Chapter 60
❝Ang dami ko pang gustong sabihin sa 'yo
Ang dami ko pang ikukwento sa pagbabalik mo.
Pero paano pa ba magtatagpo ang landas natin
Kung pati ang pamilya mo, lumisan na rin?❞
Kinabukasan, bago ako pumasok sa company para simulan ang work immersion ko, maaga akong umalis ng bahay para dumeretso sa village kung saan nakatira si Ramona. Nagpaalam ako sa guwardiya kung p'wede ba akong pumunta sa bahay nila Ramona. Noong una, ayaw pa akong payagan. Pero dahil sa pangungulit ko at pagsasabi na may ibibigay lang, tumawag na siya sa kanila para sabihin na nandito ako.
"Ayaw pa noong una ni Mrs. Castillo pero pumayag na rin dahil sabi ko, nangungulit ka. Sige na, pumasok ka na, hijo."
Ngumiti ako sa guwardiya. "Maraming salamat po."
Mabilis kong tinakbo ang pagitan ng guard house at ang bahay ni Ramona, hanggang sa nakarating na ako sa harap ng napakalaking bahay nila. Humingal pa ako nang ilang segundo para makapagpahinga nang kaunti bago pinindot ang doorbell.
Kabang-kaba ako habang naghihintay ng taong magbubukas ng gate. Hinihiling ko na sana, si Manang na lang ang magbukas para hindi ako masiyadong mahiya o matakot, kumpara sa mga magulang ni Ramona.
Pero hindi talaga lahat ng hinihiling natin, nakukuha natin . . . dahil ang nagbukas ng gate para sa akin ay si Mrs. Castillo.
"Caleb, akala ko ba malinaw na sa 'yo ang pinag-usapan natin? Babalitaan kita kung mayroon kaming nahanap na lead kung nasaan si Ramona. Pero sa ngayon, wala pa ring balita," irita at dismayadong sabi niya.
Lumunok ako nang ilang ulit bago iniabot sa kan'ya ang isang envelop. Bakas ang pagtataka sa kan'ya sa ibinigay ko. Magtatanong pa sana siya nang magsalita na ako.
"Gusto ko lang po sanang ibigay n'yo kay Ramona 'yan kapag nahanap n'yo na siya. Matagal na ho kasing nasa akin 'yan. Noon ko pa dapat ibibigay sa kan'ya pero nagkaroon kami ng problema."
Matagal ang titig niya sa envelop na hawak. Nakikita ko rin ang paggalaw ng lalamunan niya maging ang paunti-unting pamumula ng ilong niya.
"Gusto ko ho kasing tuparin 'yung hiniling n'yo sa akin. Na pagbutihan ko sa work immersion, sa pag-aaral ko. This time po, ma'am, mag-aalala pa rin ako sa anak n'yo pero ipapangako ko ho sa inyo na may mararating ako, kahit na may bisyo ako at walang magulang na gumabay sa akin noong tumatanda na ako. Gusto ko hong ipakita sa inyo na . . . kaya ko ho. Para sa sarili ko. At para na rin mapatunayan ko na karapat-dapat ako para sa anak n'yo."
Matagal siyang nanahimik. Nakatitig siya sa akin at ilang ulit na lumunok. Hanggang sa nagbuntonghininga siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.
"I was just worried about you when I found out that your parents are not with you. My words--my voice--were just strong but I am not as cruel as you and my daughter thought I am. At your age, at the age that you started living alone, dapat may magulang ka pa na gumagabay sa 'yo, kaya nag-iba ang tono ko noon dahil nagagalit ako sa mga magulang mo kasi hinayaan ka nilang mag-isa. I can never imagine my daughter alone in her life while I'm with another family, just like your parents did."
Napaawang ang bibig ko matapos kong marinig ang biglaang pagpapaliwanag niya sa akin. Kumabog ang dibdib ko at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, gumaan ang pakiramdam ko.
"I was never against your relationship with my daughter. Everyone just misunderstood me. Even my daughter doesn't know that. I never saw her glow like that. Ngayon lang, noong nag-aral siya dito. All I wanted was for her to have a bright future. All I wanted was what's best for her. And what's best for the important people in her life, and you're a part of it. Kaya gusto ko sanang mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo, hijo, dahil alam kong matalino ka. Gusto kong magtiwala ka sa amin na mahahanap namin siya."
Napalunok ako kasabay ng pagtingin ko sa ibaba. Ramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko at ang lungkot ng pinag-uusapan. Gusto kong humingi ng tawad sa kan'ya pero mukhang hindi 'yon ang kailangan niya.
"Naiintindihan ko ho." Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at ngumiti, kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko. "Magtitiwala ho ako sa inyo. Hindi na ho ako makikialam o mangungulit na makibalita. Hihintayin ko na lang ho ang tawag n'yo."
Ngumiti si Mrs. Castillo kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng mga luha niya.
"Maraming salamat sa pagpapasaya sa anak ko. Hindi kami titigil hangga't hindi namin siya nahahanap."
Tumango ako sa kan'ya bilang tugon bago nagpaalam na aalis na. Tumango naman siya bago nagsalita.
"Mag-iingat ka, hijo. Makakarating ito kay Mona. Pangako," sabi niya kasabay ng pag-angat ng envelop na hawak.
Tumango ako bago tumalikod na at naglakad paalis ng village.
🚬
Buong mga linggo at buwan na nagdaan, wala akong ibang ginawa kung hindi ang gawin ang trabaho sa work immersion, tapusin ang community service na penalty ko sa school, at gumawa ng narrative report para sa mga experience ko sa company.
"Yosi tayo," sabi ni Mark pagkalabas namin ng campus matapos magpasa ng weekly report ngayong Biyernes.
Nang makarating sa smoking area, sabay kaming nagsindi ng yosi namin, humithit ng usok at ibinuga. Ilang segundo pa ang nagdaan bago siya nagsalita.
"Balita sa bata mo?"
Nagkibit-balikat ako. "Wala pa rin tawag 'yung mama niya. Wala pa rin sigurong progress."
Humithit at nagbuga siya ng usok bago muling nagsalita. "Bakit hindi ka dumalaw? Mahigit isang buwan na tayong nagwo-work immersion, wala pa ring balita, ah? Baka kailangan mo nang puntahan 'yung mama niya at makihingi ng balita."
Nagbuntonghininga ako bago nag-iwas ng tingin. "Nangako ako, gago. Mahirap sirain yung tiwala ng magulang ng taong mahal mo."
Tumawa siya sa sinabi ko. "Can't fucking relate. Gago!"
Nagtawanan na lang kaming dalawa habang nagpapaligsahan sa pausok. Ilang sandali pa, napalingon kami sa mga kaklase namin na kalalabas lang ng gate. Humagalpak na naman ng tawa si Mark.
"'Tang ina nito, may hawak na namang kape si Calista! Kape na ba dumadaloy sa ugat mo?" malakas na sabi niya.
Nagtawanan ang mga kaklase namin bago lumapit sa amin. Sinuntok ni Calista si Mark habang nakipag-fistbump naman sa amin ang boyfriend niyang si Fierro.
"Ikaw nga yosi na amoy ng buong pagkatao mo, eh!" bulyaw ni Calista bago tumingin sa akin nang masama. "Kayo nitong si Caleb!"
Napaawang ang bibig ko dahil bakitnako nadamay?! Nananahimik lang ako rito, 'tang ina!
"Anyway, kumusta? Wala pa rin balita kay Mona?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Wala pa rin."
Nagbuntonghininga si Calista habang si Mark at ang ibang mga kasama ni niya naman ay nag-uusap tungkol sa kung ano-ano.
"Miss ko na si Mona. Sana nasa maayos na kalagayan lang siya."
Gustong kong matuwa dahil kahit na kaming dalawa lang palagi ni Ramona ang magkasama noon, marami pa ring ibang nag-aalala sa kan'ya ngayong hindi alam ng kahit na sino kung nasaan siya o kumusta na siya. Hindi ko rin naman sila masisi dahil naging mabuti naman sa lahat si Ramona. Tinutulungan niya sila sa mga bagay na p'wede siyang makatulong, at nakaka-proud lang na saksi ako ng lahat ng 'yon.
Gusto kong ikwento sa kan'ya lahat ng 'to pagbalik niya. Na sa kabila ng pagkawala niya, hindi nakalimot humingi ng balita ang mga kaklase at mga professor namin tungkol sa kan'ya.
Maraming nagmamahal sa kan'ya. Sana . . . sana huwag niyang makalimutan 'yon habang mag-isa siya sa kung nasaan man siya ngayon.
Ramona, bumalik ka na. Marami kaming naghihintay sa 'yo.
🚬
Matatapos ko na ang 350 hours ng work immersion ko pero wala pa rin akong naririnig na balita mula kay Mrs. Castillo tungkol sa paghahanap kay Ramona. Alam kong nangako ako na hindi na pipilitin pang makibalita ako, pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, iba na ang kutob ko nitong mga nagdaang linggo.
Pagkauwi ko galing sa company, dumiretso ako sa village kung saan nakatira sina Ramona. Hindi ako nagpumilit na pumasok. Sa halip, nakipag-usap ako sa guwardiya na naka-duty.
"Mukhang may dadalawin na ho kayo sir, ah?" pangangantiyaw ng guwardiya.
Ngumiti ako. "Gusto ko lang sanang kumustahin ang mga Castillo. Matagal na kasi silang hindi nagpaparamdam. Sabi nila, babalitaan nila ako pero wala pa rin akong naririnig sa kanila, eh."
Umawang ang bibig ng guwardiya sa sinabi ko. "Ay, gano'n ba? Akala ko may bago ka nang nobya. Matagal nang umalis ang mga Castillo dito. Mahigit isang buwan na rin siguro. Hindi na kasi nila nahanap pa si Miss Mona. Huling kita ko nga'y parang wala sa sarili si Mrs. Castillo at tulala lang."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Wala akong gustong intindihin sa lahat ng narinig ko ngayon dahil hindi ko matanggap.
Nangako sila na hahanapin nila si Ramona. Nangako silang babalitaan nila ako. Nangako silang hindi titigil sa paghahanap sa nag-iisang anak nila. Ngayon . . . ano 'tong naririnig ko?
"W-Wala na rin si Manang Eba dito?" wala sa sariling tanong ko.
"Wala na, hijo. Binebenta na ang bahay nila r'yan. Balita ko nga, may kumukuha na rin kaya baka hindi magtagal, may iba na ring maninirahan sa bahay nila. Marami naman daw property ang pamilyang 'yan kaya madali para sa kanilang magpalipat-lipat ng bahay."
Naibagsak ko ang magkabilang balikat ko sa lahat ng narinig. Gusto kong himatayin na lang at 'wag nang magising sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, pero para saan pa ba?
Wala na ba?
Hanggang dito na lang ba?
Ramona . . . nasaan ka na ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top