Chapter 44

❝ Bakit palagi na lang akong nabablangko

Tuwing sinusubukan kong sumulat sa 'yo?

Para akong nauubusan ng salita

At hindi malaman kung saan magsisimula.

Ganito ba talaga ang nangyayari

Kapag kapag ang dating walang pakialam ay natutong umibig? ❞

   

"Welcome, everyone! I want you all to take this chance to think of someone who had a big impact in your life that changed you," panimula ng magga-guide sa aming lahat ngayon para sa journaling activity na in-avail ni Ramona.

Pasado alas sais na ng hapon. Natapos na ang bible study at afternoon prayer para sa araw na ito at ang natitirang activity na lang bago ang dinner at bonfire mamayang gabi ay itong journaling activity.

Nakapaikot ang mga attendees sa loob ng function hall habang ang madre na nagsasalita ay nasa gitna at sinusubukang ituon ang paningin sa aming lahat.

Parang ang tagal na panahon na nang makakita ako ng madre. Bakit kaya ganito kaaliwalas ang mukha nila? Bakit . . . ganito kagaan ang presensiya nila?

"As you think of someone, take the pen and a piece of paper in front of you. Using that, make a letter that tells everything you feel about them—be it happiness, resentments, forgiveness—anything. Write everything with your heart."

Lumingon ako kay Ramona. Nakatitig lang siya sa madre habang nakangiti. Mahigpit ang hawak niya sa ballpen na parang may ibang naiisip.

"You can also offer a token for the person that you have in mind along with the letter that you're going to write. I will give you an hour to do the activity, and after that, you will read it to everyone. You don't need to think too much about that letter. Just relax yourself and write what you really feel. After all, the most sincere letters are the ones written with a heart—not solely with our mind."

Pagkatapos n'on, umalis na ang madre at iniwan ang lahat ng attendees sa loob ng hall. Tahimik ang lahat na nakatitig sa blangkong papel. Ang ilang estudyante na nasa loob ay nagkaroon ng bulungan—nagtatanungan kung anong tokens ang ibibigay nila o kung sino ang pagbibigyan nila ng sulat.

"Who will you write for?"

Napalingon ako kay Ramona. Curious ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Sino . . . 

Sino nga ba?

Pinakaimportanteng tao? Pinakamalaki ang impact sa pagkatao ko?

Sino?

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam."

Ngumiti siya. "I will write a letter to my mom." Kinuha niya ang papel bago nagsalita. "But, who knows how or when will I able to give this letter to her?"

Bahagya siyang tumawa bago umalis sa p'westo at naghanap ng p'wedeng pagpatungan ng papel. Inikot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar. Wala na ang bilog kanina dahil may kan'ya-kan'ya nang p'westo ngayon ang lahat. Ang iba ay nakadapa sa sahig, nakaupo, nakatayo habang nakapatong ang papel sa pader at ang iba ay nakasandal sa kung saan habang nakapatong ang papel sa hita at tahimik na ginagawa ang letter.

Lahat sila, nagsusulat na. Ako, wala pa rin maisip kung sino ang pagbibigyan ko at ano ba ang isusulat ko.

Para saan ba kasi ang mga sulat na ito kung p'wede mo namang sabihin sa isang tao ang lahat ng nararamdaman mo? Bakit kailangan pang isulat? Para saan?

Umatras ako nang umatras hanggang sa makasandal na sa malamig na pader. Kinuha ko ang papel at ballpen saka ipinatong sa hita ko, katulad ng ginagawa ng ibang attendees.

Si Ramona na lang kaya ang gawaan ko ng sulat? Baka p'wede ko nang kuhanin ang pagkakataon na 'to para maibigay sa kan'ya ang matagal na niyang hinihingi. Kaso, medyo matagal na niyang hindi nababanggit sa akin ang tungkol doon. Baka hindi niya magustuhan.

Pero gagawin ko pa rin.

Ramona,

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ilang minuto na ang nagdaan, hindi ko pa rin nadudugtungan ang mga nauna kong isinulat sa papel. Sa huli, pinilas ko na lang ang sinulatan at nilukot, saka itinabi sa gilid. Nabawasan na tuloy ang limang pirasong papel na ibinigay sa akin. Nasayang lang.

Bakit wala akong masabi kay Ramona? Ang dami-dami kong naiisip tungkol sa kan'ya pero kapag ganitong kailangan nang gumawa ng sulat, wala akong magawa.

Mahigit kalahating oras na ang nagdaan, wala pa rin akong maisulat. Nakita ko ang iba na nakangiti na at mahinang nagkukwentuhan dahil tapos na sila, habang ang iba ay tahimik lang sa gilid. Tapos na rin si Ramona. Nakatingin siya sa hawak niyang papel na parang binabasa ang mga naisulat niya.

Tiningnan ko pa ang ibang kasama ko. Wala nang nagsusulat. Mukhang tapos na ang lahat. Samantala ako, walang nagawa na kahit na ano.

"Tapos ka na?" tanong ni Ramona bago naupo sa tabi ko.

Natatawa akong umiling bago ibinigay sa kan'ya ang blangkong papel ko. "Wala akong maisip na sulatan. At wala akong maisip na isusulat." Napabuntonghininga ako bago ipinikit ang mga mata. "Hindi ko rin alam kung paano sisimulan."

"Huh?"

Napadilat ako sabay lingon sa kan'ya. Nakita ko na hawak na niya ang papel na nilukot ko kanina. Inagaw ko sa kan'ya 'yon saka muling nilukot.

"Gagi ka, bakit ako ang susulatan mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

I sighed. "You were asking for a letter from me, months ago. Sinubukan ko lang namang gawaan ka ng sulat pero hindi ko talaga kaya."

Maging siya ay napabuntonghininga. "Sabi ko naman sa 'yo, hindi ko na kailangan 'yung letter. Ayaw ko na 'yon. Hindi ko na gustong makuha 'yon." Lumingon ako sa kan'ya. Namumula ang ilong niya na para bang iiyak na siya. "Don't use this retreat to write me a letter. It will only worsen my situation, Caleb."

Hindi ako makapagsalita sa huli niyang sinabi. Napatitig lang ako sa kan'ya. Pinanood ko ang ilang ulit na paglunok at pag-iwas ng tingin niya sa akin.

Worsen her situation?

"What do you mean?" I asked.

Umiling siya. "Wala. Just . . . let me live my life the way I'm living it now. I don't need the letter anymore."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, umalis na siya sa tabi ko at bumalik sa p'westo niya kanina noong nakabilog pa kami.  Wala akong ibang magawa kung hindi ang magbuntonghininga at titigan ang blangkong papel na hawak ko.

Sino ba ang dapat na . . . sulatan ko?

Lumipas pa ang mga minuto, wala talaga akong naisulat kahit na isang letra lang. Bumalik na ang madre para sa reading ng letter samantala ako, hiyang-hiya sa sarili dahil wala akong babasahin mamaya.

Pinabalik na kami sa pagkakabilog at muli siyang pumagitna. Magkatabi kami ulit ni Ramona pero hindi niya pa rin ako tinitingnan.

"I assumed that you are all done with the letter for the person that had a great impact in your life."

"Yes," the attendees said in unison.

'Tang ina. Para lang akong saling-pusa dito, ah?

"Okay, who wanted to read the letter first?"

Walang nagtataas ng kamay o nagbo-volunteer na mauna kaya naman namili na lang ng kung sino ang madre at itinuro ang isang katabi ko.

"Wait, let me read your name," sabi nito bago tiningnan ang nametag na nasa kaliwang dibdib niya. "Okay, Miss Faith. You can start reading your letter."

Ngumiti ito bago tumango at tumayo. Binuklat niya ang nakatuping papel. Tumikhim siya bago nagsimulang magbasa.

"Dearest . . . Ate Hope."

Matagal na katahimikan ang namagitan sa lugar, hanggang sa ilang sandali pa, nabasag na ang boses nito at tuluyang umiyak.

"I'm sorry. I was never angry at you. I was just jealous because you had the chance to live your life happily, while I was alone since our parents had their t-tragic death, years ago. I was so . . . so envious, because, all my life . . . I looked up to you. And you left us because you started living abroad for good. You told me that you'll always be with me . . . with us . . . through thick and thin. But when you felt a little comfortable life there, you left me, mom and dad. You left us. You never visited us even once!"

Rinig na rinig sa kabuuan ng lugar ang pag-iyak ni Faith at maging ang pagsinghot ng ibang attendees dahil maging sila at naiyak na rin dahil dito. Habang ako, nakikinig lang sa kan'ya habang paulit-ulit sa isip ko ang mga unang sinabi niya sa sulat.

I was never angry at you.

Nang marinig ko ang linyang 'yon, isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

"And you came back just because our parents died. You came back and I shouted and pushed you away, telling you things that I never really meant in the first place. You came back when our parents were lying in a coffin, side by side! I was alone. I wanted you to be with me all throughout those days. I wanted you to be with me and my heart felt a little happy when you came home. But instead, I shouted at you and cursed at you. I even told you that . . . you shouldn't have come back . . . but I didn't really mean it."

Tinakpan ni Faith ang mukha niya gamit ang isang palad at umiyak nang umiyak. Napalingon ako kay Ramona na umiiyak na rin ngayon habang nasa sahig ang mga paningin, tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ni Faith.

"Instead of shouting back at me . . ." Humikbi siya nang paulit-ulit bago itinuloy ang pagbabasa. "You nodded and said sorry. You accepted everything and you never said a single excuse for what you've done. After that, you didn't make me feel that you were angry at me for shouting and shaming you in front of the people. You just let me say things and ignore you all those days that we're busy doing things for the funeral. You accepted every curse word I said like you feel like you deserved it."

Sa pakikinig ko sa binabasa ni Faith, parsng unti-unti kong naiintindihan kung ano ang gusto niyang iparating sa ate niya, gamit ang sulat na 'yon.

She missed her big sister. And the anger that she showed is her defense mechanism to hide it.

"Until, after our parents' 40th day, you bid your goodbye once again because you needed to go back to wherever you are living now. I never looked and talked to you until you finally left again because I so wanted to tell you to . . . please . . . don't go anymore. You're all I have now and I can't lose another person in my life again. Not you, Ate. Not anymore.

"But I guess, I don't have a choice but to let you go, because, who am I to ask you to stay when I have been pushing you away since the day that you came back? So, I let you go. You went to the airport alone with your things because I promised not to accompany you there. I just can't."

Unti-unti nang kumakalma si Faith ngayon. Pakiramdam ko rin, patapos na niyang basahin ang sulat dahil sa nakikita ko, nasa huling parte na siya ng letter na ginawa niya.

"I never had the courage to tell you that . . . the moment I saw you came home, I was so happy and relieved because I know that I am not alone. I was never alone because you were there. And that . . . I missed you so much. I hope that you will stay with me until the end. I wanted to tell you how much I badly wanted you to stay beside me while we were both grieving, but my pride won't let me.

"I truly understand your choice of living a better life abroad. I was only jealous because I wanted the same comfort in life. I wanted the same life that you have. I wanted it too but you left me. I felt betrayed, but . . . I was never angry. I never truly got angry at you, because I have always loved you. And the moment that you left again, that's when I realized that I'm only looking for someone to blame for all the pain I am feeling, and you were the first person to come in my mind, because I have always been truly thinking of you . . . each and every day. About how your days go by and if you're enjoying the best of your days. I never forgot about you even once.

"I hope this letter finds you well. I just want to say, I'm so sorry. I'm really, really sorry for all the bad things I've done to you. I hope that one day . . . we will be able to be together and talk things through like we used to do. I love you. Sincerely, Faith."

Matapos niyang basahin ang lahat ng nakasulat, bumalik na siya sa pagkakaupo habang pinupunasan ang mga luha. Unti-unting nagpalakpakan ang bawat isa sa loob ng function hall dahil sa sulat na ginawa niya.

"You are very brave, Miss Faith. Thank you for that warmest letter I have ever heard today. I know that the letter will find your sister well," sabi ng madre.

Tumango at ngumiti si Faith. "Thank you po."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top