Baekla 1
* * * * *
~Byun Baekhyun~
Nagmadali akong bumaba ng hagdan. Two at a time kumbaga! Mahirap nang mabungangaan nanaman ng mga chakang tao sa ibaba.
Eh bakit kasi nila ako sa attic inilagay kung kailangan naman nila ako madalas, diba? Ano to? Lokahan? Hay grabe. Naiistress ako.
"BYUN BAEKHYUN!!!" sigaw pa ni Tita Bruha este... Petunya pala. Tita Petunya.
"Andiyan na po!!!" sabay tapak ko sa ibaba. Grabe! Sa third floor pa yung kwarto ko. Grabe talagang pagmamalupit nila sa ganda ko. Kumusta naman yun diba?
Tinignan lang ako ng masama ni Tita Petunya habang nakaupo siya sa sofa sa sala. Naka gown siya kahit andito lang siya sa bahay wtih matching alahas pa.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi siya tumatanda physically kasi puro siya derma. Derma dito, derma doon. Pabinat dito, pabinat doon. Anti-aging pills dito, anti-aging pills doon. Yung mga ganung drama ba.
"May lakad kayo, Tita?" tanong ko.
Umiling siya at sinenyasan akong iabot yung magazine sa tabi ko. Agad ko namang kinuha yun at binigay sakanya. "Wala naman." sagot niya at binuklat yung magazine. "Pero yung mga prinsesa ko, meron."
PWE. Prinsesa. Ampapangit naman, ang aarte pa. Kaasar lang?
Napataas yung dalawa kong kilay. "Saan naman po?" dapat magalang ako. May hihilingin pa ako mamaya eh. Hehehe.
"You see, sa Green Valley Academy na sila mag-aaral sa pasukan. Kaya samahan mo silang bumili ng mga bagong gamit." Tumango ako. So, ako nanaman ang magbubuhat ng lahat ng bibilhin nila. Ganun naman yun eh.
At para bang right on cue, biglang dumating sina Jessica at Krystal na naka--- GOWN?!
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa. Bat sila naka-gown?!
Mukhang nagulat din si Tita Pets kasi naka nganga lang siyang nakatingin sakanila.
"So?! Ano pang hinihintay mo diyan, Baek?! Kunin mo na yung susi sa car!" matinis na sigaw sakin ni Krystal.
"Like OMG! You're so matagal like a snail! Ewww." reklamo pa ni Jessica.
Eh kung sapakin ko nalang kaya tong mga to?! Ang aarte eh!
"Ah. Sige sige." sagot ko naman at pumunta para kunin yung susi ng sasakyan.
"Krystal, Jessica! Ano ba yang mga suot niyo?! Sa mall lang naman kayo pupunta ah!" narinig kong sigaw ni Tita Pets.
"Mommy! Ikaw nga, dito sa house lang oh! My gosh. You're so annoying!" reklamo naman ni Jessica.
I just rolled my eyes. Grabe. Spell MAARTE. Bwisit lang.
Napa-sigh nalang si Tita Pets at tinuloy yung pagbabasa.
Pagkarating ko sa garage, inistart ko na yung sasakyan at nagmadali namang pumasok yung dalawa. Naka gown parin pero buti nalang hindi ballgown. Long gown lang. Isipin niyo nalang kung gaano ka-hassel yung ballgown na ang lalaki ah.
"OMG Baekhyun! You're so mabagal talaga!" reklamo ni Jessica habang nagda-drive ako. Oh kita mo na, alalay at driver na ako ngayon ah. Saan ka pa diba?
"Traffic oh!" sagot ko naman.
"Ah so, sumasagot ka pa?! Sumasagot ka pa?! Baka gusto mong isumbong kita kay Mommy! Babawasan niya allowance mo!"
Napa buntong hininga nalang ako. Ano bang laban ko?
Pagkarating namin sa mall, parang gusto kong kainin nalang ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Pinagtitinginan ng mga tao sina Krystal at Jessica habang naglalakad. Para bang gusto nilang tanungin, "Allowed ba ang baliw sa mall?"
"Look Krystal, they're staring at us oh." narinig kong bulong ni Jessica while giggling.
Pinalo naman siya ni Krystal habang tumatawa din. "Sabi sayo eh. Tama tong idea ko. Center of attraction nanaman tayo! Kyaaah!"
I backed away a few steps from them. Naka simpleng t-shirt, pants, at sneakers lang ako. Ayokong humalo sa dalawang ito. Nakakahiya talaga. Nakakahiya one million times.
Nauna silang pumunta sa isang fashion boutique.
Nilapitan ko naman si Krystal at kinalabit. "What?!" annoyed niyang tanong sakin.
"Akala ko ba bibili tayo ng mga gamit sa school?"
"Oo nga!"
"Eh bat mga damit ang tinitignan niyo?"
She rolled her eyes. "Duh! Syempre, kasama na dun ang fashion needs namin, Baek! Tanga ka talaga! Duh-uh?"
"Kelan then tayo bibili ng notes?"
"Mamaya!" tas marahan niya akong tinulak. "Dun! Dun ka nga! Busy ako, tumayo ka nalang diyan!"
Napa-iling nalang ako at lumabas ng boutique. "Bibili-bili, di naman marunong manamit. Pwe." bulong ko. Totoo naman! Ang kadiri kaya ng fashion trends nilang dalawa. Baduy at corny.
Sa tabi ng fashion boutique na yun ay isang men fashion boutiqe. Napatingin ako sa display sa harap at talaga namang nagandahan ako. Isang simpleng outfit para sa pasukan. Hoodie, pants, at boots.
Pero nanlaki yung mata ko sa presyo ng buong outfit. "2.5 million won?!" sigaw ko kaya naman tinakpan ko agad yung bibig ko at tumingin sa paligid. May mga taong napatigil at napatingin sakin kaya naman binalik ko nalang yung tingin ko sa window display na yun. Grabe naman! Mamumulubi ka naman para lang sa damit na yan. Ano yan? Gawa sa ginto at pilak?
"Maganda diba?"
"Ay elf!" sigaw ko dahil sa gulat.
Nilingon ko naman yung nagsalita at nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Si Park Chanyeol. Ang ultimate hearthrob sa school namin at model ng kung anu-anong mamahaling brand ng damit. Baka nga siya pa ang model netong ginintuang botique na to.
Naka-cap siya at naka-hoodie. Parang may tinataguan at panay pa ang tingin niya sa paligid. Kelan pa siya naging kriminal?
Ganito kasi yun, mula elementary, kaklase ko na siya. Pero ngayon lang kami nag-usap. I mean, ngayon palang niya ako kinausap. Saka masyado kasi akong tahimik noon saka hindi ko siya feel ka-chat. Kahit pa sobrang gwapo niya, out of my league ang mga ganitong tipo ng guys.
"Iniinsulto mo ba ako?" naka kunot noong tanong niya.
"Huh?" Then naalala ko yung sinabi ko. "Ah hindi!" sagot ko naman habang winawagayway yung kamay ko. "Expression lang yun. Expression." at napakamot ako ng ulo.
Bigla siyang ngumiti. Ang kanyang famous derp smile na cute sa tingin ng lahat.
Except sakin. Ang creepy kaya!
"Biro lang!" at tumawa siya ng malakas. Ang lalim talaga ng boses niya.
"Kkaebsong~"
"By the way, I'm Park---"
"Baek!!! Asan ka?!"
Nagulat naman ako sa sigaw ni Jessica kaya agad akong tumakbo papunta sakanila. Panira talaga yung Chanyeol na yun! Mukhang mapapagalitan pa ako.
"San ka ba galing?!" bwisit na bwisit na tanong sakin ni Jessica pagkarating ko sakanila.
"Sorry. May nakausap lang ako kanina sa labas." depensa ko naman at binuhat na lahat ng pinamili nila. Grabe! Ang dami naman neto! Tig isang dosena ata sila ng paperbags! Di bale, kukuha nalang ako ng cart mamaya sa department store. Pakikiusapan ko nalang si Manong Guard.
Lumabas kami ng boutiqe at pumunta sa pinakamalaking bookstore doon sa mall. Dito nalang daw sila bibili ng mga things nila sa school.
Habang namimili naman sila ay pumunta ako sa department store para kumuha ng cart, yung malaki. Pagbalik ko ay nilagay ko na dun yung mga paperbags.
Nanlaki naman yung mga mata ko sa dami ng binili nilang notebooks at ka-echusan. "Bat ang dami?! Junior high palang tayo ah!"
Tinignan ako ng masama ni Krystal. "So?! Marami naman kaming pera ah! Ikaw ba magbabayad?!"
Umiling lang ako at umirap naman siya sakin. Eh ang point ko lang naman, hindi nila magagamit lahat ng to. Masasayang lang. Ano ba yan.
Sinusundan ko lang si Krystal nang marinig namin ang sigaw ni Jessica.
"Kyaaaaaah!!!" at nagmamadali siyang pumunta samin.
"Why?! Ano yun?!" tanong ni Krystal sa kakambal niya.
Hingal na hingal si Jessica habang namumula. "S-si... P-park... KYAAAAAAH!!!" Hindi na niya tinapos yung sasabihin niya at hinila nalang si Krystal papunta sa kung saan man.
Sumunod naman ako sakanila habang tulak-tulak parin yung cart. Anong meron?
Pagkarating namin sa isang stall, isang lalakeng naka-hoodie at cap ang pinagkaka-guluhan. Mga anim na babae lang naman pero halatang inis na inis yung lalake at binababa yung cap niya.
"Si Park Chanyeol!!!" sigaw ni Krystal at tumakbo na silang dalawa papunta kay Chanyeol.
Tama siya nga. Yan pala yung damit niya kanina.
Napa-pamaywang nalang ako habang umi-iling iling. Ganyan na ba sila ka-obsessed?!
Biglang napatingin sa gawi ko si Chanyeol. Napangiti ito at nag-wave.
Lumingon naman ako sa likod ko at nakita...
Wala naman.
Tumingin ako ulit sakanya pero wala na siya. Naglalakad na siya palayo habang sinusundan ng mga fangirls niya.
"Bat kilala ka niya?!" sigaw ni Krystal habang papalapit sakin.
Napakunot noo ako. "Ha?"
"Bat kilala ka ni Baby Yeollie ko?!" hinawakan ni Krystal yung dalawa kong balikat at niyugyog ako nang niyugyog.
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. "A-anong kilala?! Hindi ako yun!"
"Eh sino?!" inis na tanong nila. Sabay pa ah.
Nag-isip ako agad. "S-si Michaela! Andun kasi siya sa may bandang likod ko kanina!"
Napalupaypay silang dalawa.
Si Michaela ang head cheerleader ng school namin noon at sure akong hanggang sa Green Valley ay siya parin. Siya ang girl hearthrob sa school, Miss Popular at rumored girlfriend ni Park Chanyeol. Maganda kasi talaga siya saka yung typical sexy type. Malaking boobs, malaking pwet, maliit na balakang, mahabang legs. Yung mga ganung tipo.
Napa-iling nalang ako habang pinapanood sina Krystal at Jessica na naiiyak.
Ano bang nakita nila si Chanyeol na yun eh mukha naman siyang mayabang na presko na ewan?
Pero gwapo. Ideal type. Ideal boyfriend.
Napa mental slap ako sa isip ko.
Byun Baekhyun! Ano bang iniisip mo?!
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top