Baekla 10





* * * * *



~Park Chanyeol~



Kanina pa ako nakatitig sa kisame pero hindi ko parin alam ang sagot sa nararamdaman ko. 



Oo. Nalilito ako. Nalilito na ako sa nararamdaman ko. 



Gusto ko si Byun Baekhyun. Matagal na. Matagal ko na siyang gusto. 



Nakakainis lang kasi hindi ko masabi sabi sakanya yun. Puro nalang false acts ginagawa ko. 



Nakaka frustrate talaga maging torpe. And calling me the school hearthrob is more than stupid! ARGH!



Dati sure na sure na ako sa nararamdaman ko na gusto ko siya pero...



I heard that voice. 



Ngayon nalilito na ako kung sino ba talaga ang gusto ko. 



That voice in the music room changed me. 



I can't believe that i fell for that voice. I fell in love. I really did. 



Kaya ngayon... yung feelings ko para kay Baekhyun... meron parin pero... ARGH! EWAN! 



"ARRRGGHH!!! NALILITO NA AKO!!!" sigaw ko at napasabunot sa ulo ko. 



Pesteng pag-ibig to oh! 



Posible kayang... dalawa silang mahal ko?! 


















~Byun Baekhyun~




Kinuha ko yung suit na isusuot ko at ipinatong sa kama saka kinuha ulet. OMG. So tuloy na tuloy na talaga ako! WAAHH! Grabe. Ano kayang brand ng eyeliner ang gagamitin ko?



"BAEK!!! BAEKHYUN!!!" 



Super shocked naman ako sa sigaw ni Krystal o Jessica, ah! Ewan! Kaya halos mabitawan ko na yung kaka-plantsa ko palang na damit sa floor! My ghad. Phew! 



Agad naman akong tumakbo para buksan ang pinto at bumungad sakin ang galit na galit na mukha ni Jessica. 



"Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya. 



Inirapan niya ako. "Ayusin mo nga yung damit ko para bukas ng gabi." utos niya habang naka crossed arms. "Ayusin mo, dali!" sabay tulak sakin papunta sa kwarto niya. 



"Sunod nalang ako." daing ko naman at bumalik sa kwarto ko pero pinigilan niya ako. 



Tinignan niya ako ng masama. "So, hindi ka na sumusunod ngayon ha? Baekhyun?!" 



Hindi ako nakasagot. Hindi maganda pakiramdam ko sa babaeng to. 



"Baka gusto mong isumbong kita at di ka na payagang pumunta sa ball." pagbabanta ni Jessica habang naka ngisi. 



Sheyt lang. Alam niya ang weak spot ko these days. ARGH! Kaasar talaga tong kambal na to! Sarap hambalusin eh!



"Oo na, oo na." naiinis na sagot ko kahit pinilit kong itago yun. Naglakad na ako papunta sa kwarto niya pero napatigil ako nang hindi siya sumusunod sakin. 



Nilingon ko si Jessica at nakitang nakatingin siya sa loob ng kwarto ko. "Jessica? Hindi ka ba susunod sakin?" tanong ko habang kinakabahan na. 



Napatingin siya sakin. "Huh? Ah. Oo." sagot niya habang lumilingon-lingon sa kwarto ko. 



Hindi maganda pakiramdam ko. 



Parang may masamang mangyayari. 














"Para namang walang sira tong damit mo." sagot ko kay Jessica habang hawak-hawak na ang karayom at sinulid. 



Napataas ang kilay niya at lumapit sa ball gown niyang ube and cheese ang kulay. Yuck! So baduy talaga. Ewww. 



Pero nagulat ako nang punitin niya ang isang side nito.



"Oh ayan." sagot niya habang naka pameywang. "May sira na. Masaya ka na?" at nagtaas ng kilay.


Napa-iling ako. Hindi ko inexpect na ganito ka lukaret ang mga step sisters ko. Gumagawa lang naman sila ng tarabaho ko eh!



Hinila ko na yung damit niya at sinimulang tahiin. 



"Aalis muna ako." biglang sabi ni Jessica. "Babalik din ako agad. Huwag na huwag kang lalabas dito kung hindi, mananagot ka sakin. Understood?" may halong pagbabanta na sabi niya. 



Tumango ako kahit na nag-aalala ako. Ano bang balak ng dalawang to ngayon? 



Huminga nalang ako ng malalim at nagsimulang magtahi. 



Ay punye! Pag yung dalawang yun may ginawa nanaman ah! Ewan ko nalang! RAWR!












"Jessica!" sigaw ko habang inaayos na yung mga gamit panahi. 



My ghad. Sumakit ang fingers ko dahil sa damit ng babaeng yun! Hindi naman niya sinabi na super tigas pala ng tela! Para ngang hindi na tela eh. Kainis. 



"Jessica!" sigaw ko ulit at binuksan yung pinto. 



Wala namang tao sa hallways at wala ring tao sa kwarto ni Krystal. 



Napa-shrugg nalang ako at nagsimula nang umakyat sa kwarto ko. 



Nung malapit na ako, nagulat ako nang makasalubong ko ang kambal. 



May hawak silang malaking supot at dalawang gunting. 



Bigla akong nakaramdam ng kaba. 



"Anong ginawa niyo sa kwarto ko?" tanong ko sakanila nang makasalubungan na kami. 



Nanlaki ang mata nilang dalawa at hindi nakasagot ng ilang segundo bago nagtaas ng kilay si Krystal. 



"Anong pake mo?" pag susungit niya. "Bahay namin to." dagdag pa niya na lalong nagpa-inis sakin. Bahay nila? Bahay ko to na INAGAW nila. 



Napataas ako ng kilay. "Trespassing yang ginawa niyo eh." sagot ko naman. 



Tinaasan lang nila akong kilay. Pero napunta yung tingin ko sa hawak nilang supot. 



"Ano yan?" tanong ko sabay turo sa hawak nila. 



Agad hinila ito ni Jessica. "Wala kang pake, Baekhyun." matigas na sabi niya pero may halong kaba. 



Mas lalo akong nagduda...



at kinabahan. 



"Ano nga yan, Jessica?" tanong ko ulit. 



Hinila pa ito ni Jessica palayo sakin at sinubukan akong lampasan pero mabilis kong hinigit yung supot. 



"Ano ba?!" sigaw ni Jessica pero huli na ang lahat. 



Nakita ko na yung laman. 



At halos manlumo ako sa nakita ko. 



"A-anong--" 



Narinig ko silang natawa. "Sorry Baek. Pero hindi mo talaga deserve pumunta sa ball na yun." sabat ni Krystal. 



Laman ng supot ang punit punit na damit ko. Yun pala ang purpose ng mga gunting na hawak nila. 



Gustong gusto kong patayin yung kambal sa oras na to pero mas nangibabaw sakin ang lungkot. 



Siguro nga tama sila.. Hindi ako pwede sa ball na yun.



Kasi... i don't belong. 



Napahigpit ang hawak ko sa supot at kumuha ng isang punit na tela. 



Wala siguro talagang lugar ang mga kagaya ko sa GVA. 



Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na napigilan pa ang maiyak. 



Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko habang naririnig ang mga tawa nila. 



Pagkarating ko dun, humiga ako at umiyak. 



Napaka malas ko talagang tao. Sobra. 



'toot toot'



Kinuha ko ang phone ko at nakita ang text ni Kyungsoo. 



From: Owl Kyungsoo

See you on Monday night Baek! xoxo.



Agad akong nagreply. 



To: Owl Kyungsoo

Hindi na ako makakapunta. 

Wala na akong idadamit. 



Habang naghihintay sa reply ni Kyungsoo na hindi na dumating, naramdaman ko nalang ang pagod. 



At nakatulog ako habang umiiyak. 






* * * * *


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top