Chapter 58
❝ Bakit ba kung kailan huli na ang lahat
Saka natin ginagawa ang mga bagay
Na p'wede naman nating gawin sa simula pa lang?
Bakit kung kailan wala na sa atin
Saka natin hahanapin at ipaparamdam
Lahat ng nararamdaman natin para sa kanila? ❞
Walang kahit isang minuto akong naitulog no'ng gabing 'yon. Hindi ko magawang matulog nang mahimbing ngayong alam kong hindi kami sigurado tungkol sa kalagayan ni Ramona. Ang dami nang laman ng isip ko--wala nang space pa para maisip kong matulog.
Bago ako umalis ng bahay para pumasok, tumawag ako sa telepono ng bahay nina Ramona. Tulad ng inaasahan ko, sinagot 'yon ni Manang gamit ang lagi niyang linya tuwing sumasagot ng tawag.
"Castillo residence po. Magandang umaga!"
Gusto kong ngumiti dahil ang saya-saya ng boses niya tuwing sumasagot sa tawag pero alam ko na isa siya sa pinakanag-aalala kay Ramona ngayon. Tumayo na siyang pangalawang nanay nito, kaya alam ko na kung natatakot ako ngayon, mas natatakot si Manang sa p'wedeng mangyari kay Ramona.
"Manang . . . m-may balita na ba?"
Hindi ko alam kung ano na bang klase ng boses mayroon ako ngayon pero alam ko sa sarili ko na walang sigla. Kung nandito si Mark, sasabihin niya na para akong patay dahil wala akong kasigla-sigla. Siguro . . . gano'n ulit ako ngayon.
"Caleb . . . ikaw pala 'yan. Wala pang balita," mahinang sagot niya. "Nandito ang amo ko, mamaya na tayo--Manang, sino 'yang kausap mo?"
Naigalaw ko ang ulo nang marinig ko ang boses ng mama ni Ramona.
"Ahh . . . k-kaklase ho ni Mona. Pinatatanong kung makakapasok dahil last day na raw ng final exam nila ngayon."
Kung normal na araw 'to, humanga na ako dahil sa magaling na pagpapalusot ni Manang at 'yung katotohanang alam niya talaga ang schedule ni Ramona sa school. Pero hindi ito ang tamang panahon para do'n.
"Pakisabi sa classmate niya na nagpadala na ako ng excuse letter sa school nila. Wala ka nang ibang sasabihin, Manang."
Napalunok ako at nawalan ng pag-asa na makakakuha ng balita ngayong narinig ko kung paano maging amo ang mama ni Ramona kay Manang. Kung ipipilit ko siguro, baka madamay pa si Manang at mawalan ng trabaho.
'Tang ina naman.
"Sige na, Caleb."
Pagkatapos n'on, ibinaba na ni Manang ang tawag. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ibaba na lang din ang telepono at pumasok sa eskwelahan, dala ang project namin sa PerDev.
Ayaw ko na sanang tapusin 'to dahil wala akong gana pero pinaghirapan naming dalawa 'to. Kung hindi siya makakapagpasa ngayon, kahit ako na lang sana. Isa pa, gusto kong malaman ni Miss Nimfa kung paano ang pagkakakilala ko sa kan'ya. Gusto kong malaman niya kung gaano kabuting tao si Ramona.
Nang makarating ako sa loob ng classroom, late ako ng limang minuto. Pero dahil examination day ngayon, 7:55 hanggang 8:00 AM pa ang simula ng pagche-check ng attendance. Naabutan ko lang doon ang class president na kinokolekta na ang project na 'yon sa PerDev.
Nang makaupo sa p'westo, binuklat ko ang folder at binasa ang summary na ginawa ko para sa emotional area ni Ramona. Hindi ko alam kung paano ko nagawa 'to kaninang madaling-araw habang nag-aalala sa kan'ya at iniisip kung ano na bang nangyari sa kan'ya. Pero matapos kong basahin 'yon lahat, napagtanto ko na tama ang lahat ng isinulat ko base sa pagkakakilala sa kan'ya.
Ramona Castillo has her way of making herself escape from the emotional pain, and that is by causing herself physical pain. It was a toxic trait that needs to be fixed. I thought, at first, that it is ridiculous to hurt yourself because who wanted to experience pain?
But upon knowing her, I realized that it is her way of punishing herself. She wanted to do something in her life but she was told to do other things by her parents. She's punishing herself because she couldn't say no to anyone, especially to her parents. She couldn't fight for what she really wanted in life.
She was very grateful because they let her live in this world. She was spoiled with things that she wanted and needed to have. She was very thankful because she got to experience a good life that not many can experience. And because of that, she felt like she needed to do her parents a favor by doing the things she was told to do.
She was never stable--mentally and emotionally. With the months that we spend together, she usually has a lot of episodes where she'll feel hopeless--that her life will be doomed if she continue living. She wanted to reach her dreams but doing this means disobeying her parents. She never wanted to disappoint any of them.
She never wanted to disappoint any people around her. And because of that, she's continuously getting disappointed with herself, because she never takes her freedom to do what she wants without thinking of other people's opinion. And because of this, she continues to punish herself by hurting herself.
Ramona has long given up on her life--even before the two of us met in this school. She believes that "giving up on your dream is the same as giving up on your own life." And because she knew that she couldn't easily pursue her dream, she chose to pursue her parents' dream, instead. She told me once before that, if she continue living without doing what she wants, she'll suffer for the longest term. Her reason for that is, once she chose to live without pursuing her passion, she has to live her life doing the things she never wanted . . . for the rest of her life.
Despite all these giving up and hopelessness, Ramona never forgot to be a good person. She helped me get through things I am suffering from. She stayed with me because she knew what it feels to be alone in trying times. She tried to solve my long-term problem but failed miserably in the end.
Or so, she thought, because after thinking of all those things alone, I realized that I am lucky to have her in my life. She did things on her own because she doesn't want me to feel bad anymore. She may have done it in the wrong method, but the way she made me feel that "I'll always have her" makes me feel a lot better.
I hope that she'll continue to find for another reason to live, when the reason that she has now is failing her.
"Caleb, kuhanin ko na 'yung sa PerDev mo."
Napaangat ako ng tingin sa class president. Isinarado ko na ang folder at iniabot sa kan'ya. Pagkatapos n'on, itinuon ko ulit ang buong atensiyon ko sa labas ng classroom, nagbabaka-sakali na makita ko si Ramona.
Nagsimula nang mag-check ng attendance ang professor. Hindi na ako nagtaka na hindi na tinawag pa ang pangalan ni Ramona. Naalala ko kasi na sinabi ng mama niya na nagpadala na siya ng excuse letter sa school. Pero nakakapagtaka na mukhang hindi nag-aalala ang mga professor.
Hindi kaya nila sinabi na nawawala si Ramona? Bakit inililihim nila? Hindi ba dapat, nagtutulungan kami ngayon na mahanap ang anak niya?
Napabuntonghininga ako nang ipinaalis na ang mga gamit na nasa table at ipinababa na ang mga bag namin. Ilang sandali pa, ipinamigay na ang questionnaire para sa unang subject na ie-exam para sa araw na 'to.
🚬
Natapos ang final examination at lumipas pa ang mga araw, wala akong natanggap na balita tungkol sa paghahanap nila kay Ramona. Hindi ko alam kung wala ba talaga silang progress sa paghahanap sa kan'ya, o ayaw na lang akong bigyan ng balita ni Manang. Paulit-ulit lang kasi ang sinasabi niya sa tuwing tumatawag ako.
"Basta, babalitaan kita, hijo. Pasensiya na talaga."
Isang linggo na ang nagdaan, wala pa rin. Tapos na ang pagki-clearance namin para sa semester na ito at sa mga susunod na linggo lang, available na ang grades namin. Pero wala pa rin siya. Hindi pa rin niya tini-take ang mga final exam namin.
Kinagabihan, matapos kong tawagan si Manang at wala ulit nakuhang balita tungkol kay Ramona, para akong nawawalan na ng pag-asa. Gusto ko na lang gumawa ng sarili kong paraan para mahanap siya, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Naupo ako sa harap ng study table ko at tumulala nang ilang minuto. Wala akong maisip gawin dahil walang ibang laman ang isip ko kung hindi si Ramona. Wala sa sarili kong binuksan ang drawer ng study table ko at doon nakita ang isang pamilyar na notebook ko.
Naalala ko 'yung mga araw na nagsasanay akong gumawa ng sulat para sa kan'ya. Kung saan-saan pa ako naghanap ng tutorial para makagawa ng disenteng sulat na kailangan ni Ramona, pero sa huli, wala akong nagawa.
Hindi ko alam kung anong isusulat ko noon, kasi hindi ko naman alam kung anong tamang sabihin sa sulat. Naniniwala kasi ako noon na bakit isusulat pa ang p'wede namang sabihin nang personal? Pero nang dahil sa retreat na pinuntahan namin ni Ramona, naintindihan ko lahat.
Maraming mga salita ang hindi kayang banggitin ng sarili nating bibig, kaya kinakailangan ng mga tao ang tulong ng kamay, ballpen at papel para isulat ang mga salitang hindi kayang bigkasin.
Kinuha ko ang notebook mula sa drawer bago 'yon isinarado. Kumuha rin ako ng ballpen mula sa ballpen holder at nagsimulang magsulat.
Ramona . . .
Hindi ko pa rin alam kung anong isusulat ko rito. Hanggang ngayon, naghahanap pa rin ako ng tamang salita na p'wede kong gamitin sa sulat na ito. Hindi ko nga rin alam kung mababasa mo pa ba 'to. Magkikita pa ba tayo?
Hanggang sa naalala ko ang mga salitang kahit kailan, hindi ko nasabi sa kan'ya.
Inilipat ko ang page ng notebook at nagsimula ulit magsulat. Sinimulan ko sa paglalagay ng date sa itaas na kanang bahagi ng papel, bago nagsimulang magsulat ng mga salita na hindi ko alam kung makakarating pa ba sa kan'ya.
Ramona . . .
Mahal na mahal kita.
Mabilis na umagos ang mga luha ko nang maramdaman ko ang sakit. Kung bakit ba naman ngayon ko pa naisip gawin ang lahat ng 'to--sabihin ang mga salitang ito--kung kailan mukhang huli na ang lahat?
Siguro naman, kapag nabasa mo 'to, sasagot ka, hindi ba? Kapag nabasa mo 'to . . . sasabihin mo rin sa akin 'to, 'di ba? Please, Ramona. Sana sumagot ka.
Sana . . . sana manatili kang buhay kung nasaan ka man ngayon.
Sana . . . nasa maayos ka pang kalagayan ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top