Chapter 45
❝ P'wede ko namang sabihin din sa 'yo
Na 'yon din ang pinakamasayang gabi ko
Dahil kasama kita at ikaw ang una
At huling beses na makikita
Pagkagising ko sa umaga
At sa gabi bago ipikit ang mga mata.
Wala akong kaalam-alam na noong oras na 'yon
Nangangarap na pala ako
Ng habambuhay kasama mo. ❞
Natapos na ang lahat na magbasa ng sulat na ginawa nila. Ako na lang ang hindi tumatayo pa para magbasa dahil wala naman akong babasahin. Wala naman akong naisulat.
"Lastly, Mr. Caleb. Can you read us the letter you wrote?"
Napalunok ako bago nag-angat ng tingin. "I couldn't make one. I . . ." Napabuntonghininga ako kasabay ng pagyuko. "I don't know what to write. I'm sorry."
Ilang segundong tumahimik ang madre bago mahina itong tumawa, dahilan para mapaangat ako ng tingin. "You must be really used to your isolation, Caleb. Don't say sorry. It's okay. One can never really force someone to do something that they never used to do in the past."
Umayos siya ng tayo at naglakad-lakad sa gitna ng bilog nang may malawak na ngiti sa labi. Habang pinanonood siya, nakaramdam ako ng hiya at disappointment sa sarili ko, dahil, kung lahat nga nakagawa ng simpleng sulat lang, sino ako para hindi magawa 'yon?
Pero huli na ang lahat. Tapos na ang journaling activity. Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil biglang dumami 'yung idea ko matapos marinig ang mga binasa nilang sulat, kaso, huli na ang lahat.
"Thank you so much, everyone, for attending this activity. May you all find your inner peace in life. I hope that you'll forgive yourself for all the mistakes that you commit in the past, forgive whoever has done you wrong, accept and love every person for a better experience in this beautiful life. May God bless you all and I will be praying for the best for your individual journey in life. For now, we may all stand up and come to the dining area for our dinner. See you all next time!"
Tumayo ang lahat at nagpalakpakan habang nagpapasalamat bago lumabas ng function hall. Gusto ko na ring lumabas pero nagdadalawang-isip ako.
Gusto ko rin gumawa ng sulat.
"Caleb, tara na," pagtawag ni Ramona sa akin habang nasa pintuan.
"Caleb, do you need anything?"
Napalingon ako sa madre na nasa harap ko na ngayon. Maaliwalas ang mukha niya at nakangiti habang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng kaba kaya napalunok ako bago nag-iwas ng tingin.
"Can I still . . . make a letter?" Hindi kaagad siya nakasagot kaya naman dinugtungan ko. "I don't want to leave this place disappointed at myself for not being able to do such a simple thing. I . . ." I sighed as I looked at her. "I want to write a letter, too. Can you give me a chance?"
Mahina siyang tumawa bago ipinatong ang kanang kamay sa balikat ko. "You can always write a letter anytime, Caleb. You don't need my approval. You can even write a letter in your own home after this retreat—"
"But this letter is what I want to write," I said, cutting her off. Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. "I've never written a letter before so I don't know how to do it properly. I can't think of a person who had a big impact in my life because I have always been alone—before. I want to . . . I want to be better. I want to write a letter that's asked from me."
Napakunot-noo siya. "Asked from you?"
I nodded. "I wanted to write something that's asked from me. You asked us to write a letter, right? That's what I want."
"And not the one you'll write voluntarily?" Tumango ako, dahilan ng pagtawa niya. "Okay, what do you want me to do now?"
Napalunok ako bago sumagot. "A deadline."
"When are you leaving this place?"
"Tomorrow morning."
"Then read the letter in front of me before you leave this place. You will see me here. I will be waiting."
Ngumiti ulit siya bago tinapik ang balikat ko, saka lumabas ng function hall. Naiwan akong mag-isa sa gitna na parang wala sa sarili.
Puta, nababaliw na ba ako?
"Let's go."
Lumingon ako kay Ramona na hanggang ngayon ay nandoon pa pala. Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago naglakad papalapit sa kan'ya. May dalawang hakbang pa ang layo ko, naglakad na siya papalapit sa akin saka ako niyakap.
"I love you," she said before she hugged me tighter. "I'm so proud of you."
Para akong nabuntan ng tinik nang marinig ko ulit sa kan'ya 'yon. Napapikit ako bago huminga nang malalim saka siya niyakap pabalik.
I will make you proud even more, Ramona. I just hope that you'll stay with me until the end. Wait until I can say too, that I love you.
Nang kumalas siya sa yakap, hawak-kamay kaming naglakad papunta sa dining area para kumain ng dinner. Pagkatapos n'on, dumiretso ang lahat sa nakasinding bonfire sa hindi kalayuan at muling naupo sa sahig nang nakapaikot. May mga ilang attendees na nagkakantahan habang tumutugtog ng gitara at hinahampas ang inuupuang beatbox.
Wala akong alam sa mga kanta na kinakanta nila.
"How could a heart like yours ever love a heart like mine? How could I live before? How could I have been so blind? You opened up my eyes..."
Ilang sandali pa, nagbago ang timpla ng tugtog hanggang sa iba na naman ang kinanta nila. This time, alam ko na kung ano 'yon.
"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way..."
"Hi, Mona!"
Napalingon ako sa tumawag sa kan'ya. Nakita ko na 'yung babaeng katabi niya pala 'yon pero hindi ko alam kung anong pangalan.
"You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try..."
"Uh, hello," nakangiting pagbati niya pabalik.
"I'm Eli." Nakipag-shakehands ito sa kan'ya. "Naalala kita kasi isa ka sa may pinaka-remarkable na letter kanina. Also, napansin ko kasi 'yung mga nasa braso mo. I have those, too."
Itinaas ng babae ang sleeve at doon ko nakita na may mga sugat din siya na katulad ng kay Ramona. Hindi marami pero, the fact na may cuts siya, pareho sila na may pinagdaraanan.
"Unlike you, I wanted to live more. Kaso, dumarating talaga sa point na hindi mo na alam kung tama pa ba na nandito ka pa sa mundo. Nagkakaroon ako ng existential crisis kasi I'm standing in the middle of my dream and something that will give me money. My dream is to draw. I love art. But my job is, you know. Doctor."
Nakita kong umawang ang bibig ni Ramona pero hindi nakapagsalita.
"I didn't say that I don't like my job. I'm only saying that I love art. Pero siyempre, adult na ako. I'm 28 so I need money to secure my future. Pero dahil laging packed ang sched ko bilang doctor, naisasawalang-bahala ko na 'yung unang bagay na minahal ko."
Tumango si Ramona pero may lungkot sa kan'ya. "I don't really get the point of 'securing the future,' Miss Eli. Why do people kept on thinking about the future when we're living in the present? Minsan lang tayo mabuhay sa mundo. We should live our life the way we want. Minsan, kase-secure natin sa future, nakakalimutan natin 'yung buhay natin ngayon. Napababayaan na natin."
Pipigilan ko na sanang magsalita si Ramona dahil nakikita ko na natutulala na lang si Eli sa kan'ya pero bago ko pa magawa 'yon, nadugtungan na niya ang sinasabi niya kanina.
"We exhaust ourselves today in doing the things that will secure the uncertainty of tomorrow. How sure are we that we will wake up tomorrow, right? Why don't we choose to live our life the way we want? How sure are we that we will get old? What if we die young?"
Tumawa si Eli sa sinabi niya. "Ang morbid."
"But that's the reality."
Bahagya ulit na tumawa ito sa sinabi ni Ramona. Ilang sandali pa, itinuon niya ang pansin sa bonfire na nasa harap bago nagbuga ngnmalalim na buntonghininga.
"Thank you, Mona." Lumingon siya sa kan'ya hanggang sa tumingin siya sa akin at ngumiti. "That guy beside you loves you more than you know. He just doesn't know anything about it, yet."
Napakunot-noo ako sa sinabi niya pero hindi na nagsalita. Nag-iba na ang pinag-uusapan nila hanggang sa natapos na rin ang mga kumakanta, saka nag-share na ng sari-sarili nilang kwento.
Nang mag-9:30 PM., quiet time na kaya naman bumalik na kami sa sari-sarili naming k'warto. Lumabas ako sandali para patapusin maligo at magbihis si Ramona. Ilang sandali lang, tinawag na niya ako para ako naman ang maligo.
Nang matapos maligo, nahiga ako sa kama habang si Ramona ay may inilalagay sa mukha niya habang nakaupo.
"When are you going to write the letter?" tanong niya.
Tumagilid ako ng higa bago nagbuntonghininga. "Ewan ko. Mamaya? Bukas?" Bahagya akong tumawa. "Bahala na."
"P'wede kong basahin?"
Bahagya akong tumawa. "Oo naman."
"Yehey!"
Nang matapos na siya sa ginagawa niya, pinatay na niya ang lampshade sa pagitan ng kama namin at humalik sa labi ko.
"Good night, Caleb."
Napangiti ako bago hinawakan ang likod ng ulo niya para halikan din siya nang paulit-ulit. Tumawa siya, dahilan para matigil kami.
"Good night."
Nahiga na siya sa kama nang nakatagilid, nakaharap sa akin nang nakangiti.
"This is the best night ever," she said before closing her eyes.
Tumihaya ako at tumitig sa kisame. Napangiti na lang ako.
Yep. This is the best night ever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top