Finale ½
TRIGGER WARNING: SUICIDE STORYTELLING AHEAD! READ AT YOUR OWN RISK.
❝Anim na taon na akong naghihintay sa katotohanan—
Ng sagot sa lahat ng mga katanungan.
Ngayong nasagot na 'yon at nakita na kita
Akala ko magiging sapat na.
Gusto kong ako pa rin ang mahal mo, Ramona . . .❞
Naghintay sa akin si Ramona na makuha ang gamit ko sa classroom at makapag-time out sa trabaho bago kami lumabas ng campus. Nadaanan pa namin si Mark at Moana na kumakain ng turo-turo sa labas. Nag-iwas ng tingin si Moana sa amin habang si Mark naman ay halatang masayang-masaya para sa akin.
Siya ang nakakita ng lahat ng paghihirap ko kay Ramona kaya alam ko na totoong masaya siya para sa akin ngayon.
"Hindi ka muna ba magyoyosi?" tanong ni Ramona nang makita ang smoking area sa labas.
Bahagya akong tumawa. "Hindi na ako nagyoyosi."
Bahagyang umawang ang bibig niya bago tumango at ngumiti. Itinuloy na namin ang paglalakad palayo sa eskwelahan, hanggang sa makapasok kami sa Starbucks na nagbukas dito two years ago.
Nang makahanap ng bakanteng pwesto at maka-order, naupo na kami sa upuan. Tumingin si Ramona sa labas ng glass wall na para bang kinikilala niya ang lugar na dati'y naging parte siya.
"Ang laki na ng pinagbago nito. Ang dami nang new establishments," sabi niya habang nasa labas pa rin ang atensiyon.
Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kan'ya. Inobserbahan ko na lang ang lahat ng pinagbago sa kan'ya habang abala siya.
Hindi na siya nakasuot ng long sleeve ngayon. Hindi ko alam ang tawag sa damit niyang suot pero may manipis 'yong strap habang may nakalaylay na tela sa ibaba ng balikat niya na parang handa na siyang magpabakuna any time.
At dahil hindi na nga siya naka-long sleeve ngayon, kitang-kita ko ang braso niya na dati itinatago niya sa lahat. Bakas ang napakaraming peklat doon, lalo na sa gawing palapulsuhan niya. May ilang halatang malalim ang naging sugat pero hindi tulad dati, hindi na halata ang mga napakaraming sugat niya noon. Kung hindi tititigan, hindi pa mahahalata na may mga peklat.
Isa pa, mas mapayat siya ngayon pero mas maputi. Hindi na mataba ang pisngi niya, 'di tulad noon, pero nagmukha siyang matured at napakaganda niya talaga ngayon. Mukha na talaga siyang professional.
Nagdo-doctor na siguro siya ngayon.
"Caleb and Mona!" pagtawag ng barista sa amin.
Nagkatinginan kami ni Ramona pero nauna na akong tumayo sa kan'ya para kuhanin ang mga order namin. Pagkatapos, bumalik na ako sa kan'ya.
"Thanks," nakangiting sabi niya bago humigop sa Caramel Macchiato niya.
Tumango ako bago nagsalita. "So, kumusta ka na?"
Ibinaba niya ang kape sa lamesa bago nagkibit-balikat. "I was busy studying. All those years that I was away, nag-aaral lang ako noon." Nag-iwas siya ng tingin. "Well, except for the first few months."
Ngumiti siya sa akin pagkatapos. Gusto kong magtanong tungkol doon pero mali yata na biglain siya, kaya susubukan ko na lang na unti-untiin sa pagtatanong, hanggang sa umabot na kami sa puntong sasabihin niya sa akin lahat.
Napatango ako. "Then . . . are you in . . . med school?"
Ngjmiti siya nang maliit bago humigop muli sa kape. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako kaya pati ako, napahigop na rin sa Americano ko.
"Uhh . . ." Ibinalik niya ang tingin sa akin. "I'm studying at a law school."
Kumabog ang dibdib ko sa isinagot niya. Sa lahat ng hindi ko inaasahan, 'yung sinabi niya ang talagang nagpasakit ng loob ko.
"Pero--"
Ngumiti siya. "Caleb, who I was when we're together, is not the same person as I was the moment I woke up from a long sleep."
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "W-What?"
Nagbuntonghininga siya. "Noong naglayas ako, hindi naman ako lumayo noon. Nandito lang ako, pakalat-kalat. I lost my will to live when--that night before you saw me outside your house, sleeping--Chase died because of a hit-and-run one afternoon when I walked him after my class. Manang and I buried him in the backyard of our house."
Umawang ang bibig ko sa balitang sinabi niya. Ni hindi man lang pumasok sa isip ko ang tungkol kay Chase. Hindi ko man lang naisip na nangyari 'yon habang nagpapakagago ako sa sarili kong buhay dahil lang sa maliit na pagkakamali.
Lumunok siya kasabay ng pangingintab ng mga mata niya. "I couldn't even visit him now." Bahagya siyang tumawa. "But, after that, I cried everything before I went to your house. Gusto ko sanang ibalita sa 'yo pero baka mag-alala ka at hindi makapag-review since magsisimula na ang final exam. Kaya I took all the notes I wrote for you then went to your house. I rang the doorbell a few times but no one opened the door for me. But I know you're there because the guard told me that you didn't go out all day."
Humigpit ang hawak ko sa kape nang maalala ang araw na 'yon. Hindi ko pa nakakalimutan kung paano ko ipinaramdam sa kan'ya ang kawalan ko ng interes . . . ang sama ng loob . . . na pinagsisisihan kong lahat simula noong nawala siya.
"Kaso galit ka pa rin, eh. Naiintindihan ko naman 'yon. I also understood the way you reacted and I never had any hatred because of that. 'Yun nga lang, when Chase died and when you made me feel like you're pushing me away, like you don't need me, it felt like I lost everything."
Ngumiti siya nang maliit. "I treated Chase like my own son. And you, Caleb, were everything to me back then. I felt unwanted--it feels like nobody needs me anymore back then. It felt like I lost the purpose that I found when I met you. I lost my purpose--everything. My parents never asked about how I am unless it's about my acads. I got fed-up. I lost my sanity and chose to run away from everything."
Humigop siya sa kape at nanahimik ng ilang minuto. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita, pero anong sasabihin ko? All those things that she's saying now is too much for me to take.
I wasn't aware of that--of everything she's telling me now. I wasn't aware of what happened back then and all I could feel now is regret everything for neglecting her.
"I was homeless. I was just there, pakalat-kalat. I couldn't even took a bath or eat because I don't feel like doing it. I watched you for a few weeks to come and go to the village and ask for news of my whereabouts. I know everything you did on the first few weeks that I was away. I know where you took your work immersion.
"But it was only a few weeks that I can tolerate because I know that I failed you. I was giving up on my life. I couldn't fight anymore. I had no face to show you. I was so disappointed in myself.
"Until a month after, I decided to . . . to end in all. I really don't know how to live anymore. My mom and dad was crying. They were desperately looking for me. But that time, my anger with my parents was so big. Gusto ko lang naman mabuhay sa paraan na gusto ko. Gusto ko lang mag-aral nang hindi nila kinukumusta from time to time. Kasi, my acads were very stable. Ako yung hindi, kaya bakit hindi ako ang kumustahin nila?"
Umagos ang mga luha niya matapos sabihin 'yon. Sumisikip ang dibdib ko ngayong naririnig ko ang lahat ng ito sa kan'ya. Hiyang-hiya ako para sa sarili ko dahil . . . sa lahat ng oras na kailangan ko ng karamay, nasa tabi ko siya. Pero noong ako na ang kailangan niya, pinagtutulakan ko siya.
"Gusto ko lang naman noon na kumustahin nila ako, at hindi ang pag-aaral ko. What hurt me the most that pushed my limit is when Mama told me na, 'aso lang yan, you can get another one,' when, literally, Chase is my child, for me. Sa kan'ya ako unang nakahanap ng purpose sa mundo. Sa kan'ya ako unang humugot ng lakas ng loob. Chase is not just a dog. He is a family. Why can't my mom understand that before?"
Marahan niyang pinunasan ang mga luha niya bago itinuloy ang pagsasalita.
"And so I bought a rope. I went to the city's bridge one midnight and tied it tightly. Then I hanged myself." She laughed like it's a fucking funny story when I am fuming mad right now. "But a policeman under that bridge saw me jump on the bridge with a rope around my neck. He immediately fired the gun to it, making the rope cut off. I fell into the water but he swam and saved me."
Umiling siya habang tumatawa nang mahina. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya. Gusto kong magsalita at magalit sa kan'ya sa mga nagawa niya noon pero sino ako para makaramdam ng galit? Isa ako sa dahilan kung bakit niya nagawa yon.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang makinig at paulit-ulit na magsisi sa lahat ng nangyari noon.
"They took me to the hospital and called my parents. I was already conscious that time when they arrived into the hospital. But my desire to die is still very clear to me. I still hold a grudge against my parents at that moment. So, when they took me back home, I asked them not to tell you anything because it would be a waste to let you know about my reappearance when I still had a lot of plans to die back then."
Nahigit ko ang paghinga ko sa narinig. Wala sa sarili kong ipinatong ang dalawang siko saka inihawak sa anit ang magkabikang kamay.
"Ramona, why didn't you trust me?" I asked in frustration.
She sighed. "Mali ka. Ikaw lang ang taong pinagkatiwalaan ko, Caleb. That moment, I just didn't want you to be hurt anymore because of me. If you found out that I was recovered by my parents, then you'll find out next that I died, that will hurt you even more. I asked them not to tell you because . . ." Lumunok siya nang lumunok na para bang nahihirapan na siyang magsalita. "Because I had a feeling that hanging myself won't be successful. So I bought a bottle of sleeping pills and hid it with me."
Uminom siya sa kape niyang nangangalahati na ngayon. Tumingin siya sa akin.
"Wala pang isang linggo nang makauwi ako, I overdosed myself with the sleeping pills because I really am tired, Caleb. I feel so tired and all I wanted was to rest in the most peaceful place everyone knows. Why won't you all let me?"
She laughed again. I wanted to shout at her whenever she did that because there's nothing funny in this whole fucking conversation.
"Manang was fired because it was in the morning already when they found out that I was unconscious. She was fired for not checking up on me. To be perfectly honest, they should be the one to check on me from time to time, not Manang, kasi sila ang mga magulang ko. I only found out about it after I woke up from a month of coma. You wouldn't know how angry I am at myself because of that."
"Ramona--"
"Just listen to me first." She cut me off.
Wala na akong iba pang nagawa kung hindi ang tumango at makinig sa lahat kahit gaano kasakit sa dibdib ko ang lahat ng nalalaman ko.
"Mama had a trauma in that house because she's always reminded of the sight of me, lying on the floor, unconscious. Siya kasi ang nakakita sa akin. So, they decided to sell it for the sake of Mama's mental health. She was so close to getting insane, Papa said. So they decided to let go of it."
Well . . . maybe that explains why the guard told me that day that Mrs. Castillo is not in her usual self.
"Do you know how I woke up, Caleb?" I gulped but didn't answer. "I heard your voice."
Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya. Bahagya siyang ngumiti bago kinuha ang wallet at inilapag sa lamesa ang polaroid namin sa retreat house, kasama ang papel na may maikling sulat para sa kan'ya. Ito 'yung mga laman ng envelop na iniabot ko sa mama niya noon.
"Mama opened that because she thought it might help me to wake up. Hindi niya alam kung ano ang mayro'n sa QR code kaya ini-scan niya at p-in-lay ang audio. That same time, I opened my eyes. I gained my consciousness from a month of coma. That's all I heard from Papa kaya 'yan lang ang masasabi ko sa 'yo tungkol d'yan."
Tinitigan kong mabuti ang picture namin noong nasa retreat house kami. Katulad lang 'yon ng nasa akin pero iba ang voice record. Kinuha ko ang papel na pinilas ko lang noon sa notebook at binuksan. Binasa ko ang maikling nakasulat doon.
Ramona,
Mahal na mahal kita.
Caleb.
Gusto kong ngumiti pero matapos kong marinig ang mahabang kwento niya tungkol sa mga panahong wala ako, sa mga panahong sumuko na siya, hindi ko na magawang iangat nang kahit kaunti ang mga gilid ng labi ko.
"Yan ang nagpalakas ng loob sa akin noon. 'Yan ang kinapitan ko--ang kinuhanan ko ng lakas--para magpatuloy. After I heard your voice, after I read your letter, I know that this is you who's talking to me from afar. This is you who's telling me to keep on fighting. Ito ang dahilan kung bakit . . . bakit ko na-realize na napaka-selfish ko para sumuko. Napaka-selfish ko para ipasa sa iba't ibang tao ang sakit na nararanasan ko ngayon kung sakaling namatay nga ako. I realized how cruel I am because I wasn't giving myself enough time to heal, to improve, to learn . . . to forgive . . . to love myself."
Lumunok siya kasabay ng muling pag-agos ng mga luha niya.
"I learned all that while I was recovering. I learned about every bad thing I've done to the people around me, to you, and to myself the very first day I opened my eyes. And so I cried it all. I cried about everything. Lahat ng kinimkim ko noong mag-isa lang ako, iniiyak ko lahat noong nasa hospital ako."
She heaved a sigh.
"And after I got discharged from the hospital, I stayed in a psychiatric facility to get my mental health problems treated. I got therapy sessions and sometimes, I got under sedated when I had an episode of hurting myself again. Gladly, I recovered but I still continued taking medicines when I thought it is needed up until now."
From feeling regretful and mad earlier, now I feel a little bit at ease because of how she helped herself become better. Humigop ulit siya sa kape niya. Napansin ko na sa pakikinig sa lahat ng sinasabi niya, nakalimutan ko nang inumin ang kape ko kaya naman napainom na rin ako ngayon.
"After that, I took especial class for senior high since hindi ko nga natapos. Hindi ko nakuha ang final exams and work immersion. Inayos ni Papa lahat at kinuha ang mga dapat kuhaning requirements sa school natin kaya naman natapos ko rin ang Grade 12 at nakapag-work immersion. And then I had my diploma without the graduation ceremony, but I had a graduation photoshoot so I think it's just fine."
Tumango-tango ako nang ilang ulit sa narinig pero may hindi pa rin ako naiintindihan sa lahat ng sinabi niya ngayon.
"But . . . why are you in law school now? Why didn't you take Medicine?" I asked.
Malungkot na ngiti ang iginawad niya bago sumagot. "Like I've said earlier, I learned about the mistakes I made. Paano ako magliligtas ng buhay kung ilang beses kong pinatay ang sarili ko noon? Ang kapal naman ng mukha ko para patuloy na pangarapin ang profession na 'yon." Tumawa siya nang mahina.
"And now, I am on my journey to being an attorney, like my parents, because I realized, kung hindi ko matutupad ang pangarap ko, tutuparin ko na lang ang pangarap ng mga magulang ko. It's actually fun. I enjoyed it even though this course is fucking hard." She laughed before looking straight at me again. "Wala pa akong pinagsisisihan sa pinili kong 'to, Caleb."
Gustuhin ko mang matuwa sa huling sinabi niya, hindi ko pa rin magawa dahil mas nalulungkot ako na hindi niya natupad ang kagustuhan niyang maging doctor.
Huminga siya nang malalim bago ngumiti. "And here I am now in front of you. I purposely went to see you to tell you everything. This is long overdue. Ipinagkait ko sa 'yo 'yung karapatang malaman mo ang lahat so I came here to personally apologize. I'm sorry for everything, Caleb. I'm . . . I'm sorry for not seeing you. For purposely making everything about me private so you won't see me. I'm sorry for all the emotional damage I've caused you simula noon. I'm really . . . really sorry."
Nagbuntonghininga ako bago sumagot. "Wala ka nang dapat ihingi ng tawad, Ramona. Ang importante lang naman sa akin, buhay ka. Ang importante, nandito ka na. Ang importante lang naman sa akin . . . malaman kong maayos ka na." Ngumiti ako nang bahagya. "Ayos na sa akin lahat ng 'to. Lahat ng ginawa mo para matulungan mo ang sarili mo, ayos na sa akin. Wala ka nang dapat ihingi ng tawad."
Lumunok ako bago muling nagsalita. "Ako ang dapat mag-sorry dahil sa ginawa ko. I'm sorry dahil . . . dahil nasaktan kita noon. Ipinaramdam ko sa 'yo na hindi kita kailangan nang dahil lang sa maliit na pagkakamali. Ramona, I'm sorry that I wasn't there for you on the days that you need me the most. You never knew how regretful I am because of everything I did. I'm so sorry."
Ngumiti siya at tumango. "I'm already through with it. I've already moved on from the past. You don't have to say sorry anymore. Everything is already done and we're both fine. 'Yun lang naman ang mahalaga."
Nang maubos na ang kape niya, kinuha na ulit niya ang polaroid at sulat, saka ibinalik sa wallet. Inilagay niya 'yon sa loob ng bag bago tumingin sa akin.
"Anyway, I think I should go. May pasok na ulit ako bukas. May event lang sa school ngayon na hindi naman required puntahan kaya hindi ako pumasok at nakapunta dito."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at nakaramdam ng takot dahil . . .
Aalis ka na naman. Iiwan mo na naman ako.
"Ramona, saglit pa lang tayong magkasama--"
Ngumiti siya bago nagsalita. "Caleb, it's been years. You should move on from the past. You should find a girl who you'll love and marry in the future. You're 24 and I am 23. It's time for us to focus on ourselves and move on from the past. Tapos na 'yon. We already received the apology that we need from each other. I need to go."
Tumayo siya pero hindi pa nakahahakbang, nagsalita na ako. "Kung gano'n . . . bakit bumalik ka pa at nagpakita sa akin kung aalis ka lang din ulit?"
Lumunok siya bago muling tumingin sa akin. "I told you. I purposely came here for the explanations and apologies that I owe you. Wala na akong ibang rason maliban do'n."
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Alam kong ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na ayos lang sa akin kung may iba na siyang mahal, o kung hindi na ako ang mahal niya. Basta makita ko lang siyang maayos, okay na ako.
Pero hindi ko pala kaya.
Anim na taon na ang nakalipas pero 'yung nararamdaman ko para sa kan'ya, gano'n pa rin. Wala pa rin ipinagbago.
"Hindi mo na ba ako . . . mahal?"
Namula ang mga mata niya sa itinanong ko kasabay ng sunod-sunod na paglunok niya. "Anim na taon na, Caleb. Ano bang . . . inaasahan mo?"
"Na ako pa rin."
She chuckled. "Bakit? Ako pa rin ba?"
Ngumiti ako nang maliit. "Ikaw lang naman. Wala namang naging iba."
Bahagyang umawang ang bibig niya na parang hindi inaasahan ang sinabi ko. Ilang sandali pa, tumawa siya. "Don't lie."
Tumayo ako para mas magkaharap kaming dalawa. "Hindi ako nagsisinungaling. Kahit kailan, hindi ako nagsinungaling sa 'yo."
Nahigit niya ang hininga niya bago nag-iwas ng tingin. "I-It doesn't matter, Caleb. I . . . I really need to go."
Pagkatapos n'on, tuluyan na siyang umalis at iniwan akong mag-isa na nakatayo sa p'westo namin.
🚬
Please wait for the part two. Thank youuuu! <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top