habang nag-iisip ng palusot. "H-hindi naman..."
"Argghh!!!" sigaw ni Luhan sa kabilang linya at huminga ng mabilis.
"Ano ka ba?! Baka marinig ka ni Sehun!" sigaw ko naman.
"Duh?!" inis na sagot niya. "Kanina pa ako lumabas! Hindi na niya ako maririnig!"
Napatango nalang ako kahit di naman niya makikita.
"Bat mo ba kasi iniiba ang usapan Baek?!" sigaw ni Luhan. Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga.
"Eh kasi naman Lulu--" simula ko pero "toot toot toot" nalang ang narinig ko. Naputol ang linya.
"Lowbat?" bulong ko at nakitang namatay na nga ang cellphone ko. Kainis. Ngayon pa ako hindi nakapag-charge! Waah!
'knock knock'
Agad kong nilapitan yung pinto upang buksan pero itinago ko muna yung mga ilang gamit ko para sa ball. Baka maisipan namang sirain eh.
Pero nagulat ako nang makita si Tita Pets na nakatayo sa labas ng kwarto ko at nakabihis. Autumn outfit naman. Puno siya ng kulay orange at maple leaf sa katawan. Seryoso ba to?! Ha?!
"Tita?" gulat na tanong ko. "Anong ginagawa niyo dito?"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay. "Akala ko ba pupunta ka sa ball?" tanong niya.
Napatingin ako sa mga paa ko. "Uhh... Hindi na Tita eh. Wala na akong idadamit." hindi maitago sa boses ko ang lungkot. Sheyts lang?
Napa-ngisi naman siya. "Oh well." simula niya habang pinapaypayan ang sarili. "Binigyan na kita ng pagkakataon, sinira mo naman." sabi niya habang nakatingin sakin na may halong pandidiri. Aray ah!
Hindi ako sumagot. Anong isasagot ko ha?! Huhuhu.
"Since hindi ka naman aalis..." simula ni Tita at napatingin ako sakanya habang hinihintay ang iuutos niya. "Eto, gawin mo to lahat." sabay abot sakin ng isang bond paper.
Teka. Hindi pala isang bond paper. Lima pala.
"Pupunta muna ako sa casino sa kabilang bayan. At mamayang 12 midnight, susunduin ko na ang dalawang prinsesa ko." sabi ni Tita Pets habang inaayos ang orange din niyang buhok. "Kaya sa madaling salita Byun Baekhyun, tapusin mo lahat ng yan hanggang 12 midnight. Pinaalis ko na lahat ng ibang katulong kaya ikaw lang mag-isa ngayon ang gagawa ng lahat ng yan! Huwag kang magtawag ng kasama mo! Nagkakaintindihan ba tayo?!" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
Tumango ako ng mabilis. "Opo Tita." sagot ko.
Tumango tango muna siya bago ako muling tinitigan ng masama at umalis pababa ng hagdan.
Inayos ko na muna ang sarili ko at namili ng working clothes kumbaga bago tinignan ang bond paper.
"Linisan ang lahat ng banyo. Linisan ang dog house. Teka, wala naman kaming aso ah." napa-iling ako. "Tanggalin lahat ng buhok sa lahat ng hairbrushes. Lampasuhin ang sahig, pader at kisame. Patayin lahat ng langgam at butiki sa bahay. Palitan lahat ng kurtina. Linisin ang septic tank. Linisin ang kabilang bahay. Linisin ang highway sa tapat. etc. etc."
Halos manlumo naman ako sa lahat ng nabasa ko. Napatingin ako sa orasan. Malapit nang mag-6pm at wala pa akong nagagawa.
Sa tingin ba talaga nila, kaya ko gawin lahat ng yun sa loob ng anim na oras?!!! Mamamatay ako nun eh!! Waaaahh! HUHUHU.
Habang minimop ko ang sahig, nagsimula nang bumaba ang kambal.
Kadiri talaga ng color ng gowns nila! Jessica, ube and cheese. Tapos si Krystal naman, orange and red. Ang LAME!!!! Ewww. Kung ako lang ang designer nila, hindi ganyan! Never evah!
"Oops!" sabi ni Jessica at naglakad na parang walang nangyari.
Tinadyakan lang naman niya ang timba na may tubig kaya natapon ito sa sahig.
Demonyo much?!
Natawa lang naman si Krystal at si Tita Pets habang sabay-sabay silang lumabas sa main door.
6:30pm...
30 minutes na at first floor palang ang natatapos ko.
"Waaah..." iyak ko. "Hindi ko na kaya!" naghihingalong napaupo ako sa sahig.
Grabe! Parang gulay na ang katawan ko sa pagod! Ang hirap pa maghabol ng butiki!
'knock knock'
Napatingin ako sa pinto at gumapang papunta dun.
Nang buksan ko ito, isang nakangiti at fully dressed na Do Kyungsoo ang bumati sakin. At kasama sa likod niya ang mahigit dalawang dosena na babaeng naka maid uniform.
Kung saan sila sumakay? Hindi ko alam!
"K-kyung?" gulat na bulong ko habang nakatingin sakanya.
"Hello, Baek." naka-smirk na sabi niya. "I'm here to save your night."
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top